You are on page 1of 4

West City Central School

Carmen, Cagayan de Oro City

Banghay Aralin
sa
Filipino VI

Alanna Jane S. Ortiz


Student Teacher
I. Layunin
a. Matutukoy ang kahulugan ng panghalip.
b. Makagawa ng mga pangungusap gamit ang panghalip.
c. Mapahalagahan ang panghalip at magamit ito sa iba’t ibang sitwasyun.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Paggamit ng panghalip sa ibat-ibang sitwasyon.
B. Sanggunian: K-12 Yamang Filipino pahina 63-64
A. Mga Kagamitan: Laptop, LCD projector, kartolina at flashcards

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ang guro ay magtatanong:
 Ano ang tinalakay nating noong nakaraang tagpo?
 Magbigay ng halimbawa ng panghalip na panaklaw na may lapi.

B. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga sumusunod:
 Silid aklatan
 Mga libro o aklat

C. Paglalahad
Sasabihin ng guro:
 Upang mapadali ang paghahanap ng kaukulang babasahin sa silid
aklatan kailangang malaman natin ang wastong paggamit ng isang
“kard katalog.”
 Sino ditto ang may alam kung ano ang Kard Katalog?
 Sino naman dito ang may alam kung paano ito gamitin?

D. Pagtalakay sa Aralin
Sasabihin ng guro:
 Ang kard Katalog ay ang listahan ng mga awtor,paksa at pamagat ng
mga materyal nan akaayos ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto.
 Ang Kard Katalog ay may tatlong uri ng paggamit. Ito ay Kard ng
Pamagat (Title Card), Kard ng Paksa (Subject Card) at Kard ng Awtor o
May akda (Author Card).
 Mahalaga ang paggamit ng Kard Katalog dahil nakakatulong ito sa
mga mambabasa at mananaliksik sa aklatan.

E. Paglalahat
Ang guro ay magtatanong kung meron ba silang mga katanungan tungkol sa
paksang tinalakay, kung wala ang guro ay magtatanong:
 Ano ang Kard Katalog?
 Ano ang ibat-ibang uri nito?
 Saan makikita ang Kard Katalog?
 Bakit mahalagang malaman ang paggamit ng Kard Katalog?

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng Kard Katalog ang ginamit sa mga sumusunod.

398

Santos, Angeles S.
Isang libo at isang bugtong.
Malabon: Epifanimo de los Santos College., 1958

1. ____________________________________________

398

Isang libo at isang bugtong


Angeles S. Santos
Malabon: Epifanimo de los Santos College., 1958

2. ____________________________________________

398

Mga Bugtong
Angeles S. Santos. Isang libo at isang bugtong
Malabon: Epifanimo de los Santos College., 1958
3. _______________________________________________

May anim na bahagi o nilalaman ang isang Kard Katalog, magbigay


lamang ng tatlo:
1.
2.
3.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang Kard Katalog gamit ang Index Card. Pumili lamang ng isa sa
tatlong uri ng Kard Katalog. Pwedeng maging saggunian ng impormasyon ang
inyong mga aklat sa paaralan.

You might also like