Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo Script1
El Filibusterismo Script1
Scene 1. Sa Kubyerta
(Nakatayo si Simoun sa gilid ng bapor, malalim
ang iniisip.)
Ibarra: Bilisan mo, papalapit na sila!
(Nagpaputok ng baril)
Elias: Ngunit (natamaan ng bala) ahh. Dumapa
po kayo.
Ibarra: Bakit (Hindi na naituloy nang
ipinadapa siya nito at tumalon sa
lawa. Nagpaputok ulit ng baril)
Simoun: (Mahigpit na hinawakan ang kamao.
Naglakad papunta sa mga
kasama.)
Donya Victorina: (mataray at naiinis ang tinig)
Ang bagal-bagal naman ng
Home
Donya Victorina: (mataray at naiinis ang tinig)
Ang bagal-bagal naman ng
takbo nitong bapor! Hay naku, at iyang
nagdaraang kasko, bangka, balsa at
mga indiong nagsisipaligo at nagsisilaba,
nakakasira ng ganda ng kalikasan!
Bibilis sana ang takbo ng bapor Tabo kung walang
mga Indio sa ilog, sa
pampang. Sa alinmang lipunan o sa alinmang
bahagi ng daigdig!
(Walang nakikinig rito. Nagpapaypay ito ng
mabilis. Umismid na tumalikod
at tinanaw ang lawa.)
Ben Zayb: Ang katalinuhan ng mga siyentista ang
gusto kong bigyan ng
pagpapahalaga. Dahil kapag walang mga
ekspertong siyentista, wala tayong
pag-unlad kaya kailangan yon pag-aralan ng mga
tao rito.
Padre Camorra: Magtigil ka Ben Zayb!
Karanasan lamang ang kailangan
upang mapaganda ang Ilog Pasig. Kaya hindi na
dapat sila mag-aral ng
syensiya!
Ben Zayb: (napailing) Hindi. Matalinong
pag-iisip ang kailangan. Dapat
mong isiping malaking suliranin ang liku-liko at
mabuhangin na Ilog Pasig.
Simoun: Mga simpleng problema lang yan na
nangangailangan ng
simpleng lohika. (Napatingin ang mga kasama
rito.) Dapat lang humukay ng
isang malalim na kanal mula sa bunganga ng ilog
Pasig hanggang sa
labasan na maglalagos sa Maynila, at ang lupang
mahuhukay ay itatabon sa
dating ilog. Kapag nagawa ito, tiyak na mapapaikli
ang paglalakbay.
Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng
ipambabayad sa mga manggagawa?
Simoun: Walang magugugol sapagkat pipiliting
gumawa ang mga
mamamayan, bata man o matanda!
Don Custodio: Walang magandang ibubunga yan
kundi kaguluhan!
Simoun: Kaguluhan? Bakit, nag-alsa na ba ang
mga taga-Ehipto? At nag-alsa
rin ba ang mga bilanggong Hudyo laban kay Tito?
Don Custodio: Ngunit, hindi taga-Ehipto, ni
Hudyo ang iyong kaharap! At
ang mga Pilipino ay hindi miminsang
naghimagsik.
Simoun: Ang panahong tinutukoy ninnyo ay
nakalipas na. Hindi na muling
maghihimagsik ang bansang ito, dagsaan man sila
ng mga Gawain at
patawan man ng higit na mataas na buwis.
(Sinabayan ng pagpapanaog sa
kubyerta)
Ben Zayb: Indiong Ingles!
Scene 2. Sa Ilalim ng Kubyerta
(Instik nakatihaya sa mga dala niya, may
nagsusugal, may naglalakad, may
kolehiyalang nagbubulungan habang tinatakpan
ang mukha ng abaniko.)
Kapitan Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?
Basilio: Mabuti po naman ang kanyang kalagayan.
Kapitan Basilio: Mabuti naman, tungkol naman
sa Akademya ng Wikang
Kastila, natitiyak kong hindi ninyo iyan
maisasakatuparan.
Isagani: Nagkakamali po kayo. Kung hindi po
ngayon ay bukas na namin
matatanggap ang pahintulot. Si Padre Irene na
binigyan namin ng
dalawang kastanyong kabayo ay nangakong
tutulungan kami sa Kapitan
Heneral.
Kapitan Basilio: Saan naman kayo kukuha ng
pera?
Isagani: Nag-ambag-ambag na po ang mga
estudyante. May mga propesor
na rin po. Ang kalahati ay Pilipino at ang iba
naman ay mga Kastila. Kilala
niyo ba si Makaraig? Bukas palad po niyang
inalok ang isa nilang bahay
para gawing paaralan.
(Ngiti-ngiting napatango si K. Basilio.)
Kapitan Basilio: Sanay magtagumpay kayo.
Maiwan ko muna kayo at
pupunta pa ako sa itaas. (Naglakad papaalis.)
Basilio: Ano nga pala ang sabi ng amain mo
tungkol kay Paulita?
Isagani: (Napapangiti) Pinapaalalahanan ako sa
pagkilatis ng
mapapangasawa, ngunit pinuri ko sa kanya si
Paulita. Sinabi kong walang
makakapantay sa kanya sa Maynila, at lahat na
yata ng M ay nasa kanya na.
Basilio: Oo nga, maganda nat mayaman pa. Kaya
lang
Isagani: A-ano?
Basilio: O, (napatawa) wag kang kabahan, ang
nais ko lamang sabihin ay
Basilio: O, (napatawa) wag kang kabahan, ang
nais ko lamang sabihin ay
kaya lang, palagi niyang kasama ang tiya niyang
napakamasungit.
(Napatawa ng malakas ang dalawa at dumating si
Simoun.)
Simoun: Kamusta senyor Basilio? Ikaw bay
papauwi na at magbakasyon?
At sino naman itong kasama mo, isang
kababayan?
Basilio: Hindi po pero magkalapit lamang ang
aming bayan. Siya nga po
pala si Isagani, don Simoun.
(Tinignan ni Simoun si Isagani mula ulo hanggang
paa na ikinainis nito.)
mangabubuhay ay magpapahalaga.
Isang katotohanang lubos na mapapatunayan ang
kabayanihan oras na inialay an
gaming buhay para sa lupang tinubuan.
Scene 17. Sa Pansiteria
(Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon.)
Sandoval: Masarap ang sopas na ito! Ano ika ang
tawag dito?
Tadeo: Pansit lang-lang. Kakaiba yan sa pansit na
ating kinagisnan.
Sandoval: Napakahirap namang tandaan! Sa
ngalan ni Don Custodio, binibinyagan
kita bilang proyekto ng mga sopas.
Tadeo: Para kay Don Custodio ang Panukalang
sopas
Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang
shanghai at ang tortang alimango
ay sa mga prayle.
Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan.
Dahil katulad nang pansit ng
mga Intsik, tayo ang tumatangkilik pero sila ang
nakikinabang. Tulad ng ating
pamahalaan ngayon.
Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay
Quiroga, isa sa
pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas.
Estudyante1: Dapat ang Eminencia Negra kay
Simoun!
Makaraig: Maghinay-hinay kayo mga kaibigan.
Posibleng may mga nagmamasid
sa kanila at posible ring may pandinig ang mga
dingding. Ibaba ninyo ang inyong
mga tinig at magingat sa mga salitang sasabihin.
Pecson: Lalabas lang ako upang ipalabas ang iba
pang mga ulam
(lumabas si Pecson at dali daling bumalik)
Pecson: Nakita ko ang paboritong tao ni Padre
Sibyla na umalis agad nang
mapuna na napansin ko siya.
(Umaktong tumingin ang mga binata sa labas)
Makaraig: May nagmamasid nga sa atin!
Scene 18. Sa Paaralan
(Basilio naglalakad)
Basilio: (kausap ang sarili) Pagkatapos kong
pumunta sa ospital ay tutungo
naman ako kay Makaraig upang mangutang ng
pera upang matustusan ang mga
gastusin sa nalalapit kong pagtatapos ng
medisina.(titingin sa paligid) Tila ata
kakaiba ang kinikilos ng mga tao.
Estudyante 2: Ginoo, alam mo ba ang planong
paghihimagsik ng mga estudyante?
Basilio: (kinakabahan) Walang akong nalalaman at
kinalaman sa inyong mga
sinasabi.
Estudyante 2: Mukhang hindi ito natuloy,
maraming mga mag-aaral ang
nasangkot. Mabuti pat sunugin mo ang lahat ng
kasulatang may kaugnayan sa
paksang ito na meron ka upang hindi ka madamay.
(lalayo si Basilio at makikita ang propesor)
Propesor: Nasa hapunan ka ba kagabi, Basilio?
Basilio: Hindi po. Akoy inanyayahan ngunit hindi
ako nakapunta sapagkat
kailangan kong bantayan si Kapitan Tiyago.
Propesor: Mabuti na nga rin at hindi ka dumalo sa
piging. Basilio, pilitin mong
lumayo sa mga mag-aaral na may kinalaman sa
akademiya.
Basilio: Kasama po ba si Simoun, sa mga
napagbintangan?
Propesor: Hindi, subalit siya ay sinaktan ng isang
di-kilalang tao
Basilio: Mabuti kung ganoon, ang mga tulisan,
may kasama ba sa kanila?
Profesor: Puro mag-aaral lamang, panay
pagbabala, pagpatay at pagtuligsa sa
mga prayle ang nilalaman ng mga paskin na
kagagawan ng mga estudyante.
Basilio: Ganoon po ba? Maraming salamat po.
Mag-iingat po kayo.
Propesor: Ikaw din.
Tadeo: (naglalakad) Matutuwa ka Basilio! Wala
na namang klase! Pahinga na
naman tayo. Magaling, di ba? Bakasyon na!
Bakasyon na!
Basilio: Ano ba talaga ang nangyari na dapat
ikabahala?
Tadeo: Dapat ikabahala? Wala naman. Ipadadala
lang daw tayong lahat sa
kulungan!
Basilio: Ikinatutuwa mo ba yan?
Tadeo: Aba, e kung walang klase, di ba dapat na
magsaya? Sige, mauna na ako.
Basilio: (Bumulong) Akala ko naman kung bakit
siya masaya. Juanito! Mabuti at
nakita kita. May itatanong lang sana ako sayo
tungkol sa mga paskil na sinasabi
nila.
Juanito: Wala! Wala akong kinalaman Basilio!
Alam mo iyon!
Basilio: Teka, huminahon ka. Namumutla ka na o.
Juanito: Wala akong kinalaman sa mga mag-aaral,
kasapi lamang ako upang
gabayan sila, inosente ako. Tandaan mo, hindi ako
kasama sa mga kilos ng
kapisanan. (Nagmamadali itong naglakad palayo.)
(makikita ni Basilio si Isagani na nagsasalita sa
kapuwa nito mga kamag-aral)
Isagani: Mas mabuti na ang ganito dahil sa
ganitong paraan masusubok ang ating
pagmamahal sa bayan, sa Pilipinas. Sa panganib
dapat pumaroon sapagkat
naroon ang karangalan.
(hindi na lumapit si Basilio kay Isagani at
pumunta na lamang kina Makaraig)
Scene 19. Sa Bahay ni Macaraig
Sundalo 1: Sino ka at bakit ka pumanhik dito?
Basilio: Nais kong maka-usap si Makaraig,
kaibigan niya ako
Sundalo 1: Maghintay ka sa iba, Indio!
(pababa ng hagdan si Macaraig kasama ang isa
pang sibil.)
Macaraig: (nagulat) Bakit ka naparito Basilio?
Basilio: Gusto sana kitang makausap.
Sundalo 2: Indiyo, sino ka?
Basilio: Basilio po.
Sundalo 2: Salamat naman at hindi mo na kami
pinahirapang hanapin ka.
Dinarakip ka rin namin.
Basilio: Wala naman akong ginagawang kasamaan,
anong dahilan at akoy inyong
dadakpin?
Macaraig: Huwag ka nang umalma pa, Basilio.
Sa karwahe ko naman tayo
sasakay.