You are on page 1of 26

Nailalahad ang mga

pangunahing paksa at ideya


batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan.
Balik-aral:
Anong huling paksa ang ating
natalakay?
Ang Paglalakbay ni
Hercules
Maglahad ng mga ideya
tungkol sa tekstong
binasa.

Sino – sino ang mga


tauhan sa kuwento?
Mga Tauhan ng Kuwento:
Hercules – ang anak nina Zeus at Alcmene
Hera – ang asawa at kapatid ni Zeus na naninibugho sa mga babae ni Zeus.
Eurytheus – Hari ng Mycenae na kasabwat ni Hera.
Theseus – kaibigan ni Hercules na nagdala nito sa Athens.
Haring Augeas – hari ng Elis na nakipagsundo si Hercules sa haring ito
dahil sa isang pabuya.
Deianeira – prinsesa ng Calydon, ang bagong asawa ni Hercules.
Achelous – diyos ng mga ilog (manliligaw ni Deianeira)
Nessus – isang kalahating tao’t kabayo na nagbigay ng gayuma kay
Deianeira.
- Bakit nagalit si Hera sa
mortal na si Hercules?
- Ano ang aral na nais ikintal
ng kwento?
Ano ang pangunahing ideya
at paksa ng teksto?
Pangunahing ideya
Ang pangunahing paksa ay ang pinakapokus na
ideya. Kadalasan, ito ang punong nadebelop
na kaisipan ng paksa.

Ang mga ideyang ito ang punto o pangunahing


konsepto na nais na iparating ng may- akda
at ng mismong akda sa mga mambabasa.
Ang pangunahing paksa ay paksang pangungusap
na batayan ng mga detalyeng inilahad sa teksto.
Ito ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan
o kongklusyong bahagi ng teksto. May mga
pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay
hindi tuwirang binangggit sa teksto.
Halimbawa:
Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa
ating pagkatao. Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng
tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang
matamasa niya ang iba pang karapatan ng tao sapagkat kung wala ito,
wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang
karapatan.  May karapatan din siyang maging mahalaga. At tratuhin
bilang isang indibidwal na may dignidad. Karapatan din ng tao ang
maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng tao na maigapang ang kanyang
sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad tungo sa kaginhawaan.
Kanilang inihanda ang mga bagong sibol
sa magiging kinabukasan. Ang mga guro
ang humuhubog sa kakayahan, mga talento
at iba pa. Tinuruan nila ng magagandang
asal at kaalaman ang mga bata. At isa pa
nagsisilbi silang ina’t ama sa
eskwelahan. Kaya’t itinuturing na
pangalawang magulang ang mga guro sa
paaralan.
Ang mga guro ay itinuturing bilang
pangalawang magulang ng mga
estudyante. Sila ang nagsisilbing ina
at ama sa eskwelahan. Hinuhubog nila
ang kakayahan, pangarap, talento, at
iba pa ang mga bata . Ipinunla nila
ang kaalaman na maaaring magamit at
maghanda sa kani-kanilang
kinabukasan.
Iba’t ibang paraan na maaaring
makatulong sa pagkilala at pagtitiyak
ng pangunahing ideya o kaisipang
hatid ng mitolohiya sa mga
mambabasa.
1. Pagsusuri sa detalye-
Pangunahing layunin nitong palawakin at higit na bigyang-linaw
ang pangunahing ideyang isinasaad ng akda.

Halimbawa: “Nanibugho si Hera nang malamang hindi siya


nagtagumpay. Muli siyang nagplano ng patibong para sa kamatayan
ni Hercules ngunit pinalipas niya muna ang mahabang panahon
upang hindi magduda ang kaniyang asawang si Zeus.”

Pangunahing ideya: Hinto muna ang balak.


2. Pagsusuri sa usapan o diyalogo ng mga tauhan
- sa pagsusuri sa mga usapan ng mga tauhan,
matutukoy ng mga mambabasa ang mga tagong mensahe o
kaisipang isinasaad ng akda.

Halimbawa:
Nessus: Ipainom mo ito kay Hercules upang hindi na siya
muling tumingin pa sa ibang babae.
Deianeira: Talaga bang makatutulong ito sa akin at hindi
ito paraan ng iyong paghihiganti?

PI: Mag-ingat sa mga taong mapanlinlang/Nag-aalangan


3. Pagsusuri ng Tauhan- sa pagsusuri ng mga
katangian at pagkakakilanlan ng mga tauhan,
maaaring makilala at matukoy ng mga mambabasa
ang pangunahing ideyang hatid ng akda.

Halimbawa: Bukod sa mga utos na ito’y nagkaroon din ng iba pang


paglalakbay at hamon si Hercules nang makipagkasundo siya kay Haring
Augeas. Napagtagumpayan ni Hercules ang hamong ibinigay ng hari ngunit
hindi nito tinupad ang kaniyang pangako kay Hercules.

Pangunahing Ideya: Walang isang salita ang hari


Ano ang pangunahing paksa/ideya?

Habang naglalakbay ang dalawa, naging bihag


ni Nessus, isang kalahating-tao’t kalahating-
kabayong nilalang, si Deianeira. At dahil nakita ni
Hercules ang panganib para sa asawa, agad niya
itong iniligtas sa pamamagitan ng pagpana niya kay
Nessus. Bago pa man mamatay si Nessus ay binigyan
niya si Deianeira ng gayuma mula sa kaniyang dugo.
Ayon sa kaniya, makatutulong ito upang hindi na
tumingin sa iba pang babae si Hercules, kinuha at
itinago naman ito ni Deianeira.
Ano ang pangunahing paksa/ideya?

Zeus: Dahil isa akong immortal, maaari kong


makuha ang lahat ng babaeng aking nanaisin.

Deianeira: Patawarin mo ako Hercules,


pinagsisisihan ko ang nangyari dahil hindi ko
alam na ito pala ang babawi sa iyong buhay.
Bilang isang mag-aaral, ano ang
kahalagahan sa iyo ng pagkilala sa
pangunahing ideya ng
mitolohiya?

Batay sa ating paksang tinalakay ngayon, sa anong asignatura


kaya puwedeng maiugnay ang ating paksa? Ipaliwanag.

Anong “pillars of CJC” nakaugnay ang paksa natin


ngayon? Ipaliwanag.
Naisasama ang salita sa
iba pang salita upang
makabuo ng ibang
kahulugan kolokasyon
(collocation).
Kolokasyon ng isang salita
Ang kolokasyon ay isa sa pamamaraan ng pagbibigay-
kahulugan kung saan higit na binibigyan ng detalye ang
isang salita sa pamamagitan ng pagtatambal nito sa iba
pang mga salita.

Mayroong mga salita (payak na salita)


na kapag dinagdagan ng iba pang
salita ay makabubuo ng iba pang
kahulugan.
HALIMBAWA:
puso – Isang importanteng parte ng katawang na nagpapadaloy ng dugo. Ngunit
kung ito ay daragdagan ng iba pang salita, mag-iiba ang kahulugan nito.
Gaya ng:
Pusong-mamon = mabait
Atake sa puso = sakit
Puso ng saging = bunga ng saging na ginugulay
Nagdurugong puso = nagdaramdam
Bakal na puso = matapang, matatag

Paliwanag: Naiiba ang kahulugan ng isang salita sa tuwing naisasama ito sa


ibang salita.
Bilang isang mag-aaral, paano
nakatutulong ang paksa ng kolokasyon sa
sariling kakayahan?

Batay sa ating paksang tinalakay ngayon, sa anong asignatura


kaya puwedeng maiugnay ang ating paksa? Ipaliwanag.

Anong “pillars of CJC” nakaugnay ang paksa natin


ngayon? Ipaliwanag.
Halimbawa: hari
Kahulugan: pinuno o lider
Bahag + hari = bahaghari
kahulugan: bulalakaw o rainbow

1.luto –
2. lupa –
3. bahay –
4. isip –
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!!!
Inihanda ni
Ginoong EDA

You might also like