You are on page 1of 1

Buod, hawig at presi

BUOD PRESI HAWIG


(Summary) (Presi) (Paraphrase)
Pinaikling bersyon ng teksto Pinaikli “ibang paraan ng pagpapahayag”

Pinipili ang pinakamahalagang Ito ang buod ng buod. Ang hawig ay inilalahad sa isang
ideya at sumusuportang detalye o bagong anyo o estilo
datos
Tinutukoy agad sa buod ang Higit itong maikli kaysa sa buod at Isa itong paraan upang hindi laging
pangunahing ideya o punto halos ang pinakatesis ng buong sumisipi.
kaugnay sa paksa akda ang inilalahad.
Hindi inuulit ang mga salita ng may Ito ang pinaikling buod ng Ipinahahayag sa sariling
akda; bagkus ay gumagamit ng mahahalagang punto, pahayag, pangungusap ang mga
sariling pananalita ideya, o impormasyon pangunahing ideya ngunit
nagkakaiba sa pinipiling pahayag
at hindi dapat lumilihis sa
pangunahing punto ng may-akda.
Inihahalili sa mga salita ng may Wala itong mga elaborasyon, Mas detalyado at dinamiko kaysa
akda ang mas pangkalahatang halimbaw o ilustrasyon sa orihinal
termino

Buod ng 12 pahinang artikulo ni Dante Ambrosio “Wika, Astronomiya, Kultura: Kulturang Pilipino sa
mga Katawagang Astronomiko”, nasa “Mga Piling Diskusrso sa Wika at Lipunan, Constantino, P at M.
Atienza. 1996)

Sa Pilipinas, hango sa dayong pananaw ang pag-aaral ng astronomiya. Dahil dito, hindi natin
natutunton ang sarili nating kabihasnan at ang kulturan Pilipino na mapatutunayan ng
mayayamang termino ng mga ninuno ukol sa kalikasan, sa konstelasyon sa particular. Sa
katunayan, ang iba’t ibang grupo sa Pilipinas ay may mga katawagan sa lahat ng bahagi ng
mundo at ang mga ito ay hindi magkakalayo sa isa’t isa. Gayundin, ang iba’t ibang bansang
kabilang sa wikang Austronesya ay may hawig ding mga termino. Tunay ngang repleksyon
ng kultura at kabihasnan ang wika. Ang paraan ng pamumuhay, pag- iisip, pagdedesisyon sa
mga Gawain, pati ang mga oral na panitikan at kaalaman, ay masasalamin sa mga salitang
astronomikong gamit ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong
upang maintindihan ng mga Pilipino ang kanilang sarili, komunidad, at bansa kung pag-
aaralan lang sana ng mga mag-aaral.

Halimbawa ng presi:

Presi A

Mahalagang masuri at mapag-aralan ang mga mag-aaral na Pilipino ang mga katawagang
astronomiko ng mga sinaunang Pilipino na ang iba’y ginagamit pa sa kasalukuyan. Mula rito,
mahahango ang paraan ng pamumuhay ng mga ninuno natin at ang malapit na relasyon sa
kalikasan ng mga pamayanan noong unang panahon.

Presis B

Mahalagang masuri at mapag-aralan ng mga mag-aaral na Pilipino ang mga katawagang


astronomiko ng mga sinaunang Pilipino na ang iba’y ginagamit pa sa kasalukuyan.
Mahahango mula rito ang paraan ng pamumuhay ng mga ninuno natin at ang malapit na
relasyon sa kalikasan ng mga pamayanan noong unang panahon. Pinatutunayan lamang nito
ang katotohanan ng paniniwala ng mga iskolar ukol sa kaugnayan ng wika, kultura, at
lipunan.

You might also like