You are on page 1of 1

Ang Tekstong Persuweysib (Persuasive)

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi


sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago
ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng
manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito ang
mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng
teksto.

Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang


ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa
isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at
paniniwala ng may-akda.

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas,


propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o
networking.

TEKSTONG PERSWEYSIB
Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa
o tagapakinig upang
makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.
MGA LAYUNIN
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha
ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad
3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin
o simpatiya ng mambabasa
MGA KATANGIAN
1. May subhetibong tono
2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda
para sa eleksiyon, at
pagrerekrut para sa isang samahan o networking

You might also like