Professional Documents
Culture Documents
172
ginagamit kung Biyernes Santo, na ipinagugulong sa koro upang
gayahin ang tunog ng kulog.3
“Hilahin mo ang lubid, Crispin!” ang sabi ng malaki sa kanyang
kapatid na maliit.”
Nag-alambitin si Crispin sa hawak na lubid at sa itaas ay nadinig
ang isang mahinang tunog, na mabilis na tinalo ng isang malakas na
kulog, at higit pang pinalakas ang tunog ng libong alingawngaw.4
“Ah! Kung nasa bahay na sana tayo ngayon, kasama ni ina,” ang
hibik ng maliit na nakatitig sa kanyang kapatid, “doon ay hindi ako
matatakot.”
Ang nakakatanda ay hindi sumagot, nakatitig sa luha ng kandila
na parang nag-iisip.5
“Doon walang magsasabing ako ay nagnanakaw!” patuloy ni
Crispin, “hindi papayag si Ina! Kung malalaman na ako ay pinapalo…”
Inilayo ng nakakatanda ang tingin sa ilaw, itinaas ang ulo,
madiing kinagat ang malaking lubid na biglang binatak at nadinig ang
isang malakas na tunog ng kampana.6
3
Isang pamamaraan noon sa pagbibigay ng sermon ay paglalagay ng sound
effect upang higit na kapani-paniwala – ang bato na nasa koro ng simbahan
ang pinagugulong upang gayahin ang tunog ng kulog. Isang paglalarawan ni
Rizal sa kaliitan ng kakayahan ng tao na tularan ang lakas ng elemento ng
kalikasan, upang higit paniwalaan ng mga mangmang ang kanilang
kapangyarihan.
4
“Hilahin mo ang lubid, Crispin!” - Pansining mabuti na nag-uutos si
Basilio sa kaniyang batang kapatid na si Crispin na hilahin ang lubid sa
kampana ng simbahan. Isang simbolikal na pananalita mayroong
nakatagong lihim na mensahe. Tandaan na ang tunog ng kampana ay
madidinig ng bayan. Isinulat kaya ni Rizal ang bahaging ito, upang
iparamdam sa kaniyang mga mambabasa ang kung sino ang nag-utos sa
kanya na hilahin ang lubid, upang ipaalam sa lahat ang kalagayan ng
bayan.
173
“Ganito na lamang bang palagi ang
buhay natin kuya?”7 ang patuloy na sabi
ni Crispin. “Gusto kong ako ay magkasakit
bukas sa bahay, ibig kong magkaroon ng
isang matagal na karamdaman upang
alagaan ako ni nanay at huwag na akong
pabalikin pa sa kumbento. Sa gayon, hindi
ako tatawaging magnanakaw, o sasaktan
nila. At ikaw din kuya, dapat kang
magkasakit na kasama ko.”8
“Hindi!” sagot ng nakakatanda,
“mamamatay tayong lahat; ang nanay ay sa
sama ng loob, at tayo naman ay sa gutom.”
Si Crispin ay hindi tumutol.
“Magkano ang kikitain mo sa
buwang ito?” ang tanong, makaraan ang
sandali.
“Dalawang piso: pinatawan ako ng
tatlong multa.”9
“Bayaran mo kuya ang ibinibintang na ninakaw ko, upang hindi
tayo tatawaging magnanakaw: bayaran mo, kuya!”
“Nababaliw ka ba, Crispin? Walang kakainin si Nanay; ang sabi
ng sakristan-mayor ay dalawang onza ang ninakaw mo, ang katumbas
ng dalawang onza ay tatlumpu’t dalawang piso.”10
7
Sa kabila ng kabataan ni Crispin ay nagawa niyang maitanong; kung
mabubuhay na lamang silang palagi sa kahabag-habag ng kalagayan. Sa
edad na pito, makikita ang lalim ng pangmasid ni Crispin, kung hindi man
sa kabuuang kalagayan ng sambayanan, ay sa kahirapan na dinadanas ng
kanilang sambahayan– bunga ng isang sistemang panlipunan na kaya
lamang nanatili ay dahilan sa pagsasamantala sa mga dukha, mahina, at
mangmang. Isang katanungan na ipinasabi ni Rizal sa pamamagitan ng
isang bata, upang ng sagutin nating mga matatanda.
Halos sa ganitong edad si Rizal ay gumagawa ng pagmumuni-muni sa
kabilang ibayo ng Lawa ng Laguna.
8
10
Onza – salaping ginto na nagkakahalaga ng P 16.00 ang bawat isa.
174
Ang mallit ay bumilang sa kanyang daliri hanggang tatlumpu’t
dalawa.
11
175
kaganda. Si Nanay ay hindi maniniwala, hindi siya talagang
maniniwala.”
“Kung sabihin ng kura na …”
Si Crispin ay nag-iiyak, na bumubulong habang humihikbi:
“Kung gayon umuwi kang mag-isa, ayoko nang umuwi; sabihin mo na
kay nanay na ako ay may sakit; ayokong umuwi.”14
“Huwag kang umiyak, Crispin!” ang sabi ng malaki. “Si
nanay ay hindi maniniwala; huwag kang umiyak; ang sabi ni Matandang
Tasyo ay naghihintay sa atin ang isang masarap na hapunan …”
Itinaas ni Crispin ang kanyang ulo at tumingin sa kapatid.
“Isang masarap na hapunan! Hindi pa ako kumakain: ayaw nila
akong bigyan ng pagkain samantalang hindi lumalabas ang dalawang
onsa… Nguni’t kung si nanay ay maniwala? Sabihin mong
nagsisinungaling ang sakristan-mayor, at maging ang kurang
naniniwala sa kanya, lahat sila ay sinungaling:15 sinasabi nilang tayo
ay magnanakaw sapagkat ang ating ama ay isang sugarol…”
Sa sandaling iyon, isang ulo ang lumitaw sa hagdanang, ang
ulong ito ay kagaya ng kay Medusa, at nakapigil sa labi ng bata sa pag-
uusap. Iyon ay isang ulong haba, payat, na may mahahabang buhok na
itim; isang salaming bughaw ang nakatatakip sa isa niyang bulag na
matang. Iyon ang sakristan-mayor na palaging sumisipot nawalang
ingay at walang sabi-sabi.
Ang magkapatid ay nanlamig.
“Ikaw Basilio ay kalahating multa ang ipapataw ko sa iyo dahil
sa hindi magkapantay ang pagitan ng tugtog!” ang sabi sa boses na tila
nanggagaling sa kuweba, o sa lalamunang walang ugat. “At ikaw,
14
176
Crispin, maiiwan ka ngayong gabi hanggang hindi lumalabas ang iyong
ninakaw.”
Si Crispin ay tuminging parang humihingi ng tulong sa kanyang
kapatid.
“May permiso na kami upang maka-uwi … hinihintay kami ni
nanay sa ikawalo,” ang maingat na bulong ni Basilio.
“Ikaw ay hindi rin uuwi sa ikawalo; hanggang ikasampu ka dito!”
“Nguni’t ginoo, ikasiyam lamang ay bawal ng maglakad sa daan
at malayo ang bahay namin.”
“Ah, ibig mo pa ba na ako ang utusan mo?” naiiritang tanong ng
lalaki. At hinawakan sa bisig si Crispin at tinangkang kaladkarin
pagkatapos.
“Ginoo, mag-iisang linggo nang hindi namin nakikita ang aming
ina!” ang paki-usap ni Basilio at hinawakan sa kamay ang kanyang
maliit na kapatid na parang nais na ipagsasanggalang.
Sa pamamagitan ng isang sampal ay inilayo ng
sakrsitan-mayor ang kanyang kamay at kinaladkad si
Crispin, na nag-iiyak at naglupasay, samantalang
sinasabi sa kapatid na: “Huwag mo akong pabayaan;
papatayin ako!”16
Ngunit binatak siyang tungo sa hagdanang pababa ng sakristan,
na hindi siya pinansin, at sila ay kapwa nabalutan ng kadiliman. Si
Basilio’y naiwang hindi makapagsalita. Narinig ang pagtama ng
katawan ng kanyang kapatid sa mga baitang ng maliit na hagdanan,
isang sigaw, ilang sampal, at sa ilang sandali ay unti-unting napawi ang
nakapanlulumong iyak na iyon. Ang bata ay hindi humihinga:
nakatayong nakikinig, nandidilat at nakasuntok ang kamay. “Kailan
16
177
kaya ako makapag-aararo ng isang bukid?” ang bulong at mabilis na
pumanaog.”17
Nang makarating sa koro ay atentibong nakinig; ang tinig ng
kanyang kapatid ay nawawala at ang sigaw na: Inay!
Kuya! ay ganap na naglaho pagkatapos na mailapat ang
isang pinto. Nanginginig, pawisan, sandaling napatigil;
kinagat ang kamay upang mapigil ang isang sigaw na
humihiyaw sa loob ng kanyang puso at gumala-gala ang
kanyang paningin sa gitna ng kadiliman ng simbahan. Doon ay may
isang lamparang nagbibigay ng munting liwanag; ang catafalque ay
nasa kalagitnaan: ang lahat ng pinto ay nakalapat at ang mga
bintana ay may mga rehas na bakal.18
Mabilis niyang inakyat ang hagdanan, dumaan sa ikalawang
palapag na kinaroroonan ng kandila at umakyat sa pangatlo . Kinalag
ang mga lubid na nakatali sa mga palawit ng kampana at
pagkatapos ay namumutlang pumanaog na muli,19 ngunit ang
17
Isang pangarap na magkaroon ng sariling kabuhayan na hindi alila –
ipinakita ni Rizal ang kahabag-habag na kalagayan ng mga utusan, sila ay
hantad sa pang-aabuso at mga kapritsosong utos ng kanilang amo.
“Kailan kaya ako makapag-aararo ng isang bukid?” - kailan kaya makapag-
aararo ng sariling bukid ang sambayanang Pilipino. – Isang panahon na
tayo ang kolektibong magpapalakad at makikinabang sa bunga ng ating
hirap, kasipagan at pagsisikap.
18
“sa gitna ng kadiliman ng simbahan” - Isang inosenteng hanay ng salita
ngunit puno ng pangungutya upang insultuhin ang kolonyal na simbahan,
na dapat sanang maging batis ng kaliwanagan.
“ang lahat ng pinto ay nakalapat at ang mga bintana ay may mga rehas
na bakal” - kahulugan: Walang matatakasan sa loob ng kolonyal na
simbahan dahilan sa wala namang ibang relihiyon noon na pinapayagan sa
Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit tutol si Pilosopo Tasyo sa pagkakaroon
ng monopolyong pangrelihiyon sa Pilipinas. Ang bintana ay may rehas na
bakal – maaring may makita o matanaw sa labas, subalit hindi
mapupuntahan o ma-aapreciate na mabuti dahilan sa mayroong matigas na
pagbabawal.
19
178
kanyang mga mata ay basa hindi dahil sa luha. Sa sandaling iyon ay
tumitigil na ang ulan at ang langit ay unti-unting nagliliwanag.
Pinagbuhol ni Basilio ang mga lubid, itinali ang isang dulo sa isang
balustre at bumaba sa gitna ng kadiliman na hindi na naalaalang
patayin ang ilaw. Makaraan ang ilang sandali ay may nadinig na sigaw
at na sinundan ng dalawang putok sa isang lansangan ng bayan; ngunit
walang sinuman ang nagulat at muling naghari ang katahimikan.
179