You are on page 1of 3

PANGALAN NG GURO: Bb. Eugelee Lou B.

Hernandez

ASIGNATURA: Filipino 7

PAKSA: PANITIKAN: Ang Puting Kampana

PAMANTAYANG Naipapamalas ng mga estudyante ang pag-unawa sa mga


PANGNILALAMAN: akdang pampanitikan ng Kabisayaan.

PAMANTAYANG
PAGGANAP : Nakabubuo ng photoessay hingil sa kaligirang
pangkasaysayan ng alamat

KASANAYAN: 1. Napauunlad ang kakayahan umunawa sa binasa sa


pamamagitan ng pagkilala sa kahulugan ng mga salita.

2.Nakapagbibigay ng hinuha batay sa mga ideya o


pangyayari sa akda.

3. Natutukoy ang aral na nakapaloob sa binasang


alamat.

4. Nakabubuo ng photo essay hingil sa kaligirang


pangkasaysayan ng alamat

PLANO NG PAGKATUTO

I. PAGTUKLAS

Gawain 1: Motibasyon
1. Larawan ng Pinagmulan
Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan. Matapos pagmasdan
ang mga larawan ay magtatanong ang guro upang makatulong sa pag-unawa ng
mga estudyante sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat.

1.1 Mga gabay na tanong:


1. Ano-ano ang maaring maging paksa ng alamat?
2. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang
pinagmulan ng mga bagay?
3. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging
mamamayan? Patunayan.

Gawain 2: Pagtalakay sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat


II. PAGLINANG

Gawain 3: Guhit mo, Hula ko!

Mahahati ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay mabibigyan ng


pagkakataon na bumunot ng isang papel na naglalaman ng mga salitang may
kaugnayan sa paksa. Ang nasabing salita ay kanilang iguguhit sa pisara sa loob
lamang ng isang minuto. Ang unang pangkat na makahula ay siyang tatanghaling
panalo.

Mga gabay na tanong:


1. Ano-ano ang mga salitang inyong ginuhit?
2. Sa inyong palagay, saan madalas makita ang mga salitang nabanggit?

Gawain 4:

Upang mapaghandaan ang babasahing alamat ay ipatutukoy ng guro


sa mga mag-aaral ang kasingkahulugan ng malalalim na salita na ginamit sa
alamat sa Tuklas-Salita pahina 92.

Gawain 5:

Ipapabasa ng guro ang alamat “Ang Puting Kampana”. Sa pagbabasa


ay gagamit ang guro ng teknik na tinatawag na QAR(Question and Answer
Relationships)

Mga gabay na tanong:

1. Bakit nilusob ng mga pirata ang bayan ng Hinigaran sa Negros Occidental?


2. Ano ang kanilang ginagawa sa mga nabihag nila?
3. Paano sinolusyonan ng mamamayan ang kanilang suliranin tungkol sa
pagsalakay ng mga pirata?
4. Sino ang nakita ng mga pirata sa dalampasigan ng Tagda at Qhincihan?
Paano mo ilalarawan ang babae?
5. Ano ang naging reaksyon ng pinuno ng pirata noong makita niya ang
magandang babae? Ano ang kanyang ginawa upang makita ang babae?
6. Anong hiwaga ang natuklasan ng mga pirata ng kanilang sundan ang babae?
7. Bakit tinangay ng mga pirata ang puting kampana? Anong kababalaghan ang
naganap matapos nilang isakay ang puting kampana sa kanilang vinta?
8. Paano napunta sa Confession ang puting kampana? Isalaysay.

III. PAGPAPALALIM

Gawain 6: Bagyuhang- Isip (Think, Pair and Share)


A. Upang lubos na maunawaan ang alamat na binasa ay palalalimin
pa ang pag-unawa sa akda sa pagtalakay ng mga tanong sa Tuklas-Unawa. Ang
bawat gabay na tanong ay iuugnay sa sariling buhay ng mga mag-aaral at sa
mga napapanahong isyung panlipunan.

1. Ano kaya ang damdamin ng mamamayan ng Hinigaran sa tuwing nilulusob


ng mga pirata ang kanilang lugar? Patunayan.
2. Pinaniniwalaan mo ba ang mga pangyayaring inilahad sa alamat? Bakit?
3. Sa kasalukuyan, ano ang sinasalamin ng babaeng nakaputing damit at may
buhok na abot hanggang talampakan?
4. Sa iyong palagay, ano kaya ang mensaheng nakapaloob sa alamat na ating
binasa?

B. Bigyang-interpretasyon ang salitang PIRATA na binanggit sa kuwento sa


pamamagitan ng pagbubuo ng akrostik.

P-

I-

R-

A-

T-

A-

IV. PAGLILIPAT

Gawain 7: Pangkatang Gawain (InstaMoment)

Mahahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay


maatasang bumuo ng isang photo essay kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
alamat.

You might also like