You are on page 1of 55

1.

Kumusta ang iyong naging


buhay pagkatapos ng iyong
pagtatapos sa Senior High
School noong Taong 2019?
Hindi po naging madali/
Mahirap/ Hindi kasi ako
nakapagpatuloy sa aking
pag-aaral sa kolehiyo/ dahil
sa kahirapan ng buhay/
Dahil dito/ kailangan ko
pong maghanap ng
trabaho upang
makatulong sa aking
pamilya/
Kasama kong humarap
sa mga pagsubok/ ang
aking Kuya/
Kinailangan niyang
maghanap ng trabaho/
sa ibang bansa at tiisin
ang pangungulila sa
amin/
Dobleng dagok ang aking
hinarap/ nang hindi ako
palaring makapasa sa NCII
nang mga panahong iyon/
Ganunpaman hindi ako
sumuko/
Nagsumikap at
nagpatuloy ako/
Hindi NIYA ako
pinabayaan/
Nakahanap ako
ng trabaho/
Nabigyan ako ng
pagkakataon na
makapasok sa isang
electric company
Bukod dito/ sa
pangalawang pagkakataon/
kumuha po ako ulit nang
NCII assessment/ at sa
wakas/ nakapasa na po
ako/
Naging dahilan ito upang
mabigyan ako ng
pagkakataong makaangat sa
aking posisyon/ bilang isang
Electrical Technician/
1.Ano ang nagtulak sa
iyo upang ipagpatuloy
ang napili mong
hanapbuhay?
Ang aking pamilya/ Sila
ang dahilan kung bakit
kinalingan kong
ipagpatuloy ang aking
trabaho/
Higit nilang kailangan
ang tulong ko/ at alam
ko/ na kailangan din ako
ng kuya ko/
Malaking tulong din ang aking
kinikita upang matulungan ko
ang aking nakatatandang
kapatid/ habang naghahanap
siya ng trabaho sa ibang bansa/
Maliban pa rito/ nais kong
mapaunlad at magamit ang aking
mga natutunan sa pag-aaral/ lalo
na sa panahon ngayon ng
pandemya/
Lingid sa hirap at panganib/ naging
masaya ako sa aking trabaho/ dahil
patuloy pang nadaragdagan ang aking
kaalaman sa larangan ng aking
espesyalisasyon/ at dito naipakita ang
mga skills na natutunan ko/
Mula noong iyong pagtatapos,
paano nakatulong ang TVL-
Electrical Installation and
Maintenance (EIM) Track sa iyong
tagumpay?
Napakalaking ambag
ng track na kinuha ko sa
kung ano/ at saan ako
naroroon ngayon/
Ang aking nakuhang
kaalaman mula dito/ ay
siyang naging sandata ko sa
aking kasalukuyang
trabaho/
Ang aking nakuhang
kaalaman mula dito/ ay
siyang naging tanging
sandata ko sa aking
kasalukuyang trabaho/
Kaya patuloy pang nahahasa
ang aking kasanayan sa mga
Gawain/ lalo na sa mga electrical
equipment na ginagamit ko/ sa
aking trabaho/
Maaari ka bang magbahagi ng
isang lesson sa SHS na
tumatak sa iyong puso at
palagian mo pa ring ginagamit
sa ngayon?
Tumatak po sa akin ang pag-
interpret at pag Analyze ng
mga Schematic Diagram ng
Electrical Wirings/ at ang
laging pagsuot ng PPE/
Lagi ko itong tinatandaan at
isinasapuso/ Naniniwala ako na
napakahalaga po ng mga ito para
maiwasan ang pagkakamali/ sa
pagkakabit ng mga linya ng
kuryente/ isa pa, para syempre,
maging ligtas lagi sa trabaho/
Kumusta ang naging pagtingin
sa iyo ng iyong pamilya at mga
kaibigan nang magtagumpay
ka sa iyong trabaho/negosyo?
No’ng mga panahong ‘yon, naalala kong
nagging proud sila sa akin. Lalo na no’ng
nakatulong na ako / sa pang-araw-araw
naming gastusin at sa pag-aaral ng mga
kapatid ko.
Paano mo ibinabahagi ang
iyong kaalaman/skills sa
ibang tao?
Ibinabahagi ko ang aking mga
kaalaman sa ibang tao/ sa
pamamagitan ng pagtuturo sa kanila
ng/ aking mga nalalaman sa pag-
aayos/ at pagkakabit ng mga
kasangkapang pang-elektrikal/
Kung may mga katanungan sila
kaugnay ng aking napag-aralan/ ay
willing naman akong ituro ang aking
mga nalalaman./ Lalo na at alam
nating/ kailangan ang pakikisama at
pagkikipagkapwa-tao.
Ano-ano ang mga
natatanging pagkilala na
iyong natanggap sa iyong
trabaho/negsosyo?
Nakatanggap po ako ng
pagkilala bilang/ “Best Work
Immersion Student”/ noong
ako’y (ahmm) Grade 12.
Nabigyan din po ako ng /
Certificate of Completion sa
aking On-the-Job Training/
Napakalaking bagay sa akin ang
pagkilala na aking natanggap/
dahil nadagdagan ang aking
tiwala sa sarili/ na ngayo’y
nagagamit ko at lalo pang
nagpalakas sa akin/
Anong proudest moment
mo bilang SHS graduate?
Ipinagmamalaki ko po na
ako’y nakapagtapos ng
SHS/ nang may karangalan
o with honors/ sa kabila ng
aming kahirapan/
lalong-lalo na noong ako’y
nakapasa sa NCII Assessment/
bali ito yung nagging way para
makapag-simula ako.
Paano mo gustong
makilala bilang isang
graduate ng paaralan?
Gusto kong makilala bilang isa sa
mga kauna-unahang estudyante/ na
nakapagtapos nang matagumpay/ sa
paaralang ito/ sa kabila ng
kalagayan namin sa buhay/
At least gusto kong maging
halimbawa/ sa mga kabataang
pinanghihinaan ng loob/ kapag
nakakaranas ng mga pagsubok
lalo na sa pinansyal na aspeto/
Nais ko ring maging matagumpay
sila sa trabaho/ kagaya ng aking
naranasan/ Isang malaking
pribilehiyo ang mapabilang sa mga
mag-aaral na nagbibigay ng
karangalan/ sa Odiongan National
High School/
Anong mga plano mo para
mapaganda pa ang iyong
kinabukasan?
Siguro, (ahhh)/ una/
pagbubutihin ko pa ang
aking trabaho/
Pangalawa/ palalawakin
ko pa ang aking kaalaman/
upang magamit ko sa mga
susunod ko pang trabaho/
Pangatlo/ ibabahagi ko
ang aking mga nalalaman
sa larangang aking
pinasok/ sa iba pang mag-
aaral.
Ano ang iyong mensahe para sa mga
kasalukuyang SHS na mag-aaral na
nag-aaral ng TVL-EIM?
Para sa mga mag-aaral ng SHS ng TVL-
EIM/ sana ay isaisip at isapuso nila ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng
determinasyong maipagpatuloy ang pag-
aaral/ sa kabila ng kaliwa’t kanang hamon sa
buhay/
Kailangang may pagsisikap/
at tiyaga/ sa kahit anong
mang trabahong ibibigay sa
kanila/
Makinig at pag-aralang
Mabuti ang mga itinuturo ng
mga guro dahil magagamit
nila ito sa kanilang magiging
trabaho.
Ano ang iyong mensahe para sa mga mag-
aaral na magtatapos ng SHS ngayong
taong panuruan upang magtagumpay sa
kanilang mga lugar na pagtratrabahuan,
negosyo o kahit ano mang tatahakin nila
sa kanilang buhay?
Sa lahat ng mga tao na
dumaraan sa mga
pagsubok/
Ang mahalaga ay huwag silang
susuko/ Sa halip/ ay gawin
nilang inspirasyon ang kanilang
pamilya at hirap na kanilang
naranasan.
Isa pa, ang sandaling
pagod ay maiibsan/ kung
isasapuso ang pag-abot sa
kanilang mga pangarap/
Sa mga mag-aaral na kagaya ko/ tandan
nila ang isa sa mga kasabibahan na
isinasabuhay ko, “Fear nothing and pray
about everything”. Basta tandan nila na
laging magtiwala sa Diyos.
Huwag kang mangamba/ at
patuloy na ipanalangin ang lahat ng
bagay/ Maging matatag/ at
magtiwala sa Kanyang mga salita/ at
sa Kanyang kaparaanan”/

You might also like