You are on page 1of 4

Tanay Main Campus: E. Rodriguez Ave.

Tanay, Rizal
Sampaloc Campus: Masanting Brgy. Sampaloc Tanay, Rizal
Jalajala Campus-219 M. Bellin St. Special Dist. Jalajala, Rizal

REVIEW EXERCISES SA PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING


LARANGAN
Pangalan:_______________________
Strand at Seksyon:________________

I. PANUTO: Isulat ang salitang wasto kung tama ang pahayag at kung mali ay isulat ang tamang
salita para iwasto.

1. Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika,inaasahang


masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito.
2. Ayon kina Xing at Jin,ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga element
3. Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap
para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
4. Ayon kay Keller,ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at
bekslusib ito sa tao.
5. SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.
6. KOGNITIB – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na
kaalaman
7. Ang sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng
pagsulat.
8. ORAL NA DIMENSYON Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong
isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo
9. BISWAL NA DIMENSYON Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o
lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na
simbulo.
10. transaksyunal.Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung
ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutan.

11. Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at


mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
a. IMPORMATIB NA PAGSULAT
b. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
c. MALIKHAING PAGSULAT

12. Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa
na nais maimpluwensyahan ng isang awtor.
a. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
b. MALIKHAING PAGSULAT
c. IMPORMATIB NA PAGSULAT

13. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling
katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.
a. MALIKHAING PAGSULAT
b. IMPORMATIB NA PAGSULAT
c. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

14. Sa hakbang na ito nagganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa dito ang pagpili ng
paksang isusulat.
a. Pre-writing b. Actual writing c. Rewriting

15. Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat,dito sinasagawa ang akwal na pagsulat. Nakapaloob dito
ang pagsulat ng burador o draft.
a. Actual writing b. Rewriting c. Rewriting

16. Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay
sa wastong grammar, bokabolari at pagkakasunodsunod ng mga ideya o lohika.
a. Rewriting b. Actual writing c. Rewriting

17. Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng
kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
a. Katotohanan b. Ebidensya c. Balanse
18. Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya
upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
a. Ebidensya b. Katotohanan c.Balanse

19. Nagkakasumdo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at
argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang
maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
a. Balanse b. Ebidensya c.Katotohanan
20. Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika.
a. Kompleks b. Pormal c. Tumpak

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang mga salitang hinihingi sa pahayag. Piliin sa kahon ang sagot.
Pormal. Tumpak. Obhetibo.
Eksplisit. Wasto. Responsable.
Malinaw na Layunin. Malinaw na Pananaw.
May Pokus. Lohikal na Organisasyon.
akademikong pagsulat
Matibay na Suporta. Malinaw at kumpletong
Eksplanasyon. Epektibong Pananaliksik.
Iskolarling Estilo sa Pagsulat. Buod
sintesis explanatory synthesis
argumentative synthesis
Background synthesis.
Thesis-driven synthesis.

21. Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito
ang mga kolokyal at balbal na salita ay ekspresyon.
22. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inalalahad nang tumpak o
walang labis at walang kulang.
23. Ang pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais
gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
24. Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto.
25. Ang akademikong ay gumagamit nang wasto ng mga bokabularyo o mga salita.
26. Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa
paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
27. Ang layunin ng akadamikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.
28. Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom
ng mga hanguan o sources.
29. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag.
30. May sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran.
31. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang
pangungusap at tesis na pahayag.
32. Napakahalaga nito, dahil bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa
ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw
at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
33. Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at
akademikong hanguan ng mga impormasyon.
34. Kakaiba ang estilo sa akademikong pagsulat, kaysa ibang uri ng pagsulat, tulad halimbawa
malikhaing pagsulat. Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito
ang kalinawan at kaiiklian.
35. tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang
artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usapusapan, at iba pa.
36. pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o
higit pang mga akda o sulatin.
37. ay isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang
mga bagay na tinatalakay.
38. ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.
39. Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang
impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa
sanggunian.
40. Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon,
sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa
ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

PANUTO: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.

41. Synthesis for the literature. Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng
mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol
sa paksa
42. Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu, o katitikan
ng komperensya.
43. Ang isang IMPORMATIBONG ABSTRAK ay naglalaman na ng nalos lahat ng mahahalagang
impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik
44. Motibasyon. Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik ang paksa.
Sa maikli at mabilis na paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito ang kabuluhan at
kahalagahan ng pananaliksik.
45. Suliranin. Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o tanong ng
pananaliksik.
46. Pagdulog at Pamamaraan. llalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano kakalapin o
kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula ang mga impormasyon at datos. Ibig
sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag sa metodolohiya ng pag-aaral.
47. Resulta. Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sd pamamagitan ng
paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik.
48. Kongklusyon. Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon 6 pananaliksik batay sa mga
natuklasan
49. DESKRIPTIBONG ABSTRAK naman ay mas maikli (kadalasang nasa 100 salita lamang) kaysa
sa impormatibong abstrak (naglalaman ng malapit sa 0 salita).
50. KRITIKAL NA ABSTRAK naman ang pinakamahabang uri ng abstrak Impormatibong abstrak,
binibigyang-ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik.

You might also like