You are on page 1of 19

“Balik-Tanaw sa mga

Klasikong Metodo sa
Pagtuturo ng Wika”
Ang Metodolohiya at Ang
Pagtuturo ng Wika

Ayon kay Diane Larsen-Freeman (1987),


maaring tanawin ang metodolohiya bilang
isang tatsulok na ang bawat anggulo nito ay
kumakatawan sa isang batayang lawak sa
pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Pagtuturo ng Wika/Guro

Pagkatuto ng Wika/Mag-aaral Wika/kultura


Dulog, Pamaraan, Teknik
Ayon kay Edward Anthony, ang dulog ay
isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa
kalikasan ng wika, pagkatuto, at pagtuturo.
Ang pamaraan ay isang panlahat na
pagpaplano para sa isang sistematikong
paglalahad ng wika at batay ito sa isang dulog.
Ang teknik ay mga tiyak na gawain na
malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent
sa isang pamaraan at katugong dulog.
Pamaraan

Teknik Teknik Teknik


Metodolohiya: Ito ay isang pag-aaral ng mga
gawaing pedegohikal (kasama rito ang paniniwalang
teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito ay tumutugon
din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na
“paano ang pagtuturo”.
Silabus. ito ay isang disenyo sa pagsasagawa ng
isang partikular na programang pangwika, itinampok dito
ang mga layunin, paksang-aaralin, pagkakasunod-sunod
ng mga aralin at mga kagamitan pangturo na
makatutugon sa mga pangangailangan pangwika ng isang
tiyak na pangkat ng mag-aaral.
Teknik. Alinman sa mga gamiting pagsasanay o
gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang
mga layunin isang aral.
Pabagu-bagong Hihip ng Hangin...
Palipat-lipat na Pananaw
Ayon kay Marckwardt (1972:5) amg "pabagu-bagong
hihip ng hangin at palipat-lipat na pananaw" ay isang
hulwarang siklikal kung saan ay may lumilitaw na bagong
pamaraan tuwing ikaapat na hati ng isang siglo.Ang bawat
bagong paaraan ay paghuhulagpos sa luma ngunit dala nito
ang mga positibong aspekto ng dating pamaraan. Isang
magandang halimbawa ng pagbabagong ito ay makikita sa
Audio Ligual Method (ALM) sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Ang ALM ay nanghiram ng ilang simulain sa sinundan nitong
Direct Method na kumawala naman sa pamaraang Grammar
Translation Method.
Pamaraang Grammar Translation
(Pamaraang Klasiko)
Sa mga nakalipas na siglo, kakaunti kung
mayroon mang batayang teoritikal ang mga
metodolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Naging palasak sa mga klasrum na ang pokus sa
pagtuturo at pagkatuto ng wika ay ang tuntunin sa
balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan at iba't
ibamg impliksyon at pagbabanghay ng pandiwa,
pagsasalin at maraming pagsasanay. At noong ika-19
na siglo, ang Metodong Klasikal ay naging palasak sa
tawag ng Pamaraang Grammar Translation.
Si Gouin at ang Series Method
Si Francois Gouin, Pranses na guro ng Latin ay
isa sa mga haliging bato sa pagtuturo ng wika. Siya
tinaguriang tagapagtatag ng metodolohiya sa
pagtuturo ng wika.
Ang Series Method ay isang pamaraan sa
pagtuturo na kung saan ang target na wika ay
itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang
serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay
inilalahad sa isang konseptong madaling
mauunawaan ng mga mag-aaral.
Ang Pamaraang Direct
Pangunahing saligan ng Pamaraang
Direct ang Series Method ni Gouin at nanalig
din ito sa kaisipang ang pagkatuto ng
pangalawang wika ay kailangang kaulad din
ng pag-angkin ng unang wika – may
interaksyong pasalita, natural na gamit ng
wika, walang pagsasalin sa pagitan ng una at
pangalawang wika, at halos walang pagsusuri
sa mga tuntuning pambalarila.
Ang Pamaraang Audio-Lingual
(ALM)
Ang ALM ay batay sa mga teoryang sikolohikal
at linggwistik. Nakatala sa ibaba ang mga
pangunahing katangian ng ALM (halaw kina Prator at
Celce-Murcia 1979).
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalogo ang
mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang
panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala, at paulit-
ulit na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa
paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Ang mga tamang tugon sa mga
tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
5. Ang katutubong wika ayay hindi ginagamit ng
guro sa pagkaklase.
6. Sinisikap ng guro na gamitin ng mga mag-
aaral ang wika nang walang kamalian.
7. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at
itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
8. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at
karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga
pagsasanay na pares minimal.
Ang Mga Designer Methods ng
Dekada ‘70
Ang dekada ’70 ay makahulugan sa
kasaysayan ng pagtuturo ng wika sa dalawang
kadahilanan: una, sumigla ang mga pagtuturo ng
wika sa loob at labas ng klasrum at ikalawa, nabuo
ang ilang inobasyon kung hindi man mga
“rebolusyonaryong” paraan sa pagtuturo. Ang mga
designer methods (Nunan 1989) ay ibinabahagi sa
maramng guro bilang pinakabago at
pinakamahalagang bunga ng mga pananaliksik
pangwika.
1. Ang Community Language
Learning (CLL)
Isang klasikong pamaraan na batay sa domeyn na
pandamdamin. Sa pamaraang ito ang pagkabahala
ay nababawasan dahil ang klase ay isang komunidad
ng mag-aaral na lagging nag-aalalayan sa bawat
sandali ng pagkaklase. Ang guro ay
tumatayongbilang tagapayo at laging handa sa
anumang pangangailangan ng mga mag-aaral.
Naiiwasan ang anumang pagdadahilan sap ag-aaral
dahil sa magandang ugnayan ng guro at mag-aaral.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito ay mula sa
paniniwala ni George Lozanov(1979), isang
sikologong Bulgarian, na ang utak ng tao ay
may kakayahang magproseso ng malaking
dami ng impormasyon kung nasa tamang
kalagayan sa pagkatuto, katulad halimbawa ng
isang relaks na kapaligiranat ipinauubaya lahat
ng guro ang maaaring maganap sa klase.
3. Ang Silent Way
Ang Silent Way ay nanghahawakan sa paniniwalang
mabisa ang pagkatuto kung ipauubaya sa mga mag-aaral ang
kanilang pagkatuto (Gattegno 1972).
Naglahad sina Richards at Rogers (1986) ng isang
lagom hinging sa teorya ng pagkatuto na pinagbatayab bg
Silent Way.
1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay tutuklas
o lilikha ng mga sariling Gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang
maraming beses ung ano ang natutunan.
2. Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo
tulad ng mga bagay na nakikita at nahahawakan.
3. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling
kinapapalooban ng mga gawain na may suliraning tutuklasin
4. Ang Total Physical Response
(TPR)
Ang Total Physical Response (TPR) ay dinibelop ni
John Asher (1977) at ang interes niya sa TPR ay nagsimula
noong 1960 subalit nagging bukambibig lamang ang
pamaraang ito ng humigit-kumulang isang dekada. Ang
pamaraang ito ay humango sa ilang kaisipan sa Series
Method ni Gouin na nagsabi na ang pgkatuto ay epektibo
kung may kilos na isinasaga kaugnay ng wikang pinag-
aaralan. Ang kaisipang ito ay binagbaayan ni Asher,
Naniniwala pa rin si Asher na ang isang klasrum sa wika ay
hindi dapat kabakasan ng pagkabahala at ang mga mag-
aaral ay masisigla at nagagawa ang gutong gawin sa ilalim
ng mabuting pamamatnubay ng guro.
5. Ang Natural Approach

Ang mga teorya ni Stephen Krashen (1992, 1991)


hinging sa pagtatamo ng pangalawang wika ay nagging
mainit ba isyu nang mahabang panahon. At ang
pinakatampok na bunga ng pananaw ni Krashen ay ang
pamaraang Natural Approach na dinibelop ni Tracy Terrel,
isang kasamahan ni Krashen. Naniniwala sina Krashen at
Terrel na kailangang komportable at relaks ang mga mag-
aaral sa isang klasrum pangwika.nakikita rin nila ang
pagsasaisangtabi muna ng pagsasalita sa wikang pinag-
aaralan hanggang sumapit ang panahong naroon ang
intensyon at pagkukusa sa pagsasalita
Ayon kina Krashen at Terrel, Natural
Approach, ang mag-aral ay dumaraan sa tatlong
yugtong pagkatuto: 1. Preproduction kung saan
nalilinang ang mga kasanayan sa pakikinig, 2. Early
production na kakikitaan ng mga pagkakamali
habang nagpupumilit ang mga bata sa paggamit ng
wika, 3. Ekstensyon ng production sa mahabang
diskurso at nakapaloob ditto ang mga mas
mahihirap na laro, role playing ,dayalog, talakayan at
pangkatang Gawain. Dahil layunin ng yugtong ito
ang katatasan sa pagsasalita, inaasahan na
mangilan-ngilan lamang o kaunti lamang kamalian at
pagwawasto.

You might also like