You are on page 1of 12

Aralin IV:

Sitwasyong Pangwika sa iba pang


anyo ng Kulturang Popular: SMS
at Spoken Word Poetry
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTRANG PILIPINO
Nailalahad ang katangian ng SMS at Spoken
Layunin:
1.
Word Poetry;
2. Nakapagsusuri ng mga salitang ginamit sa
pinanuod na halimbawa ng Spoken Word
Poetry;
3. Nakagagawa ng sariling Spoken Word
Poetry ; at
4. Naitatanghal sa harap ng marami
Subukin: Magbigay ng limang halimbawa ng SMS code at
bigyan ito ng kahulugan. Sundan ang halimbawa sa ibaba:

LOL- Laugh out loud/ Lots of love


Subukin: Tukuyin kung ano ang katangian ng tradisyunal na
pagtula at spoken word poetry.

TRADIYUNAL NA PAGTULA SPOKEN WORD POETRY


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
SMS
 Angkahulugan nito ay Short Messaging System/ Short
Message Service. Ang short messaging system ay isang
modernong paraan para makapagpadala ng mensahe sa ating
mga kakilala o isang indibidwal.
 Ang wikang SMS ay isang katawagan na tumutukoy sa mga
pagdadaglat at salitang balbal na karaniwang ginagamit para
sa kinakailangang kaigsian ng mobile phone text messaging,
lalong lalo na sa laganap na SMS communication protocol.
SMS
 Para sa mga salitang walang daglat, karaniwang
tinatanggal ang patinig ng salita at idinidikit sa isa pang
katinig at kung minsan ay pagdadagdag ng numero sa
letra (halimbawa: text- txt; later- l8r). Kailangang
pakahulugan nila ang daglat batay sa konteksto ng
pagkakagamit ng salita dahil may ilang pagdadaglat na
pare-pareho ngunit magkakaiba ang kahulugan
(halimbawa: LOL- laugh out love o lots of love).
SMS

 Upang makapagpadala ng SMS ay kailangan mayroon


tayong smartphone o cellphone na may sim at load. Ito na
ang modernong pagpapadala ng mensahe ngayon.
 Mayroong limitadong karakter sa pagpapadala ng SMS
kaya naman ang pagbabantas at gramatika ay madalas na
hindi na binibigyan ng pansin.
Spoken Word Poetry

 Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa


pamamagitan ng isang tula. Ang spoken word poetry ay
isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad
ng tula sa madla sa pamamagitan ng pagsasalaysay o
"narration" sa Wikang Ingles. Kumpara isang sa normal na
tula, mas malikhain at mapaghamong gawin ang spoken
word poetry.
Spoken Word Poetry
Narito ang iba pang mga detalye ukol sa nasabing spoken poetry.
Ano nga ba ang Spoken Poetry?
Ang spoken poetry ay isang anyo ng tula na may
malikhaing pagsasaad ng kwento o pagsasalaysay.
Ang spoken poetry ay mas malikhain at mapaghamong
gawin. Mas nakaaaliw rin itong pakinggan na kung minsan ay
sinasabayan pa ng musika o background music sa pagtatanghal
upang makadagdag ng emosyon.
Spoken Word Poetry
Mga Tip sa Pagsulat ng Spoken Poetry
Upang makagawa ng isang maganda at maayos na spoken poetry, narito
ang ilan sa mga tip na maaari mong sundin ukol sa pagsulat ng spoken
poetry:
 Gumamit ng konkretong lenggwahe - kabilang dito ang mga
matitingkad na imahe, tunog, kilos, pakiramdam, emosyon, at iba pa.
Ang isang magandang spoken poetry ay nakakalikha ng mayamang
imahe sa isip ng mga nakikinig.
Spoken Word Poetry

 Gumamit ng pag-uulit - kabilang dito ang pag-uulit ng mga kaisipan o


imahe sa spoken poetry.
 Gumamit ng mga rhyme o tugmaan - para may elemento ng aliw at
sorpresa sa iyong spoken poetry.
 Gumamitng iyong sariling saloobin - Ito ay upang makuha mo ang
emosyon at pakiramdam ng mga nakikinig.
 Gumamit ng persona - Halimbawa, kung gagamit ka ng persona ng
ibang tao, gamitin mo rin ang opinyon nito kahit na ito ay iba sa
opinyon mo.
Gawain
Sumulat ng isang piyesa ng spoken poetry na inyong
itatanghal sa harap ng klase, malaya sa pagpili ng tema,
malaya rin ang bilang ng taludtod ng tula.
Aplikasyon ng mga salitang natutunan sa kulturang
popular – 5 pts
Paraan ng paglalahad – 5 pts
Pagbigkas – 5 pts
Kabuuang puntos – 15 pts

You might also like