You are on page 1of 1

Gabay na mga katanungan sa pagbuo ng proposal o panukalang pananaliksik

Panimula

 Ano ang iyong paksa?


 Ano ang iyong layunin sa pagsasaliksik ng nasabing paksa?
 Ano ang pangkalahatang layunin ng iyong proposal o panukala?
 Ano ano naman ang mga ispesipikong layunin nito? Maglahad ng 3.
 Ano ang magiging saklaw ng pag-aaral? (Ano ang sakop ng pag-aaral na gagawin
mo kaugnay sa paksa at sa nabuong pamagat ng iyong proposal?)
 Ano ang kahalagahan ng paksa na iyong napili para sa isasagawang pananaliksik?
(Research priority area)
 Ano ang posibleng kontribusyon ng pag-aaral sa lipunan at sa disiplinang iyong
kinukuha?
 Sa paanong paraan matutugunan ng iyong pananaliksik ang pangangailangan ng
iyong komunidad na kinabibilangan?

Mga Kaugnay na Pag-aaral

 Anong mga pananaliksik ang naisagawa na kaugnay sa paksang iyong napili?


 Anong mga datos ang nailahad na ng ibang mayakda kaugnay dito.
 Ano anong mga resulta ng pananaliksik ang iyong natunghayan kaugnay sa
paksa? May natunghayan ka bang pagkakapareho o pagkakaiba? Sikaping
mailahad ito.
 Anong “gap” ang iyong nakita mula sa mga akda at kaugnay na literatura na
nabasa mo?

Metodo / Pamamaraan ng pananaliksik

 Anong pamamaraan ng pangangalap ng datos ang iyong isasagawa?


(observation, interviews, document analysis, focus group, photography and
video, etc.)?Ilarawan kung paano ito isasagawa.
 Sino – sino ang mga magiging kasangkot sa iyong pag-aaral?
 Ano ang magiging setting o lugar na sakop ng iyong paksang napili?
 Anong pamamaraan nang pag-aanalisa ng datos ang iyong gagamitin

Implikasyon ng pag-aaral

 Ano ang inaasahang tunguhin ngi yong proposal?


 Ano ang magiging kontribusyon nito sa disiplina at erya na iyong napili mula sa
ating institutional research agenda/ research priority area/s?
 Ano ang nakikita mong magiging limitasyon ng iyong pag-aaral na maaaring
matugunan sa mga susunod na isasagawang pananaliksik na kaugnay sa iyong
paksa? 

You might also like