You are on page 1of 2

KARAHASAN SA PAARALAN

Nakaranas ka na bang tuksuhin, sigawan, o kayay pagsalitaan ng masasakit sa loob ng paaralan? Kung oo ang sagot mo ditto, maaaring nagging biktima ka na rin ng karahasan sa loob ng paaralan. Alam mo bang hindi pisikal na pananakit lamang ang matatawag na karahasan sa paaralan? Maraming mga kabataan ang nasasangkot o nagiging biktima nito na hindi nalalamang silay bahagi na pala ng statistika ng tinatawag na karahasan sa paaralan. Ano nga ba ang karahasan sa paaralan? Ang pormal na pakahulugan ditto ayon sa Center for Prevention of School Violence ng North Carolina Department of Juvenile and Delinquency Prevention, ay ano mang kilos na lumalabag sa misyong pang-edukasyon ng paaralan o lumalabag sa ugnayang nag-uugat sa respeto sa kapwa o sumasalungat sa layunin ng paaralan na maging Malaya sa agresyon laban sa kapwa o pag-aari, sa droga o bawal na gamot, armas, panggagam bala at kaguluhan. Ang karahasan ay karaniwang may pinag-uugatang kilos o ugali na tulad sa sakit na hindi nalapatan agad ng lunas, ay patuloy na lumulubha. Ayon sa ginawang bahagdan ng karahasan (Violence Continuum) ni Jim Bryngelson ng CARE (Courtesy and Respect Empower) maaaring magsimula ito sa pang-mamaliit, pang-iinsulto, pananakot, paninirang-puri, pambubulas o panunulak.habang namimihasa sa ganitong Gawain, pasama naman ng pasama at palala ng palala ang uri ng karahasan. Maaaring mauwi na ito sa pisikal na pananakit o pakikipag-away, panggigipit na sekswal, pagnanakaw, pag-abuso sa alcohol at droga, paggamit ng armas, paninira ng gamit ng kamag-aral o ng paaralan, paggawa ng mga krimeng kaugnay ng diskriminasyon at pagkamuhi sa isang grupo ng minorya, pagbuo ng gang, pambibihag o pagdukot, panggagahasa, pagpatay at sa huliy pagpapakamatay. Sa mga paaralan natin ngayon, higit na napagtutuunan ng pansin ang mga karahasang dulot ng mga nanunungkulan sa paaralan o ng mga nakatatanda sa mga mag-aaral. Marami na tayong mga polisiya at batas sa Kagawaran ng Edukasyon na nangangalaga sa mga kabataang nag-aaral laban sa pang-aabuso. Sa kabilang banda, hindi gaanong nabibigyan ng pansin ang mga karahasang dulot ng kapwa mga mag-aaral sa mga kabataan. Pinatunayan ito sa pag-aaral na isinagawa ng PLAN Philippines noon 2008. Minamaliit lamang ng kinauukulan ang karahasan sa hanay ng mga kabataan bilang away-bata. Normal lamang daw sa mga kabataan ang maging mapangbuksa, mapang-asar o mapang-inis. Kaya ngat ang asar-talo o pikon ay kinaiinisan pa nga. Ito iyong mga batang naapektuhan at gumaganti rin ng pag-aasar o pang-iinis at sa huliy napipikon kayay nananakit o naghahamon ng away. Mahalagang pag-aaral ang isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon tungkol sa karahasan sa paaralan. Ito ay tinawag na PLAN Area Research o Towards a Child-Friendly School Environment: A Baseline Study on Violence Against Children in School. May 2, 442 mga bata mula sa 58 paaralang pampubliko ng Masbate, Northern Samar, at Camotes Island sa Cebu ang nasangkot sa pag-aaral na ito. Nagging bahagi rin ng pag-aaral ang mga guro, punong-guro, magulang at iba pang mga kabilang sa mga komunidad sa mga naturang paaralan. Ilan sa mahahalagang resulta ng pag-aaral ay ang sumusunod: Tinatayang 5 sa 10 batang mag-aaral sa ikatlong baiting, 7 sa 10 sa ika-apat hanggang ika-anim na baiting, at 6 sa 10 mag-aaral sa

sekondarya ang nakaranas ng karahasan sa loob ng paaralan. Verbal abuse o pananakot at masasakit na pananalita ang karaniwang uri ng karahasang nararanasan ng mga mag-aaral sa lahat ng baiting at taon. Kabilang ditto ang panlalait o panlilibak, panunudyo, paninigaw, pagmumura at masasakit na salita. Karaniwang mga kamag-aral din ang nambibiktima kaysa sa nakatatanda. Mga kalalakihan ang karaniwangnagiging biktima ng pisikal na karahasan. Ang karaniwang nagiging epekto ng karahasan ay pagbaba ng pagtingin sa sarili, pagkatakot, pagkikimkim ng galit at kawalan ng pag-asa sa mga nagiging biktima. Ayon pa sa pag-aaral, ang mga karaniwang dahilan ng karahasan sa paaralan ay ang uri ng nilakihang pamilya, impluwensya ng barkada at midya, kawalan ng kaalaman ng mga nasa katungkulan upang tugunan ang mga suliranin sa karahasan, at kawalan ng mga polisiya at pamantayan kaugnay nito. Nagsagawa rin ng katulad na pag-aaral ang Philippine Womens University School of Social Work noong 2007. Mahigit 2, 442 na mga bata sa pampublikong paaralan ang nagging mga tagapagbigay ng impormasyon sa pag-aaral na ito. Ayon naman sa kanilang pagsasaliksik, 5 sa 10 mga mag-aaral sa una hanggang ikatlong baiting at 7 sa 10 mga mag-aaral sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang ang nakaranas o nasangkot na ng karahasan sa paaralan. Mas malala ang karahasan dulot ng kapwa mag-aaral kaysa sa gawa ng mga nakatatanda o opisyal ng paaralan. Pinakatalamak ang pasalitang pang-aabuso (verbal abuse) tulad ng panunukso, pagmumura, at paninigaw. Mas nakararami ang kalalakihang nagiging biktima ng pisikal na karahasan. Ngunit mas maraming mga kababaihan ang nsasangkot sa pambubulas. Bihira lamang sa kanila ang nagsusumbong tungkol sa karahasang naranasan dahil sa takot na silay balikan ng mga isinumbong. Ayon na rin sa maraming pag-aaral sa ibang bansa, maraming mukha ang karahasan sa paaralan. Pinakakilala ditto ang pambubulas at ang mga karahasang bahagi ng pagsapi sa mga gang o fraternity.

You might also like