▪ Layunin nito ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng
teksto ▪ Isinusulat ito upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat ang tama, at hindi ang sa iba ▪ Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto ▪ Ito ay may subhetibong tono- malayang ipinapahayag ng manunulat ang knyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyu. Tatlong paraan ng panghihikayat – ayon kay Aristotle 1. Ethos - Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. 2. Pathos - Tumutukoy ito sa paggamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa - layunin nitong makaramdam ng awa, saya, at iba pang emosyon upang mahikayat ang mambabasa 3. Logos - Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. - Nagbibigay ng mga makatotohanang impormasyon at datos ang manunulat