You are on page 1of 2

DE LA SALLE LIPA

COLLEGE OF EDUCATION, ARTS, AND SCIENCES


Languages and Literature Area

PANUNTUNAN SA PAGSULAT
Literary Synthesis Essay

2nd Semester, AY 2020 – 2021

Deskripsyon ng Gawain:

Ang gawaing ito ay bahagi nang pinal na kahingian para sa kursong ito na sakop ang
talakayan ukol sa teorya at mga paraan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Ito ay
katumbas nang 20 puntos na bubuo sa kabuuang iskor na 100.

Ang gawaing ito ay indibidwal at ang bawat mag-aaral ay inaasahang makasusulat nang
kanilang sanaysay na naglalaman ng sintesis ng mga pagsusuri ng isang akda na kanilang
mapipili.

Ang bawat mag-aaral ay kinakailangang makapagsumite rin ng literary synthesis template na


naglalaman ng mga detalye kaugnay sa mga pagsusuring nabasa (Sumangguni sa sipi ng
template na kalakip ng panuntunang ito.) Ang template na ito ang magiging batayan para sa
ika – anim na formative na pagtataya na katumbas nang 20 puntos (formative assessment 6).

Bilang bahagi ng pagtalima sa pangkalahatang panuntunan kaugnay sa ating academic policy,


ang anumang isusumiteng proyekto na plagyarismo ay awtomatikong hindi makakakuha ng
kaukulang puntos.

Layunin:

1. Madebelop ang antas nang kritikal na pag-unawa ukol sa iba’t ibang teoryang
pampanitikan at sa mga paraan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga literary review kaugnay nang napiling akda

2. Makasulat ng isang pahinang sanaysay na naglalaman ng synthesis ng mga


pagsusuring nabasa gamit ang wastong kombensyon sa akademik na pagsulat.

Panuntunan:

1. Ang bawat mag-aaral ay pipili ng teksto (o akdang pampanitikan) na hahanapan niya


nang paglalapat ng tatlong (3) pagsusuri gamit ang iba’t ibang teoryang pampanitikan.

2. Sumangguni sa sipi ng mga pagpipiliang akda.

3. Matapos mabasa ang napiling akda ay sisikaping makabuo ng sariling interpretasyon.


4. Kinakailangang makahanap ng 3 pagsusuri ukol sa napiling akda. Babasahin ang mga
ito nang may pag-unawa at sisikaping makabuo ng sariling pahayag na tesis na
magiging batayan ng kanyang pagtalakay sa sintesis essay.

5. Pupunan muna nang angkop na mga detalye ang template o matrix at mula dito ay
bubuo ng pahayag na tesis.

6. Sumangguni sa sumusunod na link para sa talakay ukol sa pagsulat ng synthesis


essay: https://essaypro.com/blog/synthesis-essay#synthesis

7. Sumangguni sa sipi ng rubrik para sa krayteriya sa pagbibigay ng puntos.

Format:

1. Ang sanaysay ay kinakailangang 1 pahina lamang at binubuo ng tatlong pangunahing


bahagi: introduksyon, katawan (gitna), kongklusyon.

2. Sundin ang mga sumusunod na karagdagang format: Font Size: 11’; Font style: Times
New Roman; 1.5 spacing; Margin: 1’ all sides; copy paper A4

3. Sumangguni sa rubrik para sa kaukulang ispesipikasyon ng pagmamarka.

You might also like