Professional Documents
Culture Documents
Mga Batayang Konseptong Pangwika
Mga Batayang Konseptong Pangwika
Wika
Pambansang Wika
Wikang Rehiyunal
Lalawiganin
Wikang Pampanitikan
Pabalbal o Kolokyal
Teknikal na Wika
Pidgin at creole
Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nadedebelop na bagong wika.
Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidgin ang
tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya na kahit mali mali, hanggang
magkaintindihan ito. Creole naman ang tawag sa wikang nadedebelop sa isang pidgin at
nagiging unang wika ng isang lugar.
Dayalek
Idyolek
Rehistro ng Wika
Static Register Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang
ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga
Magsisipagtapos, atbp.)
Formal Register Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na
daluyan lamang (one-way). Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya,
Deklarasyon atbp.)
Consultative Register Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa
ganitong sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng
komunikasyon. (sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral,
abogado at kliyente, atbp.)
Casual Register Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o
kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay
normal. Ito ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang
makakonekta sa usapan.
Intimate Register Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga
matatalik na kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa,
magkasintahan, magkapatid, mag-ina o mag-ama, atbp.)
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol niya
sa pakikipagtalastasan. Samakatuwid, wika ang ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-
interaksyon sa kanyang kapwa.
Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa Genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang
wikang ginagamit ng tao. Subalit noong nagtayo ng lungsodang mga tao na halos abot sa langit
ay lubos na nabahala ang Diyos dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos
ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy ang kanilang balak.
Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at
dalubwika, ang wika ay dinevelop lamang ng tao para makabuo ng ibat-ibang kaalaman.
Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at klasikong Griyego,
huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at nagbigay sa atin ng talino upang makatuklas ng
mga bagay na maaari nating magamit sa araw-araw.
Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang siasalita ng lahing iyon.
Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong magiging bahagi ng wika ng isang lahi.
Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wika. Halimbawa nito ay ang Filipino, Ingles,
Pranses at iba pa. Sa Pilipinas ay may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog,
Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol.
Ang Idyolek naman ay masasabing isang finger prints ng isang tao dahil tanging kanya
lamang. Dito makikita ang istilo ng isang individwal sa pagsasalita.
Kabilang naman sa mga Slang words ang haleer, yuck, praning, japorms, windang at
iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga
kabataan.
Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita na tinatawag na
Gaylingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa kanilang grupo.
Bawat propesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi basta mauunawaan ng
hindi ganoon ang trabaho. Ito ay tinatawag na Jargon.
Meron din tayong tinatawag na Rehistro. Ito ay nakabatay sa uri at paksa ng talakayan,
sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik.
Komunikasyon/Pakikipagtalastasan
Kahulugan
Uri
LINYAR O ARISTOTELYAN
Antas
Tipo
Pormal na komunikasyon piling salita o wika ang ginagamit dito, maging ang mga
kilos at galaw ay pormal dahil ito ay sitwasyong may ugnayan ang mga pormal na tao.
Impormal na komunikasyon hindi limitado ang salitang ginagamit pati na ang mga
kilos at galaw dahil itoy nagaganap sa pagitan ng mga magkakalapit o matatalik na
kapwa.
Pasulat man o pasalita ang diskurso, gamagamit ito kapwa ng mga panandang pandiskurso
upang maghudyat ng:
a. sunud-sunod na pangyayari
Halimbawa: una, bilang pangwakas
b. pagtitiyak
halimbawa: gaya ng mga sumusunod, tulad ng
c. paglalahat
halimbawa: anupa't samakatuwid
d. paghahalimbawa
Halimbawa: sa pamamagitan ng
e. pagbibigay-pokus
Halimbawa: ukol sa, pansinin sa
f. pagbabagong lahad
Halimbawa: sa madaling sabi, sa bilang salita
g. Naghuhudyat ng pamamaraan ng sumulat
Halimbawa: subali't ,datapwa't ,sa aking palagay
Uri ng Teksto
Konteksto ng Diskurso
at iba pa.
A act sequence, ang pagkakasunod sunod ng pagbuo ng diskurso na minsan kung itoy pasalita
ay naaantala
K keys, ang susi na makatutulong sa mabisang diskurso, kasama ang tono, ekspresyon at
pamamaraan sa pagpapahayag
I instrumentalities, ano ang gamit ng wika pati na rin ang porma at antas nito sa paggamit sa
dikurso.
G genre, anyo ng diskurso, sa pasulat, maaaring ito ay sanaysay, maikling kwento, awit, tula, at
iba pa; kung ito naman ay diskursong pasalita, maaaring nagbabalita, nasasalaysay,
nagpapaliwanag, nagbababala, at iba pa.
Ethnography of Communication
Variationist Theory
investigates the actual usage of spoken language. The goal of this theory is to provide patterns
of occurrence of a particular variable and to lay out the hierarchical structure when this
variable can occur. Thus, it does not only indicate the occurrence of variants, but also shows the
relative frequency of occurrence of each possible variant.
Pragmatic Theory
Isinulong ni John Langshaw Austin (1962) at pinalawig ni John Rogers Searle, pilosopo
ng wika sa Britanya na nakilala sa kanilang paniniwala na kayang mabago ng salita ang
realidad.
ang pananalita o diskurso ay kaugnay ng aksyon.
Speech acts are a staple of everyday communicative life, but only became a topic of sustained
investigation, at least in the English-speaking world, in the middle of the Twentieth Century.
Since that time speech act theory has been influential not only within philosophy, but also in
linguistics, psychology, legal theory, artificial intelligence, literary theory and many other
scholarly disciplines. Recognition of the importance of speech acts has illuminated the ability of
language to do other things than describe reality