You are on page 1of 2

Banghay-aralin sa Pagtuturo Ika 5 ng

Septyembre
Baitang 7 2017
Ikalawang Markahan Martes

I. Layunin
Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa mga elemento nito
(F7PD-IIc-d-8)
II. Nilalaman
Pangkalahatang tema: Panitikang Bisaya: Salamin ng mayamang kultura, tradisyon, at
kaugalian ng kabisayaan
Mga Elemento ng isang Alamat
Mga Kagamitang Panturo
Bidyo at Tsart (powerpoint presentation)
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7
Supplemental Lessons, Baitang 7
http://veradtingcang.weebly.com/elemento-ng-alamat.html

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtiyak sa kalinisan ng silid
B. Pagbalik-aral
1. Ang guro ay magbibigay ng mga katanungan na nauugnay sa nakaraang aralin.
C. Paghahabi ng Layunin
1. Ang guro ay magtatanong sa mga magaaral kung ano ang kanilang ideya ukol sa
salitang ELEMENTO.
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
1. Ang guro ay ipapabasa ang aralin sa mga magaaral sa pamamagitan ng tuluyang
pagbasa
Elemento ng Alamat
1. Simula
a. Tauhan - sino-sino ang magsisiganap sa kwento.
b. Tagpuan - lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente.
2. Gitna
a. Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan.
b. Tunggalian- nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan.
c. Kasukdulan- bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
3. Wakas - ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahat
1. Ipapapanuod sa magaaral ang alamat na pinamagatang Ang Alamat ng Matsing.
2. Pamantayan sa Pagmamarka/Rubriks
Nilalaman ng presentasyon 5
Pagkakaisa ng grupo 3
Kalinawan ng presentasyon 2
Kabuuan 10
3. Pangkatang-Gawain
Pagkumparahin ang elemento ng Alamat ng Matsing sa Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan sa pamamaraan na:
Unang Pangkat Masining na Pagsasalaysay
Ikalawang pangkat Makabagong Awitin
Pangatlong pangkat Paguulat
Pang-apat na pangkat Tula
Ika-limang pangkat Balagtasan
F. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Ipaliwanag ang aral na natutunan sa napanood na alamat.
Paano ito magagamit sa ating pang araw-araw na buhay?
G. Paglalahat ng aralin
Ano ang tatlong elemento ng Alamat? Ipaliwanag.
H. Pagtataya
Gamit ang comparison chart, pagkumaparahin ang elemento ng Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan at Alamat ng Matsing.

IV. Takdang aralin


Sa isang malinis na papel (1 whole), isulat ang buod nang napanuod na alamat.

V. TALA

Inihanda ni:

Mark Krunto M. Tozuka


Practice Teacher

Sinuri ni:

Adela P. Sacay
Guro III

You might also like