You are on page 1of 2

Ikawalong Baitang:

1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol, at Hapon
2. Nakabubuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo
3. Nagagamit ng mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt,
at sa kasalukuyan
4. Naisusulat ang sariling tula, sanaysay, o maikling kuwento sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa
tao, bayan, o kalikasan
5. Nauunawan ng mag-aaral ang kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino
6. Nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)
7. Naipakikita ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng
mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
8. Nakagagawa ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas
at sa kasalukuyan
Ikasiyam na Baitang:

1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang


Asya
2. Nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya
3. Nagagamit ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
4. Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
5. Naipakikita ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang ng Kanlurang Asya
6. Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano
7. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pang-abay, mga pang-uring nagpapasidhi ng damdamin, at mga
pang-ugnay
8. Nagagamit ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas na Noli Me Tangere
9. Nakikilahok ang mag-aaral sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng
Noli Me Tangere na binago ang mga katangian (dekonstruksyon)

You might also like