You are on page 1of 2

PAGSULAT NG PROPOSAL PANANALIKSIK

(Capstone Assessment_Disifil)
1st Semester_AY 2022-2023

Deskripsyon ng gawain:

Bahagi ng Capstone Assessment para sa kursong Disifil ang pagbanghay ng isang proposal
gamit ang mga gabay na panuntunan sa pagsulat. Partikular, ang proposal ay inaasahang
tutugon sa isa sa mga research priority areas ng Institusyunal na Saklaw Pampananaliksik
(Institutional Research Agenda). Gayundin, inaasahan na ang mapipiling paksa at erya ay
tutugon sa pangangailangan at tunguhin ng komunidad na kanilang kinabibilangan.

Layunin ng gawain:

Ang gawaing ito ay naglalayon na makamit ang mga sumusunod:


1. Makabuo at makasulat ng isang proposal pananaliksik na nakatuon sa research
priority erya ng institusyon at tumutugon sa pangangailangan ng komunidad na
kanilang kinabibilangan
2. Makapaglahad ng komprehensibong pagtalakay sa napiling paksa gamit ang mga
gabay na research proposal template
3. Matukoy ang “gap” sa pananaliksik at makapaglahad ng mga kaugnay na literatura
kaugnay sa napiling paksa
4. Makapili ng mga lehitimong sanggunian para sa isasagawang proposal
5. Matalakay nang komprehensibo ang mga kaugnay na pag-aaral ng napiling paksa

Pangkalahatang Panuntunan
1. Ang proyektong ito ay bahagi ng pinal na kahingian sa kursong Disifil at katumbas ng
30 puntos na bubuo sa kabuuang iskor na batayan ng magiging pagmamarka.
2. Sumangguni sa kalakip na rubrik para sa specifications ng pagtataya.
3. Ang pananaliksik proposal ay nararapat na 1-2 pahina lamang.
4. Ito ay indibidwal na gawain at matutunghayan sa pagkatapos ng ika-apat na modyul.
5. Ito ay naglalaman ng mga sumusunod na sangkap:
a. Pagtalakay sa paksa at pagtukoy sa pangkalahatan at mga tiyak na suliranin
b. Pagtalakay sa research priority area na napili at ang paglalapat nito sa
pangangailangan at tunguhin ng komunidad na kinabibilangan
c. Paglalarawan at buod ng mga kaugnay na literaturang nakalap kaugnay sa
napiling paksa
d. Paglalarawan sa metodolohiyang gagamitin ganoondin ang etika na
ikokonsidera sa pananaliksik
e. Mga sanggunian na ginamit (5 o higit pa)
6. Narito ang format sa pagbuo ng proposal:
a. A4 size
b. 1.15 spacing
c. 2 pahina kasama na ang listahan ng sanggunian
d. 1” margin all sides
e. APA 6th edition para sa istilo ng dokumentasyon at bibliograpiya

You might also like