Professional Documents
Culture Documents
The Notre Dame of Kabacan, Inc
The Notre Dame of Kabacan, Inc
Activities:
COMPETENCIES STUDENT ACTIVITIES AND PROCEDURE
A Pagtatalakay
Pamamaraan
- Sa bahaging ito ay magkakaroon ng talakayan sa
pamamagitan ng paggamit ng DLP.
- Iisa-isahin ng guro ang mga mahahalagang impormasyon
ukol sa paksang tatalakayin
- Magpapakita ang guro ng iba’t- ibang mga larawan at
talahanayan tungkol sa paksang pag-aaralan
- Ang mga mag-aaral ay may kalayaang magtanong at
magbahagi ng kanilang mga kaalaman tungkol sa paksang
tatalakayin.
Paksang tatalakayin
Imperyong Maurya
Pagkatatag
- Noong 322 B.C.E., nasakop ni Chandragupta Maurya ang
dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang
lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang India at
bahagi ng kasalukuyang Afghanistan.
Mahahalagang Pangyayari
- Ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra.
- Tagapayo ni Chandragupta Maurya si Kautilya, ang may
akda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil
sa pangangasiwa .at estratehiyang politikal.
Pagbagsak
- Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong
malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya
noong ikalawang siglo B.C.E. nagtagisan ng kapangyarihan
ang mga estado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang
hilaga at gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian at
estado.
M Pagsususri sa mga Mahahalagang pangayari sa Imperyong
Maurya
PAMAMARAAN
- Sa paraang ito, ang mga mag-aaral ay pupunan ang
talahanayang ipapakita ng guro.
- Dito masusukat ang antas ng pagsusuri ng mga mag-aaral
T Paggawa ng Buod
Pamamaraan
- Bilang output sa paksang tinalakay, ang mga mag-aaral ay
gagawa ng buod tungkol sa imperyong tinalakay.