Professional Documents
Culture Documents
Pansinin ang galit at pambabastos ni Pray Damaso kay Kapitan Tiago – ito
ay dahil siya mismo ang nagsabi sa huli na magtungo sa opisina (bahay iyon
ni Kapitan Tiyago). Sa bahaging ito ay ipinapakita ang pakikitungo ng
karaniwang prayle sa isang mayamang Pilipino – isipin na lamang kung
papaano pa kung tratuhin nito ang mga mahihirap na Pilipino.
2
112
amoy ng sikulate, maging ang tunugan ng mga kahon at salapi,4 na
nanggagaling sa dako ng Procuracion5 bahagya nang sinagot ang
magalang na bati ng procurador; binagtas ang ilang pasilyo at tumawag
sa pamamagitan ng pagkatok, sa isang pinto.
“Tuloy!” ang hibik ng isang tinig.
“Ibalik nawa ng Diyos sa reverencia ang
kalusugan,” ang bati ng batang Dominicano
pagpasok.6
Nakaupo sa isang malaking silya ang
isang matandang paring payat, naninilaw,
katulad ng mga santong ipininta ni Rivera. 7
Ang mga mata ay nakalubog, may makapal na
kilay, na sa dahilang parating magkasalubong
ay nakapagdaragdag ng kinang sa kanyang
naghihingalong mata. Nag-iisip siyang
minamasdan ni Pray Sibyla na noon ay
nakahalukipkip sa ilalim ng kagalang-galang
na kalmen ni Sto. Domingo. Pagkatapos ay
tumungong hindi nagsasalita at parang naghihintay. 8
“Ah!” ang buntunghininga ng maysakit, “pinagpayuhan ako ng
operasyon , Hernando, ang operahan sa edad kong ito! Ang lupaing ito,
113
ang kakila-kilabot na lupaing ito! Matuto ka sa nakikita mo sa akin,
Hernando!9
“At ano po ang iyong pasya?” tanong ni Pray Siblya na itinaas ang
tingin at itinitig sa maysakit.10
“Ang mamatay! Mayroon pa bang natitira sa akin kundi iyon na
lamang? Malaki ang aking ipinaghirap; ngunit… marami akong
pinapaghirap… nagbabayad ako ng aking utang! 11 At ikaw, ano ang
lagay mo? Ano ang iyong dalang balita?”
“Naparito ako upang kausapin kayo tungkol sa inyong ipinagawa
sa akin.”12
“Ah! At ano?”
“Psh!” sagot na masama ang loob ng bata, na umupo at iniharap
ang mukha sa ibang dako, “si Ibarra ay binatang may katalinuhan; hindi
mukhang hangal, gaya ng sinasabi sa atin, at sa palagay ko ay isang
mabuting bata.”13
“Sa akala mo?”
“Nagsimula na po kagabi ang labanan!”
“Agad-agad na, papaano?” 14
9
114
Sa maikling salita ay
isinalaysay ni Pray Sibyla ang
nangyari kay Padre Damaso at kay
Crisostomo Ibarra.
“Saka ang isa pa,” ang
patapos na sabi, “ang binata ay
magiging asawa ng anak ni Kapitan
Tiyago, na nag-aral sa paaralan ng
ating mga hermana; mayaman at
hindi iibigin ang magkaroon ng
kagalit upang mawala ang kanyang
kaligayahan at kayamanan.15
Itinungo ng maysakit ang ulo, bilang
pagsang-ayon.
“Oo, gayon din ang akala ko… Kung gayon ang magiging asawa at
ang biyenan ay buong-buong atin siya. At kung hindi, lalong mabuti ang
lumantad na kaaway natin!”16
Nagtatakang napatingin sa matanda si Pray Sibyla.
“Sa ikabubuti ng ating banal na corporacion, ang ibig kong turan,”
ang dugtong na nahihirapan sa paghinga,17 “ibig ko pa ang tayo ay
kalabanin kaysa mga huwad na papuri ng mga kaibigan… na sa mga
bagay na iyan sila binabayaran.”18
“Sa akala po ninyo ay…?”
Malungkot na siya ay tiningnan ng matanda.
115
“Huwag mong makakalimutan kailanman!” ang sagot na
naghihirap sa paghinga. “Ang ating kapangyarihan ay magtatagal
hanggat pinananaligan.19 Kung tayo ay nilalabanan sasabihin ng
Pamahalaan na: “kinakalaban dahil sa inaakalang sagabal sa kanilang
kalayaan, kung gayon ay huwag nating alisin.” 20
“At kung sila ay pakinggan? Kung minsan, ang Pamahalaan
ay…”21
“Hindi sila pakikinggan!”
“Gayunman, kung maakay ng kasakiman ang pamahalaan at
magnanais na napasakanya ang ating kayamanang… kung magkaroon
ng isang pangahas at buong tapang na …”22
“Kung gayon ay kahabag-habag!” Kapwa sila nanahimik. 23
19
116
“At isa pa,” ang patuloy na may pagdaramdam, “kailangang
kalabanin, upang tayo ay magising: matuklasan ang ating kahinaan,
upang mapagbuti natin.24 Ang mga labis na papuri ay dumadaya sa
atin, nagpapatulog sa atin, at lalabas tayong kakutya-kutya, at sa araw
na malantad tayong kakutya-kutya ay babagsak, gaya ng ating
paglagpak sa Europa. Hindi na papasok ang salapi sa ating mga
simbahan, wala nang bibili ng mga kalmen, correa, o ng anuman, at
kapag hindi na tayo mayaman ay hindi na natin mahihikayat ang mga
budhi.”25
“Psh! Kailanma’y atin ang ating mga lupain, ang ating mga
paupahang bahay…”
“Mawawalang lahat, gaya ng pagkawala ng ating mga lupain at
paupahan sa Europa!26 At ang masama pa ay tayo rin ang gumagawa ng
ating ikababagsak. Gaya halimbawa: ang patuloy na pagtataas ng upa
sa ating mga lupain taon-taon, at ito ay dahilan sa sarili lamang
nating kagustuhan:27 iyang pagpipilit na na iyan ay aking labis na
kinalaban sa lahat ng pagpupulong ng Capitulo,28 ang pagmamalabis na
iyan ay nakasisira sa atin! Ang Indio ay napipilitang bumili ng lupa sa
ibang mga pook sa labas ng ating hacienda at umaani na kasimbuti rin o
24
Sa bahaging ito ay ipinakikita ni Rizal ang kahalagahan nang pagpuna sa
kolonyal na simbahan. Nasanay ang kolonyal na simbahan na purihin ng
mga taong takot o kaya ay binabayaran nila. Sa ganito ay nahuhulog sila sa
mga kamalian at kahinaan na hindi kayang ipakita ng mga bayarang
tagapuri.
25
Sa mga salitang ito ay ipinadadama ni Rizal ang tunay na interes ng
frailocracia – ang salapi ng kaniyang mga tagasunod. Gagawin nila ang lahat
ng paraan, upang manatiling naniniwala ang mga tao sa kanilang mga aral,
sapagkat mananatili ang kanilang kapangyarihan, hanggat sila ay
pinapanaligan.
26
Naging katotohanan ang nasabing pahayag ni Rizal sa pamamagitan ng
matandang pari – pagkatapos ng kapangyarihan ng Espanya at ng
simbahan ang lupain ng simbahan ay binili ng mga Amerikano.
27
Hinuhulaan ni Rizal na ang isa sa mga magiging dahilan ng pagbagsak ng
mga prayle ay ang taon-taong pagtataas ng upa sa kanilang mga lupaing
pangsakahan. Ang mismong pamilya ni Rizal ay nangungupahan sa lupa ng
mga Dominicano. Sa taong 1888 ay nagkaroon ng pagkilos ang mga
magsasaka ng Calamba para tutulan ang taunang pagtataas ng bayad sa
lupang sinasabing pag-aari ng mga Dominicano at dahilan sa hawak ng mga
ito ang hukuman at pamahalaan ay natalo ang mga magsasaka ng Calamba
at ang kaparusahan ay ang paalisin ang mga magsasaka sa lupang
sakahan. Isinulat ni Rizal na may labis na hinanakit ang El Filibusterismo,
sa ganito ay nagkaroon ito ng mga mainit na nilalaman. Ang nobelang El
Filibusterismo ay nabasa ni Andres Bonifacio at nagkaroon ng ibang landas
na tinunguhan ang ating kasaysayan.
28
Capitulo - pagpupulong ng mga prayle upang pumili ng pinuno ng
kanilang partikular na orden at talakayin ang mga suliraning kanilang
kinahaharap.
117
higit pa kaysa mga lupain natin. 29 Nanganganib akong baka tayo ay
bumagsak na: Quos vult perdere Jupiter dementat prius.30 Sa dahilang
ito ay bayaan na nating dagdagan ang ating pasanin, ang mga taong
bayan ay bumubulong na. Mabuti nga ang naisip mo: bayaan nating
linawin ng iba ang kanilang sariling mga bagay-bagay, ingatan natin
ang nalalabi pa nating karangalan, at dahil sa di magtatagal, tayo ay
haharap sa Diyos ay hugasan natin ang ating mga kamay… Mahabag
nawa ang Diyos, at kaawaan tayo sa ating mga pagkakasala!”31
“Kung gayon ay inaakala po ninyo na ang canon o buwis…”
“Iwan na natin ang pag-uusap tungkol sa salapi,” ang putol na
may di-kasiyahang-loob ng maysakit. “Ang sabi mo ay nagbanta ang
tinyente kay Padre Damaso…!”32
“Opo, Padre!” ang tugon ni Pray Sibyla na nakangiti, “subalit
nakita ko ngayong umaga at sinabi sa aking dinaramdam niya ang mga
nangyari kagabi, sabi pa niya ay umakyat lamang sa kanyang ulo ang
alak at inakalang lasing din si Padre Damaso. “At ang pangako ninyo?”
ang pabirong tanong ko. “Padre Kura,” ang sagot sa akin, “marunong
akong tumupad sa aking sinabi, kung sa pagtupad ay hindi
29
Nakikita ng matandang pari ang nagiging kalamangan ng mga
magsasakang Pilipino na mayroong sariling lupa, ito ay ang higit na
kaunlaran ng pamumuhay. Mula sa mga angkang ito nagmula ang mga
kabataang ipinapadala para mag-aral sa Europa, at nahahantad sa mga
mapanuring kaisipan na hindi kaayon ng simbahan.
30
Binabaliw muna ni Jupiter ang ibig niyang puksain – hinahayaan ng Diyos
na magkamali ang mga pinuno ng simbahan at pamahalaan na gusto
niyang wasakin o alisin sa panunungkulan.
31
Isa itong satirikong pagdagil – sa pamamagitan ng kaniyang mga tauhang
Dominicano ay pinagkumpisal sa kanilang mga kasalaman at pinahingi ng
tawad ni Rizal ang mga dayuhang kaparian sa Pilipinas.
Isang iskulturang likha ni Rizal na ang orihinal ay ginawa sa wax na
pinamagatang ORATE FRATRES (Manalangin Tayo, Mga Kapatid). Sa likhang
sining na ito ni Rizal ay ginawa niyang karikatura ang isang prayle sa
kaniyang maluhong katayuan, nagdurusa sa kaniyang pagpapasarap sa
buhay at napapaligiran ng mga bisyo: BABAE, KAGAMITAN SA SUGAL, AT
ALAK; Kalakip din nito ang kaniyang negosyo na pagbebenta ng krusipiho,
ang bunga ng kaniyang panlilinlang; at isang sako ng salapi. Ang
panalangin ng matandang pari sa Kabanata 9 ay higit na ipinaliwanag ni
Rizal sa pamamagitan ng likhang sining na ito.
32
Sa tanong ng matandang pari ay nag-aalala siya na mauwi sa masamang
pangyayari ang naganap na pagtatalo nina Pray Damaso at Tinyente
Guevarra dahilan sa baka magsumbong ang huli sa GH. Ang pag-aalala ng
matandang pari ay may batayan dahilan sa ang GH na nanunungkulan na
inilalarawan sa nobela ay isang liberal o hindi tau-tauhan na pinapagalaw
ng mga prayle.
118
madudungisan ang aking karangalan; kailanman ay hindi ako naging
manunuplong, kaya wala ako kundi dadalawang bituin lamang.”33
Matapos mag-usap ng iba pang bagay na hindi masyadong
mahalaga ay nagpaalam si Pray Sibyla.
Tunay ngang hindi nagtungo ng Malakanyang ang tinyente,
ngunit nabatid ng Kapitan Heneral ang mga nangyari. Sa pakikipag-usap
sa kanyang mga ayudante tungkol sa mga parunggit sa kanya ng mga
pahayagan sa Maynila, na ang ginamit sa pagtukoy ay mga kometa34 at
mga pagsipot sa langit ng mga di-karaniwang bagay, ay ikinuwento sa
kanya ng isa sa mga ayudante ang naganap kay Padre Damaso, sa isang
paraang lalong may ibig ipalaman, ngunit sa maayos at di-magaspang
ang pagkakahanay.35
“Kanino ninyo tinanggap ang balita?” ang tanong na nakangiti ng
Heneral.
“Kay Laruja, na siyang nagsasalaysay kaninang umaga sa
Pasulatan.”36
Muling ngumiti ang Heneral at saka idinugtong na:
33
Hindi manunuplong – sa ating panahon ay hindi siya sipsip. kaya mababa
ang ranggo (ang dalawang maliit na bituin sa insignia para ito sa tinyente ng
hukbo ng Espanya). Tandaan na sa nobelang ito si Tinyente Guevarra ay
pinuno ng guardia civil sa distrito ng Binondo at kung naging malapit siya
sa mga naging kura paroko sa nasabing lugar ay maaring naging
napakataas ng kaniyang ranggo sa kolonyal na hukbo. Subalit hindi siya
naglalapit sa mga kura-paroko sa kaniyang nasasakupang distrito. Marami
pa tayong malalaman ukol sa integridad ni Tinyente Guevarra.
34
36
Makikita ang pagiging balimbing ni G. Laruja – panig siya kay Pray
Damaso sa panahon ng ginawang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiyago,
pagkatapos ay nagsalita sa pahayagan ukol sa insulto na ginawa ng pari
laban sa Kapitan Heneral. Pansinin na umaga nakipagkita si Laruja sa
pahayagan – dahilan sa ang mga pahayagan noong panahong iyon ay
inilalabas sa hapon at hindi umaga na katulad sa ating panahon. Ngayon ay
nauunawaan mo na kung bakit siya binigyan ni Rizal sa Kabanata 1 ng
ilong na “parang hindi sa kanya”.
119
“Ang babae at ang prayle ay hindi makakai-insulto sa akin! Nais
kong mabuhay na mapayapa sa ilang panahong ilalagi ko sa lupaing ito
at ayoko nang magkaroon pa ng gusot sa mga lalaking nagsusuot ng
saya.37 At hindi pa iyan, nabatid ko ring pinaglaruan ng paring provincial
ang aking kautusan; hiningi kong kaparusahan sa prayleng iyan ay
ilipat sa ibang bayan; ang ginawa ay inilipat sa ibang bayang lalo pang
mabuti kaysa pinag-alisan;38 frailadas,39 kung sa kasabihan natin sa
Espanya!”
Ngunit nang mag-isa na ang Heneral ay hindi na ngumiti. “Ah!
Kung hindi lamang napakahangal ng bayang ito ay itutuwid nila ang
lakad ng mga paring iyan!” ang wikang sabay sa buntunghininga.
“Datapwa’t ang bawa’t bayan ay may kapalaran na naayon sa
kaniyang kaugalian, at gawin natin ang ginagawa ng lahat.” 40
Samantala, natapos na ang pakikipag-usap ni Kapitan Tiyago kay
Padre Damaso, o sa higit na wastong sabi, natapos na ang pakikipag-
usap nito sa kanya. “Alam ko na!” sabi ng Pransiskano nang
nagpapaalam. “Ang lahat ng ito ay nahadlangan sana kung nagsabi ka
muna sa akin, kung hindi ka nagsinungaling nang itanong ko sa iyo.
Huwag mong babalakin gumawa ng mga kahangalan! At manalig ka sa
akin na iyong tagapag-ingat.”41
37
Mapupuna ang labis na pagkamuhi ng Kapitan Heneral, ngunit limitado
na lamang ang panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas at
nagiging maingat na siya sa pakikitungo sa mga lalaking nagsusuot ng saya
– hindi bakla ang tinutukoy dito kundi mga prayle.
38
Pinakamataas na pinuno ng partikular na orden sa Pilipinas – ang
naglipat kay Padre Damaso sa mas mabuting parokya ay provincial ng orden
Pransiskano bilang pasaway na pagsunod sa kautusan ng KH. Akala ninyo
ngayon lang uso ang mga pasaway – panahon pa ni Rizal pinasimulan na
iyan ng mga prayle at sa susunod na kabanata ay makikita pa ninyo ang
marami pang mga pasaway.
39
120
Si Kapitan Tiyago ay napabuntong-hininga at palakad-lakad na
nag-iisip ng makalawa o makatatlo sa salas; subalit parang may biglang
nagtulak sa kanyang kalooban, tumatakbong patungo sa silid dasalan at
pinatay ang mga kandila at lampara na sinindihan para kay Ibarra. 42
“May panahon pa, at ang lakarin ay lubhang mahaba!” ang bulong niya.
121