You are on page 1of 3

Advance Institute of Technology

Pajo, New Road, Lapu-Lapu City

S.Y. 2016-2017

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino III

I. Layunin:
Pangkaisipan: Nakikilala at nasusuri ang ibat ibang elemento
ng tula;

Pangkasanayan: Nakalilikha ng sariling tula at naitatanghal


sa masining na paraan;

Pangkaasalan: Nabibigyang halaga ng tula sa pagpaphayag ng


saloobin at damdamin ng tao.

II. Paksang Aralin: Elemento ng Tula


Sanggunian: Aklat (Gantimpala p. 214), Internet:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan
Kagamitan: Laptop, Projector

III. Proseso ng Pagkatuto:


A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Motibasyon
“Tayo, Upo, Tayo”
Isang halimbawang awitin sa saliw ng
Awiting Bayan na Leron, Leron Sinta

2.1. Tatayo ang lahat ng mga mag-aaral at susundin ang isinasaad


sa kanta .

B. Paglalahad
1. Mga Gawain
Ano ang inyong nahihinuha sa mga salitang ginamit sa kanta?

2. Pagsusuri
2.1. Susuriin ng guro at mag-aaral ang ibang ibang element ng tula.
2.2. Kikilalanin kung anong uri ng elemento ng tula ang ginamit sa
bawat halimbawa.
Halimbawa:

C. Pagbubuod
Ibabahagi ng guro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng tula para
maipahayag ng isang tao ang saloobin o damdamin.

D. Pagsasanay
1. Paglalapat:

Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat bawat pangkat ay bubuo ng


Tula (Dalawang Saknong na may apat na taludtod) na makikitaan ng
sukat, tugma, talinghaga at kariktan.
Sa loob ng 3-5 minuto itatanghal sa harapan ang nilikhang tula sa
masining na paraan.

Unang Pangkat: Sabayang Pagbigkas


Ikalawang Pangkat: Sayawit
Ikatlong Pangkat: Pag-aawit

IV. Pagtataya
A. Panuto: Tukuyin ang elemento ng tula sa bawat bilang.

B.

Kariktan 1. Paggamit ng pili, angkop at marikit na salita.


Talinghaga 2. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng matalinghagang salita at
tayutay.
Tugma 3. Ang pagkakaisang tunog ng mga pantig sa dulo ng
bawat taludtod.
Sukat 4. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
B. Panuto: Tukuyin ang element ng tula.

Diyos ang Bahala


ni: Ariana Trinidad

Kung tatayo ako sa gitna ng g’yera,


at sasabihin kong tumigil na sila,
pagpapakamatay’ aking mapapala,
mabuting magdasal sa D’yos na dakila!

‘Pagkat nakalimbag nga sa Kasulatan,


bansa sa mundo ay magsisipaglaban,
kasali pa dito pati kaharian
at magsisitindig, lilong kasamaan.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sa isang buong papel sumulat ng sariling tula.

Paksa:
“Magulang”

Inihanda ni :

Ma. Kristel J. Orboc

You might also like