You are on page 1of 19

SCRIPT FOR

EL FILIBUSTERISMO
GROUP II I

Tagpo : Sa Kubyerta ng Bapor Tabo. Makikita ang iba't-ibang grupo ng mga


mamamayang mayayaman na masayang nag-uusap at ang iba naman ay
nagtatalo. Magpupumilit si Donya Victorina na maki-umpok ngunit walang
papansin sa kanya. Magpupunta na lamang sa kinaroroonan ng kapitan ng
bapor at yamot na makikipag-usap.

Donya Victorina: Magandang umaga kapitan! Napakabilis naman yata ng


takbo natin. Hindi ba tayo abutin ng labindalawang buwan dito sa ilog?

Kapitan: Magandang umaga rin sa inyo Donya Victorina

D. Victorina: Marahil ay gusto mo pang maragdagan ang araw sa iyong


paningin, (titiklupin ang abaniko). Mabuti pa utusan mo ang iyong mga
mangmang na timotel na diyan magtungo aa dakong iyan. (Idtuturo ang
lugar kung saan hindi nila tinatahak)

Kapitan: Ale, nakakita na ba kayo ng sasakyang pandagat na lumubog? Kung


hindi pa, puwes masasaksihan niyo ang bapor kung saan kayo nakalulan.

Donya Victorina: Anong ibig mong sabihin?

Kapitan: Baka lumubog tayo dahil sa babaw ng tubig diyan. (kikindat ito).

Donya Victorina: Bakit hindi patalunin ng husto ang takbo ng makina?


Tingnan mo ang bapor na ito'y parang balyenang hindi marunong lumangoy!

Kapitan: Marahil ay gugustuhin niyo pang magmukhang tipaklong na hindi


makatalon. Ang sasakyang ito'y maglalagos sa palayang yan kung bumilis
pa.
Donya Victorina: Mas tutulin siguro ang takbo nito kapag wala ni isa mang
Indiyo sa daigdig.

(Hindi iimik ang kapitan kaya magpupumilit na lamang na maki-umpok kina


Ben Zayb at Don Custodio, kasama ang mga prayle)

Donya Victorina: Talagang walang mabuting lawa dito sa Pilipinas. Kawawang


bansa!

(Iiling)

(Magtitinginan ang mga nag-uusap)

Ben Zayb: Bakit mo naman nasabi ang gayon Donya Victorina?

(bago ito nakasagot ay darating si Simoun)


Simoun: Ang lunas ay napakadali.

(Mababaling sa kanya ang atensyon)

Bakit ? Ni isa man lamang ba sa inyo ay hindi makaisip ng paraan?

D. Victorina: Aba palagi akong nag-iisip!

Simoun: Isang kanal ang dapat na maipagawa mula sa pagpasok ng ilog


hanggang sa paglabas, Ito'y maglalagos sa Maynila. Ang lupang binungkal ay
itatapon sa ilog sa gayo'y matabunan ang ilog Pasig at hindi maaksaya ang
lupa.

BenZayb: Kahanga-hanga? Alam kung isa itong panukalang Yankee.

(Tatango rin ang nakararami)


"Napakahusay"

"Maganda"

D. Custodio: Kaibigang Simoun, patawarin mo ako dahil hindi ako


makakasang-ayon sa nais mo. Lubhang napakarangya at napaka imposible
nito. Ano na lamang ang mangyayari sa mga baying malapit sa pagawaan ng
kanal?

(Tatawa si Simoun at titingnan si Don Custodio nang patuya)

Simoun: Certissimus! Problema ba iyon? Siyempre sisirain ang mga ito kung
kinakailangan

(Magbubulungan ang mga tao)

D.Custodlo: Saan naman kukunin ang salaping ipapasahod sa mga


manggagawa!

Simoun: At bakit pa sila pasasahurin? Hindi na kailangan iyon. Gamitin ang


mga bilanggo!

D. Custodio: Pero Ginoong Simoun, hindi sila sasapat

Simoun: Napakaraming mga mamamayan sa bansang ito. Pagawain ang mga


matatanda, ang mga binata, at ang mga batang lalaki. Gawing tatlo
hanggang limang buwan ang sapilitang paggawa sa halip na labin-limang
araw lamang. Kailangan din ang bawat isa ay may sariling kasangkapan at
pagkain.

(Unti-unting magsisi-alis ang mga nakaupo, maliban sa mga prayle, Ben


Zayb at Donya Victorina)
D. Custodio: Ngunit ang paraang ito ay lubhang mahirap at ito ay maaaring
magdulot ng himagsikan!

Simoun: Kahangalan! Mahina pala kayo sa kasaysayan. Naghimagsik ba ang


mga taga-Ehipto o ang mga Hudyo laban sa mga nang-aalipin sa kanila?

D. Custodio; Ngunit nandito tayo sa Pilipinas, hindi sa kung saang lupalop ng


mundo?

(Magbubulungan ang mga pari, si Ben Zayb ay hihimasin ang baba at si


Donya Victorina ay pakukunutin ang noo para ipakita na siya ay nag-iisip din)

Dominikong Pari: sang-ayon ako sa sinabi mo, Don Custodio. Minsan na


naming nasaksihan ang paghihimagsik ng mga Filipino dahil sa sapilitang
pag-gawa.
(Tatango ang ibang pari)

Simoun: Kaululan! Ang nasabi ko'y nasabi ko na. At kayong mga prayle,
huwag na kayong magsalita ng Latin na puro kabalbalan.

(Bababa si Simoun sa ilalim ng kubyerta na hindi papansinin ang pagtutol sa


pangangatwiran ng mga prayle.)

(Samantalang magapatuloy si Don Custodio sa panukala naman niya)

D.Custodio: Masama ang ibinunga ng mga panukalang hindi muna


isinasasangguni sa mga taong matagal ng naninirahan saPilipinas.

B. Zayb; Marahil ay tama ka.

D.Custodio: May naisip na akong solusyon sa problemang ito.

B.Zayb: Mabuti naman.

D. Custodio: Nakakita na ba kayo ng itik?

D. Victorina; Por Diyos. Por Santo. Sino ba naman ang hindi nakakakilala ng
itik? Don Custodio akala ko ba'y kakaiba ang panukala mong ito. Sa itik ba
tayo sasakay o baka naman ang mga ito ang pahihilain mo sa bapor

B. Zayb; Donya Victorina makinig muna tayo. Saan kukunin ang mga itik?

D. Custudio: Dapat pilitin ang mga bayang malapit sa lawa ng mag-alaga ng


mga itik. Ang kinakain ng ito'y suso na matatagpuan sa buhangin. Kaya't
kinakailangan nilang maghukay para makakain. Sa ganong paraan ay
mapapalalim ang lawa.

B. Zayb: Binibigyan mo ba ako ng pahintulot na sumulat ng isang lathala


tungkol diyan?
D. Custodio: Ano sa palagay mo? (ngingiti)

(Sasagot si D. Victorina na hindi naman tinatanong)

D Victorina: Sapalagay ko'y hindi pa rin nila ito magugustuhan. Sinabi mong
sila ay pipilitin.

B. Costudio: Binabati kita at marunoog ka nang mag-isip.


Nakapanghihinayang nga lamang at hindi nagtuloy-tuloy. Dapat naisip mo rin
na malaki ang maitutulong ng mga itik sa kanilang kabuhayan.

D. Victorina: Tulong Ha! Nakapandidiri ang panukalang iyon. Ang mga Indiyo
ay matutulungan, ngunit paano naman kaming nagmula sa matataas na
angkan? Kapag nag-alaga ng itik ang lahat ay darami ang balut.

(Ilalagay pa nito ang kanang kamay sa dibdib na parang hindi makapaniwala.


Ngunit, huli na nang mapansin niyang pinagtatawanan siyang iniwan ng
dalawang lalaki. Titingin lamang sa tubig at magwiwika)

D. Victorian: Tabunan na sana ang lawang ito!

II

(Sa ilalim ng kubyerta, nakaupo sa bangko ang ibang manlalakbay.


Maririnig ang ingay mula sa mga taong nakukuwentuhan, maingay ang mga
hayop tulad ng manok, kambing at iba pa. Makikita ang mga taong maralita,
ang ilan ay natutulog, nagkakasiyahan nag-aawitan atbp. Naghahalo ang
singaw ng tao at mabahong amoy ng langis. Napakaingay ng makina
Makikita ang dalawang mag-aaral na sina Basilio at Isagani na kinakausap si
Kapitan Basilio)

K. Basilio: Kumusta na si K. Tiyago?

Basilio: Hindi po nagpapakita ng pagbabago. Ayaw ng magpagamot kanino


man. Pinapupuntahan niya ako sa San Diego dahil sa udyok ni Padre Irene,
upang dalawin ko raw ang bahay. Ngunit alam ko naman pong gusto lang
niyang makahitit ng apyan.

K. Basilio: Talagang salot ang apyan na yan sa makabagong panahong ito.


Ang sabi ng mga tao noong una'y hindi sila nagmamalabis, gagamitin
lamang itong gamut. Ngunit tingnan niyo ang nangyari, (di masisiyahang
iiling). Ngunit pag-usapan natin ngayon ang balak ninyong magpatayo ng
akademya ng wikang Kastila. Huwag niyo nang ituloy. Sigurado akong hindi
iyon maisasakatuparan.

Isagani: Hindi po totoo yan. Hinihintay na nga lang namin ang pahintlot
ngayon mula sa Kapitan Heneral.
(Tatawa si Kapitan Basilio)

K. Basilio: Saan naman kayo kukuha ng salapi kung sakaling pahintulutan


kayo?

Basilio: Bawat mag-aaral ay mag-ambag para para makaipon.

K. Basilio: Mayroon na bang magtuturo?

Basilio: Opo, kalahati po ay mga Pilipino at ang kalahati nama'y mga kastila.

K. Basilio: Ngunit paano ang gusali?

Basilio: Hindi na problema iyon dahil inihandog na ni Makaraig ang isa sa


mga bahay niya.

(Tatango ang matanda at magwiwika)


K. Basilio: Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa kayong mag-aral ng
Kastila. O, sige iiwan ko muna kayo mayroon pa akong gagawin. Pagkaa-alis
nito'y nagwika si Isagani)

Isagani: Ang mga matatanda talaga. Hindi maintindihan ang mga bagay-
bagay sa makabagong panahon. Kayat napakahirap paliwanagan

(Tawanan, darating si Simoun)

Simoun: Basilio, kamusta ka na? Kababayan mo ba siya?

Basiiio: Mabuti po. Si Isagani pala, ang matalik kong kaibigan. Taga kabilang
baybayin lamang.

Simoun: Kumusta ang buhay sa inyong lalawigan? Balita ko'y napakahirap ng


lalawigang iyon kaya't hindi makabili ang mga tao ng alahas.

Isagani: Kung iyan po ang inyong paniniwala, wala akong magagawa. Ngunit
kaya hindi kami bumibili ay dahil hindi namin kailangan ang mga iyon.

(Ngingiti si Simoun)

Simoun: Wala akong masamang layunin sa aking pagtatanong.


Ipagpauminanhin mo. Samahan niyo na lang akong uminom ng alak.

Basilio; Hindi po ako umiinom. Maraming salamat na lang po.

Isagani: Ako rin.

Simoun: Dahil sa pag-inom ng maraming tubig kaya kulang ng lakas ang


mga tao sa Pilipinas. Iyon ang sabi ni Padre Camorra.
Isagani: Senyor, sabihin mo sa kanya na mas mainam kung tubig ang iniimon
niya at hindi alak o serbesa, siguro ay higit tayong mapapabuti at
mababawasan ang sobrang pag-aalinlangan.

Iparating din niyo sa kanya na ang tubig na iniinom ay pumapatay ng apoy.


Sumusulak kapag pinaiinit, at kapag namuhi ay nagiging karagatang
malawak na minsan ng lumunod sa sangkatauhan.

Simoun: Kahanga-hanga ang iyong mga sinabi binata.

Basilio: Isa siyang mahusay na makata. Ang mabuti pa'y bigkasin niyo kay
Padre Camorra ang tulang isinulat ni Isagani tungkol sa tubig at apoy.

Simoun: Huwag na! Hindi iyon mapaniwalain at palabiro. Baka tanungin pa


ako kung kailan susulak at kailan magiging karagatang malawak ang tubig.
Paano kung hindi ako makasagot, papahiya lamang ako. Kung ayaw niyong
sumama, aalis na ako.

Basilio; Sige po... Isagani, anong nangyayari sa iyo ganoon na lamang ang
pagsagot mo kay Ginoong Simoun?

Isagani: Hindi ko alam. Napag-iinit ako ng taong iyon. Kinakatakutan ko siya.

III

(Sa bahay ni Kabesang Tales ay makikitang nakaupo sa may bintana


ang kanyang ama na si Tandang Selo, si Huli na kanyang anak ay nagsusulsi
at siya nama'y naghahasa ng kanyang itak. Galit itong magsasalita).

K. Tales: Hindi ito maaari. Hindi ako makapapayag. Bakit Ganoon? Kung sino
pa ang nagpapakahirap, ang nagbibigay halos kalahali ng kanyang inaani,
ang nagbabayad ng buwis ang siya pang pinaaaalis!

T. Selo: Magtimpi ka pa nang kaunti, Ipagpalagay mo na lamang na dumating


na ang mga kamag-anak ng mga buwaya.

K. Tales: Magtiis? Hanggang Kailan? Noong una, sinabi niyo namagtiis ako
dahil kung makikipag-usap ako ng isang taon ay para akong natalo sa sugal
o dili kaya'y kinain ng buwaya. Habang walang maipakitang katibayang ng
mga prayle na sa kanila nga ang lupaing ito ay sinabi niyo rin na baka lumaki
ang buwaya. Tayo lamang ang dapat magmay-ari nito.

(Bubuksan pabigla ang pinto at makikita ang gobernador kasama ang kawal)

Gobernador: Tales, ako na ang nagsasabing umalis ka na para walang


problemang mangyari.
K. Tales: Sinabi ng mga prayle na ako'y isang mangmang. Sa palagay mo ba
Gobernador na naintindihan kita?

Gobernador: Kaya ka hindi pinaniniwalaan dahil sa katigasan ng iyong ulo!

(Itutulak ni Tales ang Goberaador, at duduruin ito habang tinutulungan sa


pag-upo ng kanyang mga kawal.)

K. Tales: Wala nang saysay ang sabihin ang bulok na pamamalakad na iyan.
Gawin mo na ang gusto mo gobernador, ngunit hindi ako aalis dito! Ako ang
nagbungkal sa lupaing ito. Nawala ang aking asawa't anak dahil sa
pagtulong na magkaroon kami ng kapirasong lupa. Kaya't kailan may hindi
ko ito maibibigay sa kahit na sino lang. Kailangang mahigitan muna niya ang
ginawa ko, diligin ang lupa ng sariling dugo, at ilibing ang kanyang asawa't
anak!
Gobernador: Hindi ako nagsisisi at ang mga prayle ang aking pinanigan,
Walang saysay ang makipag-usap sa isang katulad mo.

(Aalis ang goberndor at ang mga kawal nito.)

IV

Madilim. Wala nang maririnig kundi ang lagitik ng mga sanga ng Kahoy
ng gumagalaw na ihip ng hangin. Tinalunton ni Basilio ang kagubatan.
Tumigil siya sa harap ng mga bato at nag-alis ng sumbrero. Naupo siya sa
isang bato at nag-isip ng malalim.

(Makakarinig ng kaluskos, si Basilio sisilip at makikita si Simoun na


naghuhukay. Lalapit si Basilio kay Simoun)

Basilio: Labintatlong taon na Ginoo ang nakakaraan ng gawan mo ako ng


malaking tulong.

Simoun: Sa palagay mo ay sino ako?

Basilio: Isang taong naipalagay kong napakadakila at naipalagay ng lahat na


patay na.

(katahimikan, Ipapatong mg kamay ni Simoun sa balikat ni Basilio)

Simoun: Basilio, alam mo kung ibang tao lang ang nakabatid ng aking lihim
ay hindi ako mangingiming kitilin ang buhay nito. Ngunit hindi ko iyon
gagawin sa iyo kahit nasa mga kamay mo ang isang lihim na maari kong
ikasawi. At nababatid ko ring hindi ko ito pagsisihan. Tama ka, magkatulong
nga tayo, dahil kapwa nating pinglalaban ang kamatayan para makamit ang
minimithing katarungan.
Basilio: Kahit hindi niyo po hilingin na itago ko ang inyong lihim ay gagawin
ko iyon. Kailanma'y hindi ko hahayaang may isang buhay na mawawala.
Kaya nga ako nag-aaral ng medesina dahil gusto kong mailigtas ang lahat ng
buhay hangga't maari.

Simoun: Lubhang napakataas na ngayon ng bantog ng mga kabataan.


(Malumanay na magsasalita) Balang araw alam kong magiging isa kang
matagumpay na doctor kung pahihintulutan ng pagkakataon. Naniniwala ako
sa iyong kakayahan. Kapag nasa tuktok na ba kayo ng tagumpay, kayo na
mga kaibigan mo ay kalilimutan niyo na ang Inang Bayan?

Basilio: G. Simoun, kailanmay hindi mangyayari ang ganun (ngingiti ito,


ngunit mapapawi rin dahil galit namagsasalita si Simoun)

Simoun: Hindi! Kung gayon, bakit niyo pa kailangang mag-aral ng Kastila?


Nagsisimula pa nga lang kayo, gusto niyo nang mawala kung ano ang
sariling inyo. At sasabihin mong hindi niyo kalilimutan ang bayan! Ano na
lamang ang mangyayari sa inyo pagdating ng bukas? Kung kailan nasa
kasukdulan ang kasamaan, saka kayo magkakaisa para lumuhod sa
pamahalaan! (Hihinaan ang boses) Basilio, isipin mo ang iyong hinihiling ay
ang pagkamatay ng iyong pagiging mamamayan ang tagumpay ng pang-
aapi at pagka-api ng iyon sariling bayan Huwag niyo nang dagdagan pa ang
hindi mabilang na wika ng ating bansa, lalo na lamang tayong hindi
magkakaintindihan.

Basilio: Kapag natuto ang lahat ng wikang Kastila, mapapalapit tayo sa


pamahalaan, magkakaroon din ng pagkakaisa ang mga pulo.

Simoun: Ah! Bakit hindi gamitin ang iyong karunungan? Dapat ay naisip mo
na ang bawat pulo ay mayroong sariling wika? Sariling wika, gaya ng
pagkakaroon ng sariling pagdaramdam, na hindi maaaring matumbasan ng
kahit na anong wikang banyaga. Huwag mong kalilimutan na habang may
sariling wika ang isang bansa ay taglay niya ang kalayaan. Ang wika ay ang
pag-iisip ang bayan! Hindi kita pinatay noon, dahil alam kong matutulungan
mo ako sa aking mga balak.

Basilio: Hindi po ako nakikialam sa pulitika. Isa mang karangalan ang


pagsabihan ng iyong mga balak. Hindi ko pa rin po kayo matutulungan. Kaya
ko lamang nilagdaan ang hiling sa pagtuturo ng wikang Kastila sapgakat
inakala kong makabubuti sa pag-aaral. Ang tanging hangarin ko'y
mapagaling ang mga maysakit.

Simoun: Mabuti ang iyong minimithi, ngunit higit nang dakila ang magbigay
buhay sa inyong Inang Bayan walang kabuluhan ang buhay na hindi mo pa
paunlakan ang aking kahilingan, gayunpaman sa sandaling magbago ang
iyong isip, magpunta ka lamang sa bahay ko sa Escolta

Basilio: Salamat po. Aalis na po ako.


V

Nag-aaral sa tahanan si Basilio. Sa tulong ng isang ilawang langis ay


nagbabasa siya sa kanyang hapag. Ilang aklat na mainam ang pagkakaayos
ang nakapatong sa hapag. Ang. amoy ng apyang nagbubuhat sa kabilang
silid ay nakapagpaantok sa kanya, ngunit upang huwag siyang makatulog ay
hinihilamusan niya ang kanyang mga pisngi at mata, Nais niyang matapos
ang aklat na binabasa niya. Buong-buo ang binata sa pag-aaral. Hindi niya
napansin ang mga maliliit na aklat na mula sa labas ng Pilipinas. Sa gitna ng
katahimikang iyon ay nakarinig siya ng mga yabag mula sa bulwagan
patungo sa kanyang kinalalagyan, itinaas ni Basilio ang kanyang ulo at
nakitang nabuksan ang pinto.
Simoun: Kamusta ang maysakit na si Kapitan Tiyago?

Basilio: Bahagya na ang kanyang tibok ng puso, mahina na ang pulso, at


ayaw na kumain. Pinagpapawisan siya ng malamig sa madaling araw.

(Halatang iniiwasan ni Basilio na ungkatin ng mag-aalahas ang paksang


kanilang pinag-usapan sa libingan ni Ibarra)

Basilio: Talamak na ang lason sa buong katawan. Maaaring mamatay siya


ano mang oras. Ang munting sanhi, sulak ng kalooban na maaring
makamatay sa kanya

Simoun: Gaya ng Pilipinas.

(Hindi pinansin ni Basiiio ang sinasabi ng kausap, siya'y nagpatuloy)

Basilio: Ang mas lalong nagpapahina sa kanya ay ang bangungot sa kanyang


mga takot...

Simoun: Tulad ng Pamahalaan!

Basilio: May ilang gabi na siyang nagigising, akala niya'y bulag na siya.
Nagpahalaw at tinangisan niya ang kanyang kapalaran. Pinaratangan niya
akong dinukot ko ang kanyang mga mata. Nang ako'y pumasok na may
dalang ilaw, napagkamalan akong si Padre Irene, ang kanyang tagapagligtas.

Simoun: Wala nang iniwan sa Pamahalaan.

Basilio: Kagabi, gumising siyang humihingi ng sasabunging manok yaong


may tatlong taon nang patay, Ang ibinibigay koy isang inahin. Pinuri niya
ako at pinangakuan ng libu-libong piso...

(Nang sandaling iyon ay tumugtog ang kasampu at kalahati sa orasan.


Mandi'y nalito ang mag-aalahas...)
Simoun: Basilio, makinig ka sanang mabuti sapagkat ang bawat sandali ay
mahalaga. Nakita kong hindi mo binubuksan ang mga aklat na yan. Wala
kang malasakit sa iyong bayan.

Basilio: Aba...

Simoun: Wala ng kabuluhan. Sa loob ng isang oras ay magsisimula na ang


himagsikan sa isang hudyat ko. Bukas ay wala ng pag-aaral. Wala ng
Pamantasan. Wala ng makikitang labanan at patayan. Nakahanda kami at
nakatiyak ng tagumpay. Kapag kami'y nagwagi, lahat ng hindi tumulong sa
amin ay ituturing na kalaban. Basilio, naparito ako upang ihandog ang inyong
kamatayan o kinabukasan.

Basiio: Kamatayan o kinabukasan!

Simoun: Sa piling ng iyong bayan o ng maniniil. Magpasiya ka sapagkat


lumalakad ang sandali. Naparito ako upang kayo'y iligtas alang-alang sa mga
nagbigkis sa atin!

Basilio: Sa piling ng inang bayan o maniniil.

(Litong-lito si Basilio. Buong kinakatakutan niyang tinitingan si Simoun.


Nakita niya ang dugong dumadanak, narinig niya ang putukan at siya ay
nasa gitna at nagpuputol ng mga paa at sumusungkit sa mga tumamang
punlo.)

Simoun: Ang kalooban ng pamahalaan ay hawak ko. Sinayang ko ang mahina


niyang lakas sa mga pangako sa makamit na mga pakinabang. Ang mga
pamamahala sa kanya ay nasa tanghalan ngayon, nagsasaya at naghihintay
sa aking tahimik na pagpahingalay, subalit isa may hindi na makakahinga at
tulungan. Mayroon akong mga tauhan at mga rehimyento. Ang ilan ay
pinapaniwala kong ang Heneral ang nag-utos, ang iba'y pinagsasabihan ang
may nais ay ang mga prayle, at ang ilan ay binibili ko ng salapi't mga
pangako. Ngunit ang marami, ay kikilos upang maghiganti, sapagkat sila'y
inapi at walang nalalaman kundi ang pumalay o mamatay! Muli kitang
tinatanong, sasama ka sa amin o pababayaan mong maging tampulan ang
iyong sarili ng pagkagalit ng aking mga kabig!?? Sa mga sandaling tulad nito,
ang pagpapahayag ng walang kinikilingan ay nangangahulungang paglagay
sa kamuhian ng dalawang naglalaban.

(Makailang ulit na hinaplos ni Basilio ang kanyang mukha, tila isang


bangungot. Nanlalamig ang kanyang noo.)

Simoun : Magpasya ka!

Basilio : At ano...ano ang dapat kong gawin?

Simoun : Madali... Sapagkat ako ang namumuno sa kilusan at hindi ako


makakalayo sa gitna ng labanan. Nais kong kayo, samantalang nagugulo ang
lahat, ay mangulo sa isang pangkat upang iguho ang pintuan ng Sta. Clara.
Doo'y kukunin ninyo ang isang taong bukod sa akin at kay Kapitan Tiyago ay
kayo lamang ang nakakakilala. Hindi kayo manganganib kunti man.

Basilio : Si Maria Clara!

Ah! Huli na kayo, nahu!i na kayo!

Simoun : At bakit?

Basilio : Si Maria Clara ay patay na!

(Biglang tumindig si Simoun at dinaluhong ang binata)

Simoun : Patay na?

Basilio : Kanina ng hapon nang ikaanim. Marahil ngayon ay...


Simoun : Kasinungalingan! Hindi maaaring magkatotoo yan! Buhay si Maria
Clara! Iya'y isang duwag na pagdadahilan! Hindi siya patay, at ngayong gabi
ililigtas ko siya o bukas ay masasawi tayo!

Basilio : May ilang araw pa lamang na naglulubha siya. Nagtungo ako sa


kumbento upang makibalita. Narito ang liham ni Padre Salvi na dala ni Padre
Irene, magdamag na nanangis si Kapitan Tiyago, hinahagkan ang larawan ng
anak at humingi ng tawad. Ngayong gabi'y tinugtog ang kanyang
agunyas...dahil dito lumabis ang paghithit ng apyan.

Simoun: Ah! Namatay! Namatay na hindi ko man lamang nakita. Namatay na


nang hindi nalalamang nabuhay ako para sa kanya. Namatay!

(Naramdaman ni Simoun ang tila unos na walang ulan, ang isang bulkang
ibig magsabog ng poot sa kayang dibdib. Mabilis niyang nilisan ang silid.
Narinig ni Basilio ang papalayo niyang mga yabag, at ang isang timping
sigaw ng tulad ng isang naghihingalo. Napatindig siya na namumutla, ngunit
narinig niya muli ang mga yabag papalayo hanggang sa tuluyang maglaho.)

Basilio: Kahabag-habag na lalaki!

(Kinabukasan ng hapon, Makikitang naglalakad sina Hermana Bali at Huli


papuntang kumbento. Titigil si Huli at magsasalita.)

Huli: Huwag nalang po tayong tumuloy. Kinakabahan po ako, parang may


masamang mangyayari.

Bali: Ikaw na bata ka, kaya ka palaging napapagalitan ni Penchang dahil


kung anu-ano ang naiisip mo. Halika na, walang mangyayari masama sa iyo

Huli: Umuwi na lang tayo. Maawa po kayo sa akin, umuwi na tayo.


Bali: Sige, bumalik na lang tayo kung ayaw mo. Hayaan mong mabaril si
Basilio sa daan at saka sabihing nagtangkang tumakas. Kapag wala na siya,
saka kana magsisisi. Hindi ko naman siya kaanu-ano kaya wala iyon sa akin
kung ano man ang mangyari sa kaniya. O, ano nakapagpasya ka na ba?

(Parang batang hihilahin ni Huli ang matanda papunta sa pinto ng kumbento.


Sa loob ay makikita ang isang pari na nakaupo. Si Basilio ay magpupunta sa
bahay ni Simoun.)

Katulong: Senyor Simoun, isa pong binata ang naghahanap sa inyo, Basilio
po ang pangalan.

Simoun: Papasukin mo.

(Babalik ang katulong kasama na si Basilio)


Simoun: Basilio, mabuti naman at nagpunta ka kaagad dito.

Basilio: Simoun, naging masama akong anak at kapatid. Nalimot ko sila,


Ngayon ay wala ng nalalabi kundi ang hangad na gantihan ng sanhi ang
sanhi, karahasan ang karahasan. At ngayo'y handa na akong ituwid ang
aking pagkakamali at singilin ang katarungan para sa aking ina at kapatid.
Handa na rin akong tumulong sa inyo at sa iba pang naaapi.

Simoun: Apat na buwan na ang nakalipas mula nang ilahad ko sa iyo ang
aking balak. Tumanggi kang tumulong. Bakit nagbago ang isip mo?

Basilio: Dahil ngayon ko lang naisip na may katwiran kayo. Kaya tama lang
na gantihan ko ng kasamaan, ng poot ang poot at ng dugo ang dugo!

Simoun: May katwiran ako, oo, may katwiran ako! Ang katwiran at
katarungan ay nasa panig ko sapagkat ang layunin ko'y ang layunin ng mga
api. Salamat Basilio! Pinawi mo ang aking agam-agam. Halika at ipapakita ko
sa iyo ang kahuli-huling sandata ng mga mahihina.

(Dadalhin sa laboratoryo si Basilio at ipapakita ang lampara at maingat na


kinuha.)

Simoun: Tingnan mo Basilio! Tingnan mo!

Basilio: Nitro-gliserina?

Simoun: Tama ka, nitro-gliserina... Ngunit ito ay higdi pa roon. Ito'y mga
luhang tinipon, mga poot na tinimpi, mga kasamaan, mga pang-aapi. Ito ang
huling matuwid ng mga mahihina, lakas sa lakas, dahas laban sa dahas.
Ngayong gabi ilalandag at magkakadurog-durog ang mga mapanganib na
mapaniil. Ngayong gabi ay maririnig ng Pilipinas ang putok na dudurog sa
mga walang anyong bantayog na ang pagkabulok ay aking pinadali.

Basilio: Ngayong gabi?


Slmoun: Ngayon gabi'y magdaraos ng isang pista at ang lamparang ito'y
ilalagay sa kiyoskong ipinagawa para roon. Mag-iisa ang lamparang ito
sapagkat sapat na ang kaniyang liwanag sa pook na iyon. Ngunit pagkaraan
ng dalawampung minuto ay lalamlam ang kayang liwanag at kapag may
nagtangkang gumalaw sa mitsa ay puputok ang isang kapsula sa loob.
Sasabog ang granada at kasabay nito ang pagsabog ng silid-kainan ang
bawat panig ay pinagtaguan ko ng pulbura.

Basilio : Kung gayon, hindi na po kinakailangan ang tulong ko.

Simoun : Hindi, ikaw ay may ibang tungkuling gagampanan. Kapag narinig


ang pagsabog, ang mga kulang palad at naapi at mga pinag-uusig ng batas
ay magsisilabas na sandatahan at magtitipun-tipon kasama si Kabesang
Tales sa labas ng bayan ng Sta. Mesa upang lusubin ang siyudad.
Basilio : Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganoong pagpatay?

Simoun : Pupurihin ito ng daigdig.

Basilio : Sang-ayon po ako. Ano ang halaga sa akin kung pumalakpak o


tumuligsa man ang daigdig.

Simoun : 'yan ang ibig kong marinig. Hintayin mo ako sa ganap na ika-sampu
sa harap ng simbahan ng San Sebastian para sa huling tagubilin. Sa muling
pagkikita.

(Maghihiwalay ang dalawa)

VI

(Gabi sa bahay ni don Timoteo, maririnig ang masasayang tugtugin ng


orkestra, nagkukumustahan, nagpaparinigan, at nagpapayabangan ang mga
bisita.)

Donya 1 : Natutuwa ako sa aking esposo at binilhan niya ako ng


napakagandang pares ng hikaw. Tingnan mo, walang kasing ganda hindi ba?

Donya 2 : Maganda. Saan ba niya binili iyan?

Donya 1: Kay G. Simoun niya ito binili at nagmula pa raw ito sa Englatera.

Donya 2 : Sa Englalera ba talaga? Sa tingin ko kasi mababa ang halaga niya


(Ituturo nito ang hikaw at tatawa ang unang Donya)

Donya 1 : Ha! Ha! Ha! Para mo na ring sinabi na nagbebenta si G. Simoun ng


mababang klaseng alahas.

(Mababahala ang ikalawang Donya)


Donya 2 : Hindi naman ganyan ang sinasabi ko.

Donya 1 ; Nakapagtatakang ang isang Donyang katulad niyong may pinag-


aralan ay hindi marunong tumingin sa kung ano ang tunay na maganda

Donya 1 : Totoo namang mumurahin lang ang suot niyong palamuti.

(Dahil sa napakalakas ang tinig nito'y isa pang Donya ang lumapit sa kanila
at nagwika)

Donya 3 : Itigil niyo na iyang walang kwentang pagtatalo. Gusto niyo bang
mapagkamalang mga indiyo?

Donya 1 & 2 : Hindi!

Donya 3 : Kung gayon, halina kayo at kamustahin natin ang iba pang
panauhin.

(Pupunta sa iba pang panauhin)

Donya 2 : Kumusta kayong lahat

(May kataasan ang boses na sasagot ang isang Donya)

Donya 4 : Mabuti sa ngayon. Ngunit kaunti pag hihintay na lang at hindi na


ako makapag-iisip dahil ang sikmurako'y walang laman.

(Magtitinginan ang iba pang Donya. Darating sina Paulita at Juanito kasama
si Donya Victorina. Magbubulungan sila, ngunit hihinto rin nang makitang
papunta sa kanila ang dalawang babae. Ngingitian nila ito. Samantalang si
Don Timoteo ay sasalubungin ang kaniyang anak.)

Don Timoteo: Mabuti naman at dumating ka na anak ko. Ipinagmamalaki kita


at ang napangasawa mo at ang nag-iisang tagapagmana ng mga Gomez.

Juanito: Maraming salamat din Papa. Dahil sa tulong niyo'y napunta sa akin si
Paulita Wala pa po ba ang Heneral?

Don Timoteo : Wala pa, kaya nga hinihintay ko siya. (Malitigilan ito dali at
may maaalala) Karamba! Estupido!

Juanito : Bakit po?

DonTimoteo : Kailangan ko bang ilahad ang aking kamay sa Heneral o


hihintayin kong iabot niya ang kaniyang palad?

Juanito :Hindi ko po alam. (mamamataan nito na dumating si Simoun na may


dalang lampara) Dumating na pala si G. Simoun siya na po ang tatanungin
ko.

Don Timoteo : Mabuti pa nga


(Aalis si Juanito, ngunit bago pa ito makabalik sa kaniyang ina'y darating ang
Heneral kasama ang asawa nito)

Asawa : Nakakahiyang pagmasdan ang mga taong ito. Wala silang


ipinagkaiba sa mga indiyo.

Heneral: Mag-ingat ka sa iyong pagsasalita at baka marinig ka nila

Asawa: Totoo naman lahat ang sinabi ko. Ang ilan sa kanila'y mga pulubi ng
Espanya at ang iba nama'y mga naka-angat na mamamayan ng bansa ito na
naghahangad na maging Espanyol

Heneral : Alalahanin mong sila ang nagpayaman sa atin at wala naman


tayong ipinagkaiba sa kanila

Asawa : Mayaman, ha? Sila rin ang magdadala sa atin sa kahirapan. Tingnan
mo para tayong erehe at pilibustero kung titigan.

Heneral : Pabayan mo na sila Marahil ay gusto lang nilang suriin ang isang
Heneral na malapit nang magretiro.

Asawa: At ano ang kanilang susuriin? Kung ang suot mong iyan ay ang tabing
ng palasyo? (marahang tatawa ang Heneral ngunit mapawi rin dahil
makakarinig ng parunggit mula sa isang panauhing babae)

Babae: Tingnan niyo sa pag-alis ng mga iyan ay dadalhin ang lahat ang mga
gamit sa palasyo.

(Maiinip si Don Timoteo sa paghihintay sa kanila kaya sasalubungin na


lamang sila, at hahalikan nito ang kamay ng heneral.)

Don Timoteo: Ikinararangal ko po kayong maging panauhin sa aking


tahanan, Heneral. Nagagalak din po ako at pinaunlakan ninyo ang aking
paanyaya

Heneral: Ganoon din ako.

Don Timoteo: Mga kaibigan, narito na po ang ating pinakahihintay na


panauhin, kaya mauna po kayo sa hapag kainan. (Ang lahat ay susunod.
Hindi mapapansing lalabas si Simoun)

(Nagtangka na pumasok si Basilio ngunit nakalimutan niya na napakaaba ng


kanyang suot. Pinigilan siyang bantay. Lalabas si Simoun. Nasindihan na ang
lampara.

(Hindi na nito maririnig ang lahat dahil nagmamadali itong tatalikod. Tatakbo
rin siyang palayo ngunit masasalubong si Isagani)

Basilio: Isagani Ano pa ang ginagawamo rito? Lumayo ka sa bahay na iyan!


Isagani: At bakit ako aalis? Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko si
Paulita, kaya hindi ako aalis dito.

Basilio: Halika na! Hindi siya karapat-dapat sa iyo. Umalis na tayo bago pa
mahuli ang lahat. Sasabog ang bahay na iyan! Kung gayon ay matutupad
ang nakatakda. (tatakbo ito papalayo. Maiiwan si Isagani na nakasunod
lamang ang tingin sa kaibigan. At may naalala sa mga sinabi nito.)

Isagani: Sasabog! Paulita... (At mabilis napapanhik sa bahay si Isagani.)

VII

(Sa kiyosko habang nasisikain ang mga panauhin isang sulat ang nagpalipat-
iipat sa kamay ng mga panauhin at napunta ito sa kamay ng heneral.
Heneral: Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya?

D. Custodio: Hindi na ito magandang biro Isang kalapastangan ang pangalan


ng isang pilibusterong matagal nang namatay.

(Mapapatingin ito kay Pare Irene na naghahanap kung sino ang may
kagagawan at mamatan nito si Padre Salvi na namunmutla.)

Padre Irene: Bakit Padre Salvi? Anong nangyari sa inyo? Nakikita ba ninyo
kung kaninong lagda iyan?

Padre Salvi: Nakapagtataka, ito nga ang sulat kamay ni Ibarra (Matatakot
ang mga naroon sa mesa ng heneral)

Heneral: Magpatuloy tayo sapagkain. Huwag nating pansinin ang birong iyan.

D. Custodio: "Mene Tekak Phares" Sa palagay ko'y hindi naman


nangangahulugan iyan na papatayin tayo ngayon ano? Walang kikibo kahit
isa). Ngunit maari rin tayong lasunin!

(mababahala ang lahat. Samantala magiging malamlam ang ilaw ng lampara


na malapit sa heneral)

Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.

Padre Irene: Isang saglit lamang.

(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha
sa lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!


(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama
ang lampara. Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang
narinig.)

VIII

Napag-alaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat.


Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura.
Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya
uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.

Simoun: Nandito na ang mga guardia sibil. Di nila ako dapat mahuli ng
buhay. (Kukunin ang lason) Eto nalang ang paraan para di nila ako mahuli ng
buhay.

IX

Hapon sa bahay ni Padre Florentino, makikita siyang nakaupo at


nakadungaw sa may bintana habang pinagmamasdan ang salpukan ng mga
alon sa batuhan. Isang alila ang papasok

Alila: Padre, nais po kayong makausap ng maysakit.

(Susunod siya rito papunta sa silid ni G. Simoun. At siya ay mamamangha sa


kalagayan ni Simoun.)

Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?

Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandal.
Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.

Padre Florentino: Diyos ko!

Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa
inyo ang aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may
Diyos?

Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.

Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan!

(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling
siya ng Europa hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)

Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto


ang lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan
Niyang lahat anng nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil
sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang
kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian


man ay hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng dakila.

Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hndi ang mga masasamang


namamahala na walang dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang
bango.

(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa


pinisil ni Simoun ang kamay ng pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florntino at tuluyan itong


nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni
Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni padre Florentino ang
kaymanan ni Simoun sa karagatan.

Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat ngunit kung


kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng
Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka
muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.

***WAKAS***

You might also like