You are on page 1of 15

Mga Teorya sa Pagsasalin

1. A translation must give the words of the original.


2. A translation must give the ideas of the original.
3. A translation should read like an original work.
4. A translation should read like a translation.
5. A translation should reflect the style of the
original.
6. A translation should possess the style of the
translator.
7. A translation should read as a contemporary of the
original.
8. A translation should read as a contemporary of the
translator.
9. A translation may add to or omit from the
original.
10. A translation may never add to or omit from the
original.
11. A translation of verse should be in prose.
12. A translation of verse should be in verse.
Ano ang TEORYA SA PAGSASALIN?
-Ang teorya ay hanay ng mga konsepto na naglalayong
magsilbing gabay at magpabuti sa praktika.
Samakatuwid, ito ay gabay ng tagasalin. Ito ang
batayan niya a mga pagpapayang paiiralin sa proseso ng
pagsasalin ng isang particular na teksto, paano bibigyan ng
pagpapakahulugan ang orihinal, paano tutumbasan sa TL
ang mga salitang ginamit ng orihinal na awtor, literal ba o
liberal, taksil o tapat, lahat ng ito ay batay sa teoryang
ilalapat sa isang particular na gawain ng pagsasalin.
3 Sangkap ng Pagsasalin
a. Pagtukoy sa Tungkulin at Pinag-
uukulan ng salin
b. Pagsusuri sa paraan ng pagsasalin
c. Pagsusuri sa ugnayan ng dalawang
nabanggit.
Mga Unang Teorya sa Pagsasalin

SinaunangRoma
Ang Pagsasalin ng
Bibliya
Iba pang Teorya sa Pagsasaling Pampanitikan
Etienne Dolet (1509-46) -isang french humanist, unang
manunulat na bumuo ng teorya ng pagsasalin.
Naniniwala siya na kailangang maunawaan ng tagasalin
ang kahulugan ng orihinal na awtor bagamat may
kalayaan ang tagasalin na linawin ang mga bahaging
malabo.
Sinabi rin niya na iwasan ng yagasalin ang salita-sa-
salitang tumbasan.
George Chapman (1559-1634) -ang nagsalin kay Homer,
na nagsabing kailangang "mahuli"ng tagasalin ang diwa
ng orihinal
Sina Wyatt (1503-42) at Surrey (1517-47) - nagsabing
hindi lamang ang kahulugan ng orihinal ang dapat
maisalin kundi pati ang epekto at tungkulin nito sa
orihinal na mambabasa.
Philemon Holland (1552-1637) -nagsalin kay Livy, ay
gumamit ng mga kontemporaryong terminolohiya kaya
ang patres et plebs ay naging nobles and commons, at
nagdagdag pa siya ng mga paliwanag sa mga bahaging
malabo.
John Dryden (1631-1700) -may 3 uri ng salin: 1.)
Metaphrase, o salita-sa-salitang tumbasan; 2.)
Paraphrase, o pagsasalin ng kahulugan sa kahulugan; at
3.) Imitation, o napakalayang salin, na maaaring baguhin
ng tagasalin ang orihinal sa ano mang paraang sa palagay
niya'y tama.
Alexander Pope (1688-1744) -nagbigay-diin sa estilo ng
orhinal at sa pagpapanatiling buhay sa "apoy" ng tula.
Friedrich Schleiermacher (1768-1834) - nagmungkahi ng
paglikha ng isang hiwalay na wikang pampagsasalin para
sa mga pampanitikang salin lamang.
Johann Wolfgang von Goethe - ayon sa kanya, may 3 uri
ng salin: Una, nagpapakilala ng isang dayuhang bansa sa
pamamagitan ng TL; prosa ang pinakamagandang
halimbawa nito. Pangalawa, parodistic ang tawag niya
dito. Pangatlo, pinakamataas na uri ito dahil ang layunin
nito ay maging katulad na katulad ng orihinal.
Dante Gabriel Rosetti (1828-82) - nagsabing kailangang
sundan ng tagasalin ang porma at lengguwahe ng orihinal
bagama't para sa kanya, ang pagsasalin ng tula ay
paglikha ng isang bagong tula na nagtataglay ng mga
katangiang estetiko ng orihinal.
Mathew Arnold (1822-68) -ang tekstong SL ang
mahalaga at ito ang kailangang paglingkuran nang buong
katapatan ng tagasalin.
Edward Fitzgerald (1809-63) -siya'y naniniwalang "mas
mabuti na ang buhay na maya kaysa pinatuyong agila",
na nangangahulugan ng pagkiling sa isang pumipintig na
teksto kaya ang tagasalin ay may layang "pakialaman"
nang husto ang orihinal at idagdag sa salin ang sariling
mga ideya.
Apat na Panahon ng Teorya sa Pagsasalin
Mahahati sa 4 na panahon
ang kasaysayan ng teorya sa
pagsasalin ayon kay Steiner.

You might also like