Layunin Pag-analisa sa babasahing may kritikal na pananaw. Makalikha ng makabagong kaalaman ukol sa binasang pahayagan. Mapaliwanag ang sining ng “cuento” o “Tsismis”, positibo man o negatibo. Makalikha ng orihinal na Tula o kwentong may kaugnayan sa paksang may gamit ng Tayutay at idioma. TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
1. ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO? • Ang
tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari. PARAAN NG PAGLALARAWAN
Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay
nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano. Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan. Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nangyayari.