You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin:
II. Paksang Aralin:
Maikling Kuwento;
Batayang Aklat sa Filipino I dd. 92-94
Kagamitang Panturo: DVD player, flashcard, character map
Value Focus: Pagpapahalaga sa responsibilidad bilang tinedyer.
III. Pamamaraan:
A. Pangganyak:
Magpakita ng ng maikling video clip tungkol sa
pagbibinata/pagdadalaga.
Pagkatapos, itanong ang mga sumusunod:
1. Nakakaugnay ba kayo sa inyong napanood?
2. Anong naalala ninyo habang pinapanood ang video?
3. Anong mga pagbabago ang inyong naranasan ng sumapit
kayo sa edad na 13?
A.1 Pag-alis ng Sagabal
Talasalitaan:
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin sa
pangungusap.
1. Humudyat 4. Musmos 7. Sapitin
2. Inaasam 5. Nakatutulig
3. Binatilyo 6. Aatupagin
B. Pagbasa ng Tahimik
Bigyan ang mga mag-aaral ng dalawang minuto para basahin
ang teksto.
C. Talakayan:
Pagkatapos ang pagbasa ng kuwento, itanong sa mga mag-aaral
ang mga sumusunod:
1. Ano ang pamagat ng kuwentong ating binasa?
2. Sinu-sino ang mga tauhan?
3. Sino si Sammy? Ilarawan
4. Naransan din ba ninyo ang naranasan ni Sammy?
5. Maituturing ba ninyong si Sammy ay isang tepikal/normal na
tinedyer? Bakit?
6. Kung kayo ang mga magulang ni Sammy, ano ang
maipapayo ninyo sa kanya?
7. Anong impresyong naiwan sa inyo pagkatapos ninyong
basahin ang teksto?
8. Kung bibigyan kayo ng pagkakataong magbigay ng wakas,
ano ang nais ninyong maging wakas nito?
D. Pagsasanay:
Pangkatin ang klase sa dalawa at ipakita sa pamamagitan ng
isang dula-dulaan kung ano ang nararanasan ng isang tinedyer.
E. Paglalapat/ Aplikasyon:
Paggawa ng Character Map
Base sa ginawang character map ano ang
masasabi tungkol kay Sammy?
F.Paglalahat;
Natural lang ba sa isang tinedyar ang mga
ganitong kaganapan na nangyayari sa kanyang buhay? Bakit?
Bilang isang tinedyer, paano ka magiging
responsable sa iyong sarili, pamilya at komunidad?
IV. Ebalawasyon:
A. Isulat ang salitang TAMA kung ang mga
sumusunod na pahayag ay naganap sa kuwento at MALI kung
hindi.
1. Natapat sa bagong taon ang kaarawan ni
Sammy.
2. Si Sammy ay magdiriwang ng kanyang
ika-16 na kaarawan.
3. Si Jenny ang dahilan ng mga pagbabago ni
Sammy.
4. Kinasasabikan ni Sammy ang paghudyat
ng orasan sa ika-12.
5. Sinang-ayunan ni ate Beth at tatay ni
Sammy ang lahat ng kanyang mga plano kung siya ay 13 na.
B. Magtala ng 5 karanasan ng
pagbibinata/pagdadalaga.
V. Takdang-Aralin:
Mag-ulat ng isang karanasang nagaganap sa
kasalukuyan. Pag-usapan sa klase kung ang ulat ay batay sa
kaisipan ng isang tinedyer.

You might also like