You are on page 1of 13

Aralin 18: Mga Pandaigdigang

Pangyayari na Nakatulong sa
Pag-usbong ng Kamalayang
Makabayan
•Paano nakatulong ang mga
pandaigdig pangyayari sa pag-
usbong ng nasyolismo sa
Pilipinas?
Paglipas ng Merkantilismo
Ang eksplorasyon at pananakop ng mga bansang Kanluranin
sa mga bagong lupain ay ginawa dahil sa maraming
kadahilanan. Isa ang paniniwala ng mga taga-Europa sa
teorya ng merkantilismo.
Ang merkantilismo ay ang paniniwalang mas magiging
makapangyarihan ang isang bansa kung mahahawakan nito ang
ekonomiya. Batay sa teoryang ito, kailangang mag-ipon ng
kayamanang ginto at pilak ang bansa. Kailangan ito upang
makabuo at makapagpanatili ng isang malakas na sandatahang
lakas.
Ang militar ang inaasahang magtataguyod sa kapangyarihan
ng namumuno. Ang kayaman ang pambayad sa mga sundalong
bubuo sa sandatahang lakas.
Upang magkamal ng kayamanan, isa sa mga paraan ay ang
pagsakop ng mga kolonya. Ang kolonya ang pagkukunan ng
mga produkto para sa kalakalan. Dito rin galing ang mga
manggagawa na magtatanim ng mga halamang paninda at
kukuha ng mga mina. Maaaring hindi sila bayaran nang tama
ng pamahalaan sa pagtatrabaho sapagkat sila ay mistulang
alipin ng sumakop na bansa.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, nagbago ang pananaw sa
Europa. Dumami ang mga mangangalakal. Unti-unting nawala
ang paniniwala sa merkantilismo at napalitan ito ng
kapitalismo.
Ang kapitalismo ay ang pribadong pag-aari ng kapital na
pera, lupa, negosyo at iba pang katulad. Ito ang gagamitin
upang yumaman at maging makapangyarihan ang isang tao.
Panahon ng Kaliwanagan at Kaisipang La
Ilustracion
Halos kasabay ng pag-usbong ng kapitalismo sa ika-6 at ika-7
dantaon (1700-1800) ang pagbabago sa kaisipan na dala ng
Panahon ng Kaliwanagan (Age of Reason o Enlightenment).
Sa panahong ito, lumitaw ang mga bagong ideya tungkol sa iba’t
ibang larangan. Kabilang dito ang mga isinulat ni Thomas Hobbes
(Leviathan) ukol sa kahalagahan ng pamahalaan, ang idea ni John
Locke (Two Treatises of Government) ukol sa mga karapatan ng
mamamayan at kahalagahan ng edukasyon at ang isinulat ni Jean
Jacques Rousseau ( The Social Contract) ukol sa mga tungkulin
ng namamahala at ng mga mamamayan. Marami ring pilosopo ang
nagsulat ukol sa kalayaan ng tao, sa paraan ng pamamahala,
batas at iba pa.
Lumaganap ang mga ganitong pananaw sa
ibang bahagu ng mundo. Sa pagbubukas ng
Suez Canal noong 1869 napabilis ang
paglaganap ng mga ideya sa Asya.
Naimpluwensiyahan nito ang pag-iisip ng mga
tao sa mga kolonya. Lumawak ang kaisipan ng
mga sinakop na mamamayan at bansa at lalong
sumidhi ang pagnanais na makalaya mula sa
dayuhang kolonista.
Ang Rebolusyong Pranses
Ang Rebolusyong Pranses ay sumiklab noong 1789
laban sa pamahalaan ni Haring Louis XVI at mga
namumunong uri.
 Nakita ng mga tao ang maluhong pamumuhay ng
palasyo sa gitna na kakulangan sa pagkain at
trabaho ng nakararaming mamamayan at mataas
ng presyo ng bilihin. Nag-alsa ang mga
manggagawa at nagkagulo sa Paris at iba pang
lugar sa Pransya.
Sumiklab ang rebolusyon. Ipinaglaban ng mga
mangagawa ang “kalayaan, pagkakapantay-pantay at
pagkakapatiran (liberty, equality and fraternity).
Lumala ang kaguluhan at napilitang gumawa ng mga
pagbabago ang pamahalaan.
Ginawa ang Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao.
Nabago rin ang mga patakaran ng pamahalaan ukol sa
pag-aari ng lupa, ukol sa katayuan ng mga pari at sa
negosyo.
Noong 1791, ginawa ang konstitusyon na bumuo ng
batasan ng mga kinatawan ng mamamayan. Matagumpay
na nakamit ng mga Pranses ang mga pagbabagong
hinihingi nila.
Malaki ang impluwensiya ng Rebolusyong Pranses sa
mga mamamayang Pilipino. Halos pareho aang
kalagayan ng mga Pilipino sa kalagayan noon ng mga
Pilipino sa kalagayan ng mga namumuno sa pamahalaan
ang mga manggagawa Pranses.
Inalipin ng mga namumuno sa pamahalaan ang mga
manggawa upang sila ay yumaman at maging
makapangyarihan. Marami ring pang-aabusong ginawa
ang mga taong simbahan.
Naging inspirasyon ito ng ilang bayaning Pilipino tulad
nina Rizal at Bonifacio at mga kapanalig upang
ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino para sa
katarungan at kalayaan.
Ang Papel ng mga Ilustrado
Nagmula sa mga nakaririwasang pamilya sa Pilipinas
ang mga ilustradong Pilipino.
Ilustrado ang tawag sa mga taong nakaabot sa
mataas na antas ng pag-aaral. Dumami ang mga
nakaririwasang pamilya sa Pilipinas na nakayang
magpa-aral ng anak sa mga kolehiyo o unibersidad
dito sa bansa at sa Europa. Kasama rito ang mga
paring sina Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto
Zamora at ang mga estudyanteng Pilipino na nakapag-
aral sa Madrid tulad nina Jose Rizal, Graciano Lopez-
Jaena, Marcelo H. del Pilar at iba pa.
Ang mga ilustrado ang namuno sa mga kilusan
upang labanan ang mga pang-aabuso at katiwalian
sa pamahalaang kolonyal. Dahil mas malawak ang
kaalaman ukol sa mga nangyayari sa Europa at
mga bagong ideya at pananaw, sila ang malakas
na nag-udyok sa mga tao upang ipaglaban ang
mga karapatan ng Pilipino at ang kalayaan. Ang
mga paring Pilipinong ilustrado ang namuno sa
kilusan para sa pagbibigay ng pantay na
karapatan sa mga paring Pilipino. Ang
estudyanteng ilustrado na nasa Madrid sa
Espanya ang namuno ng Kilusan sa Reporma.
Malaki ang naging papel ng mga pagbabago sa
pananaw ng mga tao sa daigdig at sa pag-usbong
ng kamalayang makabayan o nasyonalismo sa
Pilipinas. Naimpluwensiyahan ng mga bagong ideya
sa Panahon ng Kaliwanagan ang mga Pilipino.
Nakatulong dito ang mas madaling paglalakbay sa
pagitan ng Pilipinas at Europa at ang pagdami ng
mga Pilipinong nakapag-aral sa mataas na antas
ng edukasyon. Ngunit higit sa lahat, ang
matinding paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng
kolonyal na pamahalaan ang malakas na nagtulak
sa pakikibaka ng bayan.
Sagutin ang mga Katanungan:
Ipaliwanag kung paano nakatulong ang Panahon ng
Kaliwanagan sa paglawak ng kaisipan at pananaw ng
mga Pilipino?
Ilarawan ang naging papel ng mga ilustrado sa pag-
usbong ng kamalayang pambansa laban sa
kolonyalismo.
Ipaliwanag ang kahulugan ng ipinaglaban ng mga
Pranses na “kalayaan, pagkakapantay-pantay at
pagkakapatiran.”

You might also like