You are on page 1of 11

EPP 5- AGRICULTURE

ELAINE B. ESTACIO T-1


KAHALAGAHAN NG
PAGGAWA NG ABONONG
ORGANIKO
BAKIT MAHALAGA
ANG PATABA SA
LUPA?
Ang paggawa ng organikong pataba ay
maganda sa lupa at sa halaman sapagkat
ito ay nakatutulong upang lumago at
tumaba ang halaman.Kung ang mga
pananim natin ay maganda at malusog
magbibigay ito sa atin ng masaganang
bunga na lubos na mapapakinabangan ng
ating pamilya at maari pa natin itong
pagkakitaan.
Compost

isang uri ng pataba (organic


fertilizer) na nagmumula sa nabulok
na mga halaman, basura, dumi ng
hayop at anumang uri ng organikong
materyal.
Bakit tayo gumagamit ng Compost?

• Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi


sana naaabuso ang lupa
• Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo
kung makokompost muna bago ihalo sa lupa.
• Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya
darami ang ani.
Bakit maganda ang Kompost?

• Pinalalambot ang lupa. Pinagaganda ang


pagsalat (texture) at bungkal ng lupa (Tilt)
• Hindi mabilis matuyo ang lupa.
 • Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad
na humawak ng tubig (water holding capacity)
Pinaluluwag ang paghinga ng lupa
• Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa
abonong kemikal.
• Pinatataba ang lupa o nagiging maganda
ang ani.
• Matipid; maaring mabawasan ang dami
ng kemikal na abono
Pamamaraan ng Composting na
karaniwang ginagamit
 1. Compost pit
 2. Basket composting
Isulat ang☺kung ang mga sumusunod ay kahalagahan ng
paggawa ng abonong organiko at kung hindi
________1. Maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.
________2. Madaling matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong
organiko.
_______3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na
humawak ng tubig.
_______4. Sinisiksik nito ang lupa.
_______5. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.

You might also like