You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Marso 8, 2019
I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang,
 natutukoy ang mga salitang angkop sa diwa ng pangungusap
 napahahalagahan ang mabubuting katangian na nakapaloob sa kwento
 naisasabuhay ng mga mag-aaral ang mabubuting katangian ng anak at aral sa kwento
II. Paksang Aralin
Paksa: Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7, Pahina 167-173
Kagamitan: Laptop, TV, yeso,
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panmulang Gawain
1. Pang-araw-araw na Gawain
a. Pagpuna sa kaayusan ng silid-aralan
(Bago tayo magsimula, pulutin muna ang
mga makikitang kalat sa sahig at pakiayos
ang linya ng mga upuan)
b. Panalangin (Sino ang mangunguna (Ang mga mag-aaral ay mananalangin)
sa pagdarasal ngayong araw?)
c. Pagbati (Magandang hapon, mga (Magandang hapon din po Bb.Camile)
mag-aaral)
d. Pagtatala ng liban sa klase (Ang mga liban po sa araw na ito ay si/sina…)
(tatanungin ang sekretarya ng klase)

B. Pagganyak
(Bago tayo tumungo sa talakayan,
mayroon muna tayong paunang Gawain.)
Panuto: Magbigay ng sarili mong
interpretasyon sa mga salitang ito sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga salitang
maaaring iugnay sa bawat isa. Isulat ang
sagot sa kahon.

Mapagmahal na ama

Mga suwail na anak

estranghero
C. Paghawan ng sagabal
Bago tuluyang dumako sa pagtalakay sa
paksa, magkakaroon muna tayo ng
Talasalitaan.
Panuto: May ilang salitang salitang ginamit sa
alamat na binigyang-kahulugan sa ibaba. Mula
sa mga ito ay piliin ang salitang pupuno sa
diwa ng bawat pangungusap.
 Baybayin- dalampasigan
 Humagulgol-umiyak nang malakas
 Lulan-sakay
 Nimpa- diwata
 Nahahangad-umaasang makakuha (Makikibahagi ang mga mag-aaral sa pagsagot
 Pumalaot-namangka papunta sa gitna sa talasalitaan)
ng dagat
1. Ang pitong dalaga’y tila mga ______ dahil 1. diwata
sa taglay nilang kagandahang hinahangad ng
madla
2. Ang mga binata ay dumating ______ ng 2. lulan
malalaking Bangka
3. Ang bawat isa sa kanila’y ______ na ibigin 3. Naghahangad
dn ng napupusuang dalaga
4. ______ nang malakas ang kanilang ama 4. Humagulgol
dahil sa galit at lungkot sa pagsuway ng
kanyang mga anak.
5. Kinabukasan ay maagang ______ ang 5. pumalaot
matanda upang hanapin sa karagatan ang
kanyang mga anak.

E. Pagtalakay sa Aralin
Batay sa ating ginawang Gawain, (Magtataas ng kamay)
nahihinuha niyo na ba kung tungkol saan an
gating tatalakayin ngayon? (Maaari pong ito’y tungkol sa Alamat.)

Magaling. Dahil ang tatalakayin natin ngayon


ay ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.
(Sisimulan ng guro ang pagbabasa at itutuloy
ng mag-aaral sa karugtong na kkwento
hanggang matapos ang buod ng alamat)

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


Noong unang panahon, isang
matangdang mangingisda at ang kanyang
pitong anak na dalaga ang naninrahan sa isang
tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-
Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng
Dumangas, isang bayang nasa gawing
hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na
bahagi ng isla ng Panay. Araw-araw makikia
ang pitong dalagang masayang nagsasagawa
ng gawaing bahay o kaya nama’y nasa
dalampasigan at nagtatampisaw o masayang
lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan.
Tila sila mga nimpang kaygaganda habang
nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.

Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog


hindi lamang sa kanilang bayan kundi maging
sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi
kataka-takang ang kanilang tahanan ay
dinarayo ng maraming binatang naghahangad
na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang
napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga
anak at ang labis niyang ikinatatakot ay ang
makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga
dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa
kanya. “Sana kung makahanap man ng
mapapangasawa ang aking anak ay tagarito
lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo
sa akin” ang naibulong ng ama sa sarili habang
pinagmamasdan ang kanyang mga anak na
abala sa mga gawaing bahay.

Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig


na binatang mangangalakal ang dumating sa
kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga
binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t
nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa
kanilang kalakal kundi para makilala rin ang
mga dalaga. Sakay sila ng magagara at
mabibilis na Bangka.

Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata


sa mga dalaga. Naging mabilis ang
pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong
binatang estranghero. Inanyayahan nilang
magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga
sa agad namang nagsipayag.

Subalit hindi naging madali ang paghingi nila


ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi niyo pa
kilala nang lubusan ang mga binatang iyan.
Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag” Ang
matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit
ang kanyang mga anak na sumama sa mga
binata.

Isang araw, habang nasa dagat at nangigisda


ang ama ay gumawa ng isang mapangahas na
pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking
kasintahan sa ayaw at gusto ni ama” ang wika
ng panganay na si Delay. “Ako man, ako man”
ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng
ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang
mga pansariling gamit ay sumakay ang mga
suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng
mga binata palayo sa kanilang tahanan.

Nung sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng


Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang
ama ay natanaw niya ang tatlong Bangka ng
mga estranghero lulan ang kanyang pitong
anak na dalaga. Buong lakas na sumagwanang
ama para mahabol ang kanyang
pinakamamahal na mga anak subalit lubhang
mabagal ang kanyang maliit na Bangka
kompara sa makabagong Bangka ng mga
estranghero kaya hindi na niya nahabol ang
mga anak.

Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang


ama sa kanyang mga anak. “Mga anak, huwag
kayong umalis.Bumalik kayo! Maawa kayo”
ang walang katapusang pasigaw at
pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa
paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng
walang turing niyang mga anak. Biglang
pumataka ang malakas na ulan kaya’t walang
magawa ang matanda kundi umuwi na lamang.

Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at


napakalungkot na tahanan ang kanyang
dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling
pagluha nang masagana. Wari’y sinasabayan
din ng malakas na patak ng ulan sa bubungan
ng kanyang ulilang tahanan ang walang
katapusang pagluha ng kaawa-awang matanda.
Lbis-labis ang kanyang kalungkutan at
pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila
ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang
kanila pa ring kaligtasan ang inaalala ng ama
lalo pa’t masamang anahon ang kanilang
nasalubong sa paglalakbay.

Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay


pumalaot na ang matanda. Inisip niyang
maaaring sumilong ang Bangka ng mga
estranghero dahil sa sama ng panahon nang
nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa
ang kanyang mga anak. Subalit anong laking
pagtataka niya nang siya’y nasa laot na.

Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis


na pagtibok ng puso ang mabilis na paggaod
papunta sa mga mumuting isla. Anong laking
panlulumo niya nang Makita ang nagkalat na
bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga
anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya
ang mumuting isla. Pito! Pito rin ang kanyang
mga anak na alaga. Humagulgol ang matanda.
Parang nahulaan niya ang nagyari. Nalunod
ang kanyang mga anak nang hampasin ng
malakas na alon ang kanila Bangka dala ng
masamang panahon kahapon at smadsad sa
mga korales at matatalas na batuhan kaya
nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.

Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de


los Siete Pecados o Mga Isla g Pitong
Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa
pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong
suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na
ama.
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang katangian ng mga dalaga na labis (Ang pagiging maganda tulad ng sa nimpa o
na hinahangaan ng bawat makakita sa kanila? diwata)
2. Bakit hindi pumayag ang ama nang (Dahil hindi pa lubos na kilala ng mga dalaga
magpaalam ang kaniyang mga anak na ang mga estrangherong binata)
sumama sa mga binatang bago pa lang na
nakilala?
3. Makatwiran ba ang hindi pagpayag ng ama (opo, dahil bilang ama, gusto niyang
sa kagustuhan ng kanyang mga anak? siguraduhin na ligtas ang kaniyang mga
Ipaliwanag. dalagang anak)
4. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, susunod (Susunod ako dahil ang mga magulang ay mas
ka ba o susuway sa iyong ama? Ipaliwanag. may karanasan sa ganong sitwasyon kaya alam
nila ang tamang gawin)
5. Kung ikaw naman ang ama,ano ang maaari (Dapat hindi ko hinayaang sumama ang
mo sanang ginawa para ang hindi ninyo kalooban sa akin ng aking mga anak)
pagkakaunawaan ay hindi humantong sa
pagtkas ng iyong mga anak?

(Magaganda ang mga kasagutang inyong


ibinigay mga mag-aaral. Nakikita kong
naunawaan ninyong talaga ang binasang
alamat. Kaya naman ngayon ay magsasagawa
na tayo ng pangkatang Gawain.)

F. Pangkatang Gawain
Panuto: Pangkatin ang klase sa dalawang Matapos ang limang minuto ang mga mag-
grupo.Magtalaga ng miyembro na gaganap aaral ay magtatanghal na sa klase.
bilang ama at mga anak, maaari rin magkaroon
ng isang ina.Magsagawa ng isang maikling
dulaan na nagpapakita ng mabuting pag-uugali
ng mga anak at mapagdisipinang magulang.
Gawin lamang ang paghahanda sa loob ng
limang minute.

Pamantayan sa pagtatanghal:
 Pagiging malikhain – 10 puntos
 Pagpapahalaga sa oras – 5 puntos
 Pagkakaisa ng bawat miyembro – 5
puntos
Kabuon: 20 puntos

(Magaling! At talaga namang kayo’y


malikhain. Mahusay kayo at nagawa ninyo ito
ng maayos.)

G. Paglalahat
Mahalagang tanong: Bakit mahalagang igalang Dahil sa kanila tayo matututo ng mga aral na
at sundin ang payo n gating mga magulang? kanila na ring naranasan.

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin at lagyan ng tsek ang lahat ng
mensaheng taglay ng binasa. Ipaiwanag ang
kahalagahan ng mga mensaheng nilagyan mo
ng tsek sa buhay ng isang kabataang tulad mo.

Mahal na mahal ng ama ang lahat ng


kanyang anak
Ipinagbibili ng ama ang lahat ng mayron
siya upang maitaguyod ang pag-aaral ng
kanyang mga anak
Sumuway ang mga anak sa kagustuhan
ng kanilang ama
Ang kapakanan pa rin ng mga anak ang
nasa isipan ng ama kahit pa naging suwail ang
mga ito

Bakit mahalaga ang mga mensaheng nilagyan


mo ng tsek sa buhay ng isang kabataang tulad
mo?_______________________________

V. Takdang aralin
Magsaliksik tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng alamat.

Paalam na mga mag-aaral. Paalam at salamat po. Bb. Camille.

Guro: Camille G. Gumaro

You might also like