You are on page 1of 1

“Ang Paborito Kong Pagkain”

Lahat tayo ay may sari-sariling paboritong pagkain. May mga taong gusto ng
pritong manok. May mga tao namang mahilig sa lechon. Pero ako, ang paborito ko ay
barbecue.
Naaalala ko noong bata pa ako , parang may nagigising na halimaw sa aking
tiyan sa tuwing nalalanghap ko ang masarap na amoy ng barbecue. Ang buong bahay
ay nababalot sa amoy nito na nakakatakam, ang umaalisngaw na langhap ng mainit na
karneng pinausukan gamit ang tinimplang sarsa ay sakto itong katakam-takam. Dali-dali
akong naglalakad patungo sa hapag-kainan at kahit hindi pa nga nailalapag ni inay ang
plato ng kanin ay nakakagat na ako sa dinukot kong isang piraso sa kusina.
Hawak-hawak ang isang piraso ng manipis at maliliit, kasya lang sa laki ng kagat na
mga karne na itinusok sa isang manipis na piraso ng kahoy o stick, ito ay magdamag na
inilubog sa tupperware na punong-puno ng toyo, suka at calamansi na nagbibigay asim
sa nakakatakam na sarsa ng barbecue at asukal naman tsaka ketchup para sa matamis
nitong lasa, dinagdagan pa ng sili, paminta at bawang para sa anghang nitong
pangpagana. Nakakatakam isipin ang pag ihaw nito sa umuusok na ihawan at
pinahid-pahiran ng sarsa sa bawat piraso ng karne sa isang stick, ang pagtulo ng mga
sobrang sarsa sa mga umaapoy na uling na nag-uudyok sa mas marami pang usok na
mahalimuyak. Napakaganda tingnan na nagiging buo ang kulay at itsura ng mga karne
sa bawat oras na ito ay pina-paypayan sa umaalab na apoy. Sa kaka isip ko nito ay
sabik na sabik akong kumagat ng isang piraso at kinamay ang kanin na sinabawan ng
sarsa galing sa barbecue. Napakasarap, lagi akong nagaganahan sa pagkain na ito at
kaya kong makaubos ng benteng piraso ng barbecue sa isang upuan lamang.

Ang barbecue rin ay ang isang pagkain na hindi nawawala sa tuwing kami ay
nagsasalu-salo sa iba’t ibang okasyon. Kadalasan nga ito ang unang nauubos. Sa
palagay ko, ang barbecue ay simbolo ng simple pero napakasarap na pagkain. Kahit
walang halo na iba pang sawsawan ay masarap na ito. Parang isang pamilya na hindi
kailangan maraming kagamitan o pera para maging masaya. Kailangan lamang ang
“barbecue”, masaya na ang pamilya.

You might also like