Professional Documents
Culture Documents
Adobong Manok resiPI
Adobong Manok resiPI
Adobong Manok resiPI
Mga Sangkap
1.1kilo ng manok
2.2ulo ng sibuyas
3.1 ulo ng bawang
4.suka
5. toyo datu puti para malasa
6.paminta yung pino
7.siling labuyo
8.asukal
9.patatas
10. dahon ng laurel
Paraan ng Pagluluto
1. Hiwaain ang manok ayon sa nais na laki nito hugasan alisin yung dugo na namuo sa may parte ng
buto ng manok para maalis ang langsa nito.
2. Hiwaiin ang patatas ayun sa nais na laki.
3. Hiwain ang sibuyas
4.Magdikdik ng bawang
5. Igisa ang bawang sibuyas pagkatapos ihalo ang manok sangkutsahin upang maghalo ang lasa ng
bawang at sibuyas sa manok. lagyan ng suka ang ginisang manok.hayaan pakuluin ng 5minuto para
maalis ang langsa ng manok. lagyan ng tuyo at tubig ayun sa dami ng nais na sabaw ihalo ang
patatas sili at dahon ng laurel. pakuluin pagkatapos budburan ng ajinamoto o vetsin wagkakalimutan
ang laurel. hayaan kumolo kapag kumulo tikman ito at kung medyo maalat lagyan ng kunting asukal.
ang lasa ng adobo ay naayon sa ating nais na lasa may ibat ibang paraan ng pagluluto nito at ang
adobo maaarin rin haluan ng gulay na carrots....
Sangkap
Paraan ng pagluto:
Mga Sangkap:
1 kl Bangus (sariwa para masarap)
1/2 cup Suka
1 tsp Pamintang durog
1 tsp Asin
3 pcs Bawang (dinikdik)
2 pcs Siling haba
1 pcs Ampalayang maliit (para may gulay na kasama)
1 tsp Asukal (pambalanse ng lasa)
Luya (hinating pahaba, pampatanggal ng lansa)
Paraan ng pagluluto:
1. Ilagay ang bangus sa kaserola.
2. Ibuhos ang suka, bawang, paminta, asin, sili, ampalaya, luya, at asukal.
3. Ilagay ang hiniwang ampalaya.
4. Pakuluan hanggang sa maluto ang isda.
5. Ilagay sa magandang lalagyan at ihain.
NILAGANG BAKA
Mga Sangkap
1/2 kilo beef
2 patatas
1/2 kilo repoly
1 cup sliced dahon ng sibuyas
1 onion
1 teaspoon pamintang buo
luya ayon sa iyong gusto
asin
Paraan ng pagluluto:
1. Ilagay sa Kaldero ang lahat ng mga sangkap maliban sa patatas at dahon ng sibuyas.
2. Lagyan ng tubig na sapat hanggang lumambot ang karne, kung malambot na ang karne ilagay
ang asin at patatas pakuluing mabuti hanggang sa lumabot ang patatas.
3. Ilagay ang dahon ng sibuyas at repolyo pakuluin ng isang beses saka ihain.
PININYAHANG MANOK
Mga Sangkap
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng
kaunti. Ilagay sa isang lalagyan
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika
4. Ilagay ang piniritong manok. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig. Takpan.
5. Ilagay ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo
6. Timpalahan ng asin at asukal ayon sa inyong panlasa
7. Lagyan ng isang slice na cheddar cheese.
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
9. Ihain habang mainit
KALDERETANG BABOY
Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Spareribs (buto-buto)
2 tbsp. Star Margarine
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
3 tbsp. Worcestershire Sauce
1 small can Liver Spread
2 pcs. large Potatoes cut into cubes
1 cup grated Cheese
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Chili Powder
1 tbsp. Achuete Seeds (disolve in 1/2 cup water)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
2 pcs. Tomatoes chopped
Salt to taste
Paraan ng pagluluto
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa margarine.
2. Ilagay na ang pork spareribs, worcestershire sauce, sweet pickel relish, asin, paminta at mga 5
tasang tubig. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. maaring lagyan pa ng
tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas, chili powder ang ang katas ng achuete
seeds. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
4. Huling ilagay ang liver spread at grated cheese.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
PANSIT PALABOK
Mga Sangkap
Palabok Toppings
· Tinapa (himay-himayin)
· Hipon (luto at tanggalan ng balat)
· Pusit (Iadobo na at ihawain )
· Chicharon (Durog)
· Sibuyas
· Itlog (Lagain at tanggalan ng balat at saka hiwahiwain)
· Bawang (Iprito at saka tadtarin)
· Kalamansi
Paraan ng pagluluto
LUMPIANG SHANGHAI
Mga Sangkap:
1/2 kilo Giniling na Baboy
40 pcs. Lumpia wrapper (yung square ang ginamit ko dito na
nabibili sa supermarket)
1/2 cup Red Bell Pepper - Hiwain ng maliliit o pino
1/2 cup fresh wansuy leaves - chopped
1/2 cup Dried mushroom - Ibabad sa tubig at saka hiwain ng pino
1 large red onion finely chopped
1 egg 1tbsp. cornstarch
1 tsp. salt 1 tbsp. sesame oil
1 tsp. ground pepper cooking for frying
1 8g sachet maggie magic sarap
Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa lumpia wrapper at cooking oil. Maaring kumuha ng konting sangkap
at i-prito para matiyak kung tama na ang lasa
2. Balutin sa lumpia wrapper ayon sa nais na laki at haba. Nasa baba ang step by step na paraan sa pagbabalot ng
lumpia
a. Lagyan ng tamang dami ng palaman ang lumpia wrapper
b. I-fold ang nasa ibabang parte ng wrapper at ang dalawang gilid
c. Lagyan ng binating itlog ang dulong gilid ng wrapper at saka i-roll ang palaman.
Mga Sangkap
Saging na saba
Pulang asukal
Matika
Paraan ng Pagluluto
INIHAW NA ISDA
Paraan ng Pagluluto
1. Kailangan mo ng uling at ihawan na siyang gagamitin sa pagluluto o pag-iihaw.
2. Ihanda ang nais iihaw tulad ng isda, karneng baboy o manok, talong, pusit at iba
pang nais ihawin.
3. Ipatong lang sa ibabaw ng ihawan ang pagkain hangga't ito ay maluto.
4. Hinay-hinay lang ang baga ng uling para hindi masunog agad ang pagkain.
5. Iihaw sa magkabilang parte ng pagkain at kapag luto na maari nang kainin.