You are on page 1of 1

Jennica Maquilang BSA I - Section A

Negros Oriental State University Filipino 7:00 am - 8:00 am

Mga Bahagi ng Teksto:


WAKAS

Ang wakas ang panghuling bahagi ng teksto. Kung naging epektibo ang panimula, dapat ay
gayon din sa wakas dahil ito ang nagsusuma sa nilalaman at kailangang mag-iwan ito ng
kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa dahil nag-iiwan ito ng impresyon sa
mambabasa. Ito rin ay pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan
at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Sa pagsulat ng bahaging ito, mahalagang magamit
ang kasanayan sa paglalagom at pagbubuo ng kongklusyon. Hindi dapat maging mahaba at
maligoy ang pagwawakas ng teksto.

Ilan sa Mga Paraan Para sa Mabisang Wakas

Pagbubuod

- Pinakagamiting pangwakas.

Pagpapahiwatig ng Aksyon

- Tuwiran o di-tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa.

Mahalagang Insidente

- Madulang pangwakas na maaaring magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari


at sa katawan ng mga nasasangkot sa katha.

Pagsisipi

- Kumukopya ng isang taludtod o mahigit pa sa isang akda patula man o patuluyan na ang
sinasabi ay angkop sa tinalakay na paksa.

(https://prezi.com/m/hwis2ighyfmo/mga-bahagi-ng-teksto/

You might also like