You are on page 1of 104

PAGBASA AT PAGSULAT

TUNGO SA PANANALIKSIK
RICHARD ABORDO PANES, LPT
INSTRUKTOR
DESKRIPSYON NG KURSO
• Ang kursong ito ay nagbibigay pokus sa pagtatamo ng mga mag-aaral sa mga kaalaman
at kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat bilang kanilang kasangkapan
sa pagkatuto tungo sa pagsasagawa ng sariling pananaliksik. Sasaklawin din ng kursong
ito ang pagpapalawak ng mga pag-aaral ng kanilang kaalaman sa pagbasa sa iba’t ibang
disiplina na maging kasangkapan nila sa pag-unawa sa iba’t ibang genre ng nakasulat sa
teksto. Lilinangin din ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan at kasanayan sa
pagsasagawa ng isang sulating pananaliksik ayon sa Institutional Research Format ng
institusyon.
MGA LAYUNIN NG KURSO
• Maipapakita ang higit na mataas na antas ng kakayahang pangkomunikatibo gamit ang wikang Filipino.
• Magagamit at matutukoy nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtatalakay at pagpapaliwanag sa mga teorya,
simulain, pagdulog at metodo sa pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
• Maipapaliwanag ang mga layunin ng eduksyon sa pagtuturo ng pagbasa at pagsulat;
• Maiaangkop ang mga estratehiya, kagamitang pampagkatuto, pagsulog at metodo sa pagtuturo at pagtataya sa
pagbasa at pagsulat;
• Makagagamit ng makabago at angkop na teknolohiya para sa pagtuturo at pagatataya sa pagbasa; at
• Makapagsasagawa ng isang sulating pananaliksik ayon sa Institutional Research Format ng institusyon at
maipresenta sa buong klase.
SISTEMA NG PAGMAMARKA
1.Pagsusulit- 30% ( Mahaba at Maikling
Pagsusulit )
2.Pagganap o Performans- 30% ( Proyekto, Pag-
uulat, Partisipasyon sa Klase )
3.Eksaminasyon- 40%
4.Preliminaryo- 30%, Panggitna-30%, Pantapos-40%
MGA TUNTUNIN SA KLASE
Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na
lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.
Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel sa takdang araw
na napagkasunduan ng buong klase.
Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na marka.
Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa
talakayan sa klase.
Ang magsisilbing grado para sa panggitna at pinal na pagsusulit ay magmumula sa pananaliksik na isasagawa ng mga
mag-aaral.
Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.
KAHULUGAN NG WIKA
• Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin na lengua, na ang literal na kahulugan
ay “dila”, kaya’t ang magkasintunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng
mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw,
lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.
• Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na
behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at
pagsisiwalat ng katotohanan.
KAHULUGAN NG WIKA
• Ang wika ay kasangkapang ng politika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang
nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.
• Ayon kay Randy S.David sa kombensyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII – Bilang
1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kailanman ay di magiging nyutral o inosenteng larangan
ang wika.
• Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng
lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito.
Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
KAHULUGAN NG WIKA
• Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa
tunog na kung tawagin ay ponema, na ang makaagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya.
Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag
na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors,
kapag nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
• Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong
kolektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa
mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nakikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong
angkinin at ipagmalaki.
KAHULUGAN NG WIKA
Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang
kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman ng mga
tradisyong nakalagak dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman ito
ay tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang
bansa.
Ang wika ayon kay Chomsky(1957), isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na
abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.
Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na
nakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong
gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.
KAHULUGAN NG WIKA

Sa pagtalakay ni Halliday(1973) may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao
upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan,
verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.

Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit ang wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao
bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o
saklaw ang mag kahulugan.

Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo dahil
naririnig. Ang naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na walang
nakikita at naririnig. Ang unang salitang binibigkas ay “bekos”, ang ibig sabihin ay “tinapay”.
KAHULUGAN NG WIKA
Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na may pamagat na “THE
ORIGIN OF LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa
kanya upang makalikha ng iba’t-ibang wika.
Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan
ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman
ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mga unang tao.
Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop
ay maaring nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ng tao.
TRIVIA HINGGIL SA WIKA

• May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng
mga Aramean. Sila ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia.
Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan
ng Afro-Asiatic sa timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang pangkat
ng Semitik, ay ang linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang kanyang mga disipulo.
Sa wikang ito unang sinulat ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo,
ipinalalagay na ang lingwahe’y nagmula sa Herbrew, ang orihinal na wika Bibliya.
KATANGIAN NG WIKA
• Ang wika ay masistemang balangkas- Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa
sistematikong paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.
• Ang wika ay sinasalitang tunog-Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa
paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech
organs.
• Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog-Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga
salitang simbolo. Napapaloob sa katawagang ito ang dualismo na isang pananagisag at isang kahulugan
• Ang wika ay komunikasyon-Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na
mga tao. Sa ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at
pangangailangan ng tao.
KATANGIAN NG WIKA
• Ang wika ay pantao- Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao na sila mismong lumikha at
sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao ito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan.
• Ang wika ay kaugnay ng kultura-Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining,
panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura.
• Ang wika ay ginagamit-Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting
mawawala ito kapag hindi ginagamit.
• Ang wika ay natatangi-May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walang dalawang wika na
magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may
sariling set ng mga bahagi.
KATANGIAN NG WIKA
• Ang wika ay dinamiko-Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa
patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa
mabilis na takbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.
• Ang wika ay malikhain-Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng
walang katapusang dami ng pangungusap.
• Ang wika ay makapangyarihan- Sa isang salita lamang ay maaari kang
makasakit o makapatay ng isang tao.
KAHALAGAHAN NG WIKA
• Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi
lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Ang wika ang
ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan ng wika nagkakaunawaan
at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao pati na rin sa mga
karatig bansa nito. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin
at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong
ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa
sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ito ang kahalagahan ng wika.
KAHALAGAHAN NG WIKA
Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay
naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito
nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa.
Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng
paggamit ng wika.
Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi
lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.
KAHALAGAHAN NG WIKA
• Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan-Sagisag ng
pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa ay siyang susi sa
pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. Sa
pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao.
• Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika, sa
sarili, sa kapwa, at sa lipunan.
GAMPANIN NG WIKA
IMPORMATIB – ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon
tungo sa tagatanggap nito.
EKSPRESIB – ito kung nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng
emosyon.
DIREKTIB – nagiging direktib ito kung hayagan o di hayagan nitong napapakilos ang isang tao upang
isagawa ang isang bagay.
PERPORMATIB – ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon. Ito ay kinapapalooban ng kilos
bilang pansuporta sa isang pahayag.
PERSWEYSIB – kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang paniniwala.
TUNGKULIN NG WIKA
( MICHAEL A.K. HALLIDAY )

• Instrumental – Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng
wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga
bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
Halimbawa: Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) – pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya.
Iba pa – pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay- panuto, pag-uutos, pagpilit.
• Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control).
Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel
na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para
sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag- abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba. Ito ang gamit ng wika na
nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa
kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.
• Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga
pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.
May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika
kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat
gumawa ng palagay (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang
impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at
kalalabisan. Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano
ang daigdig; maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig.
Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/ pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o
di kaya’y tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba (peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang
panahon ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan
ng pagbabago sa daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang Diyos;
marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp. Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng
mensahe, pagbibigay ng tama/ maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.Karamihan sa pang-
araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.
• Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang
pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang
(meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng
pakikipagtalastasan kung kinakailangan. Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito
sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan
ng pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga
wikang panlipunan at panrehiyon, atbp. Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng
gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba. Nangangailangan ang
matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong
paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented way). Madaling makita ang mga
paglabag sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa
ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.
Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap,
atbp.
• Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na
bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa
nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o
magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang
sasabihin. Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin
maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan
ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o
pagbubulas ng damdamin. Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura,
pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin. Totoong may gamit na personal ang wika
ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa gamit na ito, nagsasama-samang
gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan, ang kalinangan/ kultura
at ang katauhan/ personalidad.
• Heuristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin
ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang
pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp. Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman
sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig
na pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na
ito ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang
bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo ng metalanguage –
isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian,
pagbabago, pangungusap, atbp. Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon,
paggawa ng hypothesis, pagbibigay katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri,
pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, di- pagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya. Naging institusyon na ang
gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang
makapupukaw ng iba- ibang panananaliksik ang mga posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at
hindi paggamit ng wika. Isa ring suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at nililinang ang kaalaman. Mahalaga
ang papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang disiplina.
• Imahinatibo – Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang
pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa isang
dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako. Ito rin ang wikang
ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol
( baby’s babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang paglalaro ng malikot na isip ng
makata. Mga larong pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis. Ilan
lamang ito sa mga pagkakataong gamit ng imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o
ibang tao. Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di lamang ang tunay na
daigdig kundi pati na ang mga posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig.
• Impormatibo- pagbibigay ng impomasyon gaya ng pagbabalita, pag-uulat sa klase, at
pagpresenta ng ginawang pananaliksik
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA
• Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba't ibang
tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng
mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa
pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit
nananatili pa ring hiwaga o misteryo.

• Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may
mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng
koneksiyong sa isa't isa. Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
1. Tore ng Babel
- Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na
higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong
maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at
mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho
niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na
magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis
kab. 11:1-8)
2. Bow-wow
- Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga
bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.
Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na
nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang
magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang
tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba
ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng
aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
3. Ding-dong
- Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon
sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga
sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog
4. Pooh-pooh
- Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang
hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla
at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa
sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga
Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y
nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
5. Yo-he-ho
- Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel,
2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha
rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa,
ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng
mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate
o kapag ang mga ina ay nanganganak?
6. Yum-yum
- Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas
sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag
ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
7. Ta-ta
- Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang
kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas
ang salitang ta-ta.
8. Sing-song
- Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa
sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang
mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
9.Ta-ra-ra-boom-de-ay
-Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,
maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation
o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa
mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
10.La-la
-Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita
KAHULUGAN NG PAGBASA
Isang psycholinguistic guessing game na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuo muli
ng isang mensahe o kaisipan na hinago sa teksto.( Kenneth Goodman,
1957,1971,1973 )
Ito ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. ( Leo
James English )
Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating
alam niya o kaalaman niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto,
kasanayan, kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa. ( Coady )
Pinapapagkain ng ating utak at napatunayan na ito na marami sa mga mahilig magbasa ay
nagtatagumpay. ( James Dee Valentine )
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa ng mga nakaimbak o nakasulat na
impormasyon o datos.
Ang pagbasa ay rekognisyonng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging stimuli
upang maaalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman o karunungang mula sa karanasan ng
mga mambabasa. ( Bond & Tinker, 1967 )
Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng
interpretasyon dito. ( Hank, 1983 )
Ang pagbasa ay pagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. ( Villafuerte et.al. 2005 )
Ang pagbasa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa paghahasa ng talino at isipan. ( Bernales
et. al. 2001 )
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
1. Upang malibang
2. Upang matuto
3. Upang magkahanapbuhay
4. Upang maging batayan ng wasto at makatarungang desisyon
5. Upang matukoy ang tiyak na direksyon
6. Upang mapanatili ang ugnayan ng pamilya at kaibigan
7. Upang maunawaan ang lipunang ginagalawan at kinabibilangan
LAYUNIN NG PAGBASA
1.Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
2.Upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak sa ating isip.
3.Upang maaliw
4.Napag-aralan ang ibang kultura at para mabatid ang pagkakaiba at
pagkakatulad.
5.Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap na
marating.
KATANGIAN NG PAGBASA AYON KAY
VILLAMIN ( 1998 )
1. Isang prosesong komplikado na nagsasangkot ng pandama, pang-unawa, kakayahang
magsagawa at katotohanan sa isang nagbabasa.
2. Ginintuang susi sa kaalaman at kasiyahan ang pagbabasa
3. Maaaring maging pinakaubod ng kaligayahan ng isang tao
4. Aktibong usapan sa pagitan ng manunulat at mambabasa
5. Daan ng pagmumuni-muni ng tao sa kanyang mundo, at sa mundo ng hindi pa nababatid ng
mambabasa.
MGA KASANAYANG DAPAT TAGLAYIN
NG MAMBABASA
1. Literary Awareness – Kailangang ang wikang binabasa ay may kahulugan,
may sariling paraan ng pagsulat at may sariling paraan ng pagbasa. Kaalaman din
ito ukol sa mga tiyak na bahaging dapat mabasa upang ganap na maunawaan ang
teksto.
2. Decoding Skills – Kakayahang makilala ang mga titik na gamit sa wikang
binabasa at maiangkop sa tunog ( ponolohiya, intonasyon) ng wikang ito upang
maibigay ang tiyak na kahulugan ng salita.
IBA’T IBANG ESTILO O PATTERN NG PAGBABASA
( AUSTERO ET. AL, 2008)

1. ISKANING - Ang pamamaraan ng pagbabasa ay nakatuon sa mga


mahahalagang kaisipan o detalye ng teksto. Pinagtutuunan sa pamamaraang ito
ang mga susing salita, pamagat at sabtaytel.
2. ISKIMING - Ito ay pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin.
3. INTERPRETING - Pagbasa sa kabuuan ng isang teksto ay ang resulta ng
samu’t-saring interpretasyon o pagpapakahulugan makaraan na mabasa ito.
8. MASUSING PAGBASA – Nangangailangan ng maingat na
pagbasa, may layuning maunawaang ganap ang binabasa upang
matugunan ang pangangailangan tulad ng report, tisis, riserts o
pananaliksik at iba pa.
9. MULING PAGBASA - Kung ang binasa ay mahirap unawain bunga
ng mahihirap na salita o pagkakabuo ng pahayag
10. PAGTATALA – Ang pagbasa ay may kasamang pagtatala ng mga
mahalaganmg kaisipan o ideya bilang pag-iimbak ng impormasyon.
ANTAS NG PAGBASA
1. PRIMARYA – Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong
upang makamit ang literasi sa pagbasa. Ito ay kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos tulad petsa, setting, lugar o mga tauhan sa teksto.
2. MAPAGSIYASAT - Sa antas na ito, nauunawaan ng mambabasa ang
kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol
dito. Nakakapagbigay ng maikling rebyu sa isang teksto ang mambabasa.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

A. BAGO MAGBASA
1. Pagsisiyasat ng teksto.
2. Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya
sapagbabasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.
3. Pre-viewing o surveying ng isang teksto
4. Iniuugnay ang mga inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalamn upang masuri kung anong
uri ng teksto ang babasahin
5. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong predisyon kung saan ang isang teksto batay sa isinagawang
pagsisiyasat.
4. Homograpo- mga salitang pareho ang baybay o ispeling at bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan.
Halimbawa:
Siya ang puno sa aming klase.
Ang puno ay pinutol ni Mang Emilio.

5. Heterograpo- salitang pareho ang ispeling o baybay subalit magkaiba ang bigkas at kahulugan.
Halimbawa:
Pito silang magkakapatid.
Mahilig maglaro ng pito si Benny.

6. Structural Clues- nagpapakita na ang kayarian ng pangungusap ay nakakaimpluwensiya sa kahulugan ng pangungusap.


Halimbawa:
Ang singsing ni Knet ay nahulog sa imburnal.
Ang singsing ay nahulog sa imburnal ni Maris.
7. Kayarian ng salita- payak, maylapi, inuulit, tambalan

8. Denotasyon- literal na kahulugan ng salita o hango sa


diksyunaryo

9. Konotasyon- nakabatay sa pagkakaunawa o kung paano


ginamit sa pangungusap ang salita. May nakatagong kahulugan.
SANHI AT SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA
SA PAGTAMO NG KAKAYAHAN SA PAGBASA

1.Pagkakaiba-iba ng indibidwal- Nagkakaiba-iba ang mag-aaral sa larangang:


a. Pisikal- may malinaw, may malabong paningin, may normal, may kapansana o depekto sa panding, sa
pagsasalita.
b.Mental- iba-iba ang I.Q ng mga mag-aaral: may matalino, may kahinaan ng ulo, may mahinang memorya,
mahinang pang-unawa.
c.Sosyal- may lista o bibo, may mahiyain, may palabati, may walang kibo.
d.Emosyonal- may sensitibo o maramdamin, may matatakutin, may malakas at buong loob.
e.Sanligang Kultural- may laki sa urban centers, may taga-lalawigan, may magkakaibang kaugalian ang pook na
nilakihan.
IBA PANG SALIK AT SANHI NG KAHINAAN
NG MAG-AARAL SA PAGBASA

1.Hindi epektibong paraan ng pagtuturo na ginamit ng guro, walang gaanong kasanayan, at


kabatiran sa pagtuturo.
2.Kakulangan sa magagaling na babasahing instruksyunal, mga aklat at iba pang kagamitan.
3.Hindi maayos na kapaligiran na pinag-aaralan o hindi maayos na silid-aralan, mga silid-aralang
hindi makagaganyak sa pagkatuto.
4.Kakulangan sa eksposyur sa mga babasahin at kagamitan gaya ng aklat, dyaryo, magasin at iba pa.
5.Kawalan ng koordinasyon sa pagsisikap ng paaralan, ng tahanan at ng pamayanan.
MGA PANANAW O TEORYA SA
PAGBASA
1. TEORYANG BOTTOM-UP
•Ito ay isang tradisyonal na pananw sa pagbasa. Bunga ito ng impluwensya ng teoryang behaviorist na higit na
nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. Ang pagkatuto ng pagbasa ay
nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik at salita, parirala at pangungusap ng teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto. Ang pagbasa ay nagsisimula sa teksto(bottom) patungo sa mambabasa(up).
•Mga proponent ng teorya: Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels
(1985)
•Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng
salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.
MGA PANANAW O TEORYA SA
PAGBASA
•Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-unawa ng
isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa
itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.
•Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang
blangkong papel o tabula raza.
•Ayon kay Smith (1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.
•Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin,
higit na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.
MGA PANANAW O TEORYA SA
PAGBASA
2.TEORYANG TOP-DOWN
•Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating
kaalaman at karanasan.
•Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
•Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).
•Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na
nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga
palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.
MGA PANANAW O TEORYA SA
PAGBASA
•Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan
siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito,
ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay
madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang
mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.
•Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part
model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
•Mga proponent ng teorya: Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)
MGA PANANAW O TEORYA SA
PAGBASA
3.TEORYANG INTERAKTIB
•Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may
dalawang direksyon (McCormick, 1998).
•Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng
mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
•Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang
kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at
mga pananaw.
•Mga proponent ng teorya: David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz
(1990); at Robert Ruddell, Robert Speaker (1985)
MGA PANANAW O TEORYA SA
PAGBASA
4.TEORYANG SCHEMA
•Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating
kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o
hindi alam ng mambabasa.
•Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).
•Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang
teksto.
•Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.
•Mga proponent ng teorya: Richard Anderson at David Pearson (1984)
MGA URI NG TEKSTO
1.Tekstong Impormatibo
 Isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya,
kasaysayan, Gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
 Elemento ng tekstong ito; layunin ng may-akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, paggamit ng mga
nakalarawang representasyon, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto, pagsulat ng talasanggunian
 Mga uri ng tekstong ito: paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan, pag-uulat pang-impormasyon,
pagpapaliwanag.
2.Tekstong Deskriptibo
• Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag Nakita ito ng iba ay
parang Nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
• Para mas malinaw ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo gumagamit ito ng cohesive
devices o kohesyong gramatikal gaya ng referensiya, substitusyon, ellipsis, pang-uugnay at
kohesyong leksikal.
• Reperensiya- paggamit ng salitang maaring tumutukoy o maging reperensiya ng paksang
pinag-usapan sa pangungusap. ( Anapora- kailangang bumalik sa teksto upang malaman
kung sino ang o ano ang tinutukoy)Halimbawa: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay
maaaring maging mabuting kaibigan. ( Katapora- kung nauuna ang panghalip at malaman
lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpagtuloy ang pagbabasa sa teksto)
• Substitusyon- paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita. Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
• Ellipsis- may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang nauunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita. Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y
tatlo.
• Pang-uugnay-nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sap ag-uugnay sa sugnay,
parirala, at pangungusap.
• Kohesyong Leksikal- mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito
ng kohesyon. May dalawa itong uri: reiterasyon at kolokasyon.
3.Tekstong Naratibo
• Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon.

• Mga iba’t ibang pananaw o punto de Vista: Unang panauhan, Ikalawang panauhan, ikatlong panauhan
• Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naalala o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
• Ikalawang Panauhan- ditto mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kwento
kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unag nasabi, hindi ito gaanong
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
• Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang tauhang walang
relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay
ay taga-obserba lang.
• Mga Elemento ng Tekstong Naratibo: tauhan (pangunahing tauhan,
katunggaling tauhan, kasamang tauhan, may-akda, Tauhang bilog
at tauhang lapad ), tagpuan at panahon, banghay ( orientation o
introduction, problem, rising action, climax, falling action, ending )
at paksa o tema.
• May mga banghay na hindi naka-ayos o walang sinusunod na
alintuntunin at ito ay tinatawag na anachrony at may tatlong uri ito:
analepsis ( flashback ), prolepsis ( flash-forward) at ellipsis.
1. Tekstong Prosidyural
o May sinusunod na hakbang o proseso
2. Tekstong Persuweysib
o Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Ito ay may subhetibong tono.
o Ethos- kredibilidad ng isang manunulat, Pathos- tumutukoy sa emosyon o damdamin para
makahikayat, Logos- tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa
o Ad Hominem Fallacy- ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at
hindi sa pinaniniwalaan nito.
3. Tekstong Argumentatibo
o Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon, nanghihikayat dahil sa merito ng mga
ebidensiya, at obhetibo
Kahulugan Pagsulat

 Isang sistema ng humigit-kumulang na permanenting panandang ginagamit upang kumatawan sa


isang pahayag kung saan maari itong muling lumikha nang walang interbensyon ng nagsasalita. (
Peter Daniels )
 Isang set ng nakikitang simbolong ginagamit kumatawan sa mga yunit ng isang sistematikong
pamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang kahulugan
ng sinuman na may alam sa wikang ginagamit at mga pamantayang sinusunod sap ag-eenkoda.
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998)
 Ang pag-i sip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi
matatamo kung walang kalidad ng pag-i sip. (Kellogg)
 Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller)Ito ay isang
komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at
retorika. (Xing Jin)
Kahalagahan ng Pagsulat

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may
babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila
ng isang mabigat na dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang
relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran
ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang
mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa
mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang
hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo
na kapag may hinahabol na deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon
Bakit Tayo Sumusulat?
Sagot: Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal.
Sa pagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Hindi katulad sa pakikinig, tumangi lamang sa nagsasalita o
tumangu-tango ay masasabing nakikinig na kahit iba ang iniisip at hindi nahahalata; sa pagbabasa,
makisabay lang sa pagbabasa ng iba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na rin; sa pagsasalita, malimit
ang mga katagang “ah…eh…ma’am/ sir nasa dulo na po ng dila ko, hindi ko lang po masabi eh!”, at
mangingiti lang ang guro…lusot na. Sa pagsulat, malalaman ng iyong isip kung ano ang nararamdaman
mo…ito ang mababasa. W ala kang maililihim…walang maitatago.

Sagot: Sa isang mag-aaral, ginagawa niya ang pagsulat sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan
sa paaralan upang siya ay makapasa. Gayundin naman, ang isang manunulat ay nagsusulat dahil ito ang
pinagmulan ng kanyang ikabubuhay. Kung walang tulad nila, walang pahayagan na magtatala ng mga
nagaganap sa lahat ng sulok ng daigdig. W ala ring libro na magpapalawak ng ating kaalaman at magbibigay
paliwanag sa tama at mali na gagabay sa atin tulad ng mga batas. W ala ring magasin na madalas nating
piliing paglibangan.
Sagot: Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay, hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas
mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing
pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at
pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang
patunay sa pamamagitan ng pagsulat.
Mga Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa


komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang
espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga
mambabasa at manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga
korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na
paksa tulad ng science at technology. N akatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.
2. Referensyal na Pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o
nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan. Naglalayong magrekomenda
ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya
ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o
endnotes. Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon. Maihahanay din
dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.
3. Jornalistik na Pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Pampamamahayag ang uring ito ng
pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita,
editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.
4. Malikhaing Pagsusulat - Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang
fokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling
katha, dula at sanaysay.
5. Akademikong Pagsulat – ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito layunin nito ay
maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaaring maging kritikal na
sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.
Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
6. Profesyonal na Pagsulat - Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang mga
sumusunod:
a. police report – pulis
b. investigative report – imbestigador
c.legal forms, briefs at pleadings – abogado
d.patient’s journal – doktor at nurse
PROSESO SA PAGSULAT

1. BAGO SUMULAT Pagsusulat ng mga pangungusap o parirala na tuloy-tuloy hanggang makabuo ng


burador.
a. Malayang Pagsulat (Freewriting o writing freely)
b. Pagtatanong (Questioning) Ang mga katanungang nabubuo ay maaaring panggalingan ng mga ideya at
detalye na posibleng magamit sa pagsusulat. Kinokolekta ang mga ideya at detalye na may kaugnayan sa
paksang susulatin mula sa nabuong burador.
c. Paglilista (Listing)- Isa sa mga pamamaraan na maaaring pagmulan ng magandang materyal para sa
teksto.
d. Pagkaklaster (Clustering)- Sa pamamagitan nito, maaaring tayain ang sariling gawa, kung mayroon pa
bang kakulangan ang bubuuing teksto.
e. Pagbabalangkas (Preparing an Outline)
2. HABANG SUMUSULAT
o Magsimula sa isang paksang pangungusap. Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
ideya Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap

3. PAGKATAPOS SUMULAT Mga dapat isaalang-alang sa pagrerebisa:

a. KOHIRENS Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya


b. KAISAHAN malinaw na magkakaugnay ang mga ideya at umiikot sa isang sentral na ideya.
c. EMPASIS Nakahaylayt o nabibigyang-diin ang mahahalagang salita o punto.
d. KASAPATAN Sapat ang mga detalya, paliwanag, at ebidensya para suportahan ang paksang tinalakay.
e. KASANAYAN SA PANGUNGUSAP Pag-oobserba sa estruktura ng gramar na ginamit-tamang
bantas, ispeling at pormat.
Kahulugan ng Pananaliksik

 Ang pananaliksik ay isang organisado at sistematikong pamamaraan sa paghahanap ng katugunan sa


mga katanungan.
 Ayon kay Kerlinger ( 2000 )- ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal, at
kritikal na pag-iimbestiga ng mga walang katiyakang pananaw na nauukol sa iniisip na ugnayan sa
natural na penomena.
 Ayon sa Webster, ito ay isang maingat, sistematiko at maka-agham nap ag-aaral at pag-iimbestiga sa
ilang sangay ng karunungan.
 Ayon kina Constantino at Zafra ( 2010 ), isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
 Galero-Tejero ( 2011 )- may tatlong mahahalagang layunin: isinasagawa upang makahanap ng teorya,
mabatid o malaman ang katotohanan sa teoryang ito, makakuha ng kasagutan sa mga maka-agham
na problema o penomena.
Katangian ng Pananaliksik

 Obhetibo- naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galling sa opinion o kuro-kurong


pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri
 Sistematiko- ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng
isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
 Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan- nakabatay sa kasalukuyang panahon ( tukoy ang petsa
at taon ), nakasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalabasan ay maaaring maging
basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
 Empirikal- ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan o
naobserbahan ng mananaliksik
 Kritikal- maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng
pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
 Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan- nararapat itong sumunod sa mga pamantayang
inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuuan.
 Dokumentado- nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng
karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
 Ang pananaliksik ay kontrolado. Dapat ay hindi mabago ang mga baryabol na sinusuri, lalo na sa
mga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang pagbabagong magaganap dito ay makaaapekto
sa buond pananaliksik.
 Ang pananaliksik ay mapanuri. Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat suriin ng
mabuti upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang mananaliksik. Madalas na ginagamitan ng
estadistika ang pagsusuri upang masabing analitikal ang pananaliksik.
 Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Ang isang pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na
nakalap ng isang mananaliksik na nagmula mismo sa kanyang paghahanap at pagtuklas dahil
kailangan na ang mga datos ang galing sa praymari sorses. Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang
mananaliksik.
 Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang na
gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang accuracy ng mga datos na makakalap, pati na rin ang
magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at ibayong pag-iingat dahil kung hindi
ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga reulta at
kongklusyon.
 Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Dapat ay maging matapang ang isang
mananaliksik sapagkat hindi maiiwasan na makaranas siya ng di magagandang bagay habang
ginagawa ang kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding hindi sumasang-ayon ang lipunan
sa resulta ng pag-aaral, o kaya nama'y magkaroon ng hindi pakakaunawaan sa pagitan ng mga
mananaliksik.
 Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon. Bawat hakbang
na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa ng tama upang maging tama rin ang resulta.
Nararapat lamang na ang kongklusyon sa isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya
upang sumuporta dito.
Ayon naman kay Alipio M. Garcia ( 2005 ), ang mga katangian ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Ang layunin ng pag-aaral o ang suliranin ay kinakailangang malinaw na nabigyang-kahulugan at


tiyakang naipaliwanag at kung maaari ay walang pagkakamali
2. Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay dapat maingat at detalyadong nailhada upang
magamit ng mga susunod na mananaliksik.
3. Ang paraan ng pananaliksik ay kailangang maingat na plinano upang humantong sa obhetibong
resulta.
4. Kainakailangang mailahad ng mananaliksik nang buong katapatan ang kahinaan sa bahagi ng
pamamaraan na maaaring makaapekto sa pananaliksik.
5. Ang pag-aanalisa ng mga datos ay kinakailangang sapat upang maipakita ang kahalagahan nito, sa
kabilang banda dapat na angkop ang ginamit na metodolohiya sa pagsusuri nito.
6. Dapat ma naiuugnay ang kongklusyon sa ipinapakitang datos ng pananaliksik.
7. Mapagkatiwalaan ang pananaliksik kung ito ay batay sa karanasan ng mananaliksik na nagtataglay
ng magandang reputasyon at may integridad.
Masasabi na ang ginagawang pananaliksik ay may kabuluhan kung:

1. Relayabiliti
2. Baliditi
3. Akyurasi
4. May kredibilidad
5. Panlahat
6. Empirikal
7. Sistematiko
8. Kontrolado
Etika ng Mananaliksik

1. Katapatan- papanatilihin ang katapatan sa lahat ng ugnayang pampanaliksik. Maging matapat sap
ag-uulat ng mga datos at kinalabasan ng pananaliksik, metodo, at pamamaraang pampananaliskik, at
maging sa paglalathala. H uwag gumawa ng mga maling datos o magbago ng datos. Ang mabuting
mananaliksik ay hindi nandaraya ng publiko.
2. Obhetiko- iwasan ang pagkiling o pagkatig sa personal na interes. H uwag paibabawin ang
makasariling pananaw sa siyang magiging dahilan para maapektuhan ang gawaing pananaliksik.
3. May Integridad- igalang ang sariling salita. Kumilos ng may katapatan at panatilihin ang matuwid
nap ag-iisip at pagkilos. Gawin ang gawaing pananaliksik sa tawag na pagtulong sa kapwa at
paggalugad ng katotohanan para maunawaan ang karunungan na nais malaman at maunawaan.
4. Pagiging Maingat- iwasan ang mga pagkakamaling hindi sinasadya at pagkilos nang pabaya, maging
maingat at mapanuri sa gawaing ginagampanan at sa Gawain ng iyong mga kapwa mananaliksik.
5. Openness- maging bukas sa pagbabahagi ng mga datos, resulta, ideya, kagamitan at pinagkukunan.
Maging handa sa mga puna o kritisismo at bagong ideya.
1. Igalang ang Intelekuwal na Kakanyahan- may mga nauna nang gumawa ng gawaing pananaliksik.
Makatwiran lamang na bigyang-respeto ang mga taong unang nakaisip na ideya, disenyo,
pamamaraan o metodo ng pananaliksik na ginamit.
2. Kompidensiyalidad- ang gawaing pananaliksik ay usapin ng pagtitiwala. Lagging proteksyunan ang
mga pinagkukunan ng datos, mga liham pangkomunikasyong ginamit, mga tala na nakuha mula sa
iba’t ibang institusyon at lalo’t higit ang impormasyong galling sa mga tagatugon o respondent.
3. Sosyal na Gampanin- sa pagsasagawa ng pananaliksik, responsibilidad ang makapagbigay ng
kamalayang pansosyal na kagalingan. Iwasan na magpunla ng ibayong kalituhan at kaguluhan.
Gamitin ang gawaing pananaliksik para isulong ang higit na kabutihan para sa lahat na magbubunga
ng pagbabagong makabuluhan, gayundin upang lalong makatulong sa kapwa.
4. Huwag magdidiskrimina- huwag magsagawa ng pananaliksik na magbubunga ng diskriminasyon sa
kapwa. Ituring na magkakapantay bilang tao ang bawat tao. Ang diskriminasyon ay lilikha ng di
mabuting ugnayan at makasisira sa makataong ugnayan na naisa palakasin at payabungin ng
gawaing pananaliksik
5. Kagalingan- papanatilihin at pag-ibayuhin ang propesyunal na kagalingan sa pamamagitan ng
patuloy nap ag-aaral. Gumawa ng hakbangin na magsusulong sa propesyunal na paglago para lalong
maunawaan ang agham sa kabuuan nito.
6. Bigyang-Proteksyon ang Pagkata- sa pananaliksik kung saan tao ang pangunahing tagatugon,
mahalaga na mapanatili ang dignidad at dangal bilang tao.
Layunin ng Pananaliksik

1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo
at impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
5.Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,edukasyon pamahalaan at iba pang
larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.
8. Mapalawak o ma verify ang mga umiiral na kaalaman.
Mga Uri ng Pananaliksik

1. Basic Research- agarang nagagamit ang resulta ng pananaliksik na ito at may layuning magdagdag
ng impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan
2. Action Research- ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espisipikong problema o masagot
ang espisipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
3. Applied Research- ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon

Iba pang Pagpapaliwanag Hinggil sa Uri ng Pananaliksik

1. Basiko o Batayang Pananaliksik ( Theoretical )- may kinalaman sa kaalamang batay sa teorya. Ang
balangkas niti ay hindi kontrolado ng mga praktikal na gamit ng mga natuklasan.
2. Isinapraktika na Pananaliksik ( Applied Research )- nagpapakita ito kung paanon magagamit ang
mga natuklasan o kung paanong maituturo ang metodolohiya.
Paghahambing at Pagtatambis ng Batayan at Isinapraktika ayon kay Freeman at Rossi

Batayan o Theoretical Isinapraktika o Applied


Malayang pinili ang paksang gagawaan ng Limitado ang paksa sa hinihingi ng isponsor o
pananaliksik nagpapagawa ng pananaliksik
N akapailalim ang pananaliksik sa mga itinakdang N akadepende ang pamantayan sa paggamitan ng
pamantayan ng akademya resulta ng pananaliksik
Pangunahing isinaalang-alang ang internal na Pangunahing isinaalang-alang ang kakayanan
lohika at kapantasan ng disenyo ng pananaliksik nitong makabuo ng mga pangkalahatang
impormasyon sa mga paksang itinakda ng isponsor
Pangunahing layuning maka-ambag sa batayang Pangunahing magagamit sa mga ispesipikong
teoretikal na kaalaman problema sa lipunan
Sinusukat ang tagumpay kung mailalathala sa Matagumpay kung magagamit ng mga isponsor sa
kilalang dyornal o kung magkaroon ng malakas na paggawa nila ng desisyon at patakaran
dagundong sa akademya
Deskriptib-sarbey na Pananaliksik
 Nilalayon ng pananaliksik na ito na tugunan ang mga katanungang sino, ano, kailan, saan, at paano
ng isang partikular na paksain. Sinusubukan din nitong ilarawan ang kasalukuyang kalagayan,
kaganapan o mga sistema batay sa impresyon o reaksyon ng mga tagatugon. Ito ay isang pag-aaral
na maaaring magtamo ng mga katotohanan salig sa nangingibabaw na kalagayan o mapalitaw ang
isang tiyak na kaugnayan ng paksa sa kasalukuyang penomena o kaganapan. Inilalarawan at
binibigyang interpretasypn din niyo ang kasalukuyang ginagamit at hindi ginagamit, paniniwala o
punto de vista o kaasalang ipinapakita, iba’t ibang nagaganap na proseso, mga nararamdamang
epekto o mga nakakasanayang gawi.
 Ayon kay Sanchez sa aklat ni Alipio Garcia ( 2005 ), ang deskriptibong pananaliksik ay
kinabibilangan ng lahat ng mga pag-aaral na magpapakahulugan sa kasalukuyang katotohanan na
may kinalaman sa kaligiran at kalagayan ng anumang paksa-isang pangkat ng tao, bilang ng mga
bagay, isang hanay ng mga kalagayan, uri ng kaganapan, hanay ng mga kaisipan o anumang iba
pang uri ng penomena na nais na pag-aralan ng isang mananaliksik.
 Ang pangunahing layunin sa paggamit ng pamamaraang deskriptibo ay upang mailarawan ang
kaligiran ng isang kaganapan sa panahon ng pananaliksik at upang Makita sa higit na bahagi ng
isang partikular na penomena.
 Ang pag-aaral na naghahanap ng kagyat na katugunan o case studies, pag-aaral para sap ag-unlad (
developmental studies) mga karagdagang pag-aaral ( Follow-up Studies ), pag-aanalisa ng mga
dokumentaryo ( Documentary Analyses ), pagsusuri sa kalakaran ( Trend Analyses ) at pag-aaral
sap ag-uugnayan ( Correlational Studies ) ay ilan sa mga uri ng deskriptibong pananaliksik.
Pangkasaysayang Pananaliksik ( Historical Research )
 Kaibahan sa tunguhin ng isang deskriptibong uri ng pananaliksik na ilarawan ang kasalukuyang
nagaganap, layon naman ng isang pangkasaysayang pananaliksik na ilarawan ang nakaraan o
naganap na. sa pagsasagawa ng ganitong uri ng pananaliksik, nangangalap ng mga datos at
impormasyon ang mananaliksik na may kaugnayan sa nakaraang kalagayan, kaganapan, sistema,
mga tao o kahit institusyon. Ang mga nakalap na mga datos at impormasyon ng mananaliksik ang
siya niyang gagamitin upang mailarawan ang epekto ng mga kalagayan, kaganapan, at sistema ng
nakaraan sa kasalukuyang nangingibabaw na kalakaran at kung ano ang magaganap sa hinaharap.
 Sa pangangalap ng datos sa pangkasaysayang pananaliksik, ang mga dokumento at mga labi ang
pangunahing mapagkukunan nito. Tinitiyak ng mananaliksik ang katunayan ng mga datos sa
pamamagitan ng anyo at itsura nito sa halip na ang kahulugan ng mga datos.
Eksprimental na Pananaliksik
 Ayon kay Luke W ales sa aklat ni Alipio M. Garcia ( 2005 ), mailarawan ang isang eksperimento
gamit ang mga sumusunod na katangian;
1. Ang mga baryabol na sumasailalim sa pag-aaral ay maaaring isagawa o gamitin at maaaring
matukoy ang kaligiran nito.
2. Ang resulta mula sa aplikasyon o paggamit nito ay maaaring matukoy at masukat na may
kaugnayan sa inilalahad na suliranin.
3. N atutukoy ang mga baryabol na walang kinalaman sa suliranin na maaaring makaapekto sa
resulta.
4. Ang pag-aaral o eksperimento ay kinakailangang makalikha ng balidong resultamg panloob at
panlabas. Ang panloob na balidad ay nangangahulugang na walang anumang lilitaw walang
kinalaman sa pag-aaral na hindo dumaan sa pagsusuri. Sa kabilang banda, ang panlabas ba
balidad ay nangangahulugang ang kongklusyon ay maaaring Makita sa totoong suliranin ng
lipunan. Sa isang eksperimental nap ag-aaral, ang mananaliksik ay nakamamanipula kahit na
isang baryabol, nakontrol ang iba pang may kaugnayang baryabol, at sinusuri ang epekto sa isa o
higit pang di malayang baryabol.
Project Feasibility Study
 Ang ganitong uri ng pag-aaral ay tumutulong sa mga nagsisimulang namumuhunan upang
makapagsagawa ng pag-aaral kung kikita ang isang mungkahing negosyo o pagkakakitaan.

Disenyo at Lapit sa Pananaliksik

 Ayon kay Neuman ( 1999 ), may banggaan sa mga komunidad ng kaalaman sa usapin ng
metodolohiya sa pananaliksik panlipunan, dahil sa higit na pagkilala ng mga iskolar sa pamamayani
ng likas ng agham ( natural science ) lalo na noong panahon ng pagtuklas sa kaalaman ng tao. Kaya
ang mga pag-aaral na ito na tumutukoy sa tao, tulad ng agham panlipunan, ay tinaguriang soft
science at ng itinuturing na lehitimong agham ay likas na agham tulad ng Biology, Chemistry.
 Nang panahong iyon, lumaganap ang matinding paniniwala ng mga iskolar na tanging
kuwantitatibong pananaliksik matatamo ang pinakabalidong datos na may mataas na kalidad ( Guba
at Lincoln, 1994 )
 KUWANTITATIBONG PAG-AARAL obhetibo na masusukat at malilikom ang datos gamit ang
mga kasangkapan tulad sa estadistika. Napakahalaga rito ang panukatang gagamitin sa proseso ng
pananaliksik na binubuo bago ang pangangalap sa datos. Deduktibo ang prosesong pinagdadaanan sa
pagbuo ng disenyo dahil ang pangunahing layunin nito ay matiyak at malinaw na makalap ang mag
detalye ng empirikal na panlipunang daigdig at maipahayag ang mga natuklasan sa pamamagitan ng
numero.
 KUWALITATIBONG PAG-AARAL- subhetibo na masusukat sa pamamagitan ng mga
alternatibo sa numero tulad ng simbolo, imahen, salita, deskripsyon at iba pang maaaring
representasyon ng isang phenomenon. Induktibo ang proseso sa pag-aaral na ito dahil nalilikha at
nasusukat ang mga konsepto kasabay ng pangangalap ng datos. Nakatuon ito sa isang masusing
obserbasyon, pagsusuri, at paglalarawan sa mga nabubuong pattern ng mga datos.
ILAN G TALA SA PAN IMULAN G PAGHABI N G DISEN YO

 PARADIGMA- ang metodo sa pananaliksik ay malalaman lamang matapos mabuo ang paradigma o
balangkas ng pag-aaral. Ang paradigma ay kabuuang Sistema ng isip na kinapapalooban ng mga
pangunahing hinuha, katanungan, modelo at pamamaraan sa pag-aaral. Sinasabi ni Guba at Lincoln
(1994) na ito’y pangunahing Sistema ng paniniwala o pananaw-mundo na nagsisilbing gabay ng
mananaliksik hindi lamang sa pagpili ng metodo kundi maging sa ontolohikal at epistemolohikal na
pundasyon
 ON TOLOHIYA- tumutukoy ito sa anyo at kaikasan ng mga bagay na makikita natin sa
panlipunang realidad. Maaaring maging gabay na taong ang: Ano ang nalalaman o alam na ng
mananaliksik hinggil sa paksa? Ano ang nariyan na, na maaaring alamin o tuklasin/
 EPISTEMOLOHIYA- batay sa ugnayan ng tumutuklas o mananaliksik at kanyang pag-aaralan.
Paano masasabing alam mon a ang nalalaman mo? O paano mo nalaman ang nalalaman mo?
Samakatuwid nakatuon ang pilosopikal na pundasyong ito sa relasyon ng tumutuklas o
mananaliksik at panlipunang realidad.
 METODOLOHIYA- pamamaraan na ginagamit upang makalap at masuri ang mga datos sa isang
pag-aaral. Isa itong Sistema ng prinsipyo o tuntunin na kinapapalooban ng tiyak na pamamaraang
gagamitin upang masagot ang mga katanungan sa pag-aaral
MGA KON SIDERASYON SA PAGPILI N G PAKSA

 Kasapatan ng Datos- isa sa mahalagang dapat na mapaglaanan ng mga kongkretong impormasyon


ay ang teoritikal na bahagi at ang literature hinggil sa paksang pipiliin.
 Limitasyon ng Panahon- kinakailangan din ang pagtuon ng mananaliksik sa panahong takda lamang
upang maisakatupara ang pananaliksik. Ang hinddi matamang pagtuon sa panahon ay maaaring
maka-apekto sa iba pang dapat na ikonsidera sa pananaliksik.
 Kakayanhang Pinansyal- maaaring maging pangunahing suliranin sa pananaliksik na aspeto kapag
ito ay hindi napaghandaan o napagtuunan ng pansin. Kung sapat lamang ang nakalaang pinansyal
na obligasyon na 50 araw dapat matapos ito sa nabanggit ding panahon.
 Kabuluhan ng Paksa-Bilang mananaliksik, nararapat lamang na kasama sa ating mga obligasyon na
bigyang-tuon ang kapakinabangan ng isasagawang pananaliksik. Dapat na maipakita ang
kapakinabangan nito hindi lamang para sa sarili gayundin sa lipunan sa kabuuan.
 Interes ng Mananaliksik- tandaan sa puntong ito na dapat na mangibabaw sa kaisipan ng
mananaliksik ang ideyang mahirap na simulan at tapusin ang isang Gawain kung hindi ito gusting
gawin. Ang pagkagusto ng mananaliksik sa paksang kanyang isasagawa ang nagpapataas sa kanyang
pagnanais upang lalo itong mapagbuti at gawing kapaki-pakinabang.
Pangunahing Lapit sa Panlipunang Pananaliksik

1. Positibista ( Positivist Social Science )- nalinang at malawak na nagamit ang lapit na ito mula sa
likas na agham. Para sa lapit na ito, ang panlipunang reyalidad ay mayroong pattern at tuntunin
batay sa sistema ng pangkalahatang batas. Binibigyang-diin dito ang pagtingin na espesyal ang
agham at may tiyak na bahagi sa lipunan na hiwalay sa personal at politikal. At dahil nakasandig ito
sa tiyak na panukatan, obhetibo ang kalikasan nito na maaaring magtakda ng unibersalismo o
katotohanang pangkalahatan. Ang pag-alam sa mga bagay-bagay ay isinaasagawa upang mahulaan o
makontrol ang sistema ng daigdig. Karaniwan itong ginagamit sa kuwantitatibong pag-aaral na
karaniwang naghahain ng pangkalahatang katotohanan. ( David Hume, John Stuart Mill, Auguste
Comte, Emil Durkheim )
1. Interpretatibo ( Interpretative Social Science ) maaaring ugatin ang pagsisimula ng lapit na ito mula
sa mga pag-aaral ng Alemanyang Iskolar na sina Max Weber at Wilhelm Dilthey. Binibigyang-diin
nila ang pag-unawa sa pang-araw-araw na pagdanas ng tao sa isang partikular na panahon kung saan
ang pag-aaral ay dapat nakatuon sa panlipunang aksyon na may layon. Pangunahing punto ng lapit
na ito ang paglinang sap ag-unawa sa buhay ng tao sa isang natural na tagpo. Sentralisado sa paglapit
na ito ang tao na siyang lumilikha ng kahulugan at humahabi sa reyalidad panlipunan. Nakatuon ito
sa danas ng tao mula sa kanilang interaksyon na naglalaman ng mga konseptong mahalaga sa
kanilang buhay. Hindi ito nagtatakda ng pangkalahatang katotohanan, sa halip ay isinasakonteksto
ang katotohanan sa mga bagay-bagay na pinag-aralan.
1. Kritikal ( Critical Social Science )- makikita ang lapit na ito sa mga akda nila Karl Marx, Sigmund
Freud, Theodore Adorno, at Herbert Marcuse. Kinikritik ng lapit na ito ang positibista at
interpretatibo na lapit dahil sa tanging tuon ng mga nabanggit ay pag-aralan ang tao at munndo na
walang aksyon o pagkilos o transpormasyon. Ang pangunahing layunin ng kritikal na lapit ay ang
pagsusuri at pagtatransporma sa relasyong panlipunan. Pagsasakapangyarihan ito sa tao lalo na sa
mga nasa laylayan o inaapi. Karaniwang ginagamitan ito ng instrumento sa pagsusuri tulad ng class
analysis at diyalektikal na materyalismo. Ang realidad ay tinitingnan na patuloy na nililinang ng
mga panlipunan, politikal at kultural na salik. Ang kabuuang isinusulong nito ay panlipunang
pagbabago at paglaya.
Pagbuo ng Tentatibong Bibliyograpiya
 Paunang talaan ng mga sangguniang paunang ginamit upang lansakang matugunan ang simulang
suliraning nabuo kaugnay sa paksang sinasaliksik. Ito ang magiging bahagi ng talasangguniang
pahina ng preliminaryong papel pananaliksik. Ito ay tatasahin batay sa nilalaman at anyo nito.
Samakatuwid ibinibigay sa bahaging ito ang kumpletong impormasyong bibliyograpikal na
kinabibilangan ng: kumpletong pangalan ng awtor, pamagat ng aklat, editor/tagasalin, edisyon,
bilang ng tomo, lungsod o bansa ng publikasyon, tagapaglimbag, petsa ng publikasyon, bilang ng
tiyak na tomo na ginamit at pahina.
Pangangalap ng Datos
 Pagkatapos na matiyak ng isang mananaliksik ang mga tanong na nais sagutin, ang kasunod na
hakbang na gagawin ay ang pangongolokta o pangangalap ng mga datos. Sa ganitong kalagayan,
marapat lamang na alam ng mananaliksik ang mga pamamaraan, instrumento at hakbang na akma
sa mga baryabol na kanyang mamanipulahin.
 Gumagamit ng iba’t ibang metodo ang mga mananaliksik upang tugunan ang kanilang pag-aaral.
Ilan sa pangunahing metodo na ginagamit ang: obserbasyon, talatanungan, at pakikipanayam.
Pamamaraang Obserbasyon
 Ito ay pangangalap ng datos gamit ang matamang pagmamasid sa tao, lugar o pangyayari sa isang
laboratory o lugar-pananaliksik. Sa paraang ito, itinatala ng mananaliksik ang pag-uugali, kaasalan,
gawi o kilos ng respondent, kinikilala rin ang proseso, sanhi o epekto kung paan o bakit nabuo ang
nasabing phenomenon.
 Malinaw na gamitin ang pamamaraang obserbasyon sa pananaliksik na may kinalaman sa pagtuturo
o pag-alam ng mga katangian o kalikasan ng isang bagay, pook o pangyayari. Maari itong tao sa
taong pagmamasid ( one on one observation ), tao sa grupong pagmamasid ( one-group interaction ).

Talatanungan
 Ito ay pinakagamitin at pinakatanggap na metodo sa pangangalap ng datos. Ayon kay Eugene
Lovelace (2000 ) ang talatanungan ay isang “self-report technique” kung saan ang isang kalahok ay
sinasagot ang isang pangkat ng mga nakatalang tanong. Ayon kay Creswell, ang talatanungan ay
isang metodo ng pangangalap ng datos kung saan ang mga kalahok sa pananaliksik ay may
sinasagutang tanungang-papel at agad ding isinasauli sa mga mananaliksik. Ang talatanungang ito
ay naglalaman ng basikong kaalaman at iba pang demograpikonf impormasyon tungkol sa kalahok.
Mga Bahagi ng Talatanungan
 Ang talatanungan ay kritikal ng bahagi ng pananaliksik, nakasalalay ditto ang magiging resulta ng
ginagawang pananaliksik. H alimbawa, kapag hindi naintindihan ang tagatugon ang panuto na
inilagay, maaari itong makaapekto sa kanyang magiging kasagutan. N arito ang limang bahagi ng
talatanungan na iminungkahi ni Kinnear ( 1996 )
1. Personal na Datos – naglalaman ng pangalan, tirahan, datos pagkakakilanlan, numerong kontak
ng respondent at iba ( sang-ayon sa pangangailangan ng inyong pananaliksik)
2. Kahilingan sa Pagsagot- naglalahad ito ng paunang salita ng talatanungan laman nito ang mga
datos hinggil sa isinasagawang pag-aaral, paghingi ng tulong sa kalahok, layunin ng pananaliksik
at pangangailangan sa pagtatapos ng isinasagawang pananaliksik.
3. Gabay sa Pagsagot- ang bahaging ito ay naglalaman ng talatanungan, panuto, kung paano
sasagutin ng kalahok ang talatanungan, sampling plan, at iba pang aspekto na ginagamit sa
pangangalap ng datos.
4. Mga Impormasyon- ito ang bahagi ng kailangan sa talatanungan na nagbibigay ng mga
pangunahing datos sa pananaliksik.
5. Klasipikasyon ng Datos- inilalagay ito sa pagtatapos na bahagi ng talatanungan, upang maipakita
ang pagiging kompidensyal ng talatanungan naglalaman ito ng edad, sahod, at trabahong
kalahok.
Uri ng mga Tanong
1. Open-ended Question- uri ng tanong na nagbibigay ng Karapatan sa mga kalahok na malayang
sagutin ang mga katanungan. W alang paghihigpit, pagbabawal o pamumuwersa sa panig ng
mananaliksik sa kung ano ang nais na isagot ng respondent. Kadalasan na matapos ilagay ang
katanungan, naglalagay ng blangkong bahagi ng papel o ilang mga linya para mahikayat ang
respondente na isulat kung ano ang kanyang nasaisip.
2. Multiple Choice- uri ng tanong na humihiling sa mga tagatugon na pumili o sumagot mula sa mga
nakahaing pagpipilian.
3. Closed Question- uri ng tanong na nagbibigay sa kalahok ng ilang tiyak na kasagutan. Ang ganitong
uri ng tanong ay humihiling sa mga tagatugon na pumili ng sagot na angkop at makatutulong sa
pangangalap ng datos.
Pakikipanayam
 Ang panayam ay isang berbal na interaksyon sa pagitan ng mananaliksik ( interviewer ) at
respondente o tagatugon ( interviewee ) kung saan ang una ay nagbibigay ng ilang katanungan sa
huli.

Uri ng Panayam
1. Isa-sa-isang pakikipanayam ( one on one interview )
2. Pangkalahatang Pakikipanayam ( Focus-group Interview )

Thesis Statement-isang matapang na pahayag na maari mong mapatunayan sa pamamagitan ng


pagpapakita ng mga ebidensya. Ito ay hindi lamang simpleng pagpapahayag ng katotohanan. Ito ay dapat
na bunga ng sariling pag-iisip matapos na makapagsagawa ng pananaliksik. Ito ang magsisilbing
pangunahing ideya ng pananaliksik
Dokumentasyon ng Pananaliksik
1. Talababa o Footnote- isang uri ng tekstong inilalagay sa ibabang ng isang pahina ng aklat o
dokumento. Ang talang nakapaloob sa talababa ay maaaring naglalaman ng mga pananaw o
komento ng may-akda sa pangunahing nilalaman ng teksto. Maaaring ito rin ay pagkilala sa mga
gawang-batayan na kaugnay sa tekstong tinalakay. Karaniwang tinitikan ng bilang ang talababa
upang agarang matukoy ng mga mambabasa.

You might also like