You are on page 1of 2

Miranda, Miguel Reynaldo Ferrer 119 Block A54

1. Ano ang tatlong katangian ng edukasyon sa Pilipinas? Ipaliwanag ang bawat


katangian.
Ang tatlong katangian ng edukasyon sa pilipinas ay ang Kolonyal, ang pagiging
Komersiyalisado, at ang Elitista. Unang una, ang pagiging Kolonyal, ang sabi nito ay
kolonyal ang sistema ng edukasyon dito sa aming bansa. Sa panahon ng Amerikano,
gusto nila na hubugin ang mga Pilipino, para magkaroon ng lehitimong katangian ng
kanilang pangangakop sa bansa natin. Sa kanilang paniniwala, kailangan maging
katulad ng kanilang sistema ang sistema ng Pilipinas. At sa paniniwala nila mas
epektibo ang paggamit ng Institutionalisasyon upang maitaboy ang kanilang kultura sa
mga mamamayan imbis na gumamit sila ng puwersa sa pamamagitan ng militar. Kung
makukuha nila ng kamalayaan at kaisipan ng mga mamamayan, mas magiging madali
nilang ipapatupad ang kanilang mga programa sa kanila. Sa modelo ng Amerika, at sa
paggamit ng modernisasyon, nakita ng mga Pilipino na mabuti ang pagprogreso ng
Amerika at nais natin maging pantay sa kanila. Ang pagtuturo ng wikang ingles ay
mayroong orientation na paniwalaan na mas mabuti ang paggamit ng ingles kaysa sa
wikang tagalog. Nakita rin ng mga Pilipino, na ang pagtangkilik ng mga produktong
amerikano ay mas maganda kaysa sa produktong gawa ng Pilipino. Sabi rin ni Prof.
Carol Almeda na ang Edukasyon sa antas ng kolehiyo ay nagbago at ginawa upang
makinabang ang mga multinational na kumpanya.

Pangalawa, ang pagiging Komersiyalisado ng edukasyon. Ang pinapakita nito ay ang


pagtaas ng presyo ng matrikula ay nakabawas sa mga magaaral na Pilipino. Napipilitan
mamili ang mga nagtatapos ng high school kung sila ay magtutuloy pa sa pag aaral o
sila ay magtratrabaho na lang lamang. Ang payo ng isang estudyante sa
dokyumentaryo ay magsikap para maging iskolar ng kolehiyo o humingi ng tulong
pinansyal. Ang edukasyon ay binibenta o ginagawang negosyo o pribadong kalakal
imbes na maging karapatan ng lahat ng buong publiko. May impression na kapag
mataas ang tuition, mas maganda ang kalidad ng edukasyon.

At para sa huli, ang pagiging Elitista ng edukasyon sa bansa natin. Batay sa


dokumentaryo, mas maganda ang mga oportunidad ng mga estudyante na tumapos sa
mga Elitistang paaralan kagaya ng Ateneo, La Salle, o ang Unibersidad ng Pilipinas.
Marami silang magagamit na koneksyon sa mga malaking kumpanya na tulad nila ay
nagtapos sa mga nabanggit ng iskwelahan. Ang problema sa pinansyal ang isang
malaking problema para sa mga Pilipinong mag-aaral. Nahihirapan sila makapasok sa
magandang paaralan o makakuha ng magandang edukasyon dahil sa kamahalan ng
tuition sa mga magagandang iskwelahan.
Ang hanap ng mga kumpanya ngayon ay ang mga mag aaral na nagsipagtapos sa mga
magagandang iskwelahan o yung mga tinatawag na mga elitistang paaralan. Ngunit
Miranda, Miguel Reynaldo Ferrer 119 Block A54

batay sa pananaw ng mga estudyante na galing sa Ateneo at Unibersidad ng Pilpinas,


“pangalan lang daw ng paaralan yan, at parehas lang ang lahat ng mga kolehiyo.”
Batay naman sa pananaw ng isang estudyante na galing sa Polytechnic University of
the Philippines, nahihirapan ang mga estudyante na kumuha ng trabaho laban sa mga
elitadong paaralan kagaya ng Ateneo o UP. Nakikita natin ang kahalagaan ng pera
para upang makapagaral sa magagandang paaralan. Pati sa pagpili ng aplikante para
sa isang bakanteng posisyon, mas gusto pa rin kunin ang mga estudyante na galing sa
Ateneo o UP.

2. Ano-ano ang mga epekto ng ganitong mga katangian ng edukasyon sa bansa?

Ang epekto ng ganitong mga katangian ay nagkakaroon na ng persepsyon sa isang


estudyante. Sa pagiging kolonyal, nakita ko na sa dating paaralan ko, na De La Salle
Zobel ng pagpasok ko sa kolehiyo sinasabi nila na “taga zobel yan, konyo yan”.
Masakit, pero paano ko magagamit ang sariling wika kapag ingles ang paraan ng
pagtuturo at wikang ingles ang ginagamit sa pagusap sa kapwang estudyante. Inikala
na mas maganda ang edukasyon sa Zobel dahil parang Amerika na gumagamit ng
ingles sa pagturo. Diyan pumapasok ang pagiging kolonyal, na kapag ingles ang
wikang ginagamit mas mataas ang edukasyon na mas mahusay na edukasyon ang
nakuha nila.
Pangalawa, sa komersiyalisado, ang pagbenta ng edukasyon bilang isang komodity
imbis na maging ani ng publiko. Ang pagiging mataas ng tuition ay nagiging balakid
para sa isang nilalang na makapagaral sa isang magandang paaralan o di kaya ay
tumuloy ng pag aaral. Wala silang ibang pagpipilian kungdi magtrabaho na lang para
mabuhay at makatulong sa bahay dahil sa kakulangan pinansyal.
Pangatlo, ang epekto ng pagiging elitista and edukasyon. Sa pagkuha ng mga
empleyado, mas kinukuha nila ng mga nagtapos sa mga piling paaralan kaysa sa
katamtaman na paaralan. Ang mga nagtapos sa mga “elitistang” paaralan ay
nakakakuha ng mas magandang edukasyon at mas malaki ang pagkakataong
makapagtrabaho sa malalaki at magagandang korporasyon dahil mayroon silang
koneksyon sa mga malaking kumpanya.

3. Paano nakakaapekto ang misedukasyon ng Pilipino sa pagkakamit ng


kalinangang bayan?
Nakakaapekto ang misedukasyon ng Pilipino sa pagkakamit ng kalinangang bayan
dahil di nila maipapakita ang kanilang pagmamahal sa sariling bansa kapag di namin
magagamit ang sariling wika na maayos.

You might also like