You are on page 1of 84

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika


Unang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin:
Nasusuri ang sariling kakayahan.
- mga gawaing hilig gawin
- talentong taglay
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 2-4
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anong bagay ang makakatulong sa iyo para makita ang sarili mo?
Natutuwa ka ba kapag nakikita ang sarili mo?
2. Pagganyak:
Itanong: Ano ang pangalan mo?
Bigyan ng panahon ang mga bata na magkakilala at magkamustahan.
Ipaawit: Kamusta Ka

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento tungkol kay Aya at Buboy.
2. Pagtalakay
1. Anu-ano ang hilig ni Aya?
2. Ano ang paboritong gawin ni Buboy?
3. Bakit sila mahal ng kanilang pamilya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Kagaya din ba kayo ni Aya at Buboy?
Anu-anong mga gawain ang hilig ninyo?

2. Paglalapat
Kulayan ang mga larawan ng mga gawaing hilig mo.

Nagbabasketbol
Naggigitara
Nagbabasa
Nagsasayaw
Kumakanta
Tumutugtog ng Piyano/Organo/Lira/Tambol

IV. Pagtataya:

Magkaroon ng kunwa-kunwariang Talent Search ng mga mag-aaral. Hayaang magpagalingan ang mga
bata sa pagpapakita ng kanilang mga talento.

V. Takdang-aralin
Gumupit ng larawan na kaya mong gawinat idikit ito sa iyong kwaderno.
Magpatulong sa magulang sa paggupit.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin:
Nasusuri ang sariling kahinaan.
- mga gawaing hindi kayang gawin
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 5-6
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga gawaing kaya ninyong gawin?
2. Pagganyak:
Gusto ninyo bang makapanood ng isang papet show?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakilala ang papet gamit ang medyas at kamay.magkwento tungkol dito.
Ito Piolo. Isinali siya sa isang paligsahan sa pagtula. Habang papunta si Piolo sa harap ng klase, nakaramdam
siya ng kaba at takot, Parang ibig na niyang bumalik sa kanyang upuan. Para siyang binuhusan ng malamig
na tubig dahil sa kahihiyan.Subalit ganun pa man pinilit pa rin niyang makatula sa harap ng kanyang mga
kamag-aaral.
2. Pagtalakay
1. Sino ang nakasali sa paligsahan?
2. Ano ang nadama niya habang papunta sa harap ng klase?
3. Bakit kaya takot ang nadama ni Piolo?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Lahat ba ng bata ay may kahinaan?
Ano kaya ang mabuting gawin upang maging kakayahan din ito?

2. Paglalapat
Iguhit ang mukha ni Piolo habang siya ay papunta sa harap ng klase.

IV. Pagtataya:
Pasalita
A. May pinaguguhit sa inyong larawan ang inyong guro ngunit hindi mo ito kaya, ano ang gagawin mo?
B. Nahihirapan ka sa takdang-aralin na ibinigay ng inyong guro, Ano ang gagawin mo?

V. Takdang-aralin
Magtala ng mga bagay na kayang-kaya mong gawin at mga gawaing nahihirapan kang gawin sa iyong
kwaderno.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
Nasusuri ang sariling damdamin/emosyon.
Natutuwa, nagagalit, nalulungkot, natatakot
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 7-9
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ang sabi natin, kapag hindi mo alam, matutulungan ka ng iba. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa
iyo upang mapahusay ang iyong nalalaman?
- Nagtatanong sa nanay kapag hindi alam.
- Nagtatago sa kwarto kapag nagkakamali.
- Nagpapatulong sa ate o kuya kung nahihirapan sa gawain
2. Pagganyak:
Naranasan ninyo na bang mamasyal kasama ang inyong pamilya?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento tungkol sa mag-anak.
Ang Masayang Mag-anak
Isang araw ng Linggo, pagkatapos magsimba ng mag-anak ni Mang Caloy at Aling Mila, sila ay
nagtungo sa SM Mall. Namili sila ng mga damit at gamit sa bahay. Kumain din sila sa Jollibee. Tuwang-
tuwa ang bunsong si Bobet dahil binilhan pa siya ng bagong laruan ngnanay.

2. Pagtalakay
1. Saan nagtungo ang mag-anak?
2. Ano ang ginawa nila sa mall?
3. Ano ang naramdaman ni Bobet ng bilhan siya ng bagong laruan?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang iba’t ibang damdamin ng tao?

2. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 3 (pah.9 Pupil’s Activity Sheets)
Ano kaya ang madarama mo sa mga sitwasyong ito? Iguhit mo ang iyong mukha sa loob ng bilog.

1. Sumali ka sa paligsahan at nanalo ka.


2. Malapit ka ng tawagin upang tumula.
3. Hindi ka nanalo sa pag-awit.
4. Dumating ang iyong pinsan, pinilit ng iyong nanay na sumayaw ka.
5. Namatay ang alaga mong aso.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang O O O O O upang ipakita ang iyong damdamin sa mga sumusunod na mga sitwasyon.
____Pupunta kayo sa Star City.
____Nasira ang bago mong laruan.
____Nawala ka habang namamasyal kayo.
____Nahiwa ka habang nagbabalat ng sibuyas.
____Mataas ang nakuha mong marka.

V. Takdang-aralin
Gamit ang lumang paper plate. Gumawa ng mukha na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat naAraw)
I. Layunin:
Napahahalagahan ang kasiyahang naidudulot ng pagpapamalas ng kakayahan.

II. Paksang Aralin


Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 7-9
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ipakita ang masayang mukha kung kakayahan
at malungkot na mukha kung kahinaan.
----pag-iyak kung hindi magawa ang gawain
__pagtugtog ng gitara nang buong husay
2. Pagganyak:
Ano ang kailangang gawin upang mas mapahusay pa ang iyong kakayahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magkaroon ng maikling palatuntunan.
Hayaang maipakita ng mga bata ang kanilang kakayahan sa pag-awit, pagtula, pagsayaw atbp.
2. Pagtalakay
Ano ang nadama mo habang ipinakikita mo ang iyong talento?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong damdamin ang dapat mong taglayin habang ipinakikita ang iyong kakayahan?
2. Paglalapat
Maglaro Tayo Gawain 2 sa pah. 8 ng Pupils’ Activity Sheets
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Umiyak kung makita ang maraming taong manonood.
2. Gawin nang buong husay ang iniatas na gawain.
3. Ipasa sa iba ang gawaing para sa iyo ay may kahirapan.
4. Magtago para makaiwas sa pagpapakita ng galing.
5. Maniwala sa sariling kakayahan.

V. Takdang-aralin

Isaulo.

Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa ang mga bagay na kinakailangan upang mapaunlad pa ang mga kakayahan at maiwasto ang mga
kakulangan o kahinaan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 10-13
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Gamit ang plaskard ng mga ibat-ibang damdamin, ipakita ang mukha na nagsasaad ng ipinahihiwatig na
damdamin.
Kaarawan mo
Napagalitan ka ng nanay mo
2. Pagganyak:
Awit: Himig: The farmer in the Dell
Ano ang Kaya Mo? (pah. 7 EsP Teaching Guide)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ngayon ay alam mo na. Ikaw ay isang natatanging bata. Tuklasin mo kung ano ang kaya mong gawin.
Pahusayin mo pa ang iyong nalalaman. Kung mayroon ka naming gustong gawin na parang hindi mo kaya,
magtanong ka,magpatulong ka,Sa ganito, matututo ka.

2. Pagtalakay
Anong uri ng bata ka?
Ano ang dapat mong tuklasin sa iyong sarili?
Ano ang dapat mong gawin sa mga bagay na nahihirapan kang gawin?
C. Pangwakas na Gawain
3. Paglalahat:
Paano mo mapapahusay ang iyong kakayahan?
Paano mo magagawa ang mga bagay na nahihirapan kang gawin?
4. Paglalapat
Ipagawa ang Isabuhay sa pah. 12 ng Pupils’ Activity Sheets

IV. Pagtataya:
Ano ang gagawin mo kung ikaw ang batang tinutukoy?
Bilugan ang letra ng kilos na iyong gagawin.
1. Mahilig kang umawit.
Nais mong iparinig ito sa iyong lolo at lola.
A. Hindi ako kakanta. Nahihiya ako.
B. Aawitan ko sila.
2. Maliksi ka sa larong takbuhan.
Pero minsan, nadapa ka sa pagtakbo.
A. Iiyak ako at uuwi na lang.
B. Pipilitin kong tumayo. Kung may sugat ako, hihingi ako ng tulong.
3. Gusto mong gumawa ng saranggola.
Pero hindi mo alam kung paano.
A. Magpapaturo ako.
B. Hindi na lang ako gagawa ng guryon.

V. Takdang-aralin
Isaulo.

Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
- Naliligo araw-araw

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat gawin sa ating mga kahinaan?
Paano mo mapagyayaman ang iyong talento?
2. Pagganyak
Iparinig ang Tugma:
Kalinisan
Batang malinis sa katawan
Araw-araw pinaliliguan
Malinis, magaan ang pakiramdam
Malayo sa sakit at karamdaman.
Ano ang pakiramdam ng batang bagong paligo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng dalawang bata.
(Isang malusog at isang sakitin)
Sino sa palagay ninyo ang mas magiging mahusay? Bakit kaya?
Iparinig ang awit:
Tayo nang maligo, para laging presko,
Pakiramdam ko, pakiramdam ko,
Mabango ako.
2. Pagtalakay
Ano ang dapat natin gawing araw-araw?
Bakit dapat tayong maligo?
Ano ang pakiramdam ng bagong paligo?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili?
Kailan ka dapat maligo?
2. Paglalapat
Lagyan ng / ang mga gamit mo sa iyong paliligo
___aklat
___sabon
___bimpo
___lapis
___tubig

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o mali
1. Mabango ang pakiramdam ng bagong paligo.
2. Nakakatamad maligo lalot malamig.
3. Lilinis ka kapag ikaw ay naligo.
4. Minsan isang linggo lamang tayo dapat maligo.
5. Gumagamit ng sabon at shampoo sa paliligo.

V. Takdang-aralin
Iguhit ang mga bagay na ginagamit mo sa iyong paliligo.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
- Nagpapalit ng kasuotang panloob
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Kailan ka dapat maligo?
2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng kasuotang
panloob. Ipatukoy ang ngalan ng bawat
isa.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 5 ng Sulo ng Buhay
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga magkakapatid?
Ano ang nakaugaliang gawin ng magkakapatid?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang palitan ang mga kasuotang panloob?
Kailan?
Tandaan: Magpalit ng kasuotang panloob nang madalas at kung kinakailangan.
2. Paglalapat
Kulayan ang mga kasuotang panloob.
Sando
Palda
Polo
Brief
Panty, kamison, bestida

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o mali
1. Magpalit ng sando pagkatapos maligo
2. Babae lamang ang dapat na magpalit ng kasuotang panloob.
3. Ugaliing lagging malinis ang isusuot na kasuotang panloob.
4. Magpalit ng kasuotang panloob tuwing makalawang araw.
5. Hindi na kailangang magpalit araw-araw ng kasuotang panloob dahil hindi ito nakikita.

V. Takdang-aralin
Lutasin:
Napaihi ang batang lalaki sa kanyang pantalon.
Ano ang dapat niyang gawin.
A. Umiyak
B. Magsisigaw
C. Magpalit agad ng damit-panloob.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
Gumagamit ng kagamitang pansarili
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Kailan ka dapa magpalit ng damit-panloob?
2. Pagganyak
Awit: This is the (Brush My Teeth)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 9 ng Sulo ng Buhay
2. Pagtalakay
Sino ang nagsasalita sa kwento?
Anu-ano ang mga kagamitang pansarili na nabanggit?
Mayroon ka din ban g mga gamit na iyon?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga pansariling gamit?
Bakit hindi natin ito maaring ipahiram kahit sa kaibigan o kaanak man?
Tandaan: Dapat ingatan ang pansariling gamit at hindi ito maaring ipahiram.
2. Paglalapat
A. Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 10 ng Sulo ng Buhay
B. Gawain 2
Lagyan ng / kung mayroon kang gamit na katulad ng nasa ibaba.
Sabon
Panyo
Sipilyo
Tuwalya
suklay

IV. Pagtataya:
Ikahon ang mga pansariling gamit na iyong ginagamit sa paglilinis sa iyong katawan.
1. suklay
2. sepilyo
3. aklat
4. panyo
5. tuwalya

V. Takdang-aralin
Iguhit sa iyong kwaderno ang mga pansariling gamit.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
Pagiging malinis at maayos sa Gawain sa pamamagitan ng paggamit ng pambura kung kinakailangan.

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Pumalakpak kung ang babanggiting gamit ng guro ay pansarili. Huwag kumibo kung hindi.
--aklat suklay
- sepilyo lapis
2. Pagganyak:
Magpakita ng isang malinis at maayos na gawa ng bata sa Art.
Ano ang masasabi ninyo sa gawa na ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 12 ng Sulo ng Buhay
2. Pagtalakay
Ano mayroon sa klase ni Bb Rosas?
Ilang bata ang nagkamali?
Ano ang ginamit ng isang bata para burahin ang gawa niya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano natin mapapanatili na malinis ang ating gawing sulatin?
Ano ang dapat nating gamitin sa pagbubura?
Tandaan: Magdala lagi ng pambura. Iwasang gamitin ang daliri sa pagbubura.
2. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 13 ng Sulo ng Buhay

IV. Pagtataya:
Ipagawa ang Gawain 2 sa pah. 14 ng Sulo ng Buhay.

V. Takdang-aralin
Ugaliing gumamit ng pambura kung may pagkakamaling nagawa sa mga sulatin.
Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-limang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
Naiiwasang malukot o marumihan ang gawain

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat mong gamitin kung ikaw ay nagkamali sa iyong gawain?
2. Pagganyak
Kailan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 15 ng Sulo ng Buhay
2. Pagtalakay
Ano ang ipinagawa ng guro sa mga bata?
Para kanino ang Valentine’s Card?
Bakit masaya si Carla?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano natin mapapanatili na malinis ang ating gawing sulatin?
Tandaan: Paano mo maiiwasang malukot o marumihan ang iyong gawain?
2. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 16 ng Sulo ng Buhay
IV. Pagtataya:
Gumuhit ng isang pusong malaki at kulayan ng pula.

V. Takdang-aralin
Gawin ang Gawain2 sa pah. 17.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin:
Natutukoy ang mga pagkaing mainam sa kalusugan.
- Pagkain ng tamang uri at dami

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Muling talakayin ang mga paraan ng pagiging malinis sa katawan at anumang gawain
Ano ang dapat gawin kung narumihan ang isinusulat?
Ilan beses dapat magpalit ng damit-panloob?
2. Pagganyak
Kumain ba kayo bago pumasok sa paaralan?
Isa-isang tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang kinain.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 18 ng Sulo ng Buhay
2. Pagtalakay
Anu-anong pagkain ang nakapagpapalusog sa atin?
Alin sa dalawang bata ang kumakain ng tamang uri at dami?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano natin mapapanatili namalusog ang ating katawan?
Tandaan: Dapat tayong kumain ng tamang uri at dami ng pagkain.
2. Paglalapat
Bilugan ang mga pagkaing kailangan natin.
(Gumamit ng mga larawan ng pagkain)
Isda gatas kendi chiz curl pisbol

IV.Pagtataya:
Sagutin: Tama o mali
1. Ubusin ang pagkain hangga’t mayroon.
2. Kumuha lamang ng tamang dami ng pagkain na kayang ubusin.
3. Kumain sa tamang oras.
4. Kailangan natin ng wastong pagkain
5. Kumain ng gulay araw-araw.

V. Takdang-aralin
Kung papipiliin ka ng pagkain, anong pagkain ang gusto mo? Iguhit ito.Tama ba ang napili mong pagkain?
Bakit?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin:
- Nakikilatis ang mga gawaing maaring makasama sa kalusugan.

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin: Tama o Mali
Kumain kung gusto lang ang ulam.
Puro karne lang dapat ang iulam.
Masama ang sopdrink sa kalusugan.
2. Pagganyak
Tugma: Ulan, ulan pantay kawayan
Bagyo, bagyo pantay kabayo.
Nakaranas na ba kayong maglaro sa ulan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin: May mga gawaing mabuti para sa ating katawan. Mayroon din naming masama para sa ating
kalusugan. Isa-isa itong talakayin sa klase.
2. Pagtalakay
Pag-usapan ang mga pagkaing mainam para sa katawan. Sumunod pag-usapan ang mga gawaing
nakasasama sa kalusugan. Hal. Pagpapaulan, pagtatampisawsa baha, paglalaro sa init, pag-akyat sa puno
, atbp.
C. Pangwakas na Gawain
3. Paglalahat:
Anu-ano ang mga gawaing makasasama sa ating kalusugan?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.
4. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 3 sa pah. 24 Pupils’ Activity
Sheet

IV. Pagtataya:
Isulat ang T kung mabuti para sa ating kalusugan
At M kung mali.
1. Kumain ng gulay.
2. Magsepilyo ng ngipin matapos kumain.
3. Maglaro sa gitna ng matinding init ng araw.
4. Mag-ehersisyo palagi.
5. Maglaro sa buong maghapon.
6. Matulog nang maaga.
7. Maglaro sa tubig-baha.
8. Ugaliin ang palaging paghuhugas ng kamay.
9. Uminom ng kape sa umaga.
10. Magpalit ng damit kapag napawisan.

V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Ang kalinisan ay daan sa ( kagandahan, kalinisan)
Kumain ng gulay upang humaba ang (kamay, buhay)
Ang kalusugan ay ___ n gating kakayahan.
(nakapagpapaunlad, nakakasira)

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- Nakikilatis ang mga gawaing maaring makabuti sa kalusugan.

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magbigay ng mga gawaing maaring makasama sa ating kalusugan..
2. Pagganyak
Awit: Mag-exercise tayo
Ano ang inyong pakiramdam pagkatapos ninyong mag-ehersisyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin: May mga gawaing mabuti para sa ating katawan.. Isa-isa itong talakayin sa klase.
2. Pagtalakay
Pag-usapan ang mga gawaing mainam para sa katawan.
Pag-eehersisyo
Pagtulog nang maaga.
Pag-inom ng 8 o higit pang baso ng tubig
Pagkain sa takdang oras.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga gawaing mabuti sa ating kalusugan?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.
2. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 3 sa pah. 24 Pupils’ Activity Sheet

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga gawing mabuti sa kalusugan.
Lagyan ng X ang hindi.
1. Pagpupuyat gabi-gabi.
2. Paglalaro ng basketbol
3. Pagtulog maghapon
4. Pagkain ng prutas at gulay
5. Pagkain kung masarap lang ang ulam. .

V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Ang kalusugan ay ___________.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Napahahalagahan ang ugnayan ng wastong pangangalaga sa sarili sa paglinang ng mga kakayahan.

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magbigay ng mga gawaing mabuti para sa ating kalusugan.
Magbigay ng mga gawaing masama sa ating kalusugan.
2. Pagganyak
Magpakita ng isang papet show sa mga bata.
Pagsalitain ang mga gulay na hindi kinakain o madalang kainin ng mga bata.
Hal. Ampalaya: Hu hu hu
Kalabasa: Ampalaya bakit ka umiiyak?
Ampalaya: Nalulungkot ako. Hindi kasi ako kinakain ng mga bata.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang isang maikling kwento.
Ito si Ana.Mahilig siyang kumain ng gulay at prutas.Malinis palagi ang kanyang katawan kaya naman
madalang siyang magkasakit.Sa paaralan, isa siya sa ipinagmamalaking mag-aaral.
2. Pagtalakay
Sino ang batang malinis?
Bakit kaya isa siya sa ipinagmamalaking mag-aaral sa paaralan?
C. Pangwakas na Gawain
3. Paglalahat:
Paano nakatutulong ang wastong pangangalaga
sa sarili sa pagpapaunl;ad ng kakayahan?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis. Kumain ng tama.Huwag magpabaya.
4. Paglalapat
Ipagawa ang Isabuhay sa pah. 27 Pupils’ Activity Sheet

IV. Pagtataya:
Bilugan ang wastong sagot sa loob ng panaklong.
1. Ano ang buting dulot ng pagiging malinis?
Ako ay magiging (payat, malusog)
2. Ano ang buting dulot ng pagiging malusog?
Ako ay magiging (masigla, mahina)
3. Ano ang mangyayari kung ikaw ay laging masigla?
Ako ay makapag-aaral nang (mabuti, hindi mabuti)
4. Ako ay (magkakasakit, hindi magkakasakit)
5. Ako ay (makapaglalaro, hindi makapaglalaro)
V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Ang kalinisan ay daan sa ( kagandahan, kalinisan)
Kumain ng gulay upang humaba ang (kamay, buhay)
Ang kalusugan ay ___ ng ating kakayahan.
(nakapagpapaunlad, nakakasira)

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Nalilinang ang wastong pag-uugali hinggil sa pangangalaga sa sariling kalusugan.

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang mabuting naidudulot ng pagiging malinis?
2. Pagganyak
Awit: Sampung mga Daliri
Lagi bang malinis ang inyong mga kamay?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang iba’t ibang mga kagamitan sa paglilinis ng sarili. Ipasabi ang bahagi ng katawan na nililinis nito.
2. Pagtalakay
Ano ang maaring mangyari kung hindi natin lilinisin ang mga bahagi ng ating katawan tulad ng ilong/
tenga?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.
2. Paglalapat
Ipagawa ang Subukin sa pah. 28 Pupils’ Activity Sheet

IV. Pagtataya:
Sagutin : Tama o Mali
1. Ang taong tamad ay malinis din.
2. Dapat maging maingat sa pagpili ng mga
kinakain .
3. Mabuti na ang maging matakaw para laging
busog.
4. Di na kailangan maligo kung maginaw.
5. Manghiram na lamang ng pansariling gamit upang makatipid.

V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Para makamit ang malusog na katawan,
_____sa sarili ang kailangan.(disiplina)

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Dula-dulaan
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Pag-iwas sa Pagsali sa Usapan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Buuin ang tugma:
Kumain ng gulay upang humaba ang _____.
2. Pagganyak
Nais ninyo bang makapanood ng isang dula-
dulaan? (Ipaliwanag na ito ay parang maikling palabas sa telebisyon.
( Gumamit ang guro ng iba’t ibang boses para sa mga
tauhan).
Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang dula-dulaan :
Sa salas ng bahay, nakaupo sa mahabang sopa ang magkapatid na Belen at Mila. Samantalang naglalaro sa
kanilang harapan si Bobet.
Mila: Belen, mamamasyal kami sa Luneta Park sa Linggo. Maghapong maglalaro sa parke ang mga bata.
Gusto mo bang sumama?
(Biglang sumali sa usapan si Bobet)
Bobet: Sige poi nay, sumama po tayo sa kanila.
Belen: Bobet, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag kang sasali sa usapan ng matatanda.
Bobet: Inay, pasensiya nap o kayo. Gusto ko lang po talagang sumama sa palaruan.
Belen: Kahit na. Hindi tamang sumasali ang bata sa usapan dahil hindi naman ikaw ang tinatanong.
Bobet: Hindi na po ako uulit inay.
2. Pagtalakay
Sino ang nakaupo sa salas?
Ano ang ping-uusapan ba?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Ano ang dapat mong tandaan kung may nag-uusap na matatanda?
Tandaan: Hindi dapat sumali ang bata sa usapan
ng matatanda. maliban kung siya ay hinihingan ng paliwanag o kasagutan.
2. Paglalapat
Pumili ng ilang bata at ipasakilos ang dula-dulaan.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Narinig mong nagkukuwentuhan ang nanay at kumare niya. napanood mo din ang pinag-uusapan nilang
palabas sa telebisyon kaya ______.
A. Bigla kang sasagot at ikukuwento ang palabas
B. Makikinig lamang sa nag-uusap.
C. Sasabihing mali ang kwentuhan nila.

V. Kasunduan:
Isaulo:
Hindi dapat sumasali ang bata sa usapan ng matatanda.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Huwag Maingay
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Paglakad Nang Marahan Kung May Nagpapahinga
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit napagsabihan si Bobet ng nanay niya? Tama ba ang ginawa niya?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng lolo na nasa kama.
Itanong: Ano ang ginagawa ng lolo?
Bakit kaya siya nakahiga sa kama?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig; Dumating si Lito kasama ang kanyang
mga kalaro. Naabutan niyang nakahiga sa kama at natutulog ang kanyang lolo.
Kaya maingat siyang lumakad para kuhanin ang kanyang bola malapit sa tinutulugan ng kanyang lolo.
Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at sumama sa mga kalaro matapos makuha ang kanyang laruan.
2. Pagtalakay
Sino ang nakahiga sa kama?
Ano ang ginawa ni Lito sa silid ng lolo?
Paano siya lumakad at kinuha ang bola?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Ano ang dapat mong tandaan kung may natutulog o nagpapahinga sa inyong tahanan?
Tandaan: Kung may nagpapahinga sa ating tahanan. Iwasang mag-ingay lumakad nang marahan.
2. Paglalapat
Ipasakilos ng pangkatan ang sitwasyon.
A. Tulog ang nanay ng dumating ka galing sa paaralan at nais mong humingi ng meryenda.
B. Gusto mong manood ng TV kaya lang tulog ang beybi mong kapatid.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Nagpapahinga ang lola mong maysakit. Biglang nagsigawan ang mga kalaro mo sa labas ng bahay.
Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan: Isaulo:
Kung may nagpapahinga sa ating tahanan. Iwasang mag-ingay lumakad nang marahan.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Disiplina
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat gawin kung may nagpapahinga sa ating tahanan?
2. Pagganyak
Anong oras kayo pumapasok sa paaralan?
Naranasan na ninyong nahuli sa pagpasok? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang tugma sa mga bata:
Ang batang maagang natutulog
Di nahuhuli sa pagpasok.

Ang batang nagpupuyat sa TV


Sa pagpasok laging nahuhuli.

Ang batang may oras sa pag-aaral


Sa klase ay laging ikinararangal.

Sa paglalaro ako’y makikita


Kung gawaing bahay ay natapos ko na.
2. Pagtalakay
Ano ang kabutihan ng maagang pagtulog?
Ano ang mangyayari kung tayo ay magpupuyat sa panonood ng TV.
Paano tayo laging makakasagot sa klase?
Kailan lamang kayo maglalaro?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Tandaan: Dapat bang magkaroon ng disiplina sa lahat ng gawain? Bakit?
2. Paglalapat
Lutasin:
Gustong-gusto mo ang palabas sa TV, kaya lang di mo pa nagagawa ang iyong assignments.
Ano ang gagawin mo?
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Walang pasok sa paaralan. Ibig mong maglaro ngunit may gawain ka pa sa bahay na dapat tapusin.
Ano ang iyong gagawin?
A. Tatakas para makapaglaro.
B. Tatapusin muna ang gawain saka maglalaro.
C. Iuutos sa iba ang gawain para makapaglaro.

V. Kasunduan: Buuin:
Gawain ay may takdang-panahon.
May oras na ditto ay iniuukol.
_______ay dapat pairalin.
Upang umunlad ang buhay natin.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Ulirang Bata
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.26-38
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Tama o Mali
Maglaro muna bago gawin ang mga takdang aralin.
Matulog ng maaga para hindi mahuli sa klase.
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang laging nauutusan sa bahay?
Sumusunod ka ba kaagad?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Ulirang Bata
Sina Renato at Rogelio ay naglalaro sa bakuran. Maya-maya nakarinig si Renato ng boses. “Renato!
Renato! ang tawag ng ina.
“Po” ang sagot kaagad ni Renato at mabilis na pumasok ng bahay. Naiwan ang kalarong si Rogelio.
“Bakit po, Inay?” ang tanong ni Renato. “Kumuha ka muna ng kahoy at wala na akong panggatong.”
“Opo, Inay,” sagot ni Renato. Noon din ay kumuha si Renato ng kahoy na panggatong at dinala sa
kanyang ina sa kusina
2. Pagtalakay
Sumagot ba agad si Renato sa tawag ng ina?
Sumunod baa gad siya sa utos ng ina?
Anong uri ng bata si Renato?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Tandaan: Kapag ikaw ay inuutusan
Ipakita ang paggalang
Sumusunod kaagad
Sa utos ng nanay.
Iwasang magdabog
O kaya’y sumusimangot
Madaling pagsunod
Sagot sa inuutos.
2. Paglalapat
Lutasin:
Maganda ang binabasa mong aklat pero tinatawag ka ng nanay para utusan. Ano ang iyong gagawin?
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Maganda ang palabas na kartun sa TV. Paborito mo ito. maya-maya, tinawag ka ng ate at may ipinakukuha
sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ang ate
B. Hindi mo siya papansinin
C. Susunod kaagad at saka na lang itutuloy ang pinanonood na palabas.

V. Kasunduan: Isaulo at isapuso.


Kapag ikaw ay inuutusan
Ipakita ang paggalang
Sumusunod kaagad
Sa utos ng nanay.
Iwasang magdabog
O kaya’y sumusimangot
Madaling pagsunod
Sagot sa inuutos.
Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-limang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Ang Munting Ibon
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.26-38
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Wasto o di-wasto.
___Humingi ng bayad bago sumunod sa utos.
___Magreklamo kapag madalas mautusan.
___Sumunod s utos ng nakangiti.
2. Pagganyak
Awit: “ Ang Pipit”
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Ang Munting Ibon
May isang munting ibon sa pugad.
Ibig na niyang lumipad. “Hindi pa muna, anak” ang sabi ng inang Ibon. Mahina pa ang iyong mga
pakpak. Baka ikaw ay bumagsak.”
Nagpilit din sa paglipad ang munting ibon.
Mabilis ang kanyang pag-alis sa pugad. Biglang-bigla. Ngunit talagang mahina pa ang kanayang
pakpak. kaya siya ay bumagsak sa lupa.
2. Pagtalakay
Ano ang nais gawin ng munting ibon?
Bakit ayaw pumayag ng inang ibon?
Sinunod ba niya ang bilin ng inang ibon?
Anong aral ang nakuha mo sa kwento?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Tandaan:
Tayo’y makinig sa nanay na bilin
Upang kapahamakan, di natin sapitin.
2. Paglalapat: Tama o Mali
1. Naglalaro ang mga bata ng apoy sa siga. Sinaway sila ni Aling Marta pero hindi pa rin sila tumigil.
2. May binabasang aklat si Ana. Tinawag siya ng nanay. Pero hindi siya sumunod.

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung wasto ang gawain at X kung hindi.
1. Tinatawag ka ng nanay para maligo na. Antok na antok ka pa kaya nagdabog ka.
2. Mahirap sumalok ng tubig kaya lang ng marinig mo ang utos ng nanay nakangiti kang sumunod.
3. Sinasaway ka ng ate mo sa paglalaro ng tubig.
Bigla kang nag-iiyak.
4. Tinatawag ka ng lolo para ipaabot ang salamin niya, nagbingi-bingihan ka.
5. May inuutos sa iyo ang kuya sa tindahan. Naghingi ka pa ng pera bago ka sumunod.

V. Kasunduan:
Sagutan ang tseklis sa bahay.
A Palagi B- Madalas C- Paminsan-minsan
1. Sumasagot ba ako kaagad kapag tinatawag?
2. Sumusunod ba ako kaagad sa anumang ipinag-uutos.
3. Sumusunod ba ako nang maulwag sa kalooban?
4. Itinatabi ko muna ang anumang gawain kapag inuutusan.
5. Iniiwasan kong gawin ang mga ipinagbabawal sa akin.
Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.
- pag-alaalala sa mga kasambahay
- (lolo at Lola)
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.121
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Muling pag-usapan ang mahahalagang pangyayari sa kwentong , “Ang Munting Ibon”
Bakit napahamak ang munting ibon?
2. Pagganyak
Sinu-sino ang iba pang kasapi ng mag-anak?
Sino sa inyo ang kasama ang lola sa kanilang bahay? (Hayaang ibahagi ng mga bata ang
kanilang karanasan)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Ang Lola ni Rico
Masipag ang lola ni Rico. Kahit matanda na at malabo ang mata, nananahi pa rin ang lola. Sinusulsihan ng
Lola ang mga sirang damit at medias nina Rico. Si Rico ang tagasuot ng sinulid sa karayom ng Lola.
2. Pagtalakay
Anong ugali ang ipinakita ni Rico?
Mahal kaya niya ang kanyang Lola?
May malasakit kaya siya sa kanyang Lola?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong Lola? Lolo?
Tandaan:
Lolo at Lola’y mahalin
Lagi silang alalahanin
Iwasang saktan kanilang damdamin
Sapagkat sila’y may pusong maramdamin.
2. Paglalapat: Lutasin:
Matanda na ang Lola ni Bea kaya paulit-ulit na lang ang sinasabi nito.
Paano kaya siya dapat itatrato ng pamilya?
A. Sigawan kung kakausapin siya.
B. Huwag na lang kausapin ang lola.
C. Magpakita ng giliw sa pakikipag-usap sa kanya para malibang.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa lola/lolo. X kung hindi.
__1. Halikan at yakapin ang lolo at lola.
__2. Huwag isabay sa pagkain ang lola dahil
mabagal nang kumain.
__3. Sigawan kung may nasisirang kagamitan.
__4. Kwentuhan ng mga masasayang kaganapan sa
paaralan.
__5. Tulungan sa pagtayo at paglakad kung nang
hihina.
V. Kasunduan:
Lutasin:
Kasama ni Liza ang kanyang Lola. Ibig ni Liza na manood sila ng sine. Gusto naman ng Lola niya na umuwi
na ng bahay para makapagpahinga.
Ano ang dapat gawin ni Liza?
A. Pauwiing mag-isa ang lola.
B. Sisihin ang lola dahil sumama-sama pa siya.
C. Pagbigyan ang matanda at manood na lang sa ibang pagkakataon.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.
- pag-alaalala sa mga kasambahay (nanay at tatay)

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat


Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Gamit ang Tama o Mali plaskard hayaang ipakita ang mga bata ang kanilang damdamin sa mga sumusunod
na sitwasyon..
1. Pinagbabalat ng prutas ang lolong maysakit.
2. Hindi pinapansin ang lolang nanghihingi ng pagkain.
3. Inaalalayan sa paglakad ang matanda.
4. Sinisigawan kung mahina ang pandinig.
5. Malambing na kinakausap.
2. Pagganyak
Tula: Mahal ko si Ama
Mahal ko si Ina
Gayundin si Ate
At saka si Kuya
Sa aming pamilya
Kami’y maligaya
Dahil sama-sama
Sa tuwi-tuwina.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Iparinig ang kwento:
Galing sa paaralan si Lena at Toni. Pagdatingsa bahay naabutan ng magkapatid na abala ang nanay sa
mga gawaing bahay. Agad tinulungan ng magkapatid ang ina para ito ay makapagpahinga.Maya-maya, dumating
ang tatay. Nagmano ang magkapatid at sinalubong ang ama. Agad iniabot ni Toni ang tsinelas ng ama. Pinaupo
naman ito ni Lena at ipinagtimpla ng kape. Tuwang-tuwa ang nanay at tatay sa kanilang mga anak.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan galing ang magkapatid?
Paano nila ipinakita ang malasakit sa mga magulang nila?
Kaya ninyo ba silang gayahin?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong nanay at tatay?
Tandaan:
Tumulong, magmalasakit
Sa mga magulang
Kung tunay na sila’y
Ating minamahal.
2. Paglalapat: Lutasin:
Naglalaba ang nanay. Pawis na pawis ito pero hindi makatayo dahil sa dami ng mga damit na nilalabhan.
Paano mo maipapakita ang malasakit mo sa kanya?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa tatay/nanay. X kung hindi.
__1. Sundin ang anumang utos ng magulang.
__2. Dumabog kung hindi naibili ng laruan.
__3. Mag-aral na mabuti para matuwa angb magulang.
__4. Tulungan sa mga gawaing bahay.
__5. Labanan ang magulang kung napapagalitan.

V. Kasunduan:
. Sumulat ng 3 paraan kung paano mo ipinakikita na mahal at may malasakit ka sa iyong tatay at nanay.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.
- pag-alaalala sa mga kapwa-bata
- (kalaro/kamag-aaral)

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya


Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa iyong nanay? tatay?
2. Pagganyak
Ano ang ginagawa ninyo kung walang pasok?
Marami ba kayong kalaro?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Kadadating pa lamang ng Tatay ni Alvin galing sa Saudi. May mga pasalubong itong mga laruan sa kanya.
Isang robot na maganda at malaki.Agad ipinagmalaki niya ito sa mga kalaro niya.
Si Ben na kalaro niya ay nakatingin lang. Wala kasi siyang mga laruan na katulad ng kay Alvin.Ng Makita
ni Alvin ang kalaro, inaya niya ito. Ipinahiram din niya ang bago niyang laruan. Natuwa ang tatay ni Ben sa
ipinakitang ugali ng anak.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan galing ang tatay ni Alvin?
Ano ang pasalubong niya?
Bakit nakatahimik lang ang kalaro niya?
Paano napasaya ni Alvin si Ben?
Anong ugali ang ipinakita niya?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong kalaro?
Tandaan:
Dapat tayong magpakita ng malasakit sa ating mga kalaro.
2. Paglalapat: Lutasin:
Nakita mo na umiiyak ang kaklase mo dahil wala siyang baon pagkain. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kalaro /kamag-aaral. X kung hindi.
___1. Tulungan kung nangangailangan.
___2. Isali sa mga laro at kasayahan.
___3. Iwasan kung mahirap lang.
___4. Pagtaguan ng pagkain.
___5. Tuksuhin kung natatalo sa laro.

V. Kasunduan:
Lutasin:
Nakita mo na inaaway ng mga bata ang kaklase mo.
Ano ang gagawin mo?

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.
- pag-aalaga sa nakababatang kapatid

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro


ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119
Sulo ng Buhay pah. 128
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa iyong kalaro? kamag-aaral?
2. Pagganyak
Ilang kayong magkakapatid sa inyong pamilya?
Sino ang pinakabunso sa inyo?
Awit: Ang Mag-anak
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Nag-aaral ng kanilang leksiyon sina Michael, Mae at Edward. Sa kusina, abala naman sa pagluluto ang ina.
Narinig nila ang pag-iyak ng kanilang bunsong kapatidna si Eugene sa kanyang kuna. Waring nagugutom na
ito. “Kami na po, Mama. Ipagtitimpla naming ng gatas si Eugene at aalagaan namin siya,” ang wika ni Mae.
Sumang-ayon si Michael at Edward.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga bata na nag-aaral ng kanilang leksiyon sa kwento?
Nasaan ang ina ng mga bata?
Bakit umiyak ang batang si Eugene?
Nakatulong ba sila sa kanilang nanay?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong nakababatang kapatid?
Tandaan:
Dapat tayong magpakita ng malasakit sa ating mga nakababatang kapatid.
2. Paglalapat: Lutasin:
Nanonood ka ng paborito mong palabas sa TV.
Tulog sa duyan ang kapatid mo. Paano mo matutulungan ang iyong ina na abala sa paglalaba?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng kanais-nais na gawi at X ang hindi.
___1. Pagtimpla ng gatas ang nagugutom na kapatid..
___2. Pakikipaglaro sa kapatid.
___3. Hayaang umiyak ang kapatid.
___4. Bantayan ang kapatid para hindi mahulog.
___5. iasa lang ang bata sa yaya.

V. Kasunduan:
Lutasin:
Namalengke ang nanay. Wala pa siya nang magising si Bunso. iyak ito nang iyak at hinahanap ang nanay.
Ano ang gagawin mo?
A. Papaluin mo siya.
B. Makikisabay ka sa pag-iyak niya.
C. Lilibangin o lalaruin mo siya para tumigil sa kakaiyak.
Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalimang Linggo
(Ika-limang Araw)
I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.
- pag-aalaga sa kapamilyang maysakit
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119
Sulo ng Buhay pah. 87
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa iyong nakababatang kapatid?
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng matandang maysakit na nakahiga sa kama.
Itanong: Ano sa palagay ninyo ang dinaramdam ng taong ito?
Hayaang magbigay ng kanilang kuro-kuro ang mga bata.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Araw ng Sabado. Walang pasok sa paaralan ang magkapatid na Miguel at Miradel. natutulog ang lolo nilang
maysakit, kaya iniwsan nila ang paggawa ng ingay o paglalaro na maaring makagising sa kanilang lolo. mahal na
mahal nina Miguel at Mirdel ang kanilang lolo. Ayaw nilang magambala ang pagtulog nito.
2. Pagtalakay
Bakit walang pasok sina Miguel at Miradel?
Sino ang maysakit?
Ano ang iniwasan nilang gawin at bakit?
Paano nila ipinakita ang pagmamahal at paggalang sa lolo nila?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong
kasambahay na maysakit ?
Tandaan:
Iiwasan ko ang paglikha ng ingay kapag may natutulog o maysakit sa bahay.
2. Paglalapat: Lutasin:
May lagnat ang ate mo kaya hindi niya magawa ang gawaing bahay na ipinagagawa sa kanya. Ano ang
gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Iguhit ang O kung tama at O kung mali ang asal na inilalahad kapag mayroong maysakit na kasambahay.
1. Lumakad nang marahan.
2. Magsalita nang mahina.
3. Maghabulan sa bahay.
4. Ilapag nang marahan ang mga gamit.
5. Lakasan ang radio o telebisyon.

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin:
- napahahalagahan ang pagkakaroon ng masayang pamilya.
- pagkukuwento tungkol sa masayang karanasan o pangyayari sa araw-araw.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya


Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31
Sulo ng Buhay pah. 134
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Maysakit ang lola mo. Paano mo maipapakita sa kanya ang iyong pagmamalasakit?
2. Pagganyak
Awit: Aking Ama at Aking Ina
(Tono: Manang Biday)
Aking ama at aking ina
Sa trabaho ay tulong sila
Nagluluto at naglalaba
Pumapasok sa opisina.
Si kuya at si ate naman
Ako ay inaalagaan
Pamilya nami’y maliit man
Masaya at nagmamahalan.
Itanong: Anong uri ng pamilya ang nabanggit sa awit?
Masaya rin ba ang inyong pamilya?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-usapan ang mga masasayang karanasan ng mga bata sa kani-kanilang pamilya.
2. Pagtalakay
Anu-anong mga pangyayari ang dapat natin pag-usapan upang maging Masaya an gating pamilya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang pamilya? Bakit?
Tandaan:
Masaya ang batang kabilang sa masayang pamilya.
Mapapasaya natin ang ating mga kaanak sa pamamagitan ng pagkukuwento ng masasayang karanasan sa
araw-araw.
2. Paglalapat: Lutasin:
Habang kumakain ang mag-anak, nagkwento si Dina tungkol sa pag-aaway nila ng kaklase niya.
Tama ba iyon? Bakit?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
____1. Masarap ang pakiramdam ng mga kasapi ng masayang mag-anak.
____2. Nag-aaway araw-araw ang tatay at nanay.
____3. Sama-samang namamasyal tuwing Linggo ang pamilya ni Ben.
_____4. Masyadong abala ang tatay sa barkada kaya nanay na lamang ang magpapasyal sa mga anak.
____5. Sabay-sabay kumakain ang buong mag-anak.

V. Kasunduan:
Magdikit ng larawan ng iyong pamilya sa notbuk.
Isulat sa ibaba. Ang Aking Masayang Pamilya

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin:
- Nakapag-aambag ng kasiyahan sa pamilya sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kakayahan.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro


ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Hep-hep kung tama at Hurrey kung mali.
___Masaya ang mag-anak na laging nag-aaway.
___Ang mag-anak na masaya ay nakasisiya.
___Masaya ang mga anak kung magkahiwalay ang mga magulang.
___Ang masayang pamilya ay may panahon para sa isat-isa.
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang may mga lolo at lola sa malayong probinsiya?
Dinadalaw ba nila kayo o kayo ang dumadalaw sa kanila?
(Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento :
Minsan, dumalaw ang lolo at lola nina Aya at Buboy galing sa probinsiya. Masayang nagkakatipon ang
mga mag-anak.
Upang lalong mapasaya, naghandog ng isang awit si Aya na natutuhan niya sa paaralan.
Tuwang-tuwa ang dalawang matanda sa pag-awit ng apo. Niyakap nila ito.
Si Buboy naman ay nagpakitang gilas din sa pagsayaw. Tuwang-tuwa ang mag-anak. Kaysaya nila.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang dumating na panauhin?
Saan sila galing?
Paano napasaya ng magkapatid ang kanilang lolo
Lola?
Bakit kaya sila mahal ng kanilang pamilya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang pamilya?
Paano ka makapag-aambag ng kasiyahan sa iyong pamilya?
Tandaan:
Ang pagpapamalas ng kakayahan ay nakapag-aambag ng kasiyahan sa ating pamilya.
2. Paglalapat: Lutasin:
Dumating ang mga pinsan mo galing sa ibang bansa. Nahilingan ka ng isang tula. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Kaarawan ng lolo mo kaya nagdatingan lahat ang mga pinsan mo. May ginayak na palatuntunan para
lalong maging masaya ang pagtitipon. Ano ang gagawin mo para makapag-ambag ka ng iyong kakayahan?
Ako ay ___________________________.

V. Kasunduan:
Iguhit ang sarili habang ginagawa ang kakayahang nais mong maiambag upang mabigyan ng kasiyahan ang
iyong pamilya.

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- Nakapag-aambag ng kasiyahan sa pamilya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya


Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral pah. 131
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano natin mapapasaya ang ating pamilya?
2. Pagganyak
Tumutulong ka ba sa mga gawain sa bahay?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento :
Maraming gawin sa bahay. May mahihirap na gawain at may madali rin naman. Ayon sa ating
kakayahan ay inaatasan tayo n gating mga magulang na tumulong ayon sa mga gawain.
Masaya ang mag-anak. Lahat ay may ginagawa upang mapagaan ang gawaing-bahay. Madaling
natatapos ang mga gawain
Nagkakaroon sila ng maraming panahon sa pahinga. Nakakapanood sila ng TV. Nakakapamasyal din
sila.
2. Pagtalakay
Sino ang gumagawa ng mga gawaing-bahay?
Paano nila ginagawa ang mga gawaing ito?
Ano pa ang maari nilang gawin bukod sa mga gawaing bahay?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang pamilya?
Paano ka makapag-aambag ng kasiyahan sa iyong pamilya?
Tandaan:
Ang pagtulong sa mga gawaing-bahay ay nakapag-aambag ng kasiyahan sa ating pamilya.
2. Paglalapat: Lutasin:
Naglalaro kayo ng mga kapatid ninyo nang bigla kayong bigyan ng nanay ng kanya-kanyang gawain. Ano
ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang kapamilyang nakapag-aambag ng kasiyahan sa kaanak. X ang hindi.
___1. Si ate ay maagang gumigising at nagluluto ng
almusal.
___2. Si Kuya ay palaging inuutusan pero hindi naman sumusunod.
___3. Si Rona ay nagdadabog habang nagwawalis.
___4. Masipag si Alex magpunas ng mesa matapos
kumain.
____5. Maagang namamalengke si nanay.

V. Kasunduan:
Isulat ang mga gawaing naitulong mo sa iyong pamilya sa araw-araw.
Simulan ng Linggo hanggang Sabado.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagkain

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya


Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 188
Kagamitan: larawan ng mag-anak na kumakain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga gawain sa tahanan na nagagampanan mo?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mag-anak sa hapag-kainan.
Ano ang ginagawa ng mag-anak?
Ang mag-anak ninyo rin ba ay sabay-sabay kung kumain? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula :
Pagkain ng Mag-anak
Ang mag-anak na salu-salo sa pagkain
Huwaran ng mabuting pagtingin
Paggalang sa isat-isa
Ipinadarama sa tuwina.
2. Pagtalakay
Saang silid naroon ang mag-anak?
Ano ang kanilang ginagawa bago at matapos kumain?
Ano ang ugaling ipinakita ng mag-anak?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?
Ano ang dapat gawin bago at matapos kumain?
Tandaan:
Iwasang papaghintayin
Sa mesa ang pagkain
Sama-sama tayong manalangin
Bago at matapos kumain.
2. Paglalapat: Lutasin:
Gutom na gutom ka na pero magdarasal pa muna bago kumain. Ano ang iyong gagawin?

IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nais mong kumuha ng kanin pero ito’y malayo sa iyo. Ano ang iyong sasabihin?
a. Pahingi ng kanin.
b. Pakiabot nga po ng kanin
c. Hoy! Kanin nga.
2. Tinatawag ka na para kumain, kaya lang hindi pa tapos ang pinapanood mo sa TV. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabay sa pamilya sa pagkain.
b. kakain sa harap ng TV.
c. Magdadabog at di na kakain.
3. Mainit ang sabaw. Paano mo ito hihigupin?
a. Hihigupin nang bigla.
b. Hihigupin nang malakas ang tunog.
c. Hihigupin nang dahan-dahan.
4. Hindi pa dumarating ang tatay pero gabing-gabi na kaya pinauna na kayong kumain. Ano ang dapat ninyong gawin?
a. ubusin ng lahat ang pagkain.
b. Ipagtabi ng pagkain ang tatay.
c. Tirahan ng kaunting pagkain ang tatay.
5. Masarap ang inyong ulam. Paano mo ito sasabihin sa nanay?
a. Ilakas ang pagnguya.
b. Ubusin lahat ang ulam.
c. Purihin ang nanay at sabihin na masarap ang niluto niya.

V. Kasunduan:
Bilugan ang angkop na salita upang matapos ang tugma.
Ang pamilyang sabay-sabay kumain ay palaging___.
(pagpapalain, uulanin, walang uulamin)

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagdarasal

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro


ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 181
Kagamitan: larawan ng mag-anak na nagdarasal

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat mong gawin bago at matapos kumain?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mag-anak na nagdarasal?
Ano ang ginagawa ng mag-anak?
Ang mag-anak ninyo rin ba ay sabay-sabay kung magdasal?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula :
Mag-anak na sama-sama sa pagdarasal
Pinakikinggan ng Maykapal
Ang taimtim nilang panalangin
Nakaabot sa Kanyang paningin.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga nasa larawan?
Ano ang kanilang ginagawa?
Ano ang kanilang ipinagdarasal? Bakit?
Ano ang orasyon?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?
Bakit mahalaga ang pagdarasal?
Tandaan:
Ang orasyon ay pagdarasal ng mag-anak tuwing sasapit ang ika-anim ng gabi.
Dapat tayong makiisa sa pagdarasal ng ating pamilya.
Sumama tayo sa pagpapasalamat sa mga biyayang ibinibigay ng Diyos sa atin.
2. Paglalapat: Lutasin:
Tinatawag ka ng lolo mo para makiisa sa pagdarasal ng orasyon kasabay pa naman nito ang paborito mong
palabas sa TV. Ano ang iyong gagawin?

IV. Pagtataya:
Sagutin ng Tama o Mali.
___1. Tinatawag si Roy para sa pagdarasal ng orasyon. Nagkunwaring tulog na siya.
___2. Ang pagdarasal ay pakikipag-usap sa Diyos.
___3. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa mga
Biyayang ibinibigay niya.
___4. Tumigil na sa pagdarasal kapag matagal makuha ang hinihiling sa Diyos.
___5. Magdasal bago matulog at pagkagising sa umaga.

V. Kasunduan:
Sumulat ng isang maikling panalangin ng pasasalamat sa Diyos.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagsisimba

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro


ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 185
Kagamitan: larawan ng mag-anak at simbahan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Buuin ang tugma:
Ang mag-anak na sama-samang nagdarasal ay
_______ng Maykapal.(pinagpapala)
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mag-anak na papunta sa simbahan.
Itanong: Saan patungo ang mag-anak?
Sinu-sino sila?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula :
Pagsisimba ng Mag-anak
Ano’t ibig humiwalay pa?
Kung ang patutunguha’y pagsisimba.
Hindi ba tunay na maganda
Kung tayo ay sama-sama?
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga nasa larawan?
Saan sila papunta?
Anong araw kaya iyon?
Bakit sila magsisimba?
Ang pamilya ba ninyo ay sama-sama ring nagsisimba? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagsisimba ng buong pamilya?
Tandaan:
Ang sama-samng pagsisimba ng buong miyembro ng pamilya ay isang likas na kaugalian na kinikilala sa
ating bayan.
2. Paglalapat: Lutasin:
a. Ginigising ka ng iyong ina para magsimba. Pero, antok na antok ka pa. Ano ang iyong gagawin?
b. May nakita kang kaklase mo sa loob ng simbahan, gusto niyang tabihan ka para kayo ay
magkwentuhan. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mabuting kaasalan habang nagsisimba.
___1. Iniiwasang mahuli sa pagsisimba.
____2. Natutulog sa loob ng simbahan.
____3. Linga nang linga sa loob ng simbahan.
____4. Nakikiisa sa pag-awit at pagdarasal.
____5. Kumakain sa loob ng simbahan.

V. Kasunduan:
Magtala ng 2 gawain kung paano ka makakatulong sa pagpapanatili na malinis ang inyong simbahan.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pamamasyal.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro


ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31-32
Kagamitan: larawan ng mag-anak na namamasyal

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anong araw ang pagsisimba ng mag-anak?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagsisimba ng pamilya?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng mag-anak na masayang namamasyal.
Sabihin: Ito ang pamilya ni Mang Edwin.
Namamasyal sila. Ang sasaya ng mga batang sina Aya at Buboy. Pati na rin ang kanilang mga magulang
na sina Aling Nene at Mang Edwin. Sa parke, nagbisikleta si Aya.
Nagpalipad naman ng saranggola si Buboy.
Tuwang-tuwa sila.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga nasa larawan?
Saan sila papunta?
Bakit sila masaya?
Ano ang ginawa ng mga bata?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pamamasyal ng buong pamilya?
Tandaan:
Ang sama-samang pamamasyal ng buong miyembro ng pamilya ay nakakapagpatibay ng kanilang samahan.
2. Paglalapat:
Ipasadula nang pangkatan ang pamamasyal ng mag-anak.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang masayang mukha kung tama at malungkot na mukha kung mali.
______1. Pupunta ang mag-anak sa mall kaya masaya silang lahat.
______2. Nag-aaway at nag-aagawan sa see-saw ang magkapatid habang sila ay nasa palaruan.
______3. Humiwalay sa magulang habang namamasyal.
______4. Sundin ang mga babala sa pook-pasyalan na pinupuntahan.
______5. Magpabili nang magpabili ng mga nakikitang pagkain kahit busog na habang namamasyal.

V. Kasunduan:
Magtala ng 2 gawain kung paano ka makakatulong sa pagpapanatili na malinis ang inyong simbahan.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagdalo sa kasayahan

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro


ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 191
Kagamitan: larawan ng mag-anak

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Tama o Mali
Makipagkwentuhan sa loob ng simbahan.
Makiisa sa pagdarasal.
Magpalinga-linga para makahanap ng kakilala.
Kumain sa loob ng simbahan.
Magsuot ng maayos na damit kung magsisimba.
2. Pagganyak
Anu-anong okasyon ang nadaluhan nyo na kasama ang inyong pamilya?
Naging Masaya ba kayo? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tugma :
Pagdalo sa Kasayahan
Sa bertdey, kasal o binyagan
Nakikiisa ang pamilya sa pagdiriwang
Lipos ng saya at sigla
Nakikita sa mukha nila.
2. Pagtalakay
Anu-anong kasayahan ang dinaluhan ng mag-anak?
(Hayaang magkwento ang mga bata ng kagayang karanasan.)
Masaya ba ang mag-anak? Paano mo nasabi?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagdalo ng mag-anak sa mga kasayahan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.
2. Paglalapat
Dadalo sa isang kasalan ang iyong Tatay at nanay. Magpupumilit ka bang sumama?
Bakit?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga kasayahang nadaluhan mo na kasama ang iyong pamilya:
_____bertdey
_____kasalan
____binyagan
____pagbabasbas ng bahay
____ reyunion ng pamilya

V. Kasunduan:
Magdala ng isang larawan na nagpapakita ng iyong pagdalo sa isang kasayahan.Humanda sa pagkukuwento
tungkol dito.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagdalaw sa kaanak

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya


Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 193
Kagamitan: larawan ng mag-anak

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-anong mga kasayahan o okasyon ang malimit na dinadaluhan ng buong pamilya?
2. Pagganyak
Mayroon ba kayong kamag-anak sa malalayong lugar?
Paano ninyo sila nakikita o nakukumusta?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula:
Pagdalaw sa Kaanak
Kaanak sa malalayong lugar.
Atin silang dinadalaw
Sila’y di nalilimutan
Pagkat sila’y minamahal.

Atin silang dinadalhan


Ng pagkain, sariwang gulay
May prutas, itlog, at gatas
Upang sila ay lumakas.
2. Pagtalakay
Saan nagpunta ang mag-anak?
Saan sila naroroon?
Anu-ano ang kanilang mga dala?
Para ano/saan ang mga ito?
Ano ang ugaling kanilang ipinakita?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagdalaw ng pamilya sa kaanak sa malalayong lugar?
Tandaan:
Kaanak, kaibiga’y alalahanin
Loob nila’y palakasin
Sakit nila’y gagaling din
Halina, atin silang dalawin.
2. Paglalapat
Sinabi ng nanay na dadalaw kayo sa pinsan mong maysakit sa lalawigan. Matutuwa ka ba?
Bakit?

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Dumadalaw tayo sa kaanak na maysakit para sila ay ( takutin, pagalitin, damayan).
2. Nagdadala tayo ng mga (pagkain, damit, paninda) upang sila ay lumakas.
3. Di natin sila kinalilimutan dahil( mahal, kinaiinisan,
kinaiinggitan) natin sila.
4. (Masaya, Malungkot, Galit) ang mag-anak na sama-samang dumadalaw sa kaanak.
5. Ang mag-anak na dumadalaw sa kaanak ay nagpapakita ng ugaling(maalalahanin, pagkamasipag,
pagkamatapat).

V. Kasunduan:
Nalaman mong maysakit ang lola mo sa probinsiya.
Ano ang gagawin mo para maipakita na mahal mo siya?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pakikiramay sa kaanak

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro


ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 195
Kagamitan: larawan ng mag-anak

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin: Oo o Hindi
Nililibang ko ba ang maysakit?
Nag-aabot ba ako ng kanilang kailangan?
Masaya ba ako sa pakikipag-usap?
Masasaya ba ang aking sinasabi?
Pinalalakas ko ba ang kanilang loob?
2. Pagganyak
Nakasama na ba kayo sa inyong mag-anak sa isang lamayan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula:
Lamayan
Kung may kaanak na namatay
Buong pamilya’y dumadalaw
Nag-aabuloy, naglalamay
Ugaling Pilipino, ang pagtutulungan.
2. Pagtalakay
Saan naroon ang mag-anak?
Anu-ano ang nakikita sa lamayan?
Anu-ano ang ginagawa sa lamayan?
Ano ang abuloy?
Anong ugaling Pilipino ang kanilang ipinakita?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pakikiramay sa kaanak?
Tandaan:
Sa ating pagsasaya
Mag-anak ang kasama.
Sa ating kasawian
Sila rin ang karamay.
2. Paglalapat
Isinasama ka ng nanay mo sa lalawigan dahil may kaanak kayong namatay. Sasama ka ba?
Bakit?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
_____1. Sama-samang nakikiramay sa kaanak ang pamilya upang makipagsaya sa namatayan.
_____2. Nakikiisa sa gawain sa lamayan tulad ng pagdarasal.
_____3. Nanginginain lamang ng mais at butong pakwan.
_____4. Masayang nakikisali sa pagsusugal.
_____5. Nagbibigay ng abuloy o tulong na pinansiyal.
V. Kasunduan:
Nasa lamayan kayo ng pamilya mo. May nakita kang kaklase mo at inaaya ka niyang maglaro ng habulan.
Ano ang gagawin mo?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- Nakapagsasalita

II. Paksang Aralin: Katotohanan


Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I
pah. 81
Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano natin ipinakikita ang ating pakikiramay sa ating mga kaanak na namamatayan?
2. Pagganyak
Ipatukoy sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng kanyang ulo.
Anu-ano ang iba’t ibang bahagi ng iyong ulo?
Ano ang nasa loob ng ating bibig?
Bakit kaya tayo mayroong dila?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula:
Kilala mo ba Ako?
Ako ang batang si Jose Rizal.
Isinilang ako sa Calamba, Laguna.
Mahal ko ang aking bayan.
Pilipinas ang aking bayan.
2. Pagtalakay
Sino ang bata sa maikling kwento?
Saan siya isinilang?
Ano ang kanyang bansa?
Anong kakayahan ang ipinakita niya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?
Tandaan:
Ang tao ay nakapagsasalita.
Sabihin ang iyong nais
Ipaliwanag ang iyong panig.
Magsalita upang malaman ang katotohanan.

2. Paglalapat
Ano ang kaibhan ng tao sa hayop?
Ano ang kayang gawin ng tao na hindi kayang gawin ng hayop?

IV. Pagtataya:
Ikaw ay nakapagsasalita. Alin-alin ang maari mong gawin upang magamit ang iyong kakayahan sa
pagsasalita. Lagyan ng /. X ang hindi.
___1. Pagtsitsismis
___2. Pag-awit
___3. Pagmumura sa kapwa
___4. Pagtula
___5. Pagpuri sa magandang ginawa ng kapwa
___6. Paninira sa iba.
___7. Panlalait
___8. Pang-uuto
___9. Pananalangin
___10. Pakikipagtalo

V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang dila. Isulat sa ibaba.
Maliit kong dila, mag-ingat lagi sa pagsasalita.
Nang hindi ka makasakit ng kapwa.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- nakasasagot

II. Paksang Aralin: Katotohanan


Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 82
Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang kakayahan ng tao na hindi kayang gawin ng mga hayop?
2. Pagganyak
Naranasan na ninyong magpalipad ng saranggola?
Ano ang inyong naramdaman?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isang karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad ninyo.
Hawanin muna ang mga balakid:
- Tore o simboryo
- nangahas
Ang Saranggolang Nasabit
“Isang bata ang nakita kong umiiyak dahil nasabit ang kanyang saranggola sa tore o simboryo ng simbahan.
Inakyat ko iyon at ibinigay sa kanya.” “Bakit ka nangahas na umakyat sa tore ng simbahan?” ang tanong sa akin
ng pari.“Naawa po kasi ako sa batang umiiyak at tinutukso ng mga kapwa bata dahil hindi makuha ang
saranggola,” ang aking sagot.
2. Pagtalakay
Sino ang batang nagsasalaysay sa kwento?
Saan siya umakyat?
Bakit siya umakyat sa tore?
Ano ang sinabi ng pari sa kanya?
Ano ang isinagot ng bata? Paano siya sumagot?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?
Tandaan:
Ang tao ay nakasasagot.
Sabihin ang iyong nais
Ipaliwanag ang iyong panig.
Sumagot upang malaman ang katotohanan.
2. Paglalapat
Lutasin:
Masakit ang iyong ngipin. Binibigyan ka ng kendi ng iyong kalaro. Ano ang iyong sasabihin? Tatanggapin
mo ba ang kendi?Bakit?

IV. Pagtataya:
Bilugan ang tamang sagot.
1. Tinatanong ka ng lolo kung kumain ka na.
Ano ang isasagot mo?
a. oo b. kanina pa c. Opo Lolo
2. Tinatawag ka ng nanay mo. Paano ka sasagot?
a. Bakit ka tawag nang tawag?
b. Ano ba gusto mo sa akin?
c. Andiyan na po nanay.
3. May umutot. Sinabi ng katabi mo na ikaw. Ano ang sasabihin mo?
a. Hindi ako.
b. Baka ikaw tanga!
c. Siguro si __.

V. Kasunduan:
Laging gumamit ng po at opo sa pagsagot.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- nangangatwiran

II. Paksang Aralin: Katotohanan


Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 82
Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka dapat sumagot sa tawag o tanong?
2. Pagganyak
Napalo ka na ba ng nanay o tatay mo? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad
ninyo.Katulad ninyo si Jose ay nakaranas din mapalo ng kanyang ina. Alamin natin kung ano ang dahilan.
Hawanin ang balakid: seda, sinamay maginhawa
Ang Barong Sinamay
Isinuot ni Jose ang damit na seda sa halip na barong sinamay na pambahay. Pinalo siya ng kanyang ina nang
ayaw niyang hubarin ang damit na sedang pansimba.“Bakit ba ayaw mong isuot ang damit na sinamay?” ang
tanong ng kanyang ina.
“Makati pos a balat ang damit na sinamay. Ang seda po ay maginhawa,” ang katwiran ni Jose
2. Pagtalakay
Bakit napalo ng kanyang ina si Jose?
Bakit ayaw niyang isuot ang sinamay?
Paano niya ipinahiwatig ang kanyang pagtutol sa pagsusuot ng ayaw niyang damit?
Maayos ba siyang nangatwiran?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?
Tandaan:
Ang tao ay nakapangangatwiran.
Sabihin ang iyong nais
Ipaliwanag ang iyong panig.
Mangatwiran upang malaman ang katotohanan.
2. Paglalapat
Lutasin:
May nagtapon ng kalat sa sahig. Sabi ng kaklase mo ikaw iyon. Paano ka mangangatwiran sa iyong
guro?

IV. Pagtataya:
Mangatwiran nang maayos upang ipakita ang katotohanan sa bawat sitwasyon.

1. May sinat ka. Inuutusan ka ng nanay mo na maligo ka na.____________________________________


2. Busog ka pa pero pinipilit ka ng ate mo na kumain na.____________________________________
3. Pinatutulog ka na ng kuya mo kaya lang hindi ka pa tapos sa paggawa ng mga assignments
mo.____________________________________
4. Sabi ng katabi mo sa guro kinopya mo ang sagot niya. Hindi naman totoo.__________________
5. Nanalo ka sa laro pero sabi ng kalaban dinaya mo siya.___________________________________

V. Kasunduan:
Mangatwiran nang maayos kung kinakailangan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- nakikinig

II. Paksang Aralin: Katotohanan


Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 82
Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka dapat mangatwiran?
2. Pagganyak
Aling bahagi ng iyong katawan ang tumutulong sa iyo upang marinig ang mga tunog , ingay, huni sa paligid?
Paano kaya kung wala kang kakayahang makarinig?
Masisiyahan ka kaya sa pakikinig sa mga kwento?
Awit: Little ears be careful what you hear.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad
ninyo.Katulad ninyo si Jose ay mahilig din makinig sa mga kwento.
Hawanin ang balakid: asotea, yaya

Sa Asotea
Si Jose ay mahilig making ng mga kwento.Nakinig siya sa mga kwento ng kanyang nanay at yaya.
Sa kanilang asotea, si Jose ay nakinig sa mga kwento tungkol sa aswang, kapre, tiyanak, at mga diwata.
2. Pagtalakay
Ano ang hilig gawin ni Jose?
Sinu-sino ang nagkwento sa kanya?
Saan siya nakinig ng mga kwento?
Anu-anong mga kwento ang kanyang kinahiligan?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?
Tandaan:
Ang tao ay may kakayahang makinig.
Ang pakikinig ay isang paraan
Upang maragdagan ang kaalaman.
2. Paglalapat
Lutasin:
Nagpapaliwanag ang iyong guro tungkol sa bago ninyong aralin. Ano ang dapat mong gawin? Bakit?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga dapat mo lamang na pakinggan. X ang hindi.
___1. Bastos na salita
___2. Awitin
___3. Magagandang kwento
___4. Tula
___5. Pagmumura

V. Kasunduan
Iguhit ang iyong dalawang tenga.Isulat sa ibaba ng iyong drawing. “Little ears be careful what you hear.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- Nakababasa at nakasusulat

II. Paksang Aralin: Katotohanan


Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 86
Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano madaragdagan ang iyong kaalaman?
Ano ang dapat mong gawin kung may nagpapaliwanag o nagsasalita?
2. Pagganyak
Bakit kayo nag-aaral?
Anu-ano ang mga ibig ninyong matutuhan sa paaralan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad
ninyo.Katulad ninyo si Jose ay mahilig din magbasa at magsulat.
Ang Batang Palabasa
Si Jose ay mahilig magbasa. Tatlong taong gulang pa lamang siya ay marunong na siyang bumasa. Ang
kanyang ina ang nagturo sa kanyang bumasa. Ang kanyang ina ang una niyang guro. Nais pa niyang magbasa
kaysa maglaro.
Ang Manunulat
Maliit pa lamang si Jose ay marunong na siyang sumulat. Sumulat siya ng mga tula, dula-dulaan, at mga
kwento sa wikang Tagalog at Kastila.
2. Pagtalakay:
Ano ang hilig ni Jose?
Ilan taon siya nang matutong bumasa?
Sino ang kanyang unang guro?
Anu-ano ang hilig niyang isulat?
Anu-anong wika ang gamit niya sa pagsulat?
3. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?
Tandaan:
Ang tao ay may kakayahang magbasa at magsulat.
Ang pagbabasa at pagsusulat ay mga paraan
Upang maragdagan ang kaalaman.
4. Paglalapat
Lutasin:
A. May pinababasa sa inyong babasahin ang iyong guro. Inaaaya kang maglaro ng kalaro mo. Ano ang
gagawin mo?
B. May sulatin kayo. Dinadaldal ka ng katabi mo. Ano ang gagawin mo para matapos ka sa itinakdang
oras ng guro?
IV. Pagtataya:
Sagutan ang tseklis.
Lagyan ng / ang iyong sagot.
Palagi Minsan Gagawin 1. Nagbabasa ba ako
ng aking aklat?
2. Mabilis ba akong
sumulat?
3. Maayos at malinis
ba ang aking pagsulat?
4. Nakatatapos ba ako
sa takdang oras?
5. Tama ba ang aking mga
gawa?

V. Kasunduan: Isaulo ang tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- Nagmamano o humahalik bilang pagbati

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya


Aralin: Pagmamano/Paghalik bilang Pagbati
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 90-91
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga natutuhan ninyo sa paaralan?
2. Pagganyak
Paano ninyo binabati ang inyong magulang kung dumarating kayo sa bahay?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
“Mano po, Itay, mano po, Inay,” pagbati ni Mae pagdating niya galing sa paaralan.
“Kaawaan ka ng Diyos. Magpapakabait ka sana,” halos sabay na wika ng kanyang ama at ina.
Pagkaumaga bago siya pumasok sa paaralan ay humahalik naman siya sa kanila habang nagpapaalam.

2. Pagtalakay:
Ano ang ginagawa ni Mae pagdating niya mula sa paaralan?
Ano ang sagot sa kanya ng kanyang mga magulang?
Bago siya umalis ng bahay, ano naman ang ginagawa niya?
Mabuti ba ang kaugaliang ginagawa ni Mae?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang?
Tandaan:
Ang pagmamano o paghalik ay magalang na paraan ng pagbati na dapat nating ugaliin.
4. Paglalapat
Ipakita sa klase ang iba pang paraan ng pagbati sa magulang/nakatatanda.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
A. Dumalaw kayo sa lolo at lola mo sa probinsiya. Sabik na sabik sila na makita kayo. Paano mo sila babatiin
upang ipakita na nasasabik din kayo sa kanila.
B. Nasa handaan kayo. Nakita mo doon ang tita mo. Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan:
Isaulo ang tula.

Humanda sa pagtula sa harap ng klase bukas.


Mga magulang ay batiin.
Sa umaga pagkagising.
Ang pagpapaalam
At paghalik sa kamay
Tanda ng batang
Tunay na magalang.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- Nagsasabi/humihingi ng pahintulot kung aalis ng bahay.

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya


Aralin: Pagsabi/Paghingi ng Pahintulot Kung Aalis ng Bahay
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 92-93
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ninyo babatiin ang inyong magulang/nakatatanda?
2. Pagganyak
Nagpapaalam ka ba kung may nais kang puntahan? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
“Kring, Kriiing,” ang narinig sa telepono. “Hello, magandang umaga . Sino ito?
Ah, ikaw pala. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?” sagot ni Mark.
“May kaunting salu-salo sa bahay mamayang hapon pagkatapos ng klase. Inaanyayahan kita,” wika ni
Ian. “Salamat sa paanyaya mo.
Hayaan mo’t magpapaalam ako sa inay at itay ko.
Nagpaalam nga si Mark sa kanyang itay at inay. “Mag-iingat ka lamang, Anak. Ihahatid kita at
susunduin,” wika ng kanyang itay.

2. Pagtalakay:
Sino ang tumawag sa telepono?
Ano ang pakay ng tumawag?
Ano raw ang mayroon kina Ian?
Ano ang nagging sagot ni Mark?
Ano ang masasabi mo sa ugali ng dalawang bata?
Ikaw, nagpapaalam ka ba sa tatay at nanay mo bago ka umalis ng bahay?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang?
Tandaan:
Magsabi/humingi ng pahintulot kung aalis ng bahay.
4. Paglalapat
Pangkatang Pagsasadula ng Dayalogo.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Kinukumbida o inaanyayahan ka ng kaklase mo sa kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa bahay.
Paano ka magsasabi o hihingi ng pahintulot kung aalis ka ng bahay?

V. Kasunduan:
Isulat ang iyong sagot.
Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan upang tumulong sa paglilinis ng silid-aralan. Paano ka
magpapaalam sa iyong magulang?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- Tumatayo kapag may panauhin sa silid-aralan

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya


Aralin: Pagtayo Kapag May Panauhin sa Silid-Aralan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 94-95
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat mong gawin bago ka umalis ng bahay? Bakit mahalaga na magpaalam bago umalis?
2. Pagganyak
May bumibisita ba sa inyong silid-aralan?
Ano ang ginagawa ninyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Isang araw, pumasok ang punungguro sa silid-aralan ng mga batang nasa unang baitang.
Sabay-sabay na tumayo ang mga bata at magalang na nagsabi, “Magandang umaga po Gng. Salonga.”
“Magandang umaga naman,” nakangiting sagot ng panauhin.
Gayon ang ginagawa ng mga bata kapag may dumadating na magulang, punongbayan at iba pang
panauhin na dumadalaw sa kanila.

2. Pagtalakay:
Sino ang pumasok sa silid-aralan?
Ano ang ginawa ng mga bata pagkakita sa panauhin?
Natuwa kaya sa kanila ang panauhin? Bakit?
Ano ang mabuting kaugalian na ipinakita ng mga mag-aaral sa unang baitang?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa panauhin?
Tandaan:
Tumayo bilang paggalang kung may panauhing pumapasok s silid-aralan.
4. Paglalapat
Pangkatang Pagsasadula .

IV. Pagtataya:
Lutasin:
1. Abalang-abala sa pagbabasa ang mga bata nang biglang dumating si Dr. Edna Santos Zerrudo.Ano ang dapat
gawin ng mga bata?
2. Pinaupo sila ng panauhin . Ano kaya ang dapat nilang sabihin?
3. Kinamusta sila. “Kumusta kayo mga bata? Ano ang dapat nilang isagot?

V. Kasunduan:
Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- Gumagamit ng magagalang na pananalita tulad ng “po” at “Opo”

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya


Aralin: Paggamit ng Magagalang na Pananalita Tulad ng Po at Opo
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 96-97
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Balik-aral
Paano mo ipakikita ang paggalang sa panauhin na dumadalaw sa inyong silid-aralan?
2. Pagganyak
Paano ka makipag-usap sa matanda sa iyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Isang umaga, nagpunta si Aling Cely sa bahay nina Liza.
“Tuloy po kayo, Aling Cely, “ paanyayang wika ni Liza. “Salamat, Liza. Nariyan ba ang nanay mo?”
tanong ni Aling Cely.
“Opo, naroroon po sa kusina at nagluluto.
Sandali lamang po at tatawagin ko,” ang sabi ni Liza.
“Inay! Inay! May bisita po kayo. Narito po si Aling Cely,” ang sabi ni Liza.
2. Pagtalakay:
Sino ang pinatuloy ni Liza?
Sino ang kailangan niya?
Ano ang ginawa ni Liza?
Anu-anong magagalang na salita ang ginamit ni Liza?
Gayon ka rin ba kapag nakikipag-usap?
Ano ang iyong nadarama?
Ano kaya ang madarama ng iyong kausap?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa nakatatanda sa iyo?
Tandaan:
Gumamit ng magagalang na pananalita tulad ng po at opo bilang paggalang.
4. Paglalapat
Pagbigkas sa Tula.
Ang Po at Opo
Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko
Maging magalangin mamumupo ako.
Kapag kinakausap ng matandang tao
Sa lahat ng lugar sa lahat ng dako.

Pag ang kausap ko’y matanda sa akin,


Na dapat igalang at dapat pupuin
Natutuwa ako na bigkas-bigkasin
Ang po at Opo ng buong paggiliw.

IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “ Kumain ka na ba Kevin,” ang tanong ng lolo.
a. hindi pa bakit? b. Opo c. oo, kakain ko lang
2. Sa iyo ba ang payong na ito, Jilliane?
a. Akin yan. b. Oo nga c. Opo, akin yan
3. May kapatid ka ba, Ben?
a. wala b. Meron po. c Bakit mo tinatanong?
4. Ikaw ba ang nagtapon ng basura?
a. Opo b. Hindi c. Ako nga, bakit?
5. Tapos na ba kayong kumopya sa pisara? Tanong ng guro.
a. Hindi pa, Ma’am b. Oo, tapos na c. Opo, Ma’am.
V. Kasunduan:
Isaulo ang tula na “Po at Opo”

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
- Sumasagot nang katamtamang ang boses

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya


Aralin: Pagsagot nang Katamtamang ang Boses
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 98
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Balik-aral
Anong magagalang na pananalita ang ginagamit sa pakikipag-usap sa nakatatanda?
2. Pagganyak
Paano kang sumasagot kung may tumatawag sa iyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Nasa kasarapan ang pakikipaglaro ni Jaysa kanyang mga kaibigan. Maya-maya’y…
Jay! Jay! Nasaan ka? Kailangan kita rito,”Tumakbo siyang pauwi. Nakita niya ang kanyang inang
abalang-abala. Sinabi niya,
“Pasensiya na po, Inay, tutulungan ko na po kayo, “ magalang na sabi ni Jay.
2. Pagtalakay:
Ano ang ginagawa ni Jay nang tawagin ng nanay niya?
Bakit siya tinatawag ng nanay?
Ano ang ginawa ni Jay?
Tama ba ang ginawa ni Jay? Bakit?

3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang? Paano ka sasagot sa tawag?
Tandaan:
Sumagot sa katamtamang boses.
4. Paglalapat
Magkunwaring tinatawag sa laruan ang bawat mag-aaral.
Paano kayo sasagot?

IV. Pagtataya:
Kung ikaw si Jay, paano mo ssagutin ang iyong ina? Isagawa
.
V. Kasunduan:
Isaulo ang tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-sampung Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi ng mag-anak.
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121; Teaching Guide ph.14; ESP- Pupils’
Activity Sheets pah. 45; Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I; pah. 144-145; Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I
pah. 175-177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka dapat sumagot kung tinatawag ka?
2. Pagganyak
Naranasan mo na bang magtampo o sumama ang loob sa kapatid o sa magulang mo?
Ano ang ginawa mo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Tena, Maligo Tayo
Nagluluto sa kusina si Aling Mercy nang marinig niya ang malakas na iyak ni Tepen. Pinuntahan niya ito sa sala
upang tingnan kung ano ang nangyari. Ganito ang kanyang nakita at narinig.“Ang baho mo naman, Tepen! Di ka yata
naliligo,” ang sabi ng ate. Lalong lumakas ang iyak ni Tepen. “Waa! Waa! Waa!“Halika, maligo tayo nang bumango
ka.” Sabi ng ate.“Opo, ate.” Ang sagot ni Tepen.
Pagkatapos maligo, “Ang bango mo na Tepen, maligo ka lagi, ha?” sabi ng ate.“Opo, ate. Salamat ha?” ang sabi
naman ni Tepen.Natuwa si Aling Mercy sa narinig.“Ganyan nga, anak. Iwasan mo sana na makasakit ng damdamin ng
kapatid mo.”Ang wika ng nanay.“Opo, inay tatandaan kop o lagi.” Sabi ng ate.
2. Pagtalakay:
Bakit umiiyak si Tepen?
Sino ang nagsabi na mabaho siya?
Bakit daw mabaho si Tepen?
Ano ang ginawa kay Tepen ng ate niya?
Ano ang nangyari pagkatapos paliguan si Tepen?
3. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kaanak?
Tandaan:
Ang dila ay hindi tabak
Subalit nakakasugat
Kaya dapat na maingat
Ng sa damdami’y di maitarak.
Salitang nasabi na natin
Hindi na pwedeng bawiin
Lalo at masakit ang dating
Dulot ay problema sa atin.
4. Paglalapat
Pagpasiyahan mo:
Tama ba na sabihin kay Tepen na mabaho siya? Bakit?
Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Tepen ng sabihan siya ng ate na mabaho?
Ano naman ang naramdaman niya nang sabihan siya na mabango?
Bakit hindi dapat saktan ang damdamin ng isang kasapi ng pamilya?
Paano maiiwasang masaktan ang damdamin ng kasapi ng pamilya?
IV. Pagtataya:
Ano ang dapat gawin upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kasapi ng pamilya? Bilugan ang titik ng tamang
sagot
1. Natalo sa paligsahan sa Matematika ang ate mo.
a. Pagtatawanan mo siya.
b. sisihin mo siya
c. sasabihin mong pagbutihin na lang sa susunod.
2. Napalo si Ramon ng Tiya Lorie mo. Ano ang sasabihin mo?
a. “Beh, buti nga.”
b. “Huwag ka na lang uulit ha?”
c. “Sumigaw ka at umiyak”
3. Pinunit ng kapatid mong maliit ang aklat mo.
a. Itapon ang aklat.
b. Isusumbong kay nanay.
c. Sasabihan na huwag ng ulitin ang kanyang ginawa.
4. Sa inyong magkakapatid, ang ate mo ang kayumanggi ang balat.
a. sasabihan mo na baluga siya.
b. sasabihin mong pinaglihi kasi siya sa uling
c. sasabihin mong iyon ang tunay na kulay ng mga Pilipino.
5. Ginamit ng kuya mo ang krayola mo sa proyekto niya.
Wala ka kaya din a niya naipagpaalam sa iyo.
a. Mag-iiyak ka.
b. Sasabihin mong “Pakialamero siya”
c. okey lang kuya gamitin mo kung kailangan mo.
V. Kasunduan: Lutasin:
Nabangga ka ng nagtatakbuhang mga bata.
Ano ang gagawin mo? Sisigawan mo ba sila? Bakit?
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-sampung Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng iba pang kasapi ng mag-anak.

II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba


Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145;Teaching Guide ph.14;
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145; Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin: Tama o Mali
1. Nakakuha ng sero sa test ang ate mo kaya tinukso mo siya.
2. Napagalitan ng tatay ang kuya. Dinilaan mo pa siya.
3. Sinabihan mo ng “tanga” ang kapatid mo nang matapon ang hawak na tinapay.
4. Sinabihan mong mabaho ang lola dahil hindi siya naliligo.
5. Iniiwasan mong saktan ang damdamin ng kasapi ng pamilya mo.
2. Pagganyak
Awit: Little Tongue Be Careful What You Say
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Laging magkasabay sa pagpasok si Mara at ang pinsan niyang si Clara. Mahirap lamang si Clara kaya
nakatira ito sa kanila. Hindi siya makapagdala ng baon para sa rises. Isang araw, ayaw niyang tanggapin ang
ipinipilit ni Mara na hatian siya ng kanyang baon. “Sige na, tanggapin mo na ang tinapay na ito. Talagang
dinala ko ito para sa iyo.”
“Salamat sa mga inihahati mong pagkain sa akin. Subalit ngayon ay huwag mo na akong hatian. Busog pa
ako,” ang pagtanggi ni Clara.
2. Pagtalakay:
Mabait bang bata si Mara? Bakit mo nasabi?
Bakit kaya noong araw na yaon ay ayaw tanggapin ni Clara ang ibinibigay ni Mara?
Sino sa dalawa ang dapat mong gayahin o tularan? Bakit?
3. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kaanak?
Tandaan:
Ang dila ay hindi tabak
Subalit nakakasugat
Kaya dapat na maingat
Ng sa damdami’y di maitarak.
Salitang nasabi na natin
Hindi na pwedeng bawiin
Lalo at masakit ang dating
Dulot ay problema sa atin.
4. Paglalapat
Ipasadula ang usapan nina Mara at Clara.

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung wastong gawi at X kung hindi.
___1. Laging pinipintasan ni Ben ang mga gawa ng ate niya.
___2. Nag-iingat si Charo sa pagsasalita dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng sinuman.
___3. Pinagtatawanan ni Loida pag nagkakamali ang pinsan niya.
___4. Laging tinutukso ni Ana ang kapatid na payat at sakitin.
___5. Magagandang salita lamang ang sinasabi ni Beth para hindi siya makasakit ng damdamin
V. Kasunduan: Lutasin:
Nakita mo na tinutukso at pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang isang batang pilay. Ano ang gagawin mo?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto
ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-sampung Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kapwa.
- Iniiwasang sumagot kung hindi tinatawag
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Di sinasadya
Ikaw ay nasaktan
Paglakad ng kuya
Paa mo’y natapakan.
Magagalit ka ba sa kuya mo?
Magbibitiw ka ba ng mga masasakit na salita dahil nasaktan ka? Bakit?
2. Pagganyak
Nakaranas ka na bang makasali sa isang paligsahan tulad ng pabilisan sa pagsagot? Masaya ba ang naging
karanasan mo? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
3. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Isang paligsahan ang idinaos ng guro sa unang baitang.Magkalaban ang pangkat ng mga lalaki at mga
babae. Tumawag siya ng dalawang manlalaro sa mula sa dalawang pangkat ng mga mag-aaral.
Bago simulan ang kontes ay mahigpit na ipinaalala ng guro na walang magtuturo o magbibigay ng sagot
mula sa mga batangmanonood. Nagsimulang magtanong ang guro subalit ng hindi masagot ng kasama ni
Kevin sa pangkat ang tanong ng guro, bigla siyang sumigaw at sinabi ang tamang sagot. Nagalit ang guro sa
ginawa ni Kevin at itinigil ang laro.
4. Pagtalakay:
Bakit itinigil ng guro ang kanilang laro?
Tama ba ang ginawa ni Kevin?
Ano ba ang mahigpit na ipinagbilin ng guro na huwag gagawin ng mga manonoood?
Nasaktan kaya ni Kevin ang damdamin ng kanyang guro? Bakit?
Anong ugali ang ipinakita ni Kevin?
Gagayahin ninyo ba siya? Bakit?
5. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kapwa?
Sasagot ka ba kung hindi ka naman tinatawag?
Tandaan:
Iwasan ang sumagot kung hindi tinatawag.
6. Paglalapat
Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Tinawag ng guro ang katabi mo para sagutin ang tanong niya tungkol sa aralin na itinuro niya kahapon. Hindi
makasagot ang katabi mo pero alam mo ang sagot.
Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan:
Hintayin muna na tawagin ang iyong pangalan bago sumagot nang hindi makasakit ng kapwa mo.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-sampung Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi ng pamilya.
- Gumagawa nang tahimik upang hindi makaabala sa iba.
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo maiiwasang masaktan ang damdamin ng kapwa mo?
2. Pagganyak
Sino ang tumutulong sa iyo kung mayroong kang mga takdang-aralin?
Nakagagawa ka bang mag-isa? Paano?
B. Panlinang na Gawain
2. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Magkakasama sa silid ang magkakapatid na Liza, Leny at Tina. Gumagawa sila ng kanilang mga takdang-
aralin sa paaralan.
Si Tina na pinakabunso sa magkakapatid ay pinilit na tahimik niyang gawin mag-isa ang kanyang mga
gawain dahil alam niyang abala sa pag-aaral ang kuya at ate para sa kanilang pagsusulit.
3. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan sila gumagawa ng kanilang takdang-aralin?
Bakit tahimik na ginawa ni Tina ang kanyang mga gawain?
Tama ba ang ginawa niya? Sa palagay mo ba nakatulong siya sa mga kapatid niya?
4. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kapwa?
Paano ka gagawa upang hindi makaabala sa iba?
Tandaan:
Gumawa nang tahimik upang hindi makaabala sa iba.
5. Paglalapat
Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Binigyan kayo ng inyong guro ng pangkatang gawain.
Paano kayo gagawa nang hindi nakaaabala sa ibang kasapi ng ibang pangkat?

V. Kasunduan:
Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-sampung Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kapwa.
- Iniiwasang sigawan ang kasambahay o katulong sa bahay.

II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba


Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 46
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka gagawa nang hindi nakakaabala sa iba?
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang may yaya?
Paano kayo natutulungan ng inyong yaya?
Iginagalang ba ninyo ang inyong yaya? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Mayaman ang pamilya ni Ellen. Malaki ang kanilang bahay. Maganda ang trabaho ng kanyang ama at ina.
Mayroon silang kasambahay na si Aling Belen. Matanda na si Aling Belen pero kung utusan at sigawan ito ni
Ellen ay akala mo kasing-edad lamang niya ito. Minsan, narinig siya ng kanyang ate at pinagsabihan siya na
mali ang kaasalang ipinakikita niya sa kanilang kasambahay.
Nagalit pa si Ellen sa ate niya at sinabi na “katulong lamang naman kasi si Aling Belen”.
2. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Paano itrato ni Ellen ang kanilang kasambahay?
Tama ba ang ginagawa niya sa matanda?
Anong ugali ang ipinakita ni Ellen?
Gagayahin ba ninyo siya? Bakit?
Sa palagay mo ba nasasaktan ni Ellen ang damdmin ni Aling Belen sa pagsigaw niya dito?
3. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kapwa?
Paano ka mag-uutos sa iyong kasambahay?
Tandaan:
Iwasang sigawan ang kasambahay o katulong dahil sila man ay may damdamin ding marunong masaktan.
4. Paglalapat
Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Nanonood ng TV si Lorie. Inutusan niya ang kasambahay na si Chary na ikuha siya ng merienda. Hindi agad
nakasunod ang kasambahay dahil abala siya sa ginagawa niya. Biglang sinigawan ni Chary si Lorie. Tama ba
ang kanyang ginawa? Bakit?

V. Kasunduan:
Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

You might also like