You are on page 1of 2

Tanong:

1. Saan may mainam na pagkunan ng mga datos sa isinasagawang pananaliksik?


Bakit?

Sagot:
1. Una sa lahat, makakukuha tayo ng mainam ng mga datos sa iba't ibang anyo at
spesipiko nitong halimbawa. Ang mga anyong mayroon tayo ay nakasulat na datos
(libro, journal, magasin, pahayagan, liham, awtobiyograpiya, kronika, mapa, larawan,
kalendaryo, at iba pang kasulatan), pasalitang datos/panitikan (sining audio-biswal, iba’t
ibang labi, fossil, artifact, at iba pa), at ang primarya, sekondarya, o terserang datos
(primarya ang datos kung nanggaling ito mismo sa tinutukoy na pangyayari sa paksang
pinag-aaralan gaya ng interbyu; Sekondarya naman ang datos kung hindi ito
kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan at gumamit lamang ng mga primaryang
datos; Terserang datos naman ang turing sa mga sangguniang gumamit, nagtipon, at
naglagom ng mga primarya at sekondaryang datos gaya ng mga dokumentaryo).

Sa madaling salita, may makukuhang mainam na mga datos sa isinasagawang


pananaliksik sa mga parang nabanggit sa itaas, at ang mga nasa ibaba ang mga
spesipikong pinakaepektibong paraan ng pangangalap ng datos na maaaring
nakasulat, pasalita, primarya, sekondarya, o terserang datos:

Pananaliksik sa laboratoryo – mainam ang mga datos na makukuha sa mga


laboratoryo, pag-iinterbiyu sa mga bihasa sa laboratoryo, o kaya naman ay pagbabasa
ng mga libro mula sa isang pinagkakatiwalaang laboratoryo, sapagkat tunay, may
pinagbatayan, at dumaan sa masusing pag-aaral ang mga ginagawang eksperimento
ng mga nasa larangan ng agham. Ang datos ay nakukuha mula sa isang eksperto kaya
garantiyang totoo ito.

Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga dokumento at


impormasyon – mainam ang mga datos na makakalap mula sa mga aklat o
dokumentong makikita sa mga silid-aklatan, pribadong koleksiyon, simbahan,
munisipyo, museo at iba pa lalo na kapag ang mga may-akda nito ay mga
bihasa/eksperto (maaring historian, pari, scientist atbp.) at kilalang manunulat.
Pananaliksik sa larangan o ang pag-iinterbiyu sa mga respondente – mainam ang
mga datos na makakalap kung ang mananaliksik ay mismong mag-tutungo sa pook ng
pinag-aaralang paksa. Mainam ito dahil nakikipagtalakayan at nakikipagkapwa ang
mananaliksik sa kaniyang mga kalahok. Direktang nalalaman ng mananaliksik ang
sagot sa kanyang sinasaliksik mula sa mga target respondents niya na sumagot sa mga
katanungan.

You might also like