You are on page 1of 19

Filipino 7

Unang
Markahan
Modyul 3
PAGSUSURI NG
ISANG DOKYU-FILM
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 1. Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa


ibinigay na mga pamantayan (F7PD-Id-e4)
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng talakayan na ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nakasusuri ng isang dokyu-film at naiuugnay ito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.
2. Naibubuod ang napanood na dokyu-film ayon sa wastong
pagkasunodsunod ng mga pangyayari.
3. Nakapag-uugnay sa mahahalagang mensahe gaya ng pagmamalasakit
sa napanood na dokyu-film.
PAGSUSURI NG ISANG DOKYU-
FILM
Ano ang dokyumentaryo?

Ang dokyumentaryo ay tungkol sa katotohanan at reyalidad


na pangyayari sa buhay at sa lipunan. Karaniwang nakatuon
ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at
suliraning pang-ekonomiya at sa mga katiwalian.
Ang dokumentaryong pampelikula ay nagpapaliwanag
kung paano binubuo o ginagawa ang isang pelikula. Ang
layunin nito ay ang magbigay ng impormasyon, manghikayat,
at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang
panlipunan. Ang pelikula o mas kilala din bilang sine at
pinilakang tabing ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan.
Narito ang isang halimbawa ng pagsusuri ng isang Dokyu-Fim na
pinamagatang “Minsan sa Isang Taon.”
1. TAUHAN
a. Kara David------- Tagapagsalaysay; taga-dokumentaryo
b. Inday--------------- May kanlong na isang maliit na bata; ina ni Marico
c. Tusan-------------- Ama; isang Abacca farmer sa Sitio Banli
d. Marico------------- isang taong gulang na ang timbang ay animo’y apat na buwang
sanggol lamang
e. Manny------------- taong gulang; kapatid ni Marico
f. Jerson Cabesa-- siyam na taong gulang pa lamang ng matutong mag-ani ng abaka
g. Cabesa------------- isang matandang mag-aabaka
2. TAGPUAN
- Sitio Banli sa Sarangani sa Mindanao

3. ISTORYA O KUWENTO
Buod ng Kwento
Ang Sitio Banli sa Sarangani sa Mindanao ang itinuturing na isa sa pinakamahirap na lugar sa probinsiya. Ang
ikinabubuhay ng mga mamamayan dito ay ang pagsasaka ng abaka, isang tanim na kapamilya ng saging. Ang
kakaiba sa halaman na ito ay ginagamit ito sa paggawa ng pera. Isang makahulugang tanong ang nasa isipan ni Kara
David, na paanong ang lugar na pinagmulan ng sangkap sa paggawa ng pera ay siya ring lugar na isa sa pinakasalat
sa kayamanang ito.

Ilang oras na tinahak ng grupo ni Kara David ang lugar na Sitio Banli ng Saranggani hanggang sa marating nila ang
liblib na komunidad na ito. Isang babae na kanlong ang isang maliit na bata ang tumambad sa kanyang paningin.
Inday ang kanyang pangalan. Mag-iisang taon na raw ang kanyang anak na si Marico pero ang timbang nito
animo’y apat na buwang sanggol lamang. Sa kanyang tabi ay tatlong taong gulang na si Manny, sa taba ng kanyang
pisngi at laki ng kanyang tiyan madaling isipin na malusog ang batang ito. Pero hindi ito ang unang beses na
makakita si Kara ng ganitong pangangatawan. Alam niya na hindi ito pangkaraniwang taba. Naalala niya noong
bumisita siya sa Datalnay. Lahat ng mga kabataan doon ay may sakit na Kwashiorkor, isang uri ng malnutrisyon
dulot ng kawalan ng protina sa katawan, ganito ang epekto kung puro kamote lamang ang laman ng katawan.
Hindi nagkamali si Kara David, kamote ang pagkain ng mga bata araw-araw,
umaga, tanghali hanggang gabi.
Abaca farmer ang karamihansa mga taga Sitio Banli, pero dahil seasonal ang
pag-aani ng abaka, minsan sa isang taon lang sila may pera. ‘Pag minalas pa sa
lupa, isang platito lang ng kamote ang makukuha, nag-aagawan pa ang mga
bata.
Naawa si Tusan sa sitwasyon ng kaniyang mga anak, pero pinaliwanag niya ito
sa kanila. Nagpupursige siyang maghanapbuhay para magkapera, upang
pakainin ang kanyang mga anak ng masasarap na pagkain dahil walang ibang
kilalang pagkain ang mga bata kundi kamote at kamoteng kahoy lamang. Pero
minsan sa isang taon, sa panahon ng anihan makakatikim ng bagong pagkain si
Manny at ang kanyang mga kapatid.
 Ang hibla ng abaka ang isa sa pinakamatibay sa buong mundo. Sa
buong Asya, sa Pilipinas lamang matatagpuan ang puno ng abaka.
 Sa ilang pulutong ng abaka, natagpuan ni Kara si Mang Tusan
Tango. Ayon sa kanya, isang beses sa isang taon lang sila
nakapagbebenta ng abaka. Ang malalaking puno ng abaka lang ang
mapagkukunan ng hibla, pagkatapos maputol ang puno, maingat
itong tatalupan para makuha ang balat. Dahil isa sa pinakamatibay
na fiber sa buong mundo ang abaka. Ginagamit ito di lamang para
sa mga tali at tela kundi pati sa mga papel at pera na gaano man ka
nipis at ilang beses mang mababasa ay hindi agad-agad mapupunit.
 Pero kailangan ng matinding puwersa para makuha ang bawat hibla ng
abaka. Karamihan sa mga nag-aani ng abaka sa Sitio Banli ay nagsimulang
magtrabaho noong sila ay bata pa. Isa sa kanila si Jerson Cabesa na siyam na
taong gulang pa lamang ng matutong mag-ani ng abaka. Ayon sa kanya,
makakatulong ito para sa kanyang pag-aaral lalo na sa pambili ng
kuwaderno. Apatnapung piso ang bentahan kada kilo ng abaka, tatlong puno
ng abaka ang 8 kailangan mong putulin at iproseso para makakuha ka ng
isang kilong hibla nito. Noon daw sa dami ng mga puno ng abaka tatlong
beses kada taon sila nag-aani nito. Pero nagbago ang lahat ng ito sa
pagpasok ng milenyo, kung kailan nagsimulang makalbo ang mga bundok.
Malaki ang epekto ng pagputol ng mga punongkahoy na ito, pumapangit ang
abaka kapag wala na ang kahoy dahil masosobrahan sa sikat ng araw.
Matakaw sa tubig ang puno ng abaka, kaya tumutubo lamang ito sa mga lugar na malapit sa
ilog o sa mga lugar na malilim at malamig. Kapag nakalbo ang bundok, kapag naubos ang puno
mauubos din ang mga lilim na kailangan ng abaka. Ayon kay Waling Cabesa, kung wala na ang
punongkahoy, wala na rin silang abaka at hanapbuhay. Kaya kung dati tatlong beses sa isang
taon sila nag-aani ngayon isang beses na lamang kada taon.Sa bahay ni Mang Tusan isang
pungkos ng abaka ang nakaimbak. Isang taon na niya itong iniipon. Isang taon nang inaabangan
ng mga bata ang pagbebenta ng abaka. Isang taon na nilang hinihintay ang pagkakataong
makatikim ng ulam at bigas. Isang libong piso kada taon katumbas nito ang walumpung piso
kada buwan.
Pero para maibenta ang abaka kailangan itong ibaba sa paanan ng bundok, anim na oras na
kalbaryo ang papasanin ni Mang Tusan at ang kanyang mga kasamahan alang-alang sa kanilang
mga pamilya. Anim na oras ang lalakarin at anim na oras na papasanin ang bungkos ng abaka.
Halos matumba si Kara David ng subukan niyang pasanin ang abaka.
Sa wakas ay naibenta rin nila ang abaka, kahit kaunti lang ang kanilang kita, masaya narin sila
dahil makakakain na ang kanilang mga anak ng ulam at bigas.
 4. PANANALITA
 May mga pagkakataon na si Mang Tusan (tauhan) ay gumamit
ng katutubong-wika o mother tongue kaya may mga
pagsasalin sa Wikang Filipino. Upang mas magkaintindihan
sila ni Kara David ay paminsan-minsan gumamit din si Kara
David ng Bisaya. Mahusay ang pagsasalaysay ni Kara David
bilang tagadokumentaryo. Ang mga salitang ginamit ay simple
o payak at mahinahon lalo na ang pagpapaliwanag sa proseso
ng pag-aabaka na madaling maintindihan ng nakararami.
5. TEMA o PAKSA

Ito ay patungkol sa kahirapan ng mga


nakatira sa Sitio Banli sa Sarangani sa
Mindanao na ang tanging ikinabubuhay ay
ang pag-aabaka.
 6. TITULO o PAMAGAT

 Ang titulo o pamagat ay angkop sa dokumentaryong ito


dahil minsan lang sa isang taon o isang beses lang sa isang
taon makapagbenta ng abaka kaya minsan din sa isang
taon sila makakakain ng bigas at ulam. Totoong
sumasalamin ito sa kahirapan ng buhay ng Sitio Banli.
 7. SINEMATOGRAPIYA
 Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari.
Ang pagpalipat-lipat ng anggulo at pokus ng kamera ay mas
nagbigay ng kulay sa buong kwento. Katulad rin ng visual
effects, mas napaigting nito ang bawat pangyayari. Na-adjust
rin ang mga kamera upang mabigyan ng diin ang mga
ginagawa ng bawat karakter lalo na ang pagproseso ng mga
abaka at mailarawan ang kinalalagyan ng mga tao sa lugar at
para na rin masundan ang mga aksyon na kanilang ginagawa.
 8. ASPEKTONG TEKNIKAL

 Sa mga ganitong klase ng dokumentaryo, kaaya-aya ang musikang


ginamit kung kaya’t mas naantig ang damdamin ng mga
manonood. Ang mga eksena ay hindi putol-putol at sunod-sunod
ang pagkakalahad ng mga impormasyon. Mayroon dring
koordinasyon sa ilaw at tunog kaya't hindi ito magulo tingnan.
Ang editing ay napakahusay sapagkat sunod-sunod ang
pagkakadugtong ng mga pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda
at epektibong dokumentaryo

You might also like