Professional Documents
Culture Documents
ELFILI
ELFILI
EL FILIBUSTERISMO
GROUP II
II
(Sa ilalim ng kubyerta, nakaupo sa bangko ang ibang manlalakbay.
Maririnig ang ingay mula sa mga taong nakukuwentuhan, maingay ang mga
hayop tulad ng manok, kambing at iba pa. Makikita ang mga taong maralita,
ang ilan ay natutulog, nagkakasiyahan nag-aawitan atbp. Naghahalo ang
singaw ng tao at mabahong amoy ng langis. Napakaingay ng makina
Makikita ang dalawang mag-aaral na sina Basilio at Isagani na kinakausap si
Kapitan Basilio)
K. Basilio: Kumusta na si K. Tiyago?
Basilio: Hindi po nagpapakita ng pagbabago. Ayaw ng magpagamot kanino
man. Pinapupuntahan niya ako sa San Diego dahil sa udyok ni Padre Irene,
upang dalawin ko raw ang bahay. Ngunit alam ko naman pong gusto lang
niyang makahitit ng apyan.
K. Basilio: Talagang salot ang apyan na yan sa makabagong panahong ito.
Ang sabi ng mga tao noong una'y hindi sila nagmamalabis, gagamitin
lamang itong gamut. Ngunit tingnan niyo ang nangyari, (di masisiyahang
iiling). Ngunit pag-usapan natin ngayon ang balak ninyong magpatayo ng
akademya ng wikang Kastila. Huwag niyo nang ituloy. Sigurado akong hindi
iyon maisasakatuparan.
Isagani: Hindi po totoo yan. Hinihintay na nga lang namin ang pahintlot
ngayon mula sa Kapitan Heneral.
Isagani: Senyor, sabihin mo sa kanya na mas mainam kung tubig ang iniimon
niya at hindi alak o serbesa, siguro ay higit tayong mapapabuti at
mababawasan ang sobrang pag-aalinlangan.
Iparating din niyo sa kanya na ang tubig na iniinom ay pumapatay ng apoy.
Sumusulak kapag pinaiinit, at kapag namuhi ay nagiging karagatang
malawak na minsan ng lumunod sa sangkatauhan.
Simoun: Kahanga-hanga ang iyong mga sinabi binata.
Basilio: Isa siyang mahusay na makata. Ang mabuti pa'y bigkasin niyo kay
Padre Camorra ang tulang isinulat ni Isagani tungkol sa tubig at apoy.
Simoun: Huwag na! Hindi iyon mapaniwalain at palabiro. Baka tanungin pa
ako kung kailan susulak at kailan magiging karagatang malawak ang tubig.
Paano kung hindi ako makasagot, papahiya lamang ako. Kung ayaw niyong
sumama, aalis na ako.
Basilio; Sige po... Isagani, anong nangyayari sa iyo ganoon na lamang ang
pagsagot mo kay Ginoong Simoun?
Isagani: Hindi ko alam. Napag-iinit ako ng taong iyon. Kinakatakutan ko siya.
III
(Sa bahay ni Kabesang Tales ay makikitang nakaupo sa may bintana
ang kanyang ama na si Tandang Selo, si Huli na kanyang anak ay nagsusulsi
at siya nama'y naghahasa ng kanyang itak. Galit itong magsasalita).
K. Tales: Hindi ito maaari. Hindi ako makapapayag. Bakit Ganoon? Kung sino
pa ang nagpapakahirap, ang nagbibigay halos kalahali ng kanyang inaani,
ang nagbabayad ng buwis ang siya pang pinaaaalis!
T. Selo: Magtimpi ka pa nang kaunti, Ipagpalagay mo na lamang na dumating
na ang mga kamag-anak ng mga buwaya.
K. Tales: Magtiis? Hanggang Kailan? Noong una, sinabi niyo namagtiis ako
dahil kung makikipag-usap ako ng isang taon ay para akong natalo sa sugal
o dili kaya'y kinain ng buwaya. Habang walang maipakitang katibayang ng
mga prayle na sa kanila nga ang lupaing ito ay sinabi niyo rin na baka lumaki
ang buwaya. Tayo lamang ang dapat magmay-ari nito.
(Bubuksan pabigla ang pinto at makikita ang gobernador kasama ang kawal)
Gobernador: Tales, ako na ang nagsasabing umalis ka na para walang
problemang mangyari.
IV
Madilim. Wala nang maririnig kundi ang lagitik ng mga sanga ng Kahoy
ng gumagalaw na ihip ng hangin. Tinalunton ni Basilio ang kagubatan.
Tumigil siya sa harap ng mga bato at nag-alis ng sumbrero. Naupo siya sa
isang bato at nag-isip ng malalim.
(Makakarinig ng kaluskos, si Basilio sisilip at makikita si Simoun na
naghuhukay. Lalapit si Basilio kay Simoun)
Basilio: Labintatlong taon na Ginoo ang nakakaraan ng gawan mo ako ng
malaking tulong.
Simoun: Sa palagay mo ay sino ako?
Basilio: Isang taong naipalagay kong napakadakila at naipalagay ng lahat na
patay na.
(katahimikan, Ipapatong mg kamay ni Simoun sa balikat ni Basilio)
Simoun: Basilio, alam mo kung ibang tao lang ang nakabatid ng aking lihim
ay hindi ako mangingiming kitilin ang buhay nito. Ngunit hindi ko iyon
gagawin sa iyo kahit nasa mga kamay mo ang isang lihim na maari kong
ikasawi. At nababatid ko ring hindi ko ito pagsisihan. Tama ka, magkatulong
nga tayo, dahil kapwa nating pinglalaban ang kamatayan para makamit ang
minimithing katarungan.
Basilio: Kahit hindi niyo po hilingin na itago ko ang inyong lihim ay gagawin
ko iyon. Kailanma'y hindi ko hahayaang may isang buhay na mawawala.
Kaya nga ako nag-aaral ng medesina dahil gusto kong mailigtas ang lahat ng
buhay hangga't maari.
Simoun: Lubhang napakataas na ngayon ng bantog ng mga kabataan.
(Malumanay na magsasalita) Balang araw alam kong magiging isa kang
matagumpay na doctor kung pahihintulutan ng pagkakataon. Naniniwala ako
sa iyong kakayahan. Kapag nasa tuktok na ba kayo ng tagumpay, kayo na
mga kaibigan mo ay kalilimutan niyo na ang Inang Bayan?
Basilio: G. Simoun, kailanmay hindi mangyayari ang ganun (ngingiti ito,
ngunit mapapawi rin dahil galit namagsasalita si Simoun)
Simoun: Hindi! Kung gayon, bakit niyo pa kailangang mag-aral ng Kastila?
Nagsisimula pa nga lang kayo, gusto niyo nang mawala kung ano ang
sariling inyo. At sasabihin mong hindi niyo kalilimutan ang bayan! Ano na
lamang ang mangyayari sa inyo pagdating ng bukas? Kung kailan nasa
kasukdulan ang kasamaan, saka kayo magkakaisa para lumuhod sa
pamahalaan! (Hihinaan ang boses) Basilio, isipin mo ang iyong hinihiling ay
ang pagkamatay ng iyong pagiging mamamayan ang tagumpay ng pangaapi at pagka-api ng iyon sariling bayan Huwag niyo nang dagdagan pa ang
hindi mabilang na wika ng ating bansa, lalo na lamang tayong hindi
magkakaintindihan.
Basilio: Kapag natuto ang lahat ng wikang Kastila, mapapalapit tayo sa
pamahalaan, magkakaroon din ng pagkakaisa ang mga pulo.
Simoun: Ah! Bakit hindi gamitin ang iyong karunungan? Dapat ay naisip mo
na ang bawat pulo ay mayroong sariling wika? Sariling wika, gaya ng
pagkakaroon ng sariling pagdaramdam, na hindi maaaring matumbasan ng
kahit na anong wikang banyaga. Huwag mong kalilimutan na habang may
sariling wika ang isang bansa ay taglay niya ang kalayaan. Ang wika ay ang
pag-iisip ang bayan! Hindi kita pinatay noon, dahil alam kong matutulungan
mo ako sa aking mga balak.
Basilio: Hindi po ako nakikialam sa pulitika. Isa mang karangalan ang
pagsabihan ng iyong mga balak. Hindi ko pa rin po kayo matutulungan. Kaya
ko lamang nilagdaan ang hiling sa pagtuturo ng wikang Kastila sapgakat
inakala kong makabubuti sa pag-aaral. Ang tanging hangarin ko'y
mapagaling ang mga maysakit.
Simoun: Mabuti ang iyong minimithi, ngunit higit nang dakila ang magbigay
buhay sa inyong Inang Bayan walang kabuluhan ang buhay na hindi mo pa
paunlakan ang aking kahilingan, gayunpaman sa sandaling magbago ang
iyong isip, magpunta ka lamang sa bahay ko sa Escolta
Basilio: Salamat po. Aalis na po ako.
V
Nag-aaral sa tahanan si Basilio. Sa tulong ng isang ilawang langis ay
nagbabasa siya sa kanyang hapag. Ilang aklat na mainam ang pagkakaayos
ang nakapatong sa hapag. Ang. amoy ng apyang nagbubuhat sa kabilang
silid ay nakapagpaantok sa kanya, ngunit upang huwag siyang makatulog ay
hinihilamusan niya ang kanyang mga pisngi at mata, Nais niyang matapos
ang aklat na binabasa niya. Buong-buo ang binata sa pag-aaral. Hindi niya
napansin ang mga maliliit na aklat na mula sa labas ng Pilipinas. Sa gitna ng
katahimikang iyon ay nakarinig siya ng mga yabag mula sa bulwagan
patungo sa kanyang kinalalagyan, itinaas ni Basilio ang kanyang ulo at
nakitang nabuksan ang pinto.
Simoun: Kamusta ang maysakit na si Kapitan Tiyago?
Basilio: Bahagya na ang kanyang tibok ng puso, mahina na ang pulso, at
ayaw na kumain. Pinagpapawisan siya ng malamig sa madaling araw.
(Halatang iniiwasan ni Basilio na ungkatin ng mag-aalahas ang paksang
kanilang pinag-usapan sa libingan ni Ibarra)
Basilio: Talamak na ang lason sa buong katawan. Maaaring mamatay siya
ano mang oras. Ang munting sanhi, sulak ng kalooban na maaring
makamatay sa kanya
Simoun: Gaya ng Pilipinas.
(Hindi pinansin ni Basiiio ang sinasabi ng kausap, siya'y nagpatuloy)
Basilio: Ang mas lalong nagpapahina sa kanya ay ang bangungot sa kanyang
mga takot...
Simoun: Tulad ng Pamahalaan!
Basilio: May ilang gabi na siyang nagigising, akala niya'y bulag na siya.
Nagpahalaw at tinangisan niya ang kanyang kapalaran. Pinaratangan niya
akong dinukot ko ang kanyang mga mata. Nang ako'y pumasok na may
dalang ilaw, napagkamalan akong si Padre Irene, ang kanyang tagapagligtas.
Simoun: Wala nang iniwan sa Pamahalaan.
Basilio: Kagabi, gumising siyang humihingi ng sasabunging manok yaong
may tatlong taon nang patay, Ang ibinibigay koy isang inahin. Pinuri niya
ako at pinangakuan ng libu-libong piso...
(Nang sandaling iyon ay tumugtog ang kasampu at kalahati sa orasan.
Mandi'y nalito ang mag-aalahas...)
lahat, ay mangulo sa isang pangkat upang iguho ang pintuan ng Sta. Clara.
Doo'y kukunin ninyo ang isang taong bukod sa akin at kay Kapitan Tiyago ay
kayo lamang ang nakakakilala. Hindi kayo manganganib kunti man.
Basilio : Si Maria Clara!
Ah! Huli na kayo, nahu!i na kayo!
Simoun : At bakit?
Basilio : Si Maria Clara ay patay na!
(Biglang tumindig si Simoun at dinaluhong ang binata)
Simoun : Patay na?
Basilio : Kanina ng hapon nang ikaanim. Marahil ngayon ay...
Simoun : Kasinungalingan! Hindi maaaring magkatotoo yan! Buhay si Maria
Clara! Iya'y isang duwag na pagdadahilan! Hindi siya patay, at ngayong gabi
ililigtas ko siya o bukas ay masasawi tayo!
Basilio : May ilang araw pa lamang na naglulubha siya. Nagtungo ako sa
kumbento upang makibalita. Narito ang liham ni Padre Salvi na dala ni Padre
Irene, magdamag na nanangis si Kapitan Tiyago, hinahagkan ang larawan ng
anak at humingi ng tawad. Ngayong gabi'y tinugtog ang kanyang
agunyas...dahil dito lumabis ang paghithit ng apyan.
Simoun: Ah! Namatay! Namatay na hindi ko man lamang nakita. Namatay na
nang hindi nalalamang nabuhay ako para sa kanya. Namatay!
(Naramdaman ni Simoun ang tila unos na walang ulan, ang isang bulkang
ibig magsabog ng poot sa kayang dibdib. Mabilis niyang nilisan ang silid.
Narinig ni Basilio ang papalayo niyang mga yabag, at ang isang timping
sigaw ng tulad ng isang naghihingalo. Napatindig siya na namumutla, ngunit
narinig niya muli ang mga yabag papalayo hanggang sa tuluyang maglaho.)
Basilio: Kahabag-habag na lalaki!
(Kinabukasan ng hapon, Makikitang naglalakad sina Hermana Bali at Huli
papuntang kumbento. Titigil si Huli at magsasalita.)
Huli: Huwag nalang po tayong tumuloy. Kinakabahan po ako, parang may
masamang mangyayari.
Bali: Ikaw na bata ka, kaya ka palaging napapagalitan ni Penchang dahil
kung anu-ano ang naiisip mo. Halika na, walang mangyayari masama sa iyo
Huli: Umuwi na lang tayo. Maawa po kayo sa akin, umuwi na tayo.
Bali: Sige, bumalik na lang tayo kung ayaw mo. Hayaan mong mabaril si
Basilio sa daan at saka sabihing nagtangkang tumakas. Kapag wala na siya,
saka kana magsisisi. Hindi ko naman siya kaanu-ano kaya wala iyon sa akin
kung ano man ang mangyari sa kaniya. O, ano nakapagpasya ka na ba?
(Parang batang hihilahin ni Huli ang matanda papunta sa pinto ng kumbento.
Sa loob ay makikita ang isang pari na nakaupo. Si Basilio ay magpupunta sa
bahay ni Simoun.)
Katulong: Senyor Simoun, isa pong binata ang naghahanap sa inyo, Basilio
po ang pangalan.
Simoun: Papasukin mo.
(Babalik ang katulong kasama na si Basilio)
Simoun: Basilio, mabuti naman at nagpunta ka kaagad dito.
Basilio: Simoun, naging masama akong anak at kapatid. Nalimot ko sila,
Ngayon ay wala ng nalalabi kundi ang hangad na gantihan ng sanhi ang
sanhi, karahasan ang karahasan. At ngayo'y handa na akong ituwid ang
aking pagkakamali at singilin ang katarungan para sa aking ina at kapatid.
Handa na rin akong tumulong sa inyo at sa iba pang naaapi.
Simoun: Apat na buwan na ang nakalipas mula nang ilahad ko sa iyo ang
aking balak. Tumanggi kang tumulong. Bakit nagbago ang isip mo?
Basilio: Dahil ngayon ko lang naisip na may katwiran kayo. Kaya tama lang
na gantihan ko ng kasamaan, ng poot ang poot at ng dugo ang dugo!
Simoun: May katwiran ako, oo, may katwiran ako! Ang katwiran at
katarungan ay nasa panig ko sapagkat ang layunin ko'y ang layunin ng mga
api. Salamat Basilio! Pinawi mo ang aking agam-agam. Halika at ipapakita ko
sa iyo ang kahuli-huling sandata ng mga mahihina.
(Dadalhin sa laboratoryo si Basilio at ipapakita ang lampara at maingat na
kinuha.)
Simoun: Tingnan mo Basilio! Tingnan mo!
Basilio: Nitro-gliserina?
Simoun: Tama ka, nitro-gliserina... Ngunit ito ay higdi pa roon. Ito'y mga
luhang tinipon, mga poot na tinimpi, mga kasamaan, mga pang-aapi. Ito ang
huling matuwid ng mga mahihina, lakas sa lakas, dahas laban sa dahas.
Ngayong gabi ilalandag at magkakadurog-durog ang mga mapanganib na
mapaniil. Ngayong gabi ay maririnig ng Pilipinas ang putok na dudurog sa
mga walang anyong bantayog na ang pagkabulok ay aking pinadali.
Basilio: Ngayong gabi?
VI
(Gabi sa bahay ni don Timoteo, maririnig ang masasayang tugtugin ng
orkestra, nagkukumustahan, nagpaparinigan, at nagpapayabangan ang mga
bisita.)
Donya 1 : Natutuwa ako sa aking esposo at binilhan niya ako ng
napakagandang pares ng hikaw. Tingnan mo, walang kasing ganda hindi ba?
Donya 2 : Maganda. Saan ba niya binili iyan?
Donya 1: Kay G. Simoun niya ito binili at nagmula pa raw ito sa Englatera.
Donya 2 : Sa Englalera ba talaga? Sa tingin ko kasi mababa ang halaga niya
(Ituturo nito ang hikaw at tatawa ang unang Donya)
Donya 1 : Ha! Ha! Ha! Para mo na ring sinabi na nagbebenta si G. Simoun ng
mababang klaseng alahas.
(Mababahala ang ikalawang Donya)
(Aalis si Juanito, ngunit bago pa ito makabalik sa kaniyang ina'y darating ang
Heneral kasama ang asawa nito)
Asawa : Nakakahiyang pagmasdan ang mga taong ito. Wala silang
ipinagkaiba sa mga indiyo.
Heneral: Mag-ingat ka sa iyong pagsasalita at baka marinig ka nila
Asawa: Totoo naman lahat ang sinabi ko. Ang ilan sa kanila'y mga pulubi ng
Espanya at ang iba nama'y mga naka-angat na mamamayan ng bansa ito na
naghahangad na maging Espanyol
Heneral : Alalahanin mong sila ang nagpayaman sa atin at wala naman
tayong ipinagkaiba sa kanila
Asawa : Mayaman, ha? Sila rin ang magdadala sa atin sa kahirapan. Tingnan
mo para tayong erehe at pilibustero kung titigan.
Heneral : Pabayan mo na sila Marahil ay gusto lang nilang suriin ang isang
Heneral na malapit nang magretiro.
Asawa: At ano ang kanilang susuriin? Kung ang suot mong iyan ay ang tabing
ng palasyo? (marahang tatawa ang Heneral ngunit mapawi rin dahil
makakarinig ng parunggit mula sa isang panauhing babae)
Babae: Tingnan niyo sa pag-alis ng mga iyan ay dadalhin ang lahat ang mga
gamit sa palasyo.
(Maiinip si Don Timoteo sa paghihintay sa kanila kaya sasalubungin na
lamang sila, at hahalikan nito ang kamay ng heneral.)
Don Timoteo: Ikinararangal ko po kayong maging panauhin sa aking
tahanan, Heneral. Nagagalak din po ako at pinaunlakan ninyo ang aking
paanyaya
Heneral: Ganoon din ako.
Don Timoteo: Mga kaibigan, narito na po ang ating pinakahihintay na
panauhin, kaya mauna po kayo sa hapag kainan. (Ang lahat ay susunod.
Hindi mapapansing lalabas si Simoun)
(Nagtangka na pumasok si Basilio ngunit nakalimutan niya na napakaaba ng
kanyang suot. Pinigilan siyang bantay. Lalabas si Simoun. Nasindihan na ang
lampara.
(Hindi na nito maririnig ang lahat dahil nagmamadali itong tatalikod. Tatakbo
rin siyang palayo ngunit masasalubong si Isagani)
Basilio: Isagani Ano pa ang ginagawamo rito? Lumayo ka sa bahay na iyan!
VII
(Sa kiyosko habang nasisikain ang mga panauhin isang sulat ang nagpalipatiipat sa kamay ng mga panauhin at napunta ito sa kamay ng heneral.
Heneral: Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya?
D. Custodio: Hindi na ito magandang biro Isang kalapastangan ang pangalan
ng isang pilibusterong matagal nang namatay.
(Mapapatingin ito kay Pare Irene na naghahanap kung sino ang may
kagagawan at mamatan nito si Padre Salvi na namunmutla.)
Padre Irene: Bakit Padre Salvi? Anong nangyari sa inyo? Nakikita ba ninyo
kung kaninong lagda iyan?
Padre Salvi: Nakapagtataka, ito nga ang sulat kamay ni Ibarra (Matatakot
ang mga naroon sa mesa ng heneral)
Heneral: Magpatuloy tayo sapagkain. Huwag nating pansinin ang birong iyan.
D. Custodio: "Mene Tekak Phares" Sa palagay ko'y hindi naman
nangangahulugan iyan na papatayin tayo ngayon ano? Walang kikibo kahit
isa). Ngunit maari rin tayong lasunin!
(mababahala ang lahat. Samantala magiging malamlam ang ilaw ng lampara
na malapit sa heneral)
Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang saglit lamang.
(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha
sa lampara.)
Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!
VIII
Napag-alaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat.
Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura.
Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya
uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.
Simoun: Nandito na ang mga guardia sibil. Di nila ako dapat mahuli ng
buhay. (Kukunin ang lason) Eto nalang ang paraan para di nila ako mahuli ng
buhay.
IX
Hapon sa bahay ni Padre Florentino, makikita siyang nakaupo at
nakadungaw sa may bintana habang pinagmamasdan ang salpukan ng mga
alon sa batuhan. Isang alila ang papasok
Alila: Padre, nais po kayong makausap ng maysakit.
(Susunod siya rito papunta sa silid ni G. Simoun. At siya ay mamamangha sa
kalagayan ni Simoun.)
Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandal.
Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa
inyo ang aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may
Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan!
(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling
siya ng Europa hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto
ang lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan
Niyang lahat anng nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil
sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang
kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?
Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian
man ay hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hndi ang mga masasamang
namamahala na walang dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang
bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa
pinisil ni Simoun ang kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florntino at tuluyan itong
nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni
Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni padre Florentino ang
kaymanan ni Simoun sa karagatan.
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat ngunit kung
kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng
Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka
muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.
***WAKAS***