You are on page 1of 35

Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental,

Sosyal at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral

Cristina L. Dela Cruz

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Marso 15, 2014


Epekto ng Pambu-bully 2

Kabanata I

Panimula

Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga suliranin, balangkas,

metodolohiya at iba pang mga detalye na naglalarawan sa paksa ng pag-aaral.

Introduksyon

Mula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa mga pelikula,

mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa sariling karanasan, ang

“bullying” ay siguradong hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Ang “bullying” ay isang uri ng

karahasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na bullying ang

paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita

sa isang indibidwal.

Kadalasang biktima ng “bullying” ang mga mag-aaral na nasa elementarya at sekondarya.

Ang mga naaaping ito ay kadalasang mahina, tahimik, mahiyain, may kapansanan, at hindi

marunong lumaban na nagtutulak sa mga bully na apihin sila dahil alam nilang hindi sila

lalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring maapektuhan ang biktima nito sa

kaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung saan maaari silang humantong sa

matinding depresyon at kung malala pa‟y umaabot pa ito sa kanilang kamatayan.


Epekto ng Pambu-bully 3

Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-impormasyon ukol

sa mga epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mga “bully” na tigilan na ang kanilang

masamang gawain.

Layunin

Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidulot ng

pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may karanasang mag-aaral na

nasa unang taon sa kolehiyo. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambu-

bully sa pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa uri ng pambu-bully na kanilang naranasan, at

pati na rin ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban dito.

Suliranin

Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng mga

kasagutan sa mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang epektong naidulot ng pambu-bully sa aspetong:

1.1. pisikal?

1.2. mental?

1.3. sosyal?

1.4. moral ng mga mag-aaral?

2. Anong uri ng pambu-bully ang kanilang naranasan o nararanasan?


Epekto ng Pambu-bully 4

3. Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying?

4. Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang bullying?

Pagpapalagay

1. Ang pambu-bully ay nakaaapekto sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto ng

isang indibiduwal.

2. Ang karaniwang uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral ay sa paraang

berbal.

3. Ang isang indibiduwal ay nambu-bully dahil may personal itong problema.

4. Malalabanan o maiiwasan ang pambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang nararanasan ng

mga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng bullying sa pisikal, mental, sosyal, at moral na

aspeto ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambu-bully, uri ng pambu-bully na nararanasan ng

mga mag-aaral at ang mga pamamaraang isinagawa ng mga biktima upang malabanan ito.

Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa pitumpu‟t limang (75) piling mag-aaral na

nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may karanasan sa pambu-

bullybilang mga tagatugon. Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulong

at makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga respondenteng ito,

magiging instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na ito.


Epekto ng Pambu-bully 5

Teoretikal na Balangkas

Bilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad ng bahaging ito ang mga

teoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral.

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na “ecological systems”, isinasaad

na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng

kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-

ugnayanang mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal interaction” kung saan maaaring maging

salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng

lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga “social system” na nabanggit ay kinabibilangan ng mga

indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang

aktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring

magkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.

Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan mataas ang

bilang ng pambu-bully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng “dominance theory”.

Ayon sa teoryang ito, ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha

at mapanatili ang “dominance” ng taong nambu-bully (Pellegrini & Bartini, 2001). Ang

“dominance” ay isang salik ng pakikipag-ugnayan kung saan ang mga indibiduwal ay nakaayos

sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o kapangyarihan(Dunbar, 1988). Ayon pa sa

teoryang “dominance”, ang mga kalalakihan na gumagawa ng agresibong gawain na ito ay


Epekto ng Pambu-bully 6

lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas “appealing” sa mga grupo ng

kababaihan.

Sinasaad naman sa teoryang “attraction” ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng mga

kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naaakit sa ibang mga kabataang

nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal. pagpapabaya, pagka-agresibo, at

pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang nagtataglay ng mga

katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o “childhood”, (hal. pagkamasunurin)

(Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mga

“peer group” ang mga kabataan sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.

Konseptwal na Balangkas

Nabuo ang konsepto ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbatay sa mga ginamit

na teoryang nakalap ng mananaliksik. Ayon sa teoryang “ecological systems” ni Bronfenbrenner,

ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki

ang posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na nasa kaniyang kapaligiran.

Ang mga kagawian o kaugalian na makukuha niya rito ay maaaring magdulot sa kaniya ng mga

tuwiran o mga di-tuwirang epekto. Nahinuha ng mananaliksik na isa iyon sa mga dahilan kung

bakit may mga batang nambu-bully at nabu-bully kaakbay na rin ng teoryang “dominance” ni

Pellegrini at teoryang “attraction” ni Bukowki.

Kaya naman, nagtulak ito sa mananaliksik na alamin ang mga epektong dulot nito sa iba‟t

ibang aspeto ng isang indibiduwal partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral. Nais din ng
Epekto ng Pambu-bully 7

mananaliksik na tukuyin ang mga dahilan sa pananaw ng mga biktima at ang mga pamamaraang

isinagawa nila upang maiwasan ito. Kung kaya‟t naghanda ang mananaliksik ng isang bukas na

talatanungang sarbey na magdidikta sa mga sagot sa suliranin ng pag-aaral.

Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodo sa kwantitatibong uri sa

pangangalap ng datos. Ang metodong ito ang siyang maglalarawan sa pangkasalukuyang

kondisyon ng paksa ng pag-aaral at siya ring makatutulong sa pagtugon ng mga suliranin ng pag-

aaral na ito. Bumisita naman ang mananaliksik sa mga iba‟t ibang mapagkakatiwalaang websayt

sa internet upang makangalap ng mga mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pag-

aaral.

Bukas na talatanungano open-ended survey ang ginamit ng mananaliksik bilang

instrumento ng pag-aaral sa pagkuha ng mga datos. Ang nasabing talatanungan ay naglalaman ng

apat (4) na katanungan na ibinahagi sa pitumpu‟t limang (75) “bullied” na mga mag-aaral na

nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa Santa Mesa, Maynila bilang

mga respondente. Masasabing malawak ang saklaw ng mga respondente sapagkat hindi

nakasisiguro ang mananaliksik na mayroong pitumpu‟t lima o higit pa ang nakaranas ng pambu-

bully sa isang departamento o kolehiyo lamang.Sa PUP naman ang napiling lugar ng

mananaliksik dahil sa aksesibilidad at sa dali na makapagsagawa ng sarbey. Makikita ang sampol

ng sarbey sa huling pahina ng bahaging ito.


Epekto ng Pambu-bully 8

Dahil bukas na talatanungan ang isasagawang sarbey, pagsasama-samahin ng

mananaliksik ang mga magkakaugnay na sagot na respondente, kahit na hindi eksakto ang

itinugon ng respondente hangga‟t sa ito‟y nagsasaad ng kaparehong ideya, isasama na iyon sa iba

pang kaugnay na sagot.

Ang mga nasabing magkakaugnay na kasagutan at ang tanong sa Bilang 2, kung saan

ito‟y isang tseklis, ay susukatin sa pamamagitan ng istatistikal na paraan sa ibaba.

Ang pormulang ito ang siyang gagamitin sa pagkuha ng bahagdan ng mga tugon ng mga

respondente, kung saan: ang P ay tumutukoy sa porsyento o bahagdan; f para sa frikwensi o

bilang ng sumagot; at N para sa kabuuang bilang ng mga respondente.)


Epekto ng Pambu-bully 9

Pangalan c. SOSYAL (pakikipagkapwa)


Edad

Kurso at Baitang
Petsa

BULLYING: EPEKTO NITO SA PISIKAL,


d. MORAL (pag-uugali)
MENTAL, SOSYAL AT MORAL NA ASPETO
NG MGA MAG-AARAL

Magandang araw! Ako po ay


kasalukuyang nagsasagawa ng
pananaliksik ukol sa paksang nasa itaas
at kung maaari po lamang ay masagutan
2. Anong uri ng pambu-bully ang

ninyo ang sarbey na ito ng maayos at iyong naranasan? (Lagyan ng tsek ()

matapat. Maaasahang ang inyong profayl ang kahon)

ay mananatiling konfidensyal. –Cristina  Pisikal (pananakit sa katawan)


Dela Cruz, BSA 1-31
 Berbal (panunukso, masasakit na
1. Bilang isang biktima ng pambu- salita, atbp.)
bully, ano ang naging epekto nito sa
 Di-tuwiran (pantsitsismis,
iyong aspetong:
pamamlastik, atbp.)
a. PISIKAL (pangangatawan)

 Intimidasyon (paggawa ng ‘di


kagustuhan, paghingi ng pera)

 Social Alienation (pagturing na ‘di


kabilang sa grupo)
b. MENTAL (pag-iisip)

3. Sa iyong pananaw, ano ang dahilan


ng pambu-bully sa’yo?
Epekto ng Pambu-bully 10

4. Anong pamamaraan ang ginawa mo


upang malabanan ang pambu-bully
sa iyo?

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga iba‟t ibang literatura at pag-aaral

mula sa lokal at internasyonal na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Isang artikulo mula sa websayt ng DepEd Nueva Ecija na pinamagatang “Pang-Aapi

(Bullying)... Dapat Maiwasan” na kung saan binanggit ng may-akda ang ilang kadahilanan kung

bakit may nagaganap na pambu-bully sa mga paaralan.

“Biktima ng pang-aapi kadalasan ang mga maliliit, mahihina at mga may


kapansanan na walang kakayahang lumaban at ipangtanggol ang sarili mula sa mas
malalaking kaklase na kadalasan din mapang-api dahil sa pag-aakalang takot sa kanila
ang mga kamag-aral. Ayon sa aking pagsasaliksik at base sa aking nakikita, ang mga
mapang-api ay mga batang kulang sa pansin (KSP) na sabik sa atensyon at pagmamahal
ng magulang at hindi masyadong nagabayan kaya sa ganitong paraan nila inilalabas
ang kanilang saloobin upang makakuha ng atensyon.Kung minsan napabayaan na nga
ng magulang ang kanilang mga anak, bayolente pa ang pagtrato at pagdisiplina kaya
Epekto ng Pambu-bully 11

naman nakuha nila ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.Patunay lamang na
tama ang kasabihang “kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang ginagaya
ng mga bata.”
(Vicencio, 2012)
Dagdag pa niya, dapat mabantayan at magabayan mabuti ng mga magulang ang kanilang

mga anak lalo na sa pagdidisiplina sa mga ito upang maiwasan ang mga ganitong uri ng senaryo

sa mga paaralan. (http://www.depedne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01

=AP121 20001 &CMonth=12&CYear=2012)

Sa isang artikulo naman sa onlayn na pahayagan na “Balita.net”, isang bata ang naiulat na

namatay dahil sa pambu-bully ng mga kamag-aral. Ayon dito, napikon umano ang siyam na

taong gulang na bata matapos itong asarin ng 12 kamag-aral niya at nauwi ito sa matinding pag-

aaway laban sa 2 kamag-aral niya sa bakuran ng paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur.

Namaga umano ang braso ng bata hanggang sa makaramdam ito ng labis na sakit kung kaya‟t

dinala ito sa pagamutan matapos ang tatlong araw at dito‟y nasawi ang bata sa cardiac arrest.

(Taboy, 2013) ( http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-anyos-patay-sa-bullying/)

Mula naman sa isang literatura na may titulong “Bullying and Harassment at Schools”,

kung saan isinaad na ang pambu-bully at karahasan ay hindi na bagong isyu sa mga mag-aaral at

paaralan. Ayon pa rito, dahil sa kaalaman ng lahat na ang pambu-bully ay kadalasang nagaganap

sa mga paaralan, nagiging banta ito sa mga mag-aaral at ang paniniwalang ang bullying ay isang
Epekto ng Pambu-bully 12

“developmental stage” na kung saan lahat ng mga kabataan ay pagdaraanan ito (Ross, 2002,

p.107). (http://umanitoba.ca/faculties/education/media/Bennett-09.pdf)

Kaugnay na Pag-aaral

Isang pag-aaral naman ang isinagawa ng ahensyang Plan Philippines noong 2008 ukol sa

bullying sa Pilipinas na pinamagatang “Toward a Child-Friendly School Environment: A

Baseline Study on Violence Against Children in Schools”. May tatlong (3) layunin ang kanilang

pag-aaral.Una, mailarawan ang isyung mga karahasan sa mga paaralan mula sa mga persepsyon

ng mga bata, magulang, paaralan at ang mga kawani nito sa mga piling lugar sa bansa.

Pangalawa, matukoy ang mga salik sa mga karahasang ito sa mga bata sa paaralan sa mga piling

lugar. At pangatlo, makapagrekomenda ng mga polisiya at programa sa mga paaralan laban sa

mga karahasan upang maging “child-friendly” ang mga paaralan. Ayon sa Plan Philippines, “ang

bullying ay isang karaniwang „behavior‟ na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas,

ang bullying ay nakaka-apekto na sa maraming mga estudyante sa mga pribado at pampublikong

paaralan (2008).” Ayon sa pag-aaral na ito na ginawa sa 58 na pampublikong eskwelahan, “ang

mga „peers‟ mismo ng mga estudyante ang gumagawa ng iba‟t-ibang uri ng karahasan sa kapwa

estudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang pinaka-komon na gawain. Halos 50 porsyento

ng mga bata sa Grades 1 hanggang 3 ay nagging biktima nito at 67 porsyento naman ng mga bata

sa Grades 4 hanggang 6. Sa high school, 65 porsyento ng mga estudyante ay nagging biktima na

rin ng pangungutya at pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang nagging

mahiyain at lagi na lamang natatakot, at nawalan ng gana sa pag-aaral.


Epekto ng Pambu-bully 13

(Sors:http://www.studymode.com/essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-Education-
Environment-1870111.html)

Isang sarbey sa buong kapuluan naman ang isinagawa ni Miguel-Baquilod na kawani ng

Kagawaran ng Kalusugan noong 2004 ukol sa kalusugan ng mga sekondaryang mag-aaral.

Kabilang sa nasabing survey ay ang karahasan laban sa kabataan. Naipakita sa sarbey na halos

kalahati ng mga respondente ay sangkot sa pisikal na pang-aaway at ang mga “sophomore” ay

mas nasasangkot at nabibiktima kaysa sa mga “juniors” at “seniors”. One-third na mga mag-aaral

ay na-bully na nang higit pa sa isang beses sa loob ng isang buwan, at halos 3 sa 10 mga

nabikitima ay na-bully nang pisikal. Isinaad din sa pag-aaral na mas nasasangkot ang mga

kalalakihan sa mga ganitong uri ng karahasan kumpara sa mga kababaihan.

(Sors:http://safeschoolenvironment.blogspot.com/2007/06/bullying-in-philippine-setting.html)

Sa isang pag-aaral naman na isinagawa nina Jean Sunde Peterson at Karen Ray na may

titulong “Bullying and the Gifted: Victims, Preprators, Prevalence, and Effects (2006)” na kung

saan pinag-aralan nila ang patuloy na paglaganap ng “bullying”at mga epekto nito sa mga

biktima at ang pagiging isang “bully” sa kindergarten hanggang sa ika-walong baitang. Sa 432

na kalahok sa isinagawang sarbey, 67 porsyento ang nakaranas ng 1 sa 13 uri ng pambu-bully na

nakalista sa sarbey, mas marami sa ika-anim na baitang kaysa sa ibang baitang, at 11 porsyento

naman ang nakaranas ng paulit-ulit na pambu-bully, at ang nalalabing porsyento ay mga

nakaranas ng iba pang uri ng pambu-bully na may malaking impak sa emosyonal na aspeto ng

mga mag-aaral. Sa ika-walong baitang, 16 na porsyento ang mga “bully”, at 29 na porsyento

naman ang may marahas na kaisipan. Sa lahat ng baitang,mula kindergarten hanggang ika-
Epekto ng Pambu-bully 14

walong baitang, malaking bahagdan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan ang mga

biktima ng pambu-bully, na-bully ng higit sa sampung beses, at mga bully.

(Sors:https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20%20Spring%20200
6.pdf)

KABANATA III

Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng resulta ng mga impormasyong nakalap

mula sa isinagawang sarbey ukol sa mga epekto ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at

moral na aspeto ng mga mag-aaral at ang interpretasyon ng mga datos ayon sa pagsusuri.

Sa isinagawang sarbey na ipinamahagi sa pitumpu‟t limang (75) mag-aaral na nasa unang

taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa hindi inaaasahang pangyayari, ay animnapu‟t

pitong (67) tugon lamang ang bumalik sa mananaliksik. Kung kaya‟t ang 67 respondenteng

tumugon sa sarbey ang siyang gagamitin upang mailahad ang resulta ng buong pananaliksik.
Epekto ng Pambu-bully 15

Unang Suliranin

Sab-suliranin 1

Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal na Aspeto ng mga Mag-aaral

Kabuuang Bahagdan
0 0

49%
51% Mayroong epekto
Walang epekto

Grap 1. Kabuuang bahagdan ayon sa epekto

Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 49% o

33 respondente ang walang epekto at 51% o 34 na respondente naman ang sumagot ng may

epekto sa iba‟t ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 34 na

respondente.

TALAHANAYAN BLG. 1

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pamamayat 5 15%

Pananakit ng katawan 9 26%


Epekto ng Pambu-bully 16

Natutong mag-ayos ng sarili 3 9%

Naging konsyus 4 12%

Tinamad pumasok 1 3%

Na-stress 5 15%

Nagkaroon ng pasa, sugat o galos 7 20%

KABUUAN 34 100%

Ipinapakita sa talahanayan na higit na nangingibabaw ang “pananakit ng katawan” na

may 26% o 9 respondente. Sumunod naman ang tugon na “nagkaroon ng pasa, sugat o galos” na

may 20% o 7 respondente; 15% o 5 respondente naman sa parehong tugon na “pamamayat” at

“na-stress”; 12% o 4 na respondente naman sa “naging konsyus”; 9% o 3 respondente sa

“natutong mag-ayos ng sarili”; at 3% o 1 respondente sa tumugon ng “tinamad pumasok”.

Sab-suliranin 2

Epekto ng Pambu-bully sa Mental na Aspeto ng mga Mag-aaral


Epekto ng Pambu-bully 17

Kabuuang Bahagdan
0 0

36%
Mayroong epekto
67%
Walang epekto

Grap 2 Kabuuang bahagdan ayon sa epekto

Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 36% o

24 respondente ang walang epekto at 67% o 43 na respondente naman ang sumagot ng may

epekto sa iba‟t ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 43 na

respondente.

TALAHANAYAN BLG. 2

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Bumaba ang tingin sa sarili 7 16%

Nag-iisip palagi 4 9.5%


Epekto ng Pambu-bully 18

Na-stress 1 2%

Na-depress 5 12%

Nawawala sa sarili o
3 7%
pagkalutang

Hindi makapag-isip ng
1 2%
maayos

Natatakot/nato-trauma 10 23%

Naging emosyonal at sensitibo 1 2%

Nakatulong sa paghubog ng

aspetong mental (pagiging 4 9.5%

aware, matured at wais)

Naisipang lumaban 2 5%

Naging paranoid 5 12%

KABUUAN 43 100%

Makikita sa talahanayan na higit na nagingibabaw ang tugon na “natatakot o nato-

trauma” na may 23% o 10 respondente. Sinundan ito ng tugon na “bumaba ang tingin sa sarili”

na may 16% o 7 respondente; 12% o 5 respondente sa parehong tugon na “na-depress” at


Epekto ng Pambu-bully 19

“naging paranoid”; 9.5% o 4 respondente sa parehong tugon na “nag-iisip palagi” at

“nakatulong sa paghubog ng sarili”; 7% o 3 respondente sa tugon na “nawawala sa sarili”; 5% o

2 respondente sa tumugon na “naisipang lumaban”; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na

“na-stress” at “di makapag-isip ng maayos”.

Sab-suliranin 3

Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal na Aspeto ng mga Mag-aaral

Kabuuang Bahagdan
10% 0 0

Mayroong epekto
90% Walang epekto

Grap 3 Kabuuang bahagdan ayon sa epekto

Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 10% o

7 respondente ang walang epekto at 80% o 60 na respondente naman ang sumagot ng may

epekto sa iba‟t ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 60 na

respondente.

TALAHANAYAN BLG. 3
Epekto ng Pambu-bully 20

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Nahihiya o nahihirapan makisalamuha 22 37%

Nililimitahan ang pakikisalamuha 11 18%

Hirap magbigay ng tiwala sa tao 5 8%

Naging tahimik o mapag-isa 2 3%

Naging maingat sa pagpili ng tao 7 12%

Naging plastik 2 3%

Natatakot o umiiwas sa nambully 3 5%

Takot o ilag sa tao 6 10%

Mas nagtiwala sa sarili 2 3%

KABUUAN 60 100%

Makikita sa talahanayan na may 37% o 22 na respondente ang sumagot na sila‟y nahihiya

o nahihirapan makisalamuha bilang epekto sa kanilang pakikipagkapwa; 18% o 11 na

respondente naman ang sumagot na nalimitahan na ang kanilang pakikisalamuha sa kapwa; 12%

o 7 respondente naman ang sumagot na naging maingat na sa pagpili ng tao; 10% o 6

respondente naman ang sumagot na takot o ilag sila sa kapwa; 8% o 5 respondente ang sumagot
Epekto ng Pambu-bully 21

na hirap na sila magtiwala sa tao; 5% o 3 respondente naman ang sumagot na natatakot sila

makita ang mga nambully sa kanila; at 3% o 2 respondente sa parehong mga tugon na naging

tahimik at mapag-isa, naging plastik, at gayundin sa mga sumagot na mas nagtiwala pa sa sarili.

Sub-suliranin 4

Epekto ng Pambu-bully sa Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral

Kabuuang Bahagdan
0 0

27%

Mayroong epekto
73% Walang epekto

Grap 4 Kabuuang bahagdan ayon sa epekto

Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 27% o

18 respondente ang walang epekto at 73% o 49 na respondente naman ang sumagot ng may

epekto sa iba‟t ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 49 na

respondente.

TALAHANAYAN BLG. 4
Epekto ng Pambu-bully 22

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pagbaba ng kumpiyansa sa sarili 4 8.5%

Naging mahiyain 7 14%

Naging matapang 4 8.5%

Naging bully 10 20%

Naging tahimik 5 10%

Nag-iba ang ugali (kabaliktaran ng dati) 4 8.5%

Naging madamdamin 2 4%

Naging masungit o magagalitin 5 10%

Naging palaaway 4 8.5%

Hindi agad nagtitiwala 2 4%

Naging mapagtimpi 1 2%

Natutong rumespeto 1 2%

KABUUAN 49 100%
Epekto ng Pambu-bully 23

Makikita sa talahanayan na nakahihigit ang sagot na “naging bully” na may 20% o 10

respondente; 14% o 7 respondente naman ang naging mahiyain; 10% o 5 respondente naman sa

parehong tugon na “naging tahimik” at “naging masungit o magagalitin”; 8.5% o 4 na

respondente naman ang sumagot sa parehong mga tugon na “pagbaba ng kumpiyansa sa sarili”,

“naging matapang”, “nag-iba ang ugali” at gayundin sa “naging palaaway”; 4% o 2 respondente

naman ang sumagot sa parehong tugon na naging madamdamin at ang ugaling hindi na agad

nagtitiwala sa iba; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na naging mapagtimpi at natutong

rumespeto.

Ikalawang Suliranin

TALAHANAYAN BLG. 5

Uri ng Pambu-bully na Naranasan ng mga Mag-aaral

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pisikal 13 13%

Berbal 55 82%

Di-tuwiran 32 48%

Intimidasyon 2 3%

Social Alienation 15 22%


Epekto ng Pambu-bully 24

Makikita sa talahanayan na higit na nangingibabaw ang berbal na uri na may 82% o 55

respondente. Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ng mga mag-aaral ang

nakararanas ng pambu-bully sa paraang berbal. Sinundan naman ito ng “di-tuwiran” na uri na

may 48% o 32 na respondente; 22% o 15 na respondente sa “social alienation” na uri; 19% o 13

na respondente sa “pisikal” na uri; at 3% o 2 respondente naman sa “intimidasyon” na uri.

Ikatlong Suliranin

TALAHANAYAN BLG. 6

Dahilan ng Pambu-bully sa Pananaw ng mga Biktima

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Hindi alam 8 12%

Mahina 2 3%

Inggit 17 25%

Kulang sa pansin 3 4.5%

Masama talaga ang ugali (bully) 4 6%

Pisikal na kaanyuan 10 15%

Masyadong mabait 4 6%
Epekto ng Pambu-bully 25

Naiiba sa kanila 3 4.5%

May nakitang mali o katawa-tawa 6 9%

Walang magawa sa buhay 4 6%

Pinagkakatuwaan 3 4.5%

Patunayan na mas mataas sila 2 3%

Naging biktima rin ng pambu-bully 1 1.5%

KABUUAN 67 100%

Makikita sa talahayanan na may 25% o 17 na respondente ang sumagot ng “inggit”.

Sinundan ito ng 15% o 10 respondente na sumagot na dahil ito sa “pisikal na kaanyuan”; 12% o

8 respondente naman ang sumagot ng “hindi alam”; 9% o 6 na respondente ang sumagot na

“may nakitang mali o katawa-tawa sa kaniya”; 6% o 4 na respondente sa parehong mga tugon

na “masama talaga ang ugali ng bully”, “masyadong mabait” at gayundin ang “walang magawa

sa buhay”; 4.5% o 3 respondente naman ang sumagot sa parehong mga tugon na “kulang sa

pansin”, “naiiba siya sa kanila” at gayundin ang “pinagkakatuwaan”; 3% o 2 respondente naman

sa parehong tugon na “mahina” at “gustong patunayan na mas mataas sila”; att 1.5% o 1

respondente naman ang tumugon na maaaring naging biktima rin sila ng pambu-bully.

Ika-apat na Suliranin
Epekto ng Pambu-bully 26

TALAHANAYAN BLG. 7

Pamamaraan ng mga Biktima upang Malabanan ang Pambu-bully

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Hindi pinansin 35 52%

Kimompronta o kinausap 2 3%

Lumaban 8 12%

Naging matatag 4 6%

Sinangguni sa guro o magulang 5 7.5%

Umiwas 8 12%

Nagdasal 1 1.5%

Nakisakay na lamang 4 6%

KABUUAN 67 100%

Makikita sa datos sa talahanayan na nakahihigit ang tugon na “Hindi pinansin” na may

52% o 35 na respondenteng tumugon. Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ang

gumagawa ng gayong paraan. Sinundan naman ito ng mga tugon na “lumaban” at “umiwas” na

may parehong 12% o 8 respondenteng sumagot; 7.5% o 5 respondente naman ang sumangguni
Epekto ng Pambu-bully 27

sa kaniyang guro o magulang; 6% o 4 na respondente naman ang parehong tugon na “naging

matatag” at “nakisakay na lamang”; 3% o 2 respondente naman ang sumagot na

“kinomprota/kinausap”; at 1.5% o 1 respondente naman ang sumagot na nagdasal na lamang

siya.

KABANATA IV

Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang huling kabanata ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga natuklasan at konklusyon

mula sa sinuring datos sa isinagawang sarbey at ang rekomendasyon na mula naman sa kabuuang

pag-aaral ng pananaliksik.
Epekto ng Pambu-bully 28

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental,

Sosyal, at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral” ay naglalayong matuklasan ang mga kasagutan

sa mga sumusunod na suliranin: (1) Ano ang epekto ng pambu-bully sa aspetong: pisikal?

mental? sosyal? moral ng mga mag-aaral?; (2) Anong uri ng pambu-bully ang narasan o

nararanasan nila?; (3) Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng mga biktima?; at (4) Ano

ang pamamaraang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang pambu-bully?

Natuklasan

Ang mga suliranin sa pag-aaral na ito ay natugunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng

sarbey ng mananaliksik. Bilang resulta nito, natuklasan ng pag-aaral ang mga sumusunod na

pangungusap.

Sa unang suliranin ng pag-aaral, natuklasan na ang pananakit ng katawan ang

pangunahing epekto ng pambu-bully sa pisikal na aspeto. Nakakuha ito ng 26% o 9 respondente

ayon sa 51 porsyento na nakapagsagot ng mayroon itong epekto. Sa mental na aspeto naman, ang

pagkakaroon ng takot o trauma ang dulot ng pambu-bully. Nangangahulugan itong nag-iiwan ng

marka sa isip ang mga karahasang nararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 23% o 10

respondente ayon pa sa 64% na nakapagsagot na may epekto ang pambu-bully sa kanilang

mental na aspeto. Ang mga mag-aaral naman ay nagiging mahiyain na at nahihirapan sa

pakikisalamuha sa mga tao bilang epekto ng pambu-bully sa kanilang aspetong sosyal na

nakakuha ng 37% o 22 respondente ayon sa 80% na sumagot na may epektong dulot ang pambu-
Epekto ng Pambu-bully 29

bully sa kanilang moral na aspeto. Nangangahulugan itong mababawasan na ang mga taon

kanilang makikilala sa kanilang buhay. Sa moral na aspeto, ang pagiging isang bully din ang

pangunahing naging epekto ng pambu-bully sa mga mag-aaral na nakakuha ng 20% o 10

respondente ayon sa 73% na sumagot na may epekto sa ang pambu-bully sa kanilang aspetong

moral. Nangangahulugan itong naimpluwensyahan ang mga mag-aaral sa mga gawaing ginawa

sa kanila. Masasabing naiugnay ito sa teoryang “ecological systems”.

Sa ikalawang suliranin, natuklasan ng mananaliksik na pambu-bully sa paraang berbal

ang pinakanararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 82% o 55 tugon mula sa mga

respondente. Nangangahulugan ito na madalas silang tuksuhin, asarin o „di kaya‟y pagsalitaan ng

masakit ng mga nambu-bully. Pumapangalawa naman ang di-tuwirang uri na may 48% o 32

respondente kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring pinagtsi-tsismisan, tinatraydor o „di

kaya‟y pinaplastik lamang.

Sa ikatlong suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang mga mag-aaral ay binu-bully

marahil dahil sa inggit. Ito ay nakakuha ng 25% o 17 respondente. Nangangahulugan itong may

ideya ang mga mag-aaral na mayroon silang kakayahan na maaaring kainggitan sa kanila ng mga

tao na naging dahilan kung bakit sila binu-bully. Pumangalawa naman ang pisikal na anyo bilang

dahilan ng pambu-bully sa kanila. Nakakuha ito ng 15% o 10 tugon mula sa mga respondente.

Sa ikaapat at huling suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang hindi pagpansin sa

pambu-bully sa kanila ang nagsilbing pamamaraan ng mga mag-aaral upang maiwasan at

malabanan ito. Nakakuha ito ng 52% o 35 na tugon mula sa mga respondente. Nangangahulugan

itong magsasawa at titigil din ang mga nambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.
Epekto ng Pambu-bully 30

Konklusyon

Ang pag-aaral na ito ay nagbigay-kaisipan sa mananaliksik na nagtulak upang makabuo

ng konklusyon.

Nabuo sa isipan ng mananaliksik na malaki ang epektong naidudulot ng pambu-bully sa

iba‟t ibang aspeto ng mga mag-aaral partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto

nila. Magkakaroon lamang ng epekto sa kaniyang pisikal na aspeto kung siya ay binu-bully ng

pisikal. Maaari siyang magtamo ng pananakit ng katawan at kung malala pa‟y mga sugat at mga

pasa na ang kaniyang makuha sa karahasang dinaranas niya. Nag-iiwan din ng marka sa isipan

ng isang mag-aaral ang pambu-bully sa kaniya dahil sa takot na siya‟y masasaktan. Ang

“trauma” na ito ay may malaking epekto sa kaniyang pakikipagkapwa. Siya ay magiging

mahiyain at mahihirapang makisalamuha sa iba, magiging mapili sa tao at kung lalala pa doo‟y

magiging takot o iwas siya sa tao sa pag-aakalang sasaktan o ibu-bully rin siya ng bawat

makakasalamuha niyang tao. Nakahahawa din ang pagiging isang “bully”. Maaari itong makuha

ng isang mag-aaral mula sa mga taong nambully sa kaniya sa dahilang gusto niyang gumanti sa

iba o „di kaya nama‟y nagustuhan din niya ang pananakit sa ibang tao.

Kadalasang panunukso, pang-aasar at pagsasabi ng masasakit na salita ang kadalasang

nararanasan ng mga mag-aaral. Minsa‟y biro lamang ito sa mga nambu-bully ngunit hindi nila

alam na nakasasakit na sila ng tao. Ang pambu-bully sa berbal na uri ay kadalasang bunga ng

“immaturity” ng mga bully. Masaya sila na nang-aasar ng mga tao na parang mga bata.
Epekto ng Pambu-bully 31

Ang bawat mag-aaral ay may mga bagay sa kanilang sarili na maaaring ika-inggit ng iba.

Ito ang isa sa mga dahilan na pinaniniwalaan ng karamihan kung tatanungin ang panig ng

biktima. May ugali, kadalasan, ang mga nambu-bully na kapag mayroon silang nakitang wala sa

kanila at nakita nila ito sa iba, nakararamdaman sila ng yamot at inggit kung kaya‟t gusto niyang

nasasaktan ang kinaiinggitan niya. Ilan din sa mga dahilan kung bakit mayroong mga bully ay

dahil ninanais nila na magkaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang iba o ang pagiging

mataas kaysa sa ibang tao (teoryang dominance) at dahil sa pag-adap nila sa parehong gawain ng

nasa kaniyang kapaligiran (teoryang ecological systems), nagiging kaaakit-akit sa kanila ito at

nagkakaroon sila ng kuryosidad ukol sa pambu-bully kung kaya‟t nagagamit nila ito sa

pakikisalamuha sa ibang tao (teoryang attraction)

Naiiwasan naman ang “bullying” ngunit nakadepende na rin iyon sa pamamaraan ng

biktima. Maaari itong maiwasan ng biktima sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa mga nambu-

bully dahil hangga‟t pinapansin niya ito at nagpapaapekto siya rito, lalong hindi titigil ang mga

tao na i-bully siya. Hangga‟t maaari rin ay panatilihing umiwas sa mga nambu-bully at mas

makabubuti kung sumasangguni ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro, lalo na kung ang

pambu-bully ay nasa loob lamang ng paaralan, at sa kanilang mga magulang.

Bilang kabuuang resulta ng pag-aaral na ito, walang alinlangang pagpapalagay ng

mananaliksik na walang mabuting dulot ang pambu-bully sa isang tao. Isa itong uri ng karahasan

na dapat matigil at masugpo. Maaaring sa panig ng nambu-bully ay may maganda itong

naidudulot dahil ito‟y kanilang kasiyahan ngunit isa naman itong pagkakasala sa kanila.

Samantala, tama ang tatlo sa apat na pagpapalagay ng mananaliksik sa magiging resulta ng


Epekto ng Pambu-bully 32

pananaliksik na ito. Ito ay dahil na rin sa kaalaman ng mananaliksik ukol sa paksa kung saan

nakasaksi at nakaranas siya nito.

Rekomendasyon

Batay sa kabuuang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, nakabuo at nakapagbigay ito

ng ilang rekomendasyon.

Sa mga mag-aaral na kasalukuyang nabu-bully, iminumungkahi ng mananaliksik na

huwag gumawa ng reaksyon o magpakita ng nararamdaman kapag ikaw ay nabu-bully dahil

mawawalan sila ng gana kapag wala kang pakialam. Ayon na rin sa Kawikaan 29:11, “Siyang

marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.” Maaari rin kausapin o sagutin

ang mga nambu-bully sa paraang hindi nila inaasahan dahil ayon sa Kawikaan 15:1, “Ang sagot,

kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” Huwag din naman gaganti sa mga nambu-

bully dahil lalong lalala ang sitwasyon kapag lumaban pa pabalik. At mula na rin ito sa Roma

12:17, “Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama.” Magkaroon din naman kayo ng

kumpiyansa sa sarili dahill alam ng mga nambu-bully kapag kinakabahan kayo at maaari nila

iyong samantalahin upang sirain ang natitira mo pang kumpiyansa. Hangga‟t maaari rin ay

umalis ka at iwan mo sila. Ang pagtahimik ay nagpapakitang “matured” ka at mas matatag kaysa

sa nang-iinis sa‟yo. Pigilan din ang iyong sarili dahil iyon ang isa sa mga ugaling wala sila.

Huling rekomendasyon ng mananaliksik ay ang pagsusumbong. Ito na rin ang pinakamabisang


Epekto ng Pambu-bully 33

paraan upang matigil ang pambu-bully sa inyo. Mas may kakayahan ang mga pagsusumbungan

mo kaysa sa mga nambu-bully sa‟yo.

Sa mga nambu-bully, inirerekomenda ng mananaliksik na itigil na ang pang-aapi sa ibang

tao dahil maaari itong makaapekto sa kaniyang buhay. Maaaring magdulot ito ng kasiyahan sa

inyo ngunit tandaan ninyo na iyo‟y panandalian lamang at dapat ninyon haraping ang kasalanan

ninyo sa Kanya.

Sa mga guro at magulang, ninanais ng mananaliksik na mas pagtibayin pa ang atensyon

at paggabay sa inyong mga anak upang walang karahasang nangyayari. Hindi man sa inyo

nakukuha ng inyong mga anak ang pambu-bully ngunit nararapat na bigyan ng pansin ang mga

kagawian ng inyong mga anak lalo na sa paaralan. Lubos na naiimpluwensyahan ang inyong

mga anak sa mga gawain na nakikita at nakakasalamuha niya sa kapaligiran (teoryang ecological

system)

Sa mga iba pang mag-aaral at mananaliksik, lubos na iminumungkahi ng mananaliksik na

magsagawa pa ng ilang pag-aaral ukol sa “bullying”. Bagama‟t marami na rin ang mga pag-aaral

na nagsasagawa nito, ninanais ng mananaliksik na tumuon pa sa iba pang aspeto ng isang

indibidwal na maaaring maapektuhan ng pambu-bully. Maaari rin na magsagawa ng isang pag-

aaral ukol sa pagsugpo ng pambu-bully kahit na maiisip ng karamihan na imposibleng matigil

ang karahasang ito. Marami pang hindi napapatunayan at hindi natutuklasan kung kaya‟t lubos

na nirerekomenda ng mananaliksik ang mga nabanggit.


Epekto ng Pambu-bully 34

Referensya

Bennett, C. (2009). Literature Review of Bullying at Schools. http://umanitoba.ca/faculties/


education/ media/ Bennett-09.pdf
Espelage, D.L. & Swearer, S.M. (Ed.) (2004). Bullying in American Schools: A Social-
Ecological Perspective on Prevention and Intervention. Mahwah, New Jersey:
Routledge.
Epekto ng Pambu-bully 35

O‟Connor, JA. (2012). An Examination of Bullying Within Middle School Physical Education.
(Doctoral dissertation) https://www.ideals.illinois.edu/bitstreamz/handle/2142/31044/
OConnor _Jamie.pdf
Peterson, J.S. & Ray, K.E. (2006). Bullying and the Gifted: Victims, Perpetrators, Prevalence,
and Effects. https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20%
20Spring %202006.pdf
Taboy, F. (2013, Agosto 15). 9-anyos, patay sa bullying. http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-
anyos-patay-sa-bullying/
Vicencio, C. B. (2012). Pang-Aapi (Bullying) Sa Paaralan… Dapat Maiwasan. http://www.
deped-ne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01=AP12120001&
CMonth= 12&CYear=2012
Bullying in the Philippine Setting (2007, Hunyo 30). http://safeschoolenvironment.blogspot.com/
2007/06/bullying-in-philippine-setting.html
Mga Saksi ni Jehova. http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/
Philippines Toward a Child-Friendly Education Environment. (2013, Agosto). http://www.
studymode.com/ essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-Education-Environment-
1870111.html
“Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” (Kawikaan 15:1)
“Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama.” (Roma 12:17)
“Siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.” (Kawikaan 29:11)

You might also like