You are on page 1of 8

DAILY LESSON PLAN

GRADE: IKALAWANG TAON


GURO: Ms. ROSE P. PANGAN
ASIGNATURA/LEARNING AREA: FILIPINO 8
Yugto ng Pagkatuto Araw: Hulyo 9-13 , 2018
Seksyon: Petsa: Hunyo 9, 2018
Grade: 8– DAGOHOY (M) 6:00 - 7:00 Unang Araw
Grade: 8 –DEL PILAR (M) 7:00 – 8:00 Tuklasin
Grade: 8 –RIZAL (T) 8:20- 9:20
Grade: 8– MABINI (T) 9:20- 10:20
Grade 8- AGONCILLO (T) 10:20- 11:20
Grade 8- BONIFACIO (T) 11:20- 12:20
PAMANTAYAN:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay
ay nakapagpapamalas ng kahusayan upang mapagyaman nakapagpapaliwanag ng kanyang ideya at iba pang
ang mga natatamong kaalaman at kakayahan sa paglinang ng impormasyon ukol sa napapanahong isyu o paksa.
pangangailangang pangkomunikatibo.

I.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Nakikinig nang may pang-unawa upang masagot ang mga tiyak na tanong.
2. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan.
3. Nasusuri ang ilang panitikan batay sa katangian nito.

II. PAKSA:
A. Aralin 4: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español
B. Panitikan: Karagatan at Duplo
C. Gramatika at Retorika: Mga Eupemistikong Pahayag
D. Uri ng Teksto:

Mahalagang Pokus na Tanong:


1. Bakit nabago ang paksa ng panitikang sa panahong ito?
D. SANGGUNIAN: ANG BATIKAN (pahina 32 )
E. KAGAMITAN: Libro, Sipi ng Aralin gamit ang Kartolina, mga larawan

III. YUGTO NG PAGKATUTO:


1.1 Pang-araw-araw na Gawain (Panalangin, pagkuha ng Liban, Pagsasaayos ng loob ng klase)
1.2 Panimulang gawain:
Pagganyak : Magbilang ng tatlo (3) at pagkatapos pumunta nang tahimik sa inyong kagrupo. Sa pamamagitan ng
FAS-Form a sentence, bumuo ng mga pangungusap gamit ang unang letra ng salitang nasa ibaba.
T- ____________________________________________________________________________________
U- ____________________________________________________________________________________
L- ___________________________________________________________________________________
A- __________________________________________________________________________________
1.3 Malayang Talakayan
Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español:
1. Ano kaya sa tingin ninyo ang panitikan sa panahon ng mga mananakop?
2. Ano ang paksa ng ating panitikan?
3. Sino-sino ang mga kilala ninyong propagandista?
4. May alam ba kayong manunulat sa panahon ng mga Español?

Pagtalakay sa Panitikan sa Panahon ng Español: Nakatalagang pangkat.

1.4 Pagbuo ng mga reaksyon ng bawat mag-aaral:


1. Ano ang kahalagahan ng panitikan sa pamumuhay natin bilang isang Pilipino?
2. Masasalamin ba ng naturang panitikan ang paniniwala, tradisyon, kutura at kalagayang panlipunan ng isang
bansa sa panahon at lugar na isinulat ito?
3. Ano ang implikasyon ng panitikan sa buhay ng bawat tao.
1.5 Huling input ng guro
Pagbibigay ng guro ng karagdagang impormasyon
IV. Takdang Aralin/Kasunduan:
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

1. Bakit isinulat ang ilang mga akda sa panahon ng mga Español?


2. May nasalamin bang kultura, tradisyon o paniniwalang Pilipino sa ilang akdang pampanitikan?

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. ROSE P. PANGAN G. MICHAEL C. ADANTE


Guro Tagapangulo

PINAGTIBAY NI:
GNG. ADORA B. TEAÑO
PRINCIPAL I- MHS
DAILY LESSON PLAN
GRADE: IKALAWANG TAON
GURO: Ms. ROSE P. PANGAN
ASIGNATURA/LEARNING AREA: FILIPINO 8
Yugto ng Pagkatuto Araw: Hulyo 9-13, 2018
Seksyon: Petsa: Hulyo 10, 2018
Grade: 8– DAGOHOY (T) 6:00 - 7:00 Ikalawang Araw
Grade: 8 –DEL PILAR T) 7:00 – 8:00 Paunlarin
Grade: 8 –RIZAL (T) 8:20- 9:20
Grade: 8– MABINI (T) 9:20- 10:20
Grade 8- AGONCILLO (T) 10:20- 11:20
Grade 8- BONIFACIO (T) 11:20- 12:20
PAMANTAYAN:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay
ay nakapagpapamalas ng kahusayan upang mapagyaman nakapagpapaliwanag ng kanyang ideya at iba pang
ang mga natatamong kaalaman at kakayahan sa paglinang impormasyon ukol sa napapanahong isyu o paksa.
ng pangangailangang pangkomunikatibo.

I.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Napapalawak ang kaalaman sa pagsusuri ng panitikan.
2. Nakapapangangatwiran sa masining na paraan.
3. Nakabubuo ng pick-up lines na may kaugnayan sa tinalakay na aralin.
II. PAKSA:
A. Aralin 4: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español
B. Panitikan: Karagatan at Duplo
C. Gramatika at Retorika: Mga Eupemistikong Pahayag
D. Uri ng Teksto:

Mahalagang Pokus na Tanong:


1. Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito.

D. SANGGUNIAN: ANG BATIKAN (pahina 35)


E. KAGAMITAN: Libro, Sipi ng Aralin gamit ang Kartolina

III. YUGTO NG PAGKATUTO:


a. Pang-araw-araw na Gawain (Panalangin, pagkuha ng Liban, Pagsasaayos ng loob ng klase)
b. Panimulang gawain: Lumikha ng sariling Pick-up Lines tungkol sa mga sumusunod
2. Tanong: _______________________
__________________________
Sagot: ________________________
__________________________

3. Tanong: _______________________
__________________________
Sagot: ________________________
__________________________

4. Tanong: _____________________
_________________________
Sagot: ______________________
____________________________
1.3. Pagpapalawak ng talasalitaan
5. Ano ang pinahanguan ng salitang KARAGATAN?
Ipaliwanag: ______________________________

a. Malayang Talakayan
Pagbasa ng Lunsaran: Ang Karagatan
(Pagpili sa itatakdang mag-aaral na gaganap sa mga tauhan sa teksto)
Pagpapaunlad ng Kaisipan:
6. Ano ang paksa ng binasang karagatan?
7. Paano ito binibigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel ang kanilang ginagampanan?
8. Bakit sinasabing hindi kinakailangang “sumisid” ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng
singsing?

1.5 Pagbuo ng mga reaksyon ng bawat mag-aaral:


Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan?

1.6 Huling input ng guro


Pagbibigay ng guro ng karagdagang impormasyon

IV. Takdang Aralin/Kasunduan:


Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.
1. Ano ang matatalinghagang pahayag ang binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng mga binata ang kaniyang
talinghaga?

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. ROSE P. PANGAN G. MICHAEL C. ADANTE


GURO SA FILIPINO Tagapangulo

PINAGTIBAY NI:
GNG. ADORA B. TEANO
PRINCIPAL I- MHS
DAILY LESSON PLAN
GRADE: IKALAWANG TAON
GURO: Ms. ROSE P. PANGAN
ASIGNATURA/LEARNING AREA: FILIPINO 8
Yugto ng Pagkatuto Araw: Hulyo 9-13, 2018
Seksyon: Petsa: Hulyo 11 , 2018
Grade: 8– DAGOHOY (W) 6:00 - 7:00 Ikatlong Araw
Grade: 8 –DEL PILAR (W) 7:00 – 8:00 Paunlarin
Grade: 8 –RIZAL (W) 8:20- 9:20
Grade: 8– MABINI (W) 9:20- 10:20
Grade 8- AGONCILLO (W) 10:20- 11:20
Grade 8- BONIFACIO (W) 11:20- 12:20
PAMANTAYAN:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay
ay nakapagpapamalas ng kahusayan upang mapagyaman nakapagpapaliwanag ng kanyang ideya at iba pang
ang mga natatamong kaalaman at kakayahan sa paglinang impormasyon ukol sa napapanahong isyu o paksa.
ng pangangailangang pangkomunikatibo.

I.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Naiuugnay ang matatalinghagang pahayag sa paghahambing ng mga bagay na nagpapataas sa
pandama ng mambabasa.
2. Nailalarawan ang kaugaliang Pilipino batay sa mga bahagi na sinuri sa teksto.
3. Nagagamit ang mga kaalaman sa gramatika sa pamamagitan ng pangangatwiran.
II. PAKSA:
A. Aralin 3: Panitikan: Ang Panitikan sa panahon ng mga Katutubo: Epiko
B. Gramatika at Retorika: Mga Eupemistikong Pahayag
C. Uri ng Teksto:

Mahalagang Pokus na Tanong:

D. SANGGUNIAN: ANG BATIKAN (pahina 41)


E. KAGAMITAN: Libro, Sipi ng Aralin gamit ang Kartolina

III. YUGTO NG PAGKATUTO:


1.1 Pang-araw-araw na Gawain (Panalangin, pagkuha ng Liban, Pagsasaayos ng loob ng klase)
1.2 Panimulang gawain: Ipaglaban ang iyong Panig!
Pagganyak: Batay sa mga sumusunod na sitwasyon, paano mo ipapahayg ang iyong panig?
SITWASYON SARILING PANIG
1. Nais mong magsuot ng mga usong damit na
ayaw na ayaw naman ng iyong mga
magulang. Paano mo ipaliliwanag sa kanila.

2. Lagi ka na lamang tampulan ng tukso sa loob


ng paaralan nais mong matigil na ito, ano
ang sasabihin mo?
3. Nais mo kumuha ng pamamahayag bilang
isang manunulat ngunit masyado nang
maraming mag-aaral ang nauna sa iyong
nakapagpatala rito. Kung daragdag ka pa sa
kanila ay di na kakayanin ng gurong
nakatalaga dito. Paano mo ipaglalaban ang
hilig mo sa pagsulat.

1.3 Pagbasa
Pangkatan at sagutang ipapabasa sa bawat grupo ang teksto. Magtatakda kung hanggang saan ang hati ng bawat
grupo sa babasahing teksto.
Sakdal at Parusa (Duplo)

(Ang sipi ay makikita sa Batayang Aklat)


1.4 Pagpapalawak ng Talasalitaan: Ipatukoy sa mga mag-aaral ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:

pighati subyang pangahas


belyako adhika duplo
lugmok asiwa

1.5 Pagpapayaman
Tatalakayin sa klase ang kasaysayan ng duplo. Maaaring maghanda siya ng mga listahan ng mga katawagan sa duplo.
Ang DUPLO ay isang laro na masasabi ring isa sa mga unang dula sa Pilipinas na makikita sa kultura ng mga Tagalog.
Ginaganap ang larong ito sa bakuran ng isang namatayan sa ika-siyam na gabi pagkatapos ng libing. May dalawang hanay
ng magkatapat na bangko sa larong ito, sa isang hanay nakaupo ang mga babae na tinatawag na belyaka, at sa isang hanay
naman ang mga lalaki na tinatawag na belyako.

Mga katawagan sa duplo:

1.6 Pagsubok sa Kasanayang Panggramatika


a. Muling magsasama-sama ang magkakagrupong nabuo sa talakayan ng mga kasabihan sa unang
araw at pag-uusapan nila ang sagot sa mga tanong.
1) Saan at kailan ginagawa ang duplo?
2) Bakit ginagawa ang duplo?
3) Ano ang paksa ng binasang duplo?
4) Ayon sa hari, ano ang hatol na parusa sa hindi nakapagbayad ng utang?
5) Bakit ipinagtanggol ng belyakong nagmamasid ang belyakang pinaparusahan?
6) Paano pinangatuwiranan ng belyakong nagsakdal ang kanyang sumbong laban sa belyaka?
7) Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang duplo? Kung hindi na, ano sa palagay mo ang ginagawa na ngayon ng mga
taong nakikipaglamay sa pamilya ng mga namatayan? (Ang tanong na ito ay maaaring itanong sa lahat ng mga grupo
dahil maaaring mayroon silang mga sariling opinyon, sagot, o karanasan tungkol sa bagay na ito).

1.7 Pagbuo ng reaksyon/konklusyon ng mga mag-aaral.


Magpapangkat sa dalawa ang buong klase at magsusulat sila ng iskrip ng duplo na itatanghal sa klase.

Pangkat 1: Pag-uusapan ng pangkat na ito ang nawawalang pusa na alaga ng reyna.


Pangkat 2: Pag-uusapan ng pangkat na ito ang nawawalang ulam sa pinggan ng hari.

IV. Takdang Aralin/Kasunduan:


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Paghambingin ang Karagatan at Duplo.
2. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga Pilipino batay sa mga sumusunod:
a. Pagbibigay-paranga;l sa namatay.
b. Pag-aliw sa namatayan.
c. Pagpapahayag ng intensyon sa panliligaw

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. ROSE P. PANGAN G. MICHAEL C. ADANTE


GURO SA FILIPINO Tagapangulo

PINAGTIBAY NI:
GNG. ADORA B. TEANO
PRINCIPAL I- MHS
DAILY LESSON PLAN
GRADE: IKALAWANG TAON
GURO: Ms. ROSE P. PANGAN
ASIGNATURA/LEARNING AREA: FILIPINO 8
Yugto ng Pagkatuto Araw: Hulyo 9-13, 2018
Seksyon: Petsa: Hulyo 12-13, 2018
Grade: 8– DAGOHOY (TH) 6:00 - 7:00 Ikaapat na Araw
Grade: 8 –DEL PILAR (TH) 7:00 – 8:00 Pagnilayan at Unawain
Grade: 8 –RIZAL (TH) 8:20- 9:20
Grade: 8– MABINI (TH) 9:20- 10:20
Grade 8- AGONCILLO (TH) 10:20- 11:20
Grade 8- BONIFACIO (TH) 11:20- 12:20
PAMANTAYAN:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay
ay nakapagpapamalas ng kahusayan upang mapagyaman nakapagpapaliwanag ng kanyang ideya at iba pang
ang mga natatamong kaalaman at kakayahan sa paglinang impormasyon ukol sa napapanahong isyu o paksa.
ng pangangailangang pangkomunikatibo.

I.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Naiuugnay ang kaalaman sa pagsulat ng isang biopoem.
2. Nabibigyang-halaga ang bawat impormasyon sa binuong sulatin.
3. Nakakabuo nang may pang-unawa sa tunay na kahulugan ng pagmamalasakit sa kapwa.
II. PAKSA:
A. Aralin 3: Panitikan: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español
B. Gramatika at Retorika: Mga eupemistikong Pahayag
C. Uri ng Teksto:

Mahalagang Pokus na Tanong:

D. SANGGUNIAN: ANG BATIKAN (pahina 39 )


E. KAGAMITAN: Libro, Sipi ng Aralin gamit ang Kartolina

III. YUGTO NG PAGKATUTO:


1.1. Pang-araw-araw na Gawain (Panalangin, pagkuha ng Liban, Pagsasaayos ng loob ng klase)
1.2 Panimulang gawain:
Pagganyak: Dyad ang tawag sa gawaing ito. Hahanap ng kapareha ang bawat mag-aaral at paguusapan nilang
dalawa ang tanong na nasa ibaba. Pagkatapos ay isusulat sa kalahating papel ang kanilang napagkasunduang
sagot at paliwanag. Tandaan na walang maling sagot ngunit hindi ito sasabihin sa klase upang magsikap silang
gawing makatuwiran ang kanilang paliwanag.
Tanong: Sumasang-ayon ka ba sa katuwiran ng belyakong nagsasakdal? Bakit?

1.3 Malayang Talakayan:


Pagbasa ng Panibagong Teksto:
PAGKAKAIBA

KARAGATAN DUPLO

Mga elemento

Paksa

Mga tauhan

Hakbang sa Pagsasagawa

Palitan ng Pangangatwiran

Hatol
PAGKAKATULAD

KARAGATAN DUPLO
1. Paksa

2. Mga tauhan

3. Mga Hakbang ng Pagsasagawa

4. Palitan ng Pangangatwiran

5. Hatol:

1.4 kasanayang Panggramatika


Eupemistikong Pahayag..... Isaalang-alang.
PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG
Batay sa obserbasyon, ang mga Pilipino ay mga taong mapagpahalaga sa uri ng wikang ginagamit. Pansinin
ang sumusunod na impormasyon.
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito
2. Mataas na pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang
3. Gumagamit ng talinghaga para di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong
mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
Mga halimbawa:
Sa halip na sabihing : Gumagamit ng:
1. Patay sumakabilang buhay
2. Nadudumi tawag ng kalikasan
3. Iniwan ng asawa sumakabilang bahay

1.5 Huling input ng guro


Pagbibigay ng guro ng karagdagang impormasyon

IV. Takdang Aralin/Kasunduan:


Panuto: Magbigay ng limang halimbawa ng eupimistikong pahayag na may kahulugan at pagkatapos ay gamitin ito sa
sariling pangungusap.

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. ROSE P. PANGAN G. MICHAEL C. ADANTE


GURO SA FILIPINO Tagapangulo

PINAGTIBAY NI:
GNG. ADORA B. TEANO
PRINCIPAL I- MHS

You might also like