You are on page 1of 24

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t- Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Ikalawang Araw
Tingnan ang mga larawan. Sabihin kung anong gawaing pantahanan ang
sumusunod.
Tingnan ang mga larawan. Sabihin kung anong gawaing pantahanan ang
sumusunod.
Tingnan ang mga larawan. Sabihin kung anong gawaing pantahanan ang
sumusunod.
Pumili ng isang gawain mula sa
larawan at ibahagi sa klase ang
proseso kung paano mo ito
isinasagawa sa tahanan.
URI NG PAGKAKASUNOD- SUNOD

1. SEKWENSIYAL
- binabanggit dito ang pagsusunod- sunod ng
mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng salitang “una, pangalawa,
pangtalo, susunod, atbp.
URI NG PAGKAKASUNOD- SUNOD

2. Kronolohikal
- pinagsusunod- sunod ang mahahalagang detalye
ayon sa pagkaganap nito. Karaniwang gumagamit ng
tiyak na araw o petsa upang ipabatid sa mga mambabasa
kung kailan naganap ang mga naturang pangyayari.
Kalimitan itong ginagamit sa pagsulat ng talaarawan o
diary
URI NG PAGKAKASUNOD- SUNOD

3. Prosidyural
- pinagsusunod- sunod ang mga
hakbang o prosesong isasagawa
TEKSTONG
PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL

• Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at


instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
• Nagagamit ang pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat
ng larang ng pagkatuto. Halimbawa, recipe ng pagluluto sa Home
Economics, paggawa ng eksperimento sa agham at teknolohiya,
pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya o
pagsunod sa mga patakaran sa buong paaralan.
TEKSTONG PROSIDYURAL

APAT NA BAHAGI:
LAYUNIN O TARGET NA AWTPUT- Nilalaman kung ano ang
kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
MGA KAGAMITAN- Nakapaloob ang mga kasangkapan at
kagamitang kakailanganin upang makompleto ang isasagawang
proyekto.
METODO- Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang
proyekto.
EBALWASYON-Naglalaman ng mga pamaraan kung paano masusukat
ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL

1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa simple at


pangkasalukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili. (“una, kunin
mo” sa halip na “una, kukunin ko”). Ang tinututukoy na
pangkalahatan ay ang mambabasa.
3. Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos (putulin, hatiin,
tupiin, hawakan, kuhanin, atbp).
GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL

4. Gumamit ng mga cohesive devices upang mapagdugtong ang


mga teksto.
5. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong pagkakaayos
(maingat na gamitin ang gunting); saan (mula sa itaas pababa);
kailan (matapos kumulo)
6. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan ng mga bagay
(hugis, laki, kulay, dami)
Halimbawang
Teksto
Basahin ang halimbawa ng tekstong prosidyural. Ang tekstong
nagpapakita ng pagluluto ng ADOBO
PASTA.
Isinulat ito nina Ingrid Hermenegildo at
Rose Vivares.
Gabay na Tanong:

1.Ano ang pangunahing layunin ng tekstong binasa?


2.Sa iyong palagay, maayos bang nailahad ang proseso
ng pagluluto?
3. Malaki ba ang naitulong ng cohesive devices sa
pagbuo ng tekstong prosidyural?
PAGSULAT NG DYORNAL:
Gaano kahalaga ang isang tekstong
prosidyural?
Ikatlong Araw
Gawain:
Umisip ng limang pagkaing Pinoy. Mula sa mga naisip na pagkaing pinoy, pumili
lamang ng isa at sumulat ng isang tekstong prosidyural. Isulat ang pamamaraan
kung paano ito inihahanda o iniluluto. Pagkatapos ay gumawa ng sariling bersyon
ng lutuin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba pang sangkap at pamamaraan.
 
PAMANTAYAN:
Nilalaman- 20
Gramatika- 20
Kohirens at kalinisan- 10
Kabuuan- 50 puntos
Ikaapat na Araw
Gawain:
Magkakaroon ng palitan ng ginawang teksto. Hahayaan na ang kaklase ang
magbigay ng puntos at puna sa isinagawang teksto ng kamg- aral.
 
PAMANTAYAN:
Nilalaman- 20
Gramatika- 20
Kohirens at kalinisan- 10
Kabuuan- 50 puntos
Ang mga mag- aaral ay magbabahagi ng kanilang
nabuong tekstong prosidyural.
 
Pagsusulit
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1-5. Ibigay ang tatlong uri ng pagkakasunod- sunod at
ibigay ang kaibahan ng mga ito.
6-10. Ibigay ang kahulugan ng tekstong prosidyural.
 

You might also like