You are on page 1of 11

Mga Salik…222

Mga Salik…111

PAKSA: ARALIN 5-PAGKONSUMO: MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO


ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN 9
LAYUNIN: PAGKATAPOS MAPAKINGGAN ANG EPISODE NA ITO, ANG MGA MAG-AARAL NG GRADE 9
ARALING PANLIPUNAN AY INAASAHANG MAKAPAGSUSURI SA MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
PAGKONSUMO.
TAGASULAT NG SENARYO: ELNOR MAE M. BARASBARAS
NUMBER TIME TECHNICAL SPIEL
LINE INSTRUCTIONS
00:00 – 03:00 BIZ: INSERT SOA
1 PROGRAM ID

2 03:01 – 03:06 BIZ: MSC UP FOR


5 SECS AND FADE
UNDER

3 03:07 – 03:12 HOST: MAGANDANG ARAW SA MGA GINIGILIW


NAMING MAG-AARAL NG IKA-SIYAM NA BAITANG!
4 03:13 – 03:20 ITO ANG INYONG PAARALANG PANGHIMPAPAWID
SA ARALING PANLIPUNAN! NAGAGALAK KAMI NA
MAKASAMA KAYO SA ATING PAG-AARAL SA
PAMAMAGITAN NG RADYO.
5 03:21– 03:26 AKO ANG INYONG LINGKOD, MR. RONNIE JAVA
MULA SA ESCALANTE NATIONAL HIGH SCHOOL.
6 03:27– 03:30 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
7 03:30– 03:40 HOST: SIGURUHIN NINYONG KAYO NGAYO’Y
NASA ISANG KOMPORTABLENG LUGAR AT
MAAYOS NA NAKIKINIG NG ATING BROADCAST.
MATANONG KO LANG… KUMAIN NA BA KAYO?
(PAUSE)
8 03:41– 03:51 MABUTI KUNG MAY LAMAN ANG INYONG MGA
TIYAN UPANG MAGING ALERTO ANG INYONG
PAG-IISIP AT MAAYOS NA MAUNAWAAN ANG
ATING ARALIN NGAYONG ARAW.
9 03:52– 03:55 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)

10 03:56– 04:04 HOST: SA PUNTONG ITO, NAIS KONG KUNIN


NINYO ANG INYONG LEARNING ACTIVITY SHEET
PARA SA LEKSYON UKOL SA MGA SALIK NA
NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO.
11 04:05 – 04:15 INUULIT KO, ANG LEKSYON NATIN NGAYO’Y
TUNGKOL SA MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
PAGKONSUMO. SIGE, KUNIN NINYO NA ANG
INYONG LEARNING ACTIVITY SHEET!
12 04:16 – 04:19 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
13 04:20 – 04:25 HOST: NGAYON AY HANDA NA TAYO PARA SA
PANIBAGONG ARALIN! GAME NA BA KAYO?
(PAUSE)
14 04:26 – 04:31 KUNG KAILANGAN NINYONG MAGBANYO, GAWIN
N’YO NA ITO NGAYON DAHIL SA ILANG SAGLIT
LANG AY SISIMULAN NA NG ATING GURO ANG
BAGO NATING LEKSYON!
15 04:32 – 04:37 BIZ: MSC UP FOR
5 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
16 04:38 – 04:48 HOST: GAYA NG NABANGGIT KO KANINA, ANG
ATING LEKSYON NGAYONG ARAW AY TUNGKOL
SA MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
PAGKONSUMO.
17 04:49 – 04:59 KUNIN N’YO NA ANG INYONG LEARNING ACTIVITY
SHEET PARA RITO UPANG MASUNDAN NINYO
ANG ATING RADIO TEACHER NA SI BB. ELNOR
-MORE-
Mga Salik…333
MAE M. BARASBARAS. (PAUSE)
18 05:00 – 05:10 KUNG HANDA NA KAYO, NARITO NA SI TEACHER
MIKAI MULA SA ESCALANTE NATIONAL HIGH
SCHOOL. SA LAHAT NG NASA IKA-SIYAM NA
BAITANG, ITO NA PO ANG ATING IKALIMANG
ARALIN.
19 05:11 – 05:20 BIZ: MSC SEGUE
TO
20 05:21 – 05:30 BIZ: LESSON ID
21 05:31 – 05:36 BIZ: MSC UP FOR
5 SECS AND FADE
UNDER
22 05:37 – 05:47 RADIO TEACHER: HELLO! HELLO! HELLO!
MAGANDANG ARAW SA LAHAT! LALONG-LALO NA
SA MGA MAG-AARAL NG ESCALANTE NATIONAL
HIGH SCHOOL NA NASA IKA-SIYAM NA BAITANG!
23 05:48 – 06:03 AKO ANG INYONG GURO SA ARALING
PANLIPUNAN 9 NA TUMATALAKAY TUNGKOL SA
EKONOMIKS. AT HUWAG KALIMUTAN, ANG AKING
PANGALAN AY SI BB. ELNOR MAE BARASBARAS
O MAAARI NYO RIN AKONG TAWAGING TEACHER
MIKAI.
24 06:04 – 06:07 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
25 06:08 – 06:18 RADIO TEACHER: NOONG NAKARAANG LINGGO
AY TINALAKAY NATIN ANG TUNGKOL SA MGA
SALIK NG PRODUKSIYON. (PAUSE). NAAALALA
NYO PA BA ANG MGA SALIK NG PRODUKSIYON?
(PAUSE).
26 06:19– 06:29 MAGALING! ITO AY ANG LUPA, PAGGAWA,
KAPITAL, AT ENTREPRENEURSHIP. ANO NGA
ANG PANGUNAHING LAYUNIN NG
PRODUKSIYON? (PAUSE).
27 06:30 – 06:40 TAMA! ANG PANGUNAHING LAYUNIN NG
PRODUKSIYON AY ANG PAGKONSUMO NG MGA
TAO. IBIG SABIHIN, MAY PRODUKSIYON
SAPAGKAT MAY PAGKONSUMO.
28 06:41 – 06:45 AT TAMANG-TAMA, SAPAGKAT ANG TATALAKAYIN
NATIN MAMAYA AY TUNGKOL SA PAGKONSUMO.
29 06:46 – 06:49 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
30 06:50 – 07:00 RADIO TEACHER: KUNG NOONG NAKARAAN AY
TINALAKAY NATIN ANG TUNGKOL SA MGA SALIK
NG PRODUKSIYON, NGAYON NAMA’Y PAG-
UUSAPAN NATIN ANG TUNGKOL SA MGA SALIK
NA NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO.
31 07:01 – 07:16 UULITIN KO, ANG ATING TATALAKAYIN AY
TUNGKOL SA MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
PAGKONSUMO. INAASAHAN NATIN NA
PAGKATAPOS NG LEKSYONG ITO AY KAYA N’YO
NANG SURIIN ANG IBA’T-IBANG SALIK NA
NAKAAAPEKTO SA ATING PAGKONSUMO. HANDA
NA BA KAYO?
32 07:17 – 07:20 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
33 07:21 – 07:24 RADIO TEACHER: KUNIN NA ANG INYONG
LEARNING ACTIVITY SHEET AT BALLPEN AT
MAGSISIMULA NA TAYO.
34 07:25 – 07:30 BIZ: MSC UP FOR
5 SECS AND FADE
UNDER (MSC R-6)
35 07:31 – 07:41 RADIO TEACHER: ANG PAG-UUSAPAN NATIN
NGAYON AY MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
PAGKONSUMO. NGUNIT, ALAM NYO BA ANG IBIG
SABIHIN NG SALITANG “KONSUMO” O
“PAGKONSUMO”? SIGE NGA, MAG-ISIP NGA

-MORE-
Mga Salik…444
KAYO?
36 07:42 – 07:52 O MAAARI NYO RING TANUNGIN ANG INYONG
KATABI, KUNG MERON MAN? (PAUSE) OKAY!
ALAM KO NA KAYO AY TALAGANG NAG-ISIP
DYAN.
37 07:53 – 07:56 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND FADE
UNDER (MSC R-6)
38 07:57 – 08:12 RADIO TEACHER: AT UPANG MAS LALO PA
NATING MAINTINDIHAN ANG KAHULUGAN NITO,
TINGNAN NINYO SA UNANG PAHINA NG INYONG
LEARNING ACTIVITY SHEET. MAKIKITA NINYO NA
MAYROONG GAWAIN DYAN. ANG PAMAGAT NG
GAWAIN AY, KONSUMO MO! ILISTA MO!
39 08:13 – 08:23 SIGE, SABAY-SABAY NATING BASAHIN ANG
PANUTO. MAGTALA NG LIMANG MGA BAGAY AT
PRODUKTO NA INYO NANG NAGAMIT,
GINAGAMIT, AT GAGAMITIN PALANG, MAGING
ANG INYONG MAKIKITA SA LOOB NG INYONG
TAHANAN.
40 08:24 – 08:34 UULITIN KO, ILISTA SA INYONG MGA LAS ANG
MGA BAGAY AT PRODUKTO NA INYO NANG
NAGAMIT, GINAGAMIT, AT GAGAMITIN PALANG,
MAGING ANG INYONG MAKIKITA SA LOOB NG
INYONG TAHANAN.
41 08:35 – 08:38 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
42 08:39 – 08:43 RADIO TEACHER: AT HABANG KAYO DYAN AY
NAGLILISTA, SYEMPRE HINDI RIN AKO PAPAHULI.
43 08:44 – 08:47 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
44 08:48 – 08:58 RADIO TEACHER: TAPOS NA BA KAYONG
MAGTALA DYAN? SIGE NGA, SABAY-SABAY
NATING BASAHIN ANG ATING MGA NAITALA.
BIGAS, ULAM, LOAD, LPG, SABON.
45 08:59 – 09:06 ITO ANG MGA BAGAY AT PRODUKTONG AKING
NAITALA. MAGKAPAREHO BA TAYO? (PAUSE)
OKAY, MAY MGA BAGAY NA MAGKAPAREHO
NATING GINAGAMIT, MERON DIN NAMANG HINDI.
46 09:07 – 09:12 BIZ: MSC UP FOR
5 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
47 09:13 – 09:20 RADIO TEACHER: MAGALING! TALAGA NAMANG
NAPAKA COOPERATIVE NG MGA BATANG ITO.
NGAYON, BASAHIN NATING MULI ANG MGA
BAGAY NA ATING ITINALA. (PAUSE)
48 09:21 – 09:26 BASE DYAN, ANO ANG PUMASOK SA IYONG ISIP
NA KAHULUGAN NG SALITANG “PAGKONSUMO”?
49 09:27 – 09:30 BIZ: MSC UP FOR
3 SEC AND UNDER
(MSC R-6)
50 09:31 – 09:46 RADIO TEACHER: MAGALING! ANG
PAGKONSUMO AY ANG PAGBILI O PAGGAMIT NG
PRODUKTO AT SERBISYO. ITO ANG MGA
PRODUKTO AT SERBISYO NA ATING BINIBILI AT
GINAGAMIT SAPAGKAT ITO AY KAILANGAN NATIN
SA ARAW-ARAW NATING PAMUMUHAY.
51 09:47 – 09:50 BIZ: MSC UP FOR
3 SEC AND UNDER
(MSC R-6)
52 09:51 – 10:00 RADIO TEACHER: KAGAYA NG NAITALA NATIN
KANINA, HALIMBAWA NG BIGAS. ANG BIGAS AY
PARTE NA NG ATING PANG-ARAW ARAW NA
PAGKONSUMO SAPAGKAT ITO AY TALAGANG
KAILANGAN NATIN.
53 10:01 – 10:08 KAPAG SI NANAY O SI TATAY O SINUMAN SA
PAMILYA ANG NAGHAHANAPBUHAY, KAPAG
DUMATING NA ANG SAHOD, AY TALAGANG
-MORE-
Mga Salik…555
BUMIBILI SILA NG BIGAS.
54 10:09 – 10:12 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
55 10:13 – 10:20 RADIO TEACHER: NGUNIT ANG TANONG, ALAM
BA NINYO KUNG BAKIT IBA-IBA ANG ATING
KINUKONSUMO? BAKIT MAY MGA BAGAY AT
PRODUKTO TAYONG KINOKONSUMO NA WALA
SA IBA?
56 10:21 – 10:28 AT BAKIT MERON SILA NITO, NGUNIT TAYO
NAMAN AY WALA? BAKIT ‘YONG IBANG TAO AY
MARAMI ANG KONSUMO AT ATIN NAMAN AY
KAUNTI O SAKTO LANG?
57 10:29 – 10:36 BAKIT MAY MGA BAGAY TAYONG NAIS NATING
GAMITIN, O PAGKAIN NA NAIS KAININ, NGUNIT
HINDI MAN LANG NATIN MASUBUKAN? ANO KAYA
SA PALAGAY NIYO ANG DAHILAN NITO? IYON
ANG ATING SUSURIIN SA ATING PAG-AARAL
NGAYON!
58 10:37 – 10:42 BIZ: MSC UP FOR
5 SECS AND
UNDER
59 10:43 – 10:46 RADIO TEACHER: SINASABING ANG LAHAT NG
TAO AY KONSYUMER. SANG-AYON BA KAYO
DYAN? (PAUSE)
60 10:47 – 11:02 ANG PAGKONSUMO AY BAHAGI NA NG BUHAY NG
TAO SIMULA NANG KANIYANG PAGSILANG SA
MUNDO. SIMULA SA GATAS, GAMOT, BITAMINA,
AT IBA PA. HABANG PATULOY TAYONG
NABUBUHAY SA MUNDONG ITO, AY PATULOY DIN
ANG ATING PAGKONSUMO.
61 11:03 – 11:08 BAKIT BA TAYO BUMIBILI NG MGA PRODUKTO AT
SERBISYO? (PAUSE) TAMA! SAPAGKAT ANG MGA
BAGAY NA YAON AY ATING MGA
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN.
62 11:09 – 11:13 ANG NAPAKARAMI NATING PANGANGAILANGAN
AT KAGUSTUHAN ANG SYANG DAHILAN KUNG
BAKIT MAY PAGKONSUMO.
6364 11:14 – 11:17 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
65 11:18 – 11:23 RADIO TEACHER: MAY IBA’T-IBANG SALIK NA
NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO NG ISANG TAO.
ITO ANG MGA SUMUSUNOD:
66 11:24 – 11:34 UNA, PAGBABAGO NG PRESYO. (PAUSE)
PANGALAWA, KITA. (PAUSE) PANGATLO, MGA
INAASAHAN. (PAUSE) PANG-APAT,
PAGKAKAUTANG. (PAUSE) AT ANG PANGHULI,
DEMONSTRATION EFFECT.
67 11:35 – 11:38 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
68 11:39 – 11:49 RADIO TEACHER: NAKUHA BA NINYO? ILANG
SALIK NGA ANG BINANGGIT? (PAUSE) TAMA!
MAYROONG LIMANG SALIK. ANU-ANO NGA ANG
MGA SALIK NA ‘YON? (PAUSE) MAGALING!
69 11:50 – 12:05 UNA, PAGBABAGO NG PRESYO. (PAUSE)
PANGALAWA, KITA. (PAUSE) PANGATLO, MGA
INAASAHAN. (PAUSE) PANG-APAT,
PAGKAKAUTANG. (PAUSE) AT ANG PANGLIMA,
DEMONSTRATION EFFECT.
70 12:06 – 12:09 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
71 12:10 – 12:15 RADIO TEACHER: TINGNAN NINYO SA
IKALAWANG PAHINA NG INYONG LEARNING
ACTIVITY SHEET ANG LISTAHAN NG MGA ITO.
SUNDAN N’YO AKO HABANG TINATALAKAY NATIN
ANG BAWAT ISA.

-MORE-
Mga Salik…666
72 12:16 – 12:19 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER
73 12:20 – 12:30 RADIO TEACHER: ANG UNA AY PAGBABAGO NG
PRESYO. MAY PAGKAKATAON NA NAGIGING
MOTIBASYON O MOTIVATION ANG PRESYO NG
PRODUKTO AT SERBISYO SA PAGKONSUMO NG
ISANG TAO. (PAUSE) PAKINGGAN NATIN ANG
SENARYONG ITO SA PALENGKE. (MAINGAY)
74 12:31 – 12:34 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC
#1/INSERT BG
MSC-MARKET)
75 12:35 – 12:41 NAGTITINDA 1: MGA SUKI, BILI NA KAYO! KARNE
NG BAKA, MURA LANG! PRESYONG PAGKAIBIGAN
LANG ITO, BILI NA!
76 12:42 – 12:47 INDAY: MAGKANO PO ANG KILO NG BAKA?
NAGTITINDA: 350.00 PO ATE. ILANG KILO ANG
BIBILHIN MO?
77 12:48 – 12:58 INDAY: AY! ANG MAHAL NAMAN. NOONG
NAKARAANG LINGGO, 290.00 LANG. SIGE, ¼ LANG
SA’KIN, SALAMAT. DAGDAGAN KO NALANG NG
GULAY DOON SA KABILA.
78 12:59 – 13:02 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC #1)
79 13:03 – 13:18 NAGTITINDA 2 (MEDYO MAY EDAD NA): GULAY!
GULAY KAYO DYAN. PRESKANG-PRESKA AT
MURA LANG! OY, SUKI! BILI KA’NG GULAY? MURA
LANG. ANONG SA’YO? ITONG NAKABALOT NA,
15.00 LANG. TINGNAN MO MARAMI NA TO.
80 13:19 – 13:26 INDAY: AY, SIGE! TATLO BIBILHIN KO PARA
HANGGANG BUKAS NA. DAGDAGAN MO NA RIN
NG SIBUYAS, KAMATIS AT BAWANG.
81 13:27 – 13:30 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (R6 MSC)
82 13:31 – 13:46 RADIO TEACHER: BASE SA SENARYO, KAUNTING
KARNE NG BAKA LANG ANG NABILI SAPAGKAT
MAHAL ITO PARA SA KANIYA. AT MAS MARAMI
ANG GULAY NA KANIYANG NABILI SAPAGKAT
MAS MURA ITO KUMPARA SA PRESYO NG BAKA.
83 13:47 – 14:02 IBIG SABIHIN, MAS MATAAS ANG PAGKONSUMO
KUNG MABABA ANG PRESYO SAMANTALANG
MABABA ANG PAGKONSUMO KAPAG MATAAS
ANG PRESYO.
84 14:03 - 14:13 MAS TINATANGKILIK NG MGA MAMIMILI ANG
PRODUKTO O SERBISYO KAPAG MURA DAHIL
MAS MARAMI SILANG MABIBILI. (PAUSE) SANG-
AYON BA KAYO DITO? (PAUSE)
85 14:14 - 14:17 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (R6 MSC)
86 14:18 – 14:23 RADIO TEACHER: DUMAKO TAYO SA
PANGALAWANG SALIK. KITA O INCOME. PAANO
BA NAKAAAPEKTO ANG KITA SA PAGKONSUMO
NG ISANG TAO?
87 14:24 – 14:29 PAKINGGAN NATIN ANG PAG-UUSAP NG
DALAWANG MAGKAIBIGAN NANG SILA AY
MAGKASALUBONG SA ISANG DEPARTMENT
STORE.
88 14:30 – 14:33 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC #2)
89 14:34– 14:41 KAIBIGAN 1: OY, MARE! KUMUSTA KA NA?
PARANG ANDAMI NATING NABILI NGAYON?
SIGURO NAKA SIDELINE SI MISTER?
90 14:42 – 14:57 KAIBIGAN 2: AY, MARE! ALA EH, IKAW PALA ‘YAN.
AY OO, SA AWA NG DIOS MARE, NA PROMOTE NA
-MORE-
Mga Salik…777
SI MISTER EH. LUMAKI-LAKI NA RIN ANG SAHOD
NIYA, KAYA ITO, ALA EH, MEDYO MARAMI-RAMI
NA RIN ANG AKING NABILING KONSUMO.
91 14:58 – 15:01 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
92 15:02 – 15:12 RADIO TEACHER: BASE SA ATING NAPAKINGGAN,
NAKAKAAPEKTO ANG KITA SA PAGKONSUMO NG
ISANG TAO SAPAGKAT ITO ANG SIYANG
NAGDIDIKTA SA PARAAN NG ATING
PAGKONSUMO.
93 15:13 – 15:18 HABANG LUMALAKI ANG KITA NG TAO AY
LUMALAKI RIN ANG KANIYANG KAKAYAHAN NA
KUMONSUMO NG MGA PRODUKTO AT SERBISYO.
94 15:19 – 15:24 SA KABILANG BANDA, ANG PAGBABA NG KITA AY
NANGANGAHULUGAN NG PAGBABA NG
KAKAYAHANG KUMONSUMO.
95 15:25 – 15:30 KAYA NAMAN, MAPAPANSIN NATIN NA MAS
MARAMING PINAMIMILI ANG MGA TAONG MAY
MALALAKING KITA KUNG IHAHAMBING SA MGA
TAONG MAY MABABANG KITA LAMANG.
96 15:31 – 15:34 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
97 15:35 – 15:42 RADIO TEACHER: NGAYON AY DUMAKO TAYO SA
PANGATLONG SALIK- MGA INAASAHAN. ANO BA
ANG IBIG SABIHIN NG “MGA INAASAHAN”?
(PAUSE)
98 15:43 – 15:53 ITO AY MGA PANGYAYARI NA INAASAHAN NATING
MAGANAP SA HINAHARAP. (PAUSE) PAANO BA
ITO MAKAKAAPEKTO SA ATING PAGKONSUMO?
PAKINGGAN NATIN ITO.
99 15:54 – 15:57 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC #3)
100 15:58 – 16:01 INDAY: BUKSAN KO MUNA ITONG TV AT BAKA
MAGANDA ANG BALITA NGAYON.
101 16:02 – 16: (TV ON MSC
07 EFFECT, INSERT
NEWS MUSIC 5
SEC)
102 16:08 – 16: NEWS REPORTER: MAGANDANG GABI MGA
18 NOYPI. SINABI NG DEPARTMENT OF HEALTH NA
MAGING ALERTO ANG BAWAT ISA, SAPAGKAT
INAASAHAN NA KAKALAT SA BUONG BANSA ANG
VIRUS NA MULA SA BANSANG CHINA, NA KUNG
TAWAGIN NILA AY COVID-19.
103 16:19 – 16: TUMUTOK LANG PALAGI SA P-NOYPI NEWS PARA
22 SA IBA PANG BALITA. (PAUSE. TV OFF)
104 16:23 – 16: INDAY: (NAGPAPANIC) AY! ANO NA BA ITONG
28 NANGYAYARI SA MUNDO! MAY KAKALAT DAW NA
VIRUS. ANO DAW ‘YON? COBID? COVID?
105 16:29 – 16: AY NAKU! BUKAS PUPUNTA AKO NG PHARMACY,
34 BIBILI AKO NG MARAMING ALCOHOL PARA
MAMATAY ANG VIRUS NA YAN! BIBILI RIN AKO NG
MARAMING FACE MASK.
106 16:35 – 16: PUPUNTA RIN AKO NG PALENGKE, DADAMIHAN
40 KO NA ANG PAGBILI NG BIGAS AT MGA DE LATA
AT IBA PANG PWEDE MA KONSUMO NG
PANGMATAGALAN PARA MAPAGHANDAAN KO
ITONG COVID NA ITO.
107 16:41 – 16: BAKA MAGKAUBUSAN PA NG SUPLAY SA
46 PALENGKE. HAY NAKU! NA STRESS AKO DITO.
DONG, KUNIN MO NGA YUNG BP APPARATUS KO
PARANG TUMAAS YONG DUGO KO!
108 16:47 – 16: BIZ: MSC UP FOR
50 3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
109 16:51 – 17:06 RADIO TEACHER: BASE SA SENARYO NA

-MORE-
Mga Salik…888
NARINIG NATIN, MAGKAKAROON DAW NG
OUTBREAK NG COVID 19. KAYA NAMAN, TUMAAS
ANG PAGKONSUMO SA MGA PRODUKTONG
TULAD NG ALCOHOL AT FACEMASK, SAPAGKAT
INAASAHAN NILA NA MAGKAKAROON NG
KAKULANGAN SA SUPLAY NG MGA ITO.
110 17:07 – 17:17 AT HINDI LANG YAN, GAYUNDIN KAPAG IKAW AY
MAY PAGKAKAGASTUSAN SA HINAHARAP,
PINIPILIT MO NA ‘WAG MUNANG GASTUSIN ANG
IYONG PERA AT BINABAWASAN ANG
PAGKONSUMO UPANG MAPAGHANDAAN ANG
MANGYAYARI SA HINAHARAP. MALIWANAG BA?
111 17:18 – 17:21 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
112 17:22 – 17:27 RADIO TEACHER: ANG PANG-APAT NA SALIK AY
ANG PAGKAKAUTANG. PAANO BA ITO
MAKAKAAPEKTO SA ATIN? HETO ANG ISANG
HALIMBAWA.
113 17:28 – 17:31 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC #4)
114 17:32 – 17:37 LOLO (NAGTATAKA): MAHAL, ANO BA ITONG
NANGYARI SA TV NATIN? EH WALANG TAO.
115 17:38 – 17:53 LOLA: AY NAKU, MAHAL! NAKALIMUTAN KONG
SABIHIN SA IYO NA HINDI AKO NAKAPAG LOAD
DAHIL BINAYARAN KO MUNA YUNG KAPITBAHAY
NATIN SA UTANG NATING BIGAS.
116 17:54 – 18:09 SAKA NA TAYO BUMILI NG LOAD PAGDATING NG
PENSION MO. SA SUSUNOD NA ARAW NA YON!
AKO MUNA TINGNAN MO MAHAL, WAG KA PURO
TV DYAN! (MEDYO MAY PAGTATAMPO ANG
BOSES)
117 18:10 – 18:13 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
118 18:14 – 18:24 RADIO TEACHER: OH, DIBA? KAPAG MARAMING
UTANG NA DAPAT BAYARAN ANG ISANG TAO,
MAAARING MAGLAAN SIYA NG BAHAGI NG
KANIYANG SALAPI UPANG IPAMBAYAD DITO.
119 18:25 – 18:30 ITO AY MAGDUDULOT NG PAGBABA SA
KANIYANG PAGKONSUMO DAHIL NABAWASAN
ANG KANIYANG KAKAYAHAN NA MAKABILI NG
PRODUKTO O SERBISYO.
120 18:31 – 18:36 TATAAS NAMAN ANG KAKAYAHAN NIYANG
KUMONSUMO KAPAG KAUNTI NA LAMANG ANG
BINABAYARAN NIYANG UTANG.
121 18:37 – 18:40 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
122 18:41 – 18:51 RADIO TEACHER: ANG PANGHULING SALIK AY
ANG DEMONSTRATION EFFECT. ANG TAO AY
MADALING MAIMPLUWENSIYAHAN SA MGA
ANUNSIYO SA RADYO, TELEBISYON,
PAHAYAGAN, AT MAGING SA INTERNET AT IBA
PANG SOCIAL MEDIA.
123 18:52 – 19:02 GINAGAYA NG MGA TAO ANG KANILANG
NAKIKITA, NARIRINIG, AT NAPAPANOOD SA IBA’T-
IBANG URI NG MEDIA, KAYA NAMAN TUMATAAS
ANG PAGKONSUMO DAHIL SA NASABING SALIK.
124 19:03 – 19:18 ANG MGA TAONG HINDI NAMAN
NAIIMPLUWENSIYAHAN NG NABANGGIT AY MAY
MABABANG PAGKONSUMO LALO NA SA MGA
BAGAY NA USO AT NAPAPANAHON LAMANG.
PAKINGGAN NATIN ANG KWENTO NG ISANG
DALAGITA HABANG SIYA AY ANONOOD NG
TELEBISYON.
125 19:19 – 19:22 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC #5)
-MORE-
Mga Salik…999
126 19:23 – 19:43 DALAGITA: AAAAAY! OH MY GULAY, ANG GANDA
TALAGA NG IDOL KO! AT ANG GANDA PA NG
SUOT NIYANG SAPATOS! NGUNIT PARA ATANG
MAMAHALIN, PERO TINGNAN KO SA LAZAPEE
BAKA MAY CLASS A AKONG MAKITA. ADD TO
CART NA ‘TO! (EXCITED)
127 19:44 – 19:47 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
128 19:48 – 20:03 RADIO TEACHER: ANO ANG NAPANSIN NYO SA
INYONG NARINIG? OO, NAGANDAHAN SIYA SA
SUOT NA SAPATOS NG KANIYANG IDOLO. KAYA
AGAD SYANG NAGHANAP NG KAGAYA NITO SA
ISANG ONLINE SHOP.
129 20:04 – 20:14 IBIG SABIHIN, SIYA AY NAIMPLUWENSIYAHAN NG
KANIYANG NAKITA SA TELEBISYON. AT ‘YON AY
HALIMBAWA NG DEMONSTRATION EFFECT. ALAM
KO NA RELATE TO THE HIGHEST LEVEL KAYO
DITO.
130 20:15 – 20:20 BIZ: MSC UP FOR
5 SECS AND
UNDER (R6
STATION ID)
131 20:21 – 20:36 RADIO TEACHER: MULI, ANG MGA SALIK NA
NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO AY:
PAGBABAGO SA PRESYO, KITA, MGA INAASAHAN,
PAGKAKAUTANG, AT DEMONSTRATION EFFECT.
132 20:37 – 20:44 ITO IYONG MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAG-IIBA
IBA ANG DAMI AT URI NG MGA PRODUKTO AT
SERBISYO NA ATING KINUKONSUMO.
133 20:45 – 20:48 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
134 20:49 – 21:04 RADIO TEACHER: SUBALIT, BAKIT BA NATIN ITO
PINAG-UUSAPAN? BAKIT BA MAHALAGANG
MALAMAN NATIN ANG IBA’T-IBANG SALIK NA
NAKAAAPEKTO SA ATING PAGKONSUMO? ANO
BA ANG EPEKTO NITO SA ATIN?
135 21:05 – 21:20 MAHALAGANG MALAMAN NATIN ITO, SAPAGKAT
MAKATUTULONG ITO UPANG MAKAGAWA TAYO
NG MATALINONG PAGDEDESISYON. KUNG
ANONG MGA PRODUKTO AT SERBISYO ANG
DAPAT NATING BILHIN. KUNG ITO BA AY
PANGANGAILANGAN O KAGUSTUHAN LAMANG.
135 20:21 – 20:26 BIZ: MSC UP FOR
5 SECS AND
UNDER (MSC R-6)
137 20:27 – 20:37 RADIO TEACHER: SANA’Y NAUNAWAN NA NINYO
ANG MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
PAGKONSUMO. KUNG MAY HINDI KAYO
NAUNAWAAN, AY MAAARI KAYONG MAGPADALA
NG MENSAHE SA ATING MGA INILAGAY NA
MOBILE NUMBERS AT FACEBOOK ACCOUNT SA
INYONG MODYUL.
138 20:38 – 20:45 MAKIKITA NYO ITO SA PANGHULING PAHINA.
BABASAHIN KO ANG INYONG MGA KATANUNGAN
AT SASAGUTIN KO ITO PAGKATAPOS NA NG
ATING MAIKLING PAGSUSULIT.
139 20:46 – 20:49 BIZ: MSC UP FOR
3 SEC (MSCR-6)
140 20:50 – 21:00 RADIO TEACHER: NGAYONG TAPOS NA ANG
ATING TALAKAYAN, ORAS NA PARA TASAHIN O
SUKATIN ANG INYONG KAALAMAN UKOL SA MGA
SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO.
(PAUSE).
141 21:01 – 21:11 DUMAKO TAYO SA IKAAPAT NA PAHINA NG ATING
LEARNING ACTIVITY SHEET. MABABASA NATIN
DYAN NA MAYROONG MAIKLING PAGSUSULIT.
MAKINIG NG MABUTI AT BABASAHIN KO ANG
PANUTO.
-MORE-
Mga Salik…101010
142 21:12 – 21:15 BIZ: MSC UP FOR
3 SECS AND FADE
(MSC R-6)
143 21:16 – 21:26 RADIO TEACHER: PANUTO: BASAHIN AT
UNAWAING MABUTI ANG ISINASAAD SA BAWAT
BILANG. TUKUYIN KUNG ANONG SALIK NA
NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO ANG
TINUTUKOY SA BAWAT BILANG. BILUGAN ANG
TITIK NG TAMANG SAGOT.
144 21:27 – 21:32 BIZ: MSC UP FOR
5 SEC (MSC#6)
145 21:33 – 21:50 RADIO TEACHER: PARA SA UNANG BILANG.
(PAUSE, THEN SPEAK SLOWLY)
TUMAAS ANG PRESYO NG BIGAS NA
NAKASANAYAN NAMING BILHIN SA PALENGKE.
KAYA NAMAN MULA SA SAMPUNG KILO NA
BINIBILI NAMIN BAWAT LINGGO AY NAGING
PITONG KILO NALANG ITO.
146 21:51 – 22:06 ULIT, TUMAAS ANG PRESYO NG BIGAS NA
NAKASANAYAN NAMING BILHIN SA PALENGKE.
KAYA NAMAN MULA SA SAMPUNG KILO NA
BINIBILI NAMIN BAWAT LINGGO AY NAGING
PITONG KILO NALANG ITO. ANONG SALIK KAYA
ANG NAKAAPEKTO SA AMING PAGKONSUMO?
147 22:07 – 22:27 A. KITA (PAUSE) B. DEMONSTRATION EFFECT
(PAUSE) C. PAGBABAGO SA PRESYO (PAUSE) D.
PAGKAKAUTANG.
148 22:28 – 22:48 UULITIN KO, A. KITA (PAUSE) B. DEMONSTRATION
EFFECT (PAUSE) C. PAGBABAGO NG PRESYO
(PAUSE) D. PAGKAKAUTANG.
149 22:49 – 22:54 BIZ: MSC UP FOR
5 SEC (MSC#6)
150 22:55 – 23:15 RADIO TEACHER: IKALAWANG BILANG.
INANUNSIYO NG PAGASA NA MAGKAKAROON NG
MALAKAS NA BAGYO SA SUSUNOD NA LINGGO.
KAYA NAMAN, NGAYON PALANG AY DINAMIHAN
NA NI ELVIEN ANG PAGBILI NG KANILANG
IKOKONSUMO PARA MAPAGHANDAAN ANG
DARATING NA BAGYO.
151 23:16 – 23:36 ULIT, INANUNSIYO NG PAGASA NA
MAGKAKAROON NG MALAKAS NA BAGYO SA
SUSUNOD NA LINGGO. KAYA NAMAN, NGAYON
PALANG AY DINAMIHAN NA NI ELVIEN ANG
PAGBILI NG KANILANG IKOKONSUMO PARA
MAPAGHANDAAN ANG DARATING NA BAGYO.
152 23:37 – 23:57 ANONG SALIK ANG NAKAAPEKTO SA KANIYANG
PAGKONSUMO? A. KITA (PAUSE) B. MGA
INAASAHAN (PAUSE) C. PAGKAKAUTANG (PAUSE)
D. PAGBABAGO NG PRESYO (PAUSE).
153 23:58 – 24: UULITIN KO, A. KITA (PAUSE) B. MGA INAASAHAN
18 (PAUSE) C. PAGKAKAUTANG (PAUSE) D.
PAGBABAGO NG PRESYO (PAUSE).
154 24:19 – 24:24 BIZ: MSC UP FOR
5 SEC (MSC#6)
155 24:25 – 24:40 RADIO TEACHER: IKATLONG BILANG. HABANG
NANONOOD NG TELEBISYON SI ATE, NAKITA
NIYA ANG ANUNSIYO NG ISANG PRODUKTO NA
EPEKTIBO SA PAGTANGGAL NG MANTSA. AGAD
SIYANG UMALIS UPANG MAKABILI NITO.
156 24:41 – 24:57 ULIT, HABANG NANONOOD NG TELEBISYON SI
ATE, NAKITA NIYA ANG ANUNSIYO NG ISANG
PRODUKTO NA EPEKTIBO SA PAGTANGGAL NG
MANTSA. AGAD SIYANG UMALIS UPANG MAKABILI
NITO.
157 24:58 – 25:18 ANONG SALIK ANG NAKAAPEKTO KAY ATE? A.
KITA (PAUSE) B. DEMONSTRATION EFFECT
(PAUSE) C. PAGKAKAUTANG (PAUSE) D. MGA
INAASAHAN (PAUSE)
158 24:19 – 24:24 UULITIN KO, A. KITA (PAUSE) B. DEMONSTRATION
EFFECT (PAUSE) C. PAGKAKAUTANG (PAUSE) D.
-MORE-
Mga Salik…111111
MGA INAASAHAN (PAUSE)
159 24:25 – 24:30 BIZ: MSC UP FOR
5 SEC (MSC#6)
160 24:31 – 24:51 RADIO TEACHER: IKA-APAT NA BILANG. MAY
BABAYARANG UTANG ANG INA NG AKING
KAIBIGAN, KAYA HINDI DAW MUNA SIYA
MABIBILHAN NG MGA GAMIT PANG-ESKWELA.
SAKA NALANG DAW PAG WALA NANG
BABAYARANG UTANG ANG KANIYANG INA.
161 24:52 – 25:12 ANONG SALIK ANG NAKAAPEKTO SA AKING
KAIBIGAN AT SA KANIYANG INA? ULIT, MAY
BABAYARANG UTANG ANG INA NG AKING
KAIBIGAN, KAYA HINDI DAW MUNA SIYA
MABIBILHAN NG MGA GAMIT PANG-ESKWELA.
SAKA NALANG DAW PAG WALA NANG
BABAYARANG UTANG ANG KANIYANG INA.
162 25:13 – 25:38 ANONG SALIK ANG NAKAAPEKTO SA AKING
KAIBIGAN AT KANIYANG INA? A.PAGKAKAUTANG
(PAUSE) B. KITA (PAUSE) C. MGA INAASAHAN
(PAUSE) D. PAGBABAGO NG PRESYO (PAUSE).
163 25:39 – 25:59 UULITIN KO ANG CHOICES, A. PAGKAKAUTANG
(PAUSE) B. KITA (PAUSE) C. MGA INAASAHAN
(PAUSE) D. PAGBABAGO NG PRESYO (PAUSE).
164 26:00 – 26:05 BIZ: MSC UP FOR
5 SEC (MSC#6)
165 26:06 – 26:26 RADIO TEACHER: PARA SA IKALIMANG BILANG.
MARAMING MGA NEGOSYANTE ANG APEKTADO
NG PANDEMYANG COVID-19. KAYA NAMAN, MULA
SA SAMPUNG LIBO (10,000) NA KITA NILA KADA
BUWAN AY BUMABA ITO SA LIMANG LIBO (5,000).
KAYA, BUMABA RIN ANG BADYET NILA SA
PAGKONSUMO.
166 26:27 – 26:48 ULIT, MARAMING MGA NEGOSYANTE ANG
APEKTADO NG PANDEMYANG COVID-19. KAYA
NAMAN, MULA SA SAMPUNG LIBO (10,000) NA
KITA NILA KADA BUWAN AY BUMABA ITO SA
LIMANG LIBO (5,000). KAYA, BUMABA RIN ANG
BADYET NILA SA PAGKONSUMO.
167 26:49 – 27: ANONG SALIK ANG NAKAAPEKTO DITO? A.
21 PAGKAKAUTANG (PAUSE) B.DEMONSTRATION
EFFECT (PAUSE) C. KITA (PAUSE) D. PAGBABAGO
NG PRESYO (PAUSE)
168 27:22 – 27:42 UULITIN KO, A. PAGKAKAUTANG (PAUSE)
B.DEMONSTRATION EFFECT (PAUSE) C. KITA
(PAUSE) D. PAGBABAGO NG PRESYO (PAUSE)
169 27:43 – 27:48 BIZ: MSC UP FOR
5 SEC (R-6 CHANT)
170 27:49 – 28:20 RADIO TEACHER: D’YAN NAGTATAPOS ANG
ATING MAIKLING PAGSUSULIT. NASAGUTAN N’YO
BA ANG LAHAT NG TANONG? (PAUSE) MAGALING!
SA SUSUNOD NA LINGGO AY MALALAMAN NINYO
ANG INYONG ISKOR PAGKATAPOS KONG MA
CHECK ANG INYONG MGA LEARNING ACTIVITY
SHEET.
171 28:21 – 28:24 BIZ: MSC UP FOR
3 SECONDS THEN
UNDER (MSC R-6)
172 28:25 – 28:35 RADIO TEACHER: AT UPANG MAS LALO NYO
PANG MAINTINDIHAN AT MAPALAWAK ANG
INYONG KAALAMAN TUNGKOL SA ATING
PAKSANG-ARALIN, SAGUTAN NINYO ANG HULING
GAWAIN NA NASA INYONG LEARNING ACTIVITY
SHEET. MERON DYANG NAKASULAT NA
PAGYAMANIN.
173 28:36 – 28:39 BIZ: MSC UP FOR
3 SEC THEN
UNDER (MSC R-6)
174 28:40 – 28:50 RADIO TEACHER: UULITIN KO, KUNG MAY
TANONG KAYO O NAIS LINAWIN, AY MAGPADALA
NA LAMANG NG MENSAHE SA MGA NUMERONG
-MORE-
NAKASULAT SA INYONG LEARNING ACTIVITY
SHEET O DI KAYA’Y SA AKING MESSENGER.
ILAGAY ANG INYONG PANGALAN UPANG
MAKILALA KO KAYO.
175 28:51 – 28:54 BIZ: MSC UP FOR
3 SECONDS THEN
UNDER (MSC R-6)
176 28:55 – 29:10 RADIO TEACHER: AT DAHIL TAPOS NA TAYO, AY
ORAS NA PARA MAGPAALAM AKO SA INYO. AKO
SI TEACHER MIKAI, ANG INYONG GURO SA
ARALING PANLIPUNAN 9 NA NAGSASABING
“ANUMAN ANG DUMATING NA SULIRANIN, ANG
EDUKASYON AY DAPAT PATULOY PA RIN!”
HANGGANG SA MULI AT MAGANDANG ARAW SA
LAHAT!
177 29:11 – 29:16 BIZ: MSC UP FOR
5 SECONDS (R6
STATION ID)
178 29:17 – 29: HOST: ISANG LEKSYON NA NAMAN ANG ATING
37 NATAPOS. SIGURUHING TUMUTOK SA ATING
PAARALANG PANGHIMPAPAWID NG IKA-SIYAM
NA BAITANG TUWING MYERKULES, MULA ALAS
OTSO NG UMAGA HANGGANG ALAS 5 NG HAPON.
HANGGANG SA MULI, AKO ANG INYONG HOST,
TEACHER RONIE JAVA. LAGING TANDAAN, MAG-
ARAL NANG MABUTI. ITO ANG SUSI NATIN TUNGO
SA ISANG MASAGANANG BUKAS. PAAALAM!
179 29:38 – 30:00 BIZ: MSC UP (R6
STATION ID)

-END-

-MORE-

You might also like