You are on page 1of 12

KAAMULAN FESTIVAL

• Mula sa salitang binukid na


“AMUL” na nangangahulugang
magtipon, ang Kaamulan
Festival ay ang pinagsama-
samang pagidiriwang ng 7
katutubong etniko ng Bukidnon.
7 Katutubong Etniko ng Bukidnon

• Higaunon
• Talaandig
• Manobo
• Matigsalug
• Tigwahananon
• Umayamnon
• Bukidnon
• Ang Kaamulan Festival ay isang
pinaghalong pagbubuklod at
pagdiriwang ng kulturang etniko na
ginanap taun-taon sa Malaybalay
City, Bukidnon sa Pilipinas. Ang
Malaybalay ay ang kabisera ng
lungsod ng Bukidnon.
• Ito ay isang kapistahan na binubuo at
kinabibilangan ng ibat- ibang tradisyon ng etniko
tulad ng pagtaguyod ng datus (conferment of
datus) at pagbubuklod ng mga pakikitungo sa
kapayapaan (peace pacts). Gayundin, ito ay
isang paraan para ipakita ang kanilang iba’t
ibang mga katutubong laro, sining, musika at
mga sayaw na bihirang masilayan.Higit sa lahat,
ito ay ang pagdiriwang ng pasasalamat sa
Magbabaya (The highest and most powerful
deity of the Bukidnon) para sa masaganang ani.
1.Ano ang ibig sabihin ng salitang
“Kaamulan”?
2.Bakit ipinagdiriwang sa Bukidnon ang
Kaamulan Festival?
3.Ano-anong kaugalian ng mga katutubo
ang ipinakikita sa Kaamulan Festival?
Panuto:
Pag-aralan ang sitwasyon at magmungkahi ng solusyon
kung paano matatamo ang kapayapaan.

Sitwasyon 1:
Nag-aaral ka sa loob ng klase subalit
dumating ang isang grupo ng kalalakihan na
napakaingay.May pagsusulit pa naman kayo.
Hindi ka makapagpokus sa iyong pag-
aaral .Ano ang iyong gagawin?
Sitwasyon 2:
Nasaksihan mong nagkapikunan at nagsuntukan ang
dalawa mong kamag-aral.Ano ang iyong gagawin?

Sitwasyon 3:
Nakita mong tinatakot ng isang di kilalang lalaki
ang isa mong kamag-aral na babae.Nakalarawan sa
mukha ng iyong kamag-aral ang matinding takot. Ano
ang iyong gagawin?
Ngayon at alam niyo na kung paano
magiging mapayapa ang isang
sitwasyon. Tunghayan natin ang isang
halimbawa ng epiko ng mga manobo
kung paano mas nanaig ang
kabayanihan at kapayapaan sa
kanilang lugar.
AGYU
(Epiko ng mga ilianon Manobo)
Guro sa Filipino: Marinel L. Cabuga
Makinig sa babasahin na
Epiko ng inyong guro
1. Sino ang bayani ng mga ilianon?
2.Bakit siya nagkaroon ng hidwaan sa ibang Moro?
3.Ano ang naisip na solusyon ni Agyu para maiwasan
ang pakikipaglaban sa mga Moro?Tama ba ang
kanyang ginawa?Ipaliwanag ang sagot.
4.Bakit palipat-lipat ng tirahan sina agyu?
5.Ano ang ipinakiusap ni Tanagyaw sa kanyang ama?
Nagtagumpay ba siya?

You might also like