You are on page 1of 1

BEYOND THE WALLS OF DOUBT,

A SECRET IS HIDDEN
IN EVERY STEP,
A MYSTERY EXISTS
AND FOR EVERYWHERE,
LIFE IS THERE.

Ang talata ay nagpapakita ng iba’t-ibang kapangyarihan ng wika. Una, ang wikang


ginamit ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan sa taong tatanggap nito. Ang
mga salitang binuo ay may tinatagong isa o higit pa na malalalim na kahulugan o
mensahe na kung saan ang pag-unawa ay bumabatay sa karanasan, emosyon, at
kulutura o pamumuhay ng mambabasa. Ang iba ay maaring magkaroon ng positibong
pagpapakahulugan na ang buhay ay hindi laging sigurado at maraming itinatagong
surpresa, gayunpaman ito ang nagiging rason upang ang buhay ay maging
kapanapanabik na pakikipagsapalaran.

Pangalawa, ang wika ay humuhubog ng saloobin at emosyon kung saan ay


may kapangyarihang makapagpabago, makatulong, o hayagang maalis ang mga
negatibong paniniwala na sa palagay ng mambabasa ay hindi makabubuti sa kanyang
kapwa at sarili. Ang positibong pagpapakahulugan ng mensahe sa talata ay
makapagdudulot din ng positibong pananaw na ang buhay ay hindi natatapos sa oras ng
pag-aalinlangan at marami pang maaring mangyari. Ang positibong aksyon at pagtugon
ang makapagbibigay ng tunay na buhay.

Pangatlo, ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon, Ito ay ang pagtanaw sa


mga bagay sa magkasalungat na paraan. Ang talata ay gumamit ng negatibong salita
tulad ng “doubt” o pagdududa. Mayroon din namang mga salita na maaring positibo o
negatibo tulad ng “secret” o sikreto at “mystery” o misteryo. Ang mambabasa ay maaring
gamitin ang mga salita sa positibo o negatibong pagpapakahulugan batay sa kanilang
paraan ng pag-unawa sa talata.

You might also like