You are on page 1of 5

Dasalan at Tocsohan

ni: Marcelo H. Del Pilar

Ang Tanda

Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming

Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at

nanang Espiritung Bugaw. Siya naua.

Pagsisisi

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at

sumalacay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa

iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa

lahat, nagtitica akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at

lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa

sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acong

maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang

sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.

Ang Amain Namin

Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang

kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami

ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal
para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot

sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.

Ang Aba Guinoong Baria

Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bukod ka

niyang pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.

Santa Baria Ina nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami

ipapatay. Siya naua.

Ang Aba Po Santa Baria

Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at

katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw

na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming

pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa

aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago

matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa

Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin

mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.

Ang Manga Utos Nang Fraile

Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na

lalo sa lahat. Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos.

Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang
catauan mo sa pagpapalibing sa ama't ina, Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung

uala pang salaping pang libing. Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua.

Ang ikapito: Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit

ka masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua. Ang ikapulo:

Huag mong itangui ang iyong ari. Itong sampong utos nang Fraile'I dalaua ang

kinaoouian. Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo

naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya naua.Ang manga kabohongang asal,

ang pangala'i tontogales ay tatlo.

Igalang mo Katakutan mo Ang Fraile At Pag Manuhan mo.

Ang Cadaquilaan nang Dios

ni: Marcelo H. del Pilar

Isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapaliwanag ng kaniyang

sariling pagkilala sa kadakilaan ng Diyos. “Di cailangan, capatid co, ang nagbucas ca’t

bumasa ng filosofia o nang teologia at iba pang karunungan, upang maranasan mo ang

Cadaquilaan ng Diyos.”

“Sucat ang pagmasdan iyang di-ma-ulapang hiyas na inilagap sa mundong

pinamamayanan mo! Sucat ang pagwariin mo ang sari-saring bagay na dito sa lupa ay

inihahandog sa iyong cahinaan, pangpawi sa iyong calumbayan, pangliwanag sa iyong

carimlan, at alin ca ma’t sino, ay sapilitang maiino mo na may isang macapangyarihan

lumalang at namamahalang walang tiguil sa lahat ng ito.”


“Masdan mo ang isang caparangan, masdan mo ang mga halamang diya’y

tumutubo, buhat sa hinahamak mong damo hanggang sa di mayacap na kahoy na

pinamumugaran nang ibon sa himpapawid; masdan mo’t pawang nagpapahayag na

ang canilang maicsi o mahabang buhay ay hindi bunga nang isang pagcacataon; wariin

mo maranasan ang camay ng Diyos, na naghahatid oras-oras sa mga halamang iyan

nang dilig na ipinanariwa nang init na nagbibigay lakas at pumipiguil nang

quinacailangan ilago at icabuhay hanggang sa dumating ang talagang tacda nang

paggagamitan sa canila.”

“Tingni ang pagcacahalaylay nila’t isang malawac na jardin wari’y simoy na

naghahatid buhay at nagsasabog nang masamiong bango nang canilang bulaclac, ay

isang lilac wari na iquiniquintal sa iniong noo nang lumalang sa atin, casaba ang

ganitong sabi, “Anac co, ayan ang buhay, ayan ang ligaya, hayo’t lasapin mo’t iyong

ihandog na talaga nang aquing ganap na pagmamahal; bundoc, ilog, at caragatan ay

pawang may inimpoc na yamang inilaan co sa iyo; para parang cacamtan mo huag ca

lamang padaig sa catamaran, gamitin mo lamang ang isip at lacas na ipinagkaloob sa

iyo; huag mong alalahanin ang dilim sa lupa; nariyan ang arao, nariyan ang buang

talagang panaglaw mo; nariyan ang bituin mapanunutunan mo cung naglalayag ca sa

calawacan ng dagat; wala acong hangad anac co, cundi ang camtan mong mahinusay

ang buong guinhawa, buong casaganaan at payapang pamumuhay. Talastas cong ang

caya mo sa pagganti sa aquin; talastas cong salat ang lacas mo, salat ang buhay mo sa

icasusunod nang nais na matumbasan ang biyayang tinanggap; caya huag cang

lubhang mag-alala; sucat na mahalina ang capoua mo tao, alang-alang man lamang sa
pagmamahal co sa lahat; mahalin mo ang nilicha co; mahalin mo ang minamahal co at

bucas makalawa’y may tanging ligaya pang pilit na tatamuhin mo.”

“Diyan sa sucat nang mababanaagan, nanasang irog, ang cadaquilaan niyang

Dios na ‘di nalilinagap sandail man sa pagcacalinga sa atin. Daquila sa capangyarihan,

daquila sa carunungan, at daquila ngani sa pag-ibig, sa pagmamahal at pagpapalagay

sa canilang mga anac dito sa lupa; at pantas man o mangmang, mayaman man o

ducha ay walang nawawaglit sa mairog at lubos niyang paglingap.”

“Sa kadakilaang ito, sino kaya sa mundo ang sa caniya’y macacahuad? Huag na

ang sa gawang lumicha, huag na sa pagdudulot ng buhay at kaligayahan, may puso

kaya baga sa lupang makapagmamahal sa iyo nang gayong pagmamahal? May puso

caya bago sa lupang macapamumuhunan nang buong pag-irog sa iyo cahit sucat na

sucat nang wala kang igaganti cundi catampalasanan? May puso caya bagang

makararating sa gayong

You might also like