You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN

SA
FILIPINO 8

Ika-13 ng Agosto 2019 (Martes)


I.Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga katutubo, espanyol at hapon.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
C. Kasanayang Pampagkatuto
Nabibigkas ngang wasto at may damdamin ang tula. F8PS-IIa-b-24

II. Paksa at Kagamitan


Paksa: Pagpili ng Angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 nina Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc at Mary Grace G. Del Rosario, P.164-169.
Kagamitan: Visual Aids,Chalk at Aklat

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain (Visual Aids)
-Magpapakita ng isang halimbawa at tutukuyin ng nga mag-aaral kung anong mga element ng tula ang kanilang makikita.
Pamagat ng Tula: Kung ang Tao ay Isinilang Upang Maging Tao Lamang ni: Emelita Perez Baes

B. Pagsusuri (Visual Aids)


-Batay sa halimbawa ng tula na nasa inyong harapan, ilang sukat meron ang tula?
-May tugma bang makikita sa tula?
-Ano naman ang mga talinghagang salita ang makikita sa tula? Larawang-diwa?
-Talakayan.
.
C. Paghahalaw (Visual Aids)
- Ano baa ng kahalagahan ng Kasingkkakhulugan o Kasalungat sa Pagpili ng angkop na salita sa pagbuo ng Tula?
-Magbigay ng halimbawa ng mga Idyoma.
-Ano ang ipinagkaiba ng konotasyon sa denotasyon?
-Paano naman isinasaayos ang Tindi ng kahulugan o Clining?

D. Paggamit (Visual Aids)


Bumuo ng limang grupo.
Lalapatan ng bawat grupo ng tono ng isang kanta ang tulang kanilang napili.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Tono: 20
Pagkamalikhain: 20
Kooperasyon: 10
Kabuuan: 50

IV. Ebalwasyon (Visual Aids)


Basahin ng may damdamin ang mga tulang inyong ginawa.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Paraan ng Pagbigkas: 5
Tugma: 5
Sukat: 5
Talinghaga: 5
Kabuuan: 10
Sanggunian: Pinagyamang Pluma nina Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario, 90-91.

V. Takdang-Aralin (Visual Aids)


Panuto:Magsaliksik tungkol Pangatnig..
Sanggunian: Pinagyamang Pluma nina Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario, 88.
Grade&Section No. of Takers No. of Passers

Inihanda ni:
Ma. Maureen I. Longno
SST-I Iniwasto ni:
Lenard Paulo B. Padulla
Head Teacher I Inaprubahan ni:
Margarita N. Reloza
Principal II

You might also like