You are on page 1of 1

Pang-abay (Adverb)

I. Introduksyon

- Ang Pang-abay ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri o sa kapwa pang-abay.

Hal. Taimtim na nanalangin ang mga tao sa simbahan.

II. Mga uri ng pang-abay

May iba't-ibang uri ang pang-abay.

1. Pang-abay na pamaraan - ay sumasagot sa tanong na paano. Ginagamit itong panuring sa pandiwang pang-
uri at kapwa pang-abay.

- Panuring sa pandiwa:

Hal. Taimtim na nanalangin ang mga tao.

- Panuring sa pang-uri:

Hal. Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng lola niya.

- Panuring sa kapwa pang-abay

Hal. Talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matitiyaga.

2. Pang-abay na pamanahon - ay mga salitang naglalarawan kung kailan naganap ang kilos o gawain.
Sumasagot sa tanong na kailan. Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri:

- Payak: bukas, mamaya, ngayon


- Maylapi: kagabi, samakalawa
- Inuulit: araw-araw, gabi-gabi
- Parirala; noong nagdaang linggo, sa darating na bakasyon

3. Pang-abay na panlunan - ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito ang pinangunuhaan ng


katagang sa.

Hal.
sa silong ng bahay
sa gitna ng daan

You might also like