You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
SURALLAH NATIONAL HIGH SCHOOL
Dajay, Surallah, South Cotabato

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Layunin: Pagkatapos ng klase ang mag-aaral ay inaasahan :

a. natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga


b. Nasusuri ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga
c. Nakakagawa ng angkop na kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga

Code:

Paksa: Ang Maingat na Pghuhusga

Kagamitan: Aklat, Larawan, Papel , Manila Paper , Pentel pen

Sangunian: Edukasyon sa Pagpapakatao –Modyul para sa mag-aaral pahina 161-179

Araw-araw na Gawain:

Pagbati
Pagdadasal
Pagcheck ng attendance

I. PAMAMARAAN

a. Gawain:

Diskusyon ng grupo tungkol sa larawan

b. Analisis:

Pagsusuri sa mga larawang ipinakita.


1. Anu-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan?
2. Ano ang kabuuang mensahe ng mga larawan?
3. Naipapahayag ba ang mensahe ng malinaw?

b. Abstraksyon :
Diskusyon tungkol sa :
1. Hamon at hindi Problema
2. Karuwagan at Takot
3. Kahinahunan bilang Angkop-mahinahon
4. Angkop bilang makatarungan –makatarungan

Aplikasyon:
Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga ibibigay na konting babasahin na may sitwasyong kailangan
mong mamili.

II. EBALWASYON:
Magsulat ng journal tungkol sa mahahalagang pangyayari ng iyong buhay kung saan nasubukan ang
iyong kakayahang hanapin ang pinakamabuting pagpapasya.
Batayan ng Grado Kaukulang Puntos
Detalyado at tiyak ang mga salaitang ginamit 20
Malikhain at makulay ang pagkakasulat 10
Napapanahon 10
Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad 10
50
Kabuuan

III. TAKDANG-GAWAIN

Basahin ang pahina 191-204

Inihanda ni:

BREEN B. DOTE
Teacher I
Tutulong o Pababayaan?

Nakiusap ang iyong kaklase na pakopyahin mo siya mamaya


sa pagsusulit. Mababa talaga ang kaniyang mga grado kahit na
gusting-gusto niyang mag-aral. Paano’y katulong siya ng kaniyang
mga magulang sa pagtitinda ng mga kakanin sa hapon at balut
tuwing gabi. Hirap na hirap siya talaga makapag-aral dahil sa
pagod . Pakokopyahin mob a siya na maaaring ikakapahamak
ninyong dalawa kapag nahuli kayo? Hinid rin makakatulong sa
kaniya kung papasa siya sa pagsusulit nang hindi naman niya
talaga naiintidihan ang aralin. Kung pabayaan mo namana siya,
maaaring bumagsak siya sa pagsususlit at ikakatanggal pa niya sa
paaralan. Paano na ang kaniyang kinabuksan ? Siya pa naman
ang inaasahan ng kanyang magulang.

Wawastuhin o mananahimik ?

Narinig mong tinuturuan ng mama ng isang bata kung paano


mandukot sa mga mamimili sa palengke. Lalapitan mob a sila at
pagsasabihan/ Isusumbong mob a sila sa pulis? O mananahimik ka
lang at ipagpapatuloy ang sariling mong pamimili?

Susunod o magsusumbong?

May proyektong tinakda ang inyong guro. Gumawa ng


pagpapangkat-pangkat at sa kasamaang palad, kumpleto na ang
bawat grupo maliban sa isa –ang pangkat na iniiwasan mo.
Lumapit ka sa kanila at nagpresentang sumali. Ang sagot nila ay
papaya silang tanggapin ka sa isang kondisyon, ikaw ang gagawa
ng buong proyekto! Tinakot ka nila na kung magsusumbong ka,
guguluhin nila ang buhay mo sa paaralan. Ano ang gagawin mo ,
magsusumbong ka sa guro sa kabila ng kanilang pagbabanta o
susunod ka na lang sa gusto nila para lamang matapos na ang
proyekto?

You might also like