You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino VI

I – LAYUNIN
A. Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
B. Nakagagawa ng dayagram, diorama at likhang sining batay sa isyu o
paksang napakinggan.
C. Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan

II – PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagsulat ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
Sanggunian: F6PN-IIIe19
Kagamitan: powerpoint, manila paper

III – PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

- Magandang hapon mga bata!


- Magandang hapon din po
teacher.

2. Panalangin

- Okay Fatima pamunuan mo ang ating


panalangin. - Amen.

3. Pag-uulat ng lumiban at di lumiban

- Sino-sino sa inyong pangkat ang lumiban?


- Ikinagagalak po naming
sabihin na walang
lumiban sa aming
pangkat Sir.

- Mabuti.

4. Balik-Aral

Ano ang pang-abay?

- Ang pang-abay po ay
mga salitang tumutukoy
sa pandiwa, pang-uri o sa
kapwa pang-abay.

Tama!
Ano-ano naman ang tatlong uri ng png-
abay?
- Ang tatlong uri po ng
pang-abay ay pang-abay
na panlunan, pang-abay
na pamaraan at pang-
abay na pamanahon.

Mahusay mga bata! Ako’y nagagalak na


mayroon kayong natutunan sa ating
nakaraang paksa.

A. Pagganyak

- Magpapakita ng isang larawan tungkol sa


pakinabang sa basura.
- Batay sa nakikita ninyo, ano ang masasabi
niyo tungkol dito?
- Ang nakikita ko po ay
mga dekorasyon sa
bahay
- Ang nasa larawan po ay
pataba sa lupa
- Mga bag po ang nakikita
ko sa larawan

B. Paglalahad

Dahil sa mga ideyang inyong ibinigay,


ito may kaugnayan sa ating pag-
aaralan at tatalakayin. Ito ay ang
pagbibigay ng lagom o buod sa
tekstong napakinggan. -
Bigyang kahulugan muna natin ang
mga salitang ito:

1. El Niño- tagtuyot o halos walang


ulan
2. La Niña- mistulang tag-ulan na
maliit nagiging dahilan ng pagbaha
3. PAGASA- Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical
Services Administration
4. Lalawigan- Probinsiya
5. Nagbabala- abiso o paalala
Manonood ang mga bata ng balita
tungkol sa El Niño.

Ibigay ang panuntunan sa


panonood/pakikinig.

1. Umupo ng maayos
2. Huwag mag-ingay
3. Makinig mabuti

Gawain 1

Batay sa napanood ninyong balita,


ano-ano ang mahahalagang
impormasyon ang inyong narinig?
- Ang mahalagang
impormasyon po na
aking narinig ay aabot sa
anim na lalawigan ang
pinaka apektado ng El
Niño. Ito ay ang Laguna,
Occidental Mindoro,
Oriental Mindoro,
Guimaras, Aklan at North
Cotabato.
- Tinukoy ng PAGASA ang
pagtindi pa ng El Niño
sa susunod na buwan
- Bihira rin ang bagyo na
papasok sa bansa sa
unang bahagi ng 2019.

- Mahusay! Maaari bang gawin natin patalata


ang mga impormasyong ito?
- Opo.

Tandaan, sa pagbibigay ng buod ng isang


kwento, salaysay o talata, mahalagang
makabuo muna ng isang balangkas na
kagaya ng ginawa natin.

Babasahin ang nasa powerpoint.


Gawain 2: Pangkatang Gawain

Babasahin ng mga bata ang talata “La


Mesa Ecopark” at ipabuod sa bawat pangkat. - Ginagawa ng mga bata
ang pangkatang gawain

C. Paglalapat

Magpapakita ng tula. Ipabasa ito ng dalawang


beses. Pagkatapos ay ibigay ang buod ng
tula.

Bayang Minamahal

Mutyang Pilipinas
Kilala sa mundo
Maganda ang lahat
Saan mang dako
Sa likas na yaman
Ay sagana ito
Bayang minamahal
Ay isang paraiso

D. Paglalahat

Paano tayo nagbubuod? - Sa pagbibigay ng buod


ng isang kwento,
salaysay, o talata,
mahalagang makabuo
muna ng balangkas.

Tama! Ano-ano ang mga dapat tandaan sa


- Unang-una, isulat ang
pagbubuod?
pamagat ng kwento
- Hatiin sa bahagi ang
teksto batay sa kwento
na bibigyang buod
- Sa bawat paksa, dapat
mailalahad ang mga
mahahalagang detalye
na magbibigay ng mga
kaisipang mag-uugnay sa
paksa.
- Ang isinasama lamang sa
isang buod ay ang mga
pangunahing tauhan,
ang mga mahahalagang
pangyayari at ang
kinahinatnan nito.
Sikapin gamitin ang
sariling pangungusap sa
paggawa ng buod upang
ito ay maging mas payak
at agad mauunawaan.

IV– PAGTATAYA
Magparinig muli ang guro ng isang maikling tula na pinamagatang Pasko Na!
Pagkatapos ay ipabasa muli ito sa mga mag-aaral. Ipatala sa mga mag-aaral ang mga
mahahalagang detalye at mensahe ng tula.

V– TAKDANG ARALIN
Manood o makinig ng isang balita sa telebisyon o radyo at isulat ang buod
na inyong napanood o napakinggan. Ibahagi ito sa klase kinabukasan.

You might also like