You are on page 1of 2

THE NOTRE DAME OF KABACAN, INC.

Bonifacio St., Kabacan, Cotabato


Tel. Nos. (064) 572-6031/32
S.Y. 2020-2021

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

LEARNING PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 7

Facilitator: JAYPEE S. DALIASEN Date of Submission: __________________


Evaluator: MICHAEL S. DARLE Date of Evaluation: ___________________
Grade/ Subject:GRADE 8 A. P Quarter: 1ST

Week: # 8-10_________________________ Day: __7______________________________


Date: ______________________________ Date: ___________________________________
Topic: Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 B.C.E.- 500 C.E.)
Values Integration: Empowerment through Leadership that Transforms
COMPETENCY: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
Lesson Objectives: Sa loob ng (60) animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makatatamo ng 80% pagkatuto sa mga sumusunod;
A. Natatalakay ang pagbuo ng mga kaharian at Imperyo
B. Nabibigyan ng kahalagahan ng pagbuo ng kaharian at imperyo
C. Naipakikita ang galing sa pamumuno
REFERENCES:
Books, online resources
IM’s:
DLP, laptop, chalk, manila paper, scissor, glue, construction paper, map.
PRELIMINARIES:
 Prayer
 Greetings
 Checking of attendance
 Classroom standard
 Review

Activities:
COMPETENCIES STUDENT ACTIVITIES AND PROCEDURE
A Pagtatalakay
Pamamaraan
- Sa bahaging ito ay magkakaroon ng talakayan sa
pamamagitan ng paggamit ng DLP.
- Iisa-isahin ng guro ang mga mahahalagang impormasyon
ukol sa paksang tatalakayin
- Magpapakita ang guro ng iba’t- ibang mga larawan at
talahanayan tungkol sa paksang pag-aaralan
- Ang mga mag-aaral ay may kalayaang magtanong at
magbahagi ng kanilang mga kaalaman tungkol sa paksang
tatalakayin.
Paksang tatalakayin
- Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyonng
Punjab, nagsimulang tunguhin ng mga Aryan ang bahaging
pasilangan. Mga 600 B.C.E. noon at 16
pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa
kapatagan ng hilagang India mula sa kasalukuyang
Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang
Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.
- Pagsapit ng 500 B.C.E.,ang malaking bahagi ng hilagang
India ay pinanirahan at sinaka ng mga Aryan. Ang dating
payak na pamamahala ng mga pinuno sa maliliit na
pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa
ilalim ng monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na
estadong ito ay nangailangang mangolekta ng buwis mula
sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo ng mga
bagong lungsod at lansangan.
- Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at
pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges River.
Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain,
mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at
elepante na mahalaga sa panahon ng digmaan at pagsasaka.
- Tinapos ni Alexander, The Great ng Macedonia ang
kapangyarihan ng Persia. Tinalo niya ang mga Persian sa
mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas patungong
India noong 327 B.C.E. Matapos ang madugong
pakikipagtunggalian ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang
puwersa ng mga Persian at Indian, nagawa rin nilang
matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang
nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni
Alexander ay nagbantang mag-alsa laban sa kaniya.
- Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India.
Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring
tinamaan sila ng sakit o ng sakuna. Bukod dito, kulang na
ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa
pagkamatay ni Alexander noong 323 B.C.E., ang bahagi ng
hilagang-kanlurang India ay naiwang walang mahusay na
pinuno.
Mga pamprosesong tanong
1. Paano nabuo ang iba’t-ibang kaharian sa sinaunang
panahon?
2. Anu-ano ang mga papel na ginampanan ng mga pinuno
upang mapanatili ang kaayusan ng kanilang
pinamumunuan.?
M Oral Recitation
Pamamaraan
- Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang masagot
ang mga suring tanong na ibibigay ng guro ukol sa
pagpapahalaga sa paksang tatalakayin.
Mga Suring Tanong
1. Sa paanong paraan mo maipakikita na ang pagpapahalag sa
pagbuo ng kaharian o imperyo?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng pamumuno
3. Paano mo maihahalintulad ng pamumumo ng sinaunang
pinuno sa kasalukuyan.
T Dula- Dulaan

You might also like